Day 3

Someday We'll Know

-Day 3- 

 

Kung kahapon ay naka.all black ako, ngayon naman ay naisipan kong mag all gray. I made sure as well na nakapagstretching ako ng mabuti bago ako sumabak sa panibagong hike. 

 

Mas malayo ng unti ang trail from the house kaya nag drive na ako. When I got there, I was greeted by one of the locals at nagppresentang maging guide. I politely declined at sinabi ko na lang na familiar na ako with it kahit first time ko lang talaga. Nagstretching muna ulit ako bago ako nagsimula. Maganda naman yung weather kaya easy lang maglakad lakad kahit ba pataas pa lalo ang daan. I found a resting area and the view was different from yesterday. Kabilang side ata kasi ng mountain ito. I sat down and just enjoyed the fresh air. Wala kasing ganito sa Manila. 

 

Nilabas ko muna ang phone ko and opened my notes. May mga naisip kasi akong scenarios or basically storyline na pwede kong gamitin sa recital. 

 

May naramdaman akong dumaan sa likod ko and when I looked back, parang familiar yung hiker. 

 

Nakapagpahinga na din naman ako enough kaya tumayo na din ulit ako and continued sa trail. Halos tatlong oras din ata akong naglalakad until I reached another viewing point. Of course I took some pictures again and this time dala ko na ang aking selfie stick. 

 

Nag 360 pa ako para sulit ang view. And when I checked it, tama nga ako sa hinala ko kasi nahagip sa pagikot ko si ate stranger from yesterday. Parang same lang yung suot niya. Naka.black na cap, white dri fit shirt, leggings and trekking boots. 

 

Medyo scary nga lang ang itsura niya sa nahagip kong shot niya kasi sobrang puti ni ate stranger tapos ang sama pa ng tingin. 

 

Kinilabutan ako pero when I zoomed it in, despite her scary stare, napansin ko ang malungkot na expression sa kanyang mukha. Yung para bang ilang araw ng umiiyak or kulang sa tulog. 

 

Pasimple akong bumalik ng tingin sa view pero hindi ko na siya nakita anywhere. 

 

Hala tumalon ba yun?? 

 

Sumilip pa ako sa ledge kahit wala naman talaga akong makikitang iba kundi mga puno din. Pero kinabahan talaga ako. Baka ung pagcapture ko pa ang maging last known photo ni ate. O kaya naman multo talaga siya? 

 

Potek naman o. Bakit ba ako ganito magisip? 

 

After calming myself sa mga kung ano2ng unnecessary thoughts, nagtuloy na ako maglakad. 

 

I finally reached the end of the trail and I patted myself for a job well done kasi kahit second time ko pa lang talaga maghike ay kinaya ko. I savored the moment muna and siyempre took a lot of pictures pa. When I decided to go back, minalas naman at biglang umulan.  Buti na lang at may resting area na may roof along the way kaya nagmadali akong tumakbo papunta dito. 

 

O sige dadgdagan pa natin ang pagkamalas natin today Winter. 

 

I missed a step kasi sa pagmamadali ko at ayun sumubsob ako sa putikan. Hindi ko alam kung good thing ba na walang ibang tao or bad thing kasi paano ako makakababa nito? 

 

To top it off, I think I sprained my ankle pa. 

 

Ano ba naman yan Winter Kim! 

 

I pushed myself off the ground at tiniis ang sakit hanggang makarating ako sa resting area. Nagpunas na din muna ako ng sarili kasi naman di ba? Amputik. Literal. 

 

I need to do a cold compress sa ankle ko kasi baka lalong lumala ang maga pero saan naman ako kukuha ng ice dito sa bundok? 

 

Half an hour later hindi pa din humihina yung ulan. I checked my phone and yep, as expected walang signal. Eto na nga ata yung sinasabi ni mommy na lapitin ng disgrasya. Baka paguwi ko ng Manila eh hindi na talaga ako palabsin ever. Sad life. 

 

Magiisang oras na ata akong nagaantay na kahit papaano eh humina yung ulan. Wala namang forecasted na bagyo pero bakit ang OA nung lakas ng ulan. I contemplated yet again kung susugod ba ako o magaantay ako. Mga ilang eenie meenie at toss coin muna ang ginawa ko bago ako nakapagdecide to test my limited luck today na makababa ng bundok without additional accidents. Sakto din naman na may nakita akong branch on the ground and sturdy enough naman siya to support my weight. 

 

Dahan dahan akong tumayo at ramdam na ramdam ko ang sakit ng ankle ko. Wag na lang kaya ako bumaba? I'll just be one with the mountains na lang. 

 

Pero no! I can do this. I have to do this. I carefully made my steps down the slippery trail with the help of my trusty tungkod. Slowly but surely, nakarating naman ako pabalik sa viewing point. May ilang hikers na nastuck din kaya nagsisiksikan sila sa may shade. 

 

Despite the heavy rain, naaninag ko ulit si ate stranger sa pinakagilid nung shade. 

 

Bumalik yung kilabot ko kanina kasi nakatayo lang siya at nakatingin ng diretso sa akin. Parang hindi rin siya napapansin nung ibang hikers. 

 

Am I going to be her next victim? 

 

May nagmabuting loob naman at inalalayan ako hanggang makarating ako sa covered area at pinaupo....dun sa katabing pwesto ni ate stranger. 

 

Hindi pa din nawala yung goosebumps lalo't sobrang lapit na niya sa akin. Para kasi talagang hindi siya napapansin nung ibang tao. 

 

Nung medyo tumila na ang ulan at slight na lumiliwanag na ulit tinanong pa ako nung isang guide kung kaya ko naman bang makababa. 

 

"Kaya naman po. Matibay naman po yung nakahanp kong tungkod" 

 

Paakyat pa lang kasi sila nung grupong kasama niya kaya hindi niya din ako matutulungan talaga. Nagpaalam na siya at umalis na sila. Naiwan na lang kaming dalawa ni ate na hindi pa din maalis sa isipan ko na baka multo siya. 

 

Nagpakita na ulit si haring araw and I silently said a prayer kasi gustung gusto ko na din talaga makabalik sa bahay na nirerentahan ko at makapagpahinga. I stood up pero hindi ata nacoordinate ni brain kay legs na gumalaw na at muntik na naman akong matumba. 

 

Akala ko may round two ng pagtutuos namin ng putik pero hindi ako bumagsak kasi may humawak na sa akin. 

 

"D'you have a death wish or something?" Sabi nito and literally I got chills and they're multiplying nung narinig ko ang boses niya. 

 

"Uhm. I... I just w...want to go back" Hala baka naman nauutal ako? 

 

Napailing siya ay inupo ulit ako. Para bang alam na niyang may nangyari sa akin sa taas at chineck niya agad yung ankle ko. How she knew which one was impacted, I don't know. Namamaga na nga talaga siya. And I can already imagine what my mom would say when she sees it. 

 

I felt awkward nung sinimulan na niya itong imassage at napailing na lang ako. 

 

"You're not from here. Are you staying somewhere near the start of the trail?" 

 

"Ugh. Mga one hour away, I think" hindi ko rin kasi napansin gaano katagal yung pagdrive ko kanina papunta. 

 

Binaba na niya ulit ang right foot ko at tinulungan akong tumayo. Medyo nabawasan naman yung sakit. 

 

"Can you try walking?" At ginawa ko nga. Medyo iika ika padin pero manageable naman. Nagpasalamat ako at nagsimula na ulit maglakad. Dahan dahan pa din pero a few meters away muntik na naman akong madulas dahil sa putik. 

 

Speed lang si ate kasi nasa tabi ko na ulit siya. Hindi na siya nagsalita at kinuha na lang niya ang isang braso ko at pinatong sa balikat niya at naglakad na ulit kami hanggang sa makabalik kami sa pinakababa. Tinanguan lang niya yung ibang locals bago humarap sa akin. 

 

"Did you drive here?" 

 

"Yes. My car's over there" sagot ko sabay turo sa aking baby. 

 

Tumango lang siya at tinulungan na ulit ako maglakad hanggang makarating kami kay Ruby. 

 

"Thank you so much for helping me. I'm Winter pala" 

 

"K" 

 

K? As in okay? Or yun na ba yung pangalan niya?

 

She even helped me get to my car and I felt bad kasi sobrang madudumihan ko ang baby ko. When I got inside, nagthank you na lang ulit ako sa kanya bago ko istinart ang kotse. 

 

Then I realized, kahit automatic si Ruby, how am I supposed to step on the gas without putting pressure sa right ankle ko? Baka mainis sa akin ang mga makakasabay ko sa daan at napakabagal ko.

 

Hindi pa naman nakakalayo si ate stranger kaya nakakahiya man at assuming lang ako eh kinapalan ko na ang face ko to ask her if she can drive. 

 

"K?" Mahina kong tawag. At lumingon naman agad siya. So yun nga ang name niya. 

 

"I hope it's not too much to ask but can you drive ba?" 

 

Nakita kong medyo nagdalawang isip siya kaya nagisip na ako ng pwedeng plan b. I was about to message Kuya Mark when she walked back towards the car. 

 

"Where are you staying?" 

 

"The rental house close to the beginner's trail sa may intersection" 

 

I saw kung paano nanlaki ang mata niya and habit na din siguro nitang mag.purse ng lips which I find cute kasi kanina niya pa ginagawa. 

 

After a few minutes, binuksan na niya ang pinto at nilahad ang kamay niya to help me down para lumipat sa passenger's seat. Once we're settled sa loob, she started driving na pero hindi sa direksyon ng pinanggalingan ko siya nagdrive. 

 

I tried not to show na kinakabahan ako. First time ko din naman kasi na magpadrive sa hindi ko pa talaga kilala. 

 

Saglit lang naman yung binyahe namin at nakita kong sa may maliit na pharmacy niya pala kami dinala. Bumaba siya at pumasok sa loob at paglabas niya ay may dala na siyang plastic and some crutches. Binuksan niya yung backdoor para ilagay yung mga binili niya then pumunta na din ulit sa driver's seat. 

 

She reversed the car at nagdrive na towards the same road na dinaan ko kanina. She's from here naman siguro for her to not ask anymore questions about the directions. 

 

Walang nagsasalita sa aming dalawa pero yung utak ko ang ingay. Questions na nahihiya akong itanong kay K, then yung magiging reactions ng parents ko when I tell them what happened to me tapos kung matutuloy ko pa ba ang balak kong pagstay ng isang linggo dito kasi baka sunduin din ako. 

 

Ayoko pa talagang bumalik sa Manila kasi ang tagal ko na din talaga gustong gawin itong solo travel ko. May galit lang ata siguro sa akin ang universe at minalas ako. 

 

Hindi ko na namalayan na nasa tapat na kami ng gate ng bahay. Amazing, how did she know? 

 

Isa pa sa pinagtaka ko ay ang halong gulat at saya ni Kuya Mark sa pagbukas niya ng gate. 

 

Pagkapark kasi ni K, bumaba na siya para kunin yung nga binili niya kanina bago niya ako pagbuksan ng pinto. Binigay niya sa akin yung crutches at tinulungan makalakad hanggang sa loob ng bahay. Nilabas niya din ang laman nung plastic at ice pack pala ito. 

 

Pinanuod ko lang siya na marahang ipinatong sa table ang aking right leg. Tinanggal pa niya ang shoes ko bago niya nilagyan ng ice pack. 

 

Medyo tumirik pa yung mata ko sa relief na naramdaman ko. 

 

After she made sure na maayos ang pagkakalagay niya ng ice pack, tumayo na din ulit siya 

 

"Take it easy okay?" 

 

Para naman akong batang napagalitan dahil sa katangahang nagawa at tumango na lang ako. 

 

Nagpasalamat ulit ako at lumabas na siya ng main door. Pero dahil malaking screen door ito, kita ko pa din yung labas. 

 

I saw how Ate Linda hugged her na para bang naiiyak pa at si Kuya Mark na pinapat ang likod nito. I got curious bakit ganun yung reactions nila then I realized why they were like that. 

 

I heard Ate Linda say, "Welcome home Karina!"

 

 

 

 

tbc...

 

 

 

 

a/n: lemme know your thoughts po.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Hi everyone! I'm really sorry for not updating for more than a month. I really had plans on finishing this chapter sooner but some things got in the way. I hope you still continue to support my works.

Comments

You must be logged in to comment
Burgerking_ 20 streak #1
Chapter 29: We devastated fr😭 but I really hope that these stories will have endings. But I support your decision, author. We'll wait for you
howdoyouknowmee
532 streak #2
Chapter 29: A sad day for au/fics writers and readers indeed. 😔
Coleeee #3
Chapter 28: Wow that's a really long name, yeah I feel like Declan is gonna complain a lot. Ni hindi ata magkakasya sa mga government forms yan 😭 oh and I hope na Winter gets another chance to carry again and successfully carry the baby to term. For Peanut ❤️
ryujinie__
686 streak #4
Chapter 28: Welcome back tor!! 🤍
wnddmks_ 653 streak #5
Chapter 28: Welcome back, tor! I-continue ko na pagbabasa ko neto hehehe
triggeredace
#6
Chapter 28: welcome back po na miss ko to 😭😭😭😭
EzraSeige
#7
welcome back otornim 😭😭😭💙❄️
kwinminjeong
#8
Chapter 20: wadaprik wintot is always at the crime scene deym (may narinig nanaman si sis),,, pero tangina nakakakilabot yung sa chaelisa ha tangina napaisip aq nang malala dun haup
kwinminjeong
#9
Chapter 18: i'm so happy for the both of them 🥹 im glad rin na andyan palagi mga mahal nila sa buhay 😺
kwinminjeong
#10
Chapter 16: TANGINA WTF??? Umiiyak na yung tao 'tor oh... AUQ NAH DI Q N KAYA 🥹 echoz.. sana gumaling na si rinrin pls beh gumising k na need ka na ng asawa mo !!