Day 1

Someday We'll Know

Katatapos ko lang magimpake ng gamit para sa plano kong solo travel. Isang buwan din akong nagpa good shot sa mga parents ko especially kay mom para lang payagan ako. Believer kasi ng pamahiin si mommy na pag graduating student ay iwasan ang pagtravel dahil lapitin ito ng disgrasya. I understand my mother's concern naman kaya naman ilang beses ko siyang inassure na palagi akong magiingat sa pupuntahan ko. Para lang din makampante siya ay sila na ni daddy ang naghanap ng destination ko. Wala naman talaga akong specific na place na gustong puntahan, ang importante ay maganda ang view. Limited sa Luzon lang din ang pwede kong puntahan para just in case eh madali lang akong masusundo if ever. Bilang only child, no choice din naman talaga ako.

 

"Is there really nothing I can do to change your mind anak?" Tanong ni mommy. Kita kong medyo paluha na naman ito.

 

Kaya naman inakbayan ko na siya. "My, I'll be fine. And besides, it's just going to be a week"

 

"A week without me seeing my baby is already a long time" At ayun na nga, umiyak na talaga siya. Pumasok naman ng room si daddy at nakita niyang umiiyak na naman si mommy.

 

"Darling, Winter can take care of herself. I trust her enough na she knows where she can and cannot go"

 

Sabihin na nating daddy's girl ako dahil most of the time talaga, si daddy ang kunsintidor at madaling kausap sa mga bagay bagay. Overprotective lang din siguro si mommy dahil nga nagiisang anak. Babae pa.

 

I come from a well off family. Old money kung ituring. My Lolo Baste ay isang well known businessman at si Lola Martia ay kahit simpleng housewife ay galing din sa mayamang pamilya. May lima silang anak at bunso si daddy sa magkakapatid. May tig.dalawa or tatlong anak ang mga older siblings ni daddy at siya lang ang may only child, bunso pa sa magpipinsan.

 

Coming from that family background, I get everything I wanted to make it simple pero kahit spoiled ako sa kanila never akong nagyabang sa kahit sino or pinamukha sa iba na mayaman ako. Iyon din kasi ang turo sa amin.

 

Homeschooled din ako most of my younger years at nung mag.high school na nga ako ay tsaka ko lang na.experience ang talagang school life. As usual, matagal na diskusyunan na naman ito from my parents. Dad told my mom na I need to branch out and see other people at hindi lang puro ang mga pinsan at tutors ang nakakasama ko. Si mom naman said na she's just scared na may mangyareng masama pag lumabas ako ng bahay. Aminado naman ako na naiingit ako sa mga pinsan ko kapag magkkwento sila about their school and classmates. Yung mga activities na ginagawa nila at mga school events. Kaya naman sobrang ikinatuwa ko nung ginising ako one time ni dad with the news na they already enrolled me sa same school ng mga pinsan ko.

 

Kakagraduate lang ng ibang pinsan namin from high school at tatlo na nga lang kaming papasok. Si Ate Jisoo ay incoming 4th year student habang si Ate Yeri naman ay incoming second year at si ako na incoming first year. Inenjoy ko to the fullest ang pagiging legit na estudyante kaya naman ay kung ano anong clubs ang sinalihan ko. Naging member ako ng volleyball varsity team, music club, debate team, martial arts team miski ang student council ay pinasok ko na din And when I finally graduated from high school, hindi na din surprise to everyone na ako ang valedictorian. I gained a lot of friends pero ang naging best friends ko talaga ay sina Giselle, Ryujin at Lia. Squad goals kaming apat at kami nga din ang mga nasa top ng batch.

 

Pare-pareho din kami ng mga inapplyan na universities at laking tuwa namin ng makapasa kaming lahat dito. Iba iba nga lang ang mga kinuhang courses pero hindi naging hindrance ito para magkita kita padin kami. Naunang nakagraduate sina Giselle at Lia dahil four year course lang ang sa kanila. International Studies graduate si Giselle habang Tourism naman ang tinapos ni Lia. Si Ryujin ay kumuha ng Engineering course at si ako naman ay kumuha ng Conservatory of Music na kurso.

 

Tapos na ako sa lahat ng subjects ko at tanging ang graduation recital na lang ang need kong gawin para makapag march na ko sa graduation. May tatlong buwan pa bago ang target date ko to do it kaya naman naisip kong bumiyahe para makakuha nga ng inspiration.

 

Nang tumahan na si mommy ay nagfamily hug kami bago lumabas ng kwarto ang parentals. Humiga na din ako sa bed at nakatulog na din agad.

 

 

 

-Day 1-

 

I woke up to the sound of my alarm at pagkabangon ay nagstretching muna bago dumiretso sa cr for my morning routine.

 

Pagbaba ko ng kitchen ay nagluluto na ng agahan ang aming kasambahay kaya tinulungan ko na lang itong mag set ng table. Maaga din kasing gumigising ang parents ko kahit weekends.

 

Sakto naman ang baba nila mommy at daddy at sabay sabay na kaming kumaen. Pagkatapos nito ay nagsimula na akong magload ng mga gamit sa kotse. Isang duffle bag, isang backpack, gitara at portable keyboard ang mga dadalhin ko para sa aking first ever solo travel. Nang ready na ang lahat nagpaalam na ako at sinimulan na ang aking biyahe.

 

Gumawa din ako ng playlist habang nagddrive para hindi ako antukin and from time to time ay sumasabay din sa pagkanta. Nagstop over muna ako at inupdate na din ang group chat naming magkakaibigan.

 

#squadgoals

Winter: good morning y'all. otw to the mountains. :)

Ryujin: excited much? take care bro.

Giselle: you really went for it? cant believe tita allowed you to go.

Lia: cool. which mountain?

Winter: @ryujin thanks bro. @giselle did a lot of convincing. mom even cried last night @lia pinatubo or tapulao.

Giselle: hahaha as expected. take care win.

Lia: nice. ingat sa trails. make sure you brought the right equipment.

Ryujin: sino dala mo? si ruby or si cruise?

Winter: ate irene borrowed cruise. nasa shop daw kasi car niya.

Giselle: ah yeah. kaya pala i thought the aston martin was familiar nung dumaan ako sa shop ni kuya the other day.

Lia: #cant relate.

Ryujin: may driver ka kasi @lia kaya di ka talaga makakarelate.

Winter: anyways, imma hit the road again. i'll update y'all when i reach.

 

Bumalik na nga ako sa pagddrive and after two and a half more hours I've finally reached the place my parents booked. Napailing na lang ako when I got out the car. Kasi akala ko they'll book a hotel or something pero they actually rented a whole house! Kaya pala walang nakaregister na name ng establishment sa waze. Agad din naman may lumapit at nagoffer nga na tulungan ako sa mga gamit. I was toured around the house and once everything is settled ay nagiwan na lang sila ng papel with their names and number just in case may kailangan daw ako. Nagpasalamat na lang ako at nung magaabot na ako ng tip ay tinanggihan nila. Sobra sobra pa daw kasi yung nabayad sa renta.

 

May food na din na nakahain and nagugutom na din ako kaya I ate na muna before planning my week. Wala talaga akong itinerary kasi gusto ko maging spontaneous. Like bahala na saan mapadpad basta maganda ang view. After kong kumaen, inikot ko ulit ang bahay. The front of the house was plain like typical na may open space for parking at mga plants pero the back of the house was a different story. May veranda kasi connected to the room I'll be using and the view was just spectacular. You can see the mountains and lots and lots of trees. It was perfect for the ambiance I was looking for.

 

I got my phone out and took a video to share on my social media platforms. Salamat sa magandang signal. Agad agad din nagreact ang mga friends and mga pinsan at ibang in laws ko.

 

@todayis_wendy: nice view.

@irenebaebae: love it. ingat ka wherever you are.

@jennierubyjane: wow. 

@sooyaa__: walang pasabi. 

@jinshin: broooo. sarap tumambay jan ah

@aeaeriu: lezz go there with the squad.

@lia.lia.lia: awesomeeeee

@yerimiese: ganda naman pero mas maganda pa din ako. 

 

May iba pang mga nagiwan ng comments and maganda din ung pagcapture ko pero iba pa din talaga pag you actually see it with your own eyes. Tirik na din yung araw kaya pumasok na ulit ako sa loob. Later na lang ako tatambay pag gabi na. I started unpacking na din at nang makaramdam na nga ng pagod at antok, I decided to take a nap muna.

 

When I woke up madilim na ang paligid. Medyo nagulat pa ako waking up to an unfamiliar place.

 

Anyway, bumangon na ako at bumaba. I was told na the caretakers were given a list of grocery items to buy to supply the house. So I checked the ref to see anong pwede kong lutuin. After contemplating, yung pinakamadali na lang niluto ko dahil gutom na din ako.

 

Pagkatapos kong kumaen, inakyat ko sa room ang dala kong cooler na may lamang beer. Nilabas ko rin sa veranda ang gitara ko just in case maisipan kong tumugtog. Naka.set up na ang lahat para sa aking pagmuni muni.

 

Malamig din yung hangin and for a moment, naisip kong parang masarap ang may ka.hug. Eme lang.

 

Maganda ang weather kaya madaming stars. If my friends were here for sure kanina pa kami nagiinom pero I'm here to have my me time.

 

Away from everyone.

 

Not that I'm running from anything or anyone. For the longest time kasi, everytime we go out of town kasama palagi ang family or friends ko. Kaya din talagang pinilit kong matuloy itong plano kong mapagisa. To clear my mind of any possible distraction cause I want my recital to be perfect.

 

I've been thinking of a theme for the songs pero I realized habang naglilista ako eh puro love songs ang nalagay ko. Hindi naman ako in love or heart broken. Wala din naman akong nagugustuhan sa ngayon.

 

Is this a sign or something na time na para makahanap ng mamahalin? I mean, I've only been in a relationship twice. And hindi mo pa nga talaga icoconsider na relationship yun kasi months lang ang tinagal. Both ended in good terms din so no regrets whatsoever. Hindi pa lang siguro time and I was focused on school stuff as well.

 

Gusto ko din na if ever I do meet someone and be in a relationship with that person, siya na talaga. Pero hindi rin naman ako nagmamadali. Sabi nga nila, huwag mong hanapin ang taong para sa iyo dahil ang universe na mismo ang gagawa ng paraan para magkakilala kayo.

 

After kong ayusin ang mga gamit ko, naligo na din ako. I wanted to walk around tomorrow so I need to prep myself. Chineck ko na ulit ang mga dadalhin ko and once okay na ang lahat at natuyo na ang hair ko, natulog na din ako.

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chaelisa_chaelisa
Hi everyone! I'm really sorry for not updating for more than a month. I really had plans on finishing this chapter sooner but some things got in the way. I hope you still continue to support my works.

Comments

You must be logged in to comment
Burgerking_ 20 streak #1
Chapter 29: We devastated fr😭 but I really hope that these stories will have endings. But I support your decision, author. We'll wait for you
howdoyouknowmee
532 streak #2
Chapter 29: A sad day for au/fics writers and readers indeed. 😔
Coleeee #3
Chapter 28: Wow that's a really long name, yeah I feel like Declan is gonna complain a lot. Ni hindi ata magkakasya sa mga government forms yan 😭 oh and I hope na Winter gets another chance to carry again and successfully carry the baby to term. For Peanut ❤️
ryujinie__
686 streak #4
Chapter 28: Welcome back tor!! 🤍
wnddmks_ 653 streak #5
Chapter 28: Welcome back, tor! I-continue ko na pagbabasa ko neto hehehe
triggeredace
#6
Chapter 28: welcome back po na miss ko to 😭😭😭😭
EzraSeige
#7
welcome back otornim 😭😭😭💙❄️
kwinminjeong
#8
Chapter 20: wadaprik wintot is always at the crime scene deym (may narinig nanaman si sis),,, pero tangina nakakakilabot yung sa chaelisa ha tangina napaisip aq nang malala dun haup
kwinminjeong
#9
Chapter 18: i'm so happy for the both of them 🥹 im glad rin na andyan palagi mga mahal nila sa buhay 😺
kwinminjeong
#10
Chapter 16: TANGINA WTF??? Umiiyak na yung tao 'tor oh... AUQ NAH DI Q N KAYA 🥹 echoz.. sana gumaling na si rinrin pls beh gumising k na need ka na ng asawa mo !!