'08 #SaturdayShenanigans

First Sem: Finals Assessment

Winter's


Madali lang naman pala yung kailangang gawin sa project ni karina, mabilis lang kami natapos kagabi. Sabado ngayon at hindi ko alam kung kasama ba ang weekends dun sa project nila, may lakad din kasi ako ngayon. Itatanong ko na nga lang para sigurado.

 

Message

Karina Yu

To Karina Yu: karina?

From Karina Yu: hey winter

To Karina Yu: good morning pala

may nakalimutan ulit ako itanong kagabi hehe sorry

From Karina Yu: good morning, ok lang, what is it?

To Karina Yu: counted ba yung weekends sa project nyo?

From Karina Yu: oh that, it depend kasi eh

     pero if isasama ko yung weekends mabilis matatapos

     may other works din kasi sa ibang subjects diba

To Karina Yu: ahh oks oks sige

From Karina Yu: why?

 

Tama nga naman, mapapabilis nga naman kung kasama ang weekends. 

Isasama ko ba 'to? Bahala na nga.

 

To Karina Yu: busy ka ba?

From Karina Yu: hindi naman, what's the matter pala?

To Karina Yu: may lakad kasi ako ngayon, isama na lang natin yung weekends para mabilis matapos yang project mo

ah kaya ano, gusto mo ba sumama? 

From Karina Yu: sure ka, okay lang if isama weekends?

To Karina Yu: oo, baka kasi mahirapan ka dahil may gawain din sa ibang subjects

From Karina Yu: you don't have to but thanks winter :)

     and sige, sama ako, para mas accurate yung inputs ko sa daily logs

To Karina Yu: oks, wear something comfortable lang

From Karina Yu: alright, where will we meet? sa cafe ulit?

To Karina Yu: kung okay lang sayo, sige dun na lang ulit, mga 10?

grab ka lang ulit papunta?

From Karina Yu: sure. yeah, wala pa kasi yung driver namin, nasa leave pa

     see you, winter :)

To Karina Yu: see you, karina :))

 

Dapat pala sinundo ko na lang siya sa kanila, dala ko naman 'tong auto ni papa, gagastos pa tuloy yun. 

Pero mukha naman siyang good mood, bakit gumagamit na din 'to ng smiley face? 

 

***

 

Nagpark lang ako sa labas nung cafe tapos pumasok na ako sa loob, umorder muna ako ng iced coffee tapos hinanap ko kung nasaan siya. Nakita ko siya dun sa spot na inupuan namin kagabi, parang nagscroll lang sa phone niya, di niya pa siguro alam na nandito na ako. Pagkabigay sakin nung order ko, naglakad na ako papunta dun sa table nya. 

"Sorry, ako naman ngayon yung late." kamot ulo kong sabi sa kanya, napangiti pa ako ng alanganin kasi medyo nakakahiya pala, baka kanina pa siya nandito eh.

"No, it's fine. Edi quits na tayo." sabi niya at ngumiti sakin.

Totoo nga yung sabi nila, maganda nga talaga si karina, lalo na pag nakangiti.

"Ah, iced coffee pala, pambawi lang kasi pinaghintay kita." sabi ko at nginitian ko na rin siya, tinanggap niya naman yung binigay ko.

Ayos lang naman siguro na kaibiganin ko siya diba? Isang buwan din kaming magkakasama para sa project niya, ang panget naman yata kung nagkakailangan kami.

"Winter? Winter!" napakurap ako at napatingin sa kanya. "Are you okay?" tanong nya sakin.

"Ah, oo. May naisip lang sensya na." alanganing sagot ko sa kanya. Napatingin ako sa oras ng cafe at 10:18 na din.

"So, aalis na ba tayo?" tanong niya sakin habang nag-aayos na ng gamit niya, napansin niya sigurong tumingin ako sa orasan.

"Kung okay lang sayo? Para di rin tayo gabihin." sabi ko sa kanya, saglit lang din naman kasi talaga 'tong lakad ko.

"Sure, let's go?" sabi niya at tumayo na, ngayon ko lang napansin na nakapants at croptop siya, sakto lang yun sa pupuntahan namin, mukha namang komportable siya. 

Naglakad na kami palabas ng cafe, pinagbuksan ko siya ng pinto at pinaunang makalabas, medyo mainit na pala dahil magta-tanghalian na rin.

"We're going to commute ba? I can book us sa grab." tanong niya sakin habang nag-tap sa phone niya.

"Ah hindi, may dala akong auto." parang gulat siyang napatingin sa sinabi ko.

"You have a car pala?" tanong niya sakin.

"Wala ah, hiniram ko lang yun kay papa. Buti nga wala siyang pasok ngayon eh." paliwanag ko sa kanya.

"Oh, okay. San ka nagpark?" tanong niya ulit sakin, medyo malayo pala sa entrance yung pinagparkan ko. 

"Dito ka na lang kaya? Hintayin mo na lang ako, ang init kasi eh." sabi ko sa kanya, nakakahiya naman kasi parang di siya sanay mainitan eh. 

"Para kang sira." at natawa siya ng konti, "Lalakad lang naman tayo ng slight ah?" natatawa niya pa ring sinabi sakin.

"De, ano, baka kasi ayaw mo mainitan, naiwan ko kasi sa kotse yung payong." natawa na din ako at napakamot ng ulo.

"It's fine, ano ka ba. Tara na." sabi niya at naglakad na lang kami papunta dun sa ford territory ni papa.

Pagkapasok namin inalok ko siya ng tubig, yung bottled water tsaka tissue, natawa lang ulit siya ng konti at okay lang daw siya. 

"Nice car." sabi niya habang nagb-buckle ng seatbelt. 

"Salamat, oks ka na?" sabi ko sa kanya at inistart na yung kotse, nakita ko naman na tumango siya. "Connect mo na lang phone mo kung gusto mo soundtrip." sabi ko sa kanya at nagdrive na. 

Di naman masyadong malayo yung pupuntahan namin kaya mabilis lang 'to. 

Tahimik lang kami sa byahe, pero di naman awkward, yung komportableng tahimik, ganun. 10 minutes na din siguro nung umalis kami sa cafe at nasa intersection kami ngayon, nakahinto sa stoplight.

"Winter." narinig kong tawag niya.

"Hmm, ano yon?" sagot ko at saglit na nilingon siya tapos balik sa daan ulit.

"I forgot to ask, pero saan tayo pupunta?" nahihiya niyang tanong. 

"Ah hindi ko rin pala nasabi, pero pupunta tayo sa lola ko." sabi ko at nilingon ko siya, pagbalik ng tingin ko sa daan, go signal na kaya umandar na ulit kami. 

Natahimik naman si karina, nililingon ko siya paminsan-minsan at parang di siya mapakali. May nasabi ba akong mali? 

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya habang focus pa rin sa pagddrive. 

"Ikaw kasi!" sabi niya at hinampas ako ng mahina sa braso. 

"Hala? Bakit ako?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"I thought casual na lakad lang, personal lakad pala! Baka makaistorbo ako sa bond nyo ng lola mo." sabi niya sakin at napatawa ako, kung alam mo lang, nako.

"Relax lang, cool kaya lola ko, tignan mo pagdating natin dun." natatawa kong sabi sa kanya, nilingon ko ulit siya saglit at natawa na lang ako sa isip ko sa itsura niya. 

Nakakunot kasi yung noo niya tapos nilalaro yung mga daliri niya, baka nag-aalala sa impression na mabibigay niya sa lola ko. 

All goods lang naman, mas matutuwa pa nga si nanay kapag nalaman niyang may bago akong kaibigan. Si boss gi kasi matagal niya ng kilala, nung pinakilala ko si hyunjin at ryujin sa kanya nung nagsimula ang klase, natuwa siya dun sa dalawa. Lagi na din nila ako kinukulit na pumunta kay nanay kapag maluwag sa time, patay gutom kasi yung mga tropa 'kong yon. Alam nyo kung bakit? Solid kasi magluto si nanay eh, ayun tuloy. Tuwang tuwa sya dun sa tatlong itlog kaya alam 'kong ayos lang sa kanya na isama ko si karina.

 

 

     

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chillggstan
hello!

first of all i want to say sorry, i've been on writer's block the past few weeks. thank you for waiting and understanding, enjoy the update! be safe! :))

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 32: author balik ka na pls
ryujinie__
684 streak #2
Chapter 32: Miss u 😓
ramramreads
#3
Chapter 32: Miss u pi
EzraSeige
#4
Time to relapse eme. Miss ko na si Cael at Rina rold 😣😢💙❄
fifth_
#5
tao po? may tao po ba?
soyiesows #6
Chapter 32: updateeee
yeppeungom
#7
Ganda nito kaso na ghost ata.
wnddmks_ 651 streak #8
Chapter 31: Hala ang ganda neto natapos ko na pero no pressure sayo, otor!!
wenrene22
#9
Chapter 32: re-reading again, hnggg...i miss this, huhu. =’ [
ryujinie__
684 streak #10
rereading, imyyy ❤️