'11 biogesic

First Sem: Finals Assessment

Winter's


"Okay, girls. Huddle na." sabi samin ni coach byul nung makita nyang halos tapos na ang lahat maligo.

Lumapit naman kami sa tinurong pwesto ni coach at umupo sa sahig, parang nakapabilog kami kay coach na nakaupo sa first level ng bleachers. Kakatapos lang ng training namin at parang natatakot na ko sa mga susunod na araw kasi ang light lang ng training ngayon, baka mamaya yung mga susunod di na ako makalabas ng buhay dito sa gym.

"So, nakalipat na ba kayo lahat sa dorms?" tanong niya samin, nagsisagutan naman kami, yung iba tumango lang din. 

"Wala ba kayong problems sa roommates assignment?" dagdag nya ulit na tanong samin. "Capt?" 

"Wala pa naman pong lumalapit sakin so far, coach." sagot ko sa kanya, mukhang okay naman buong team sa arrangements kasi wala namang nagsasabi sakin.

"Okay, good. So one last announcement before ko kayo pauuwin, diba alam nyo naman na one and a half month na lang tapos holiday break na?" nag-aabang lang kami sa susunod niyang sasabihin, nakita ko pa si yves na medyo nakanganga. 

"Kailangan natin sulitin yun dahil pagbalik ng holiday break ay tournament na so for the whole one and a half month wala tayong magiging break sa training." nakita ko namang nanlumo yung mukha ng mga kabatch ko, yung mga seniors naman parang nasa mukha nila yung 'sabi ko na eh' na reaksyon, parang alam na nilang mangyayari 'to. 

"Naranasan din namin yan, ang papanget nyo." sabi ni yves kaya tumawa yung mga seniors sa sinabi nya, "Kain na lang tayo, libre ng seniors." dagdag nya pa.

"Gagastos ka na lang mandadamay ka pa." natawa kaming lahat sa sinabi ni jinsoul na isa rin sa seniors. 

Nag-ayos lang kami lahat at nagpaalam na kay coach, nagsabi ako sa kanila na susunod ako dahil may pupuntahan lang ako. Syempre di nawala yung pang-aasar nila, parang mga gago eh kikitain ko lang naman si karina para sa project nya.

 

 

***

 

 

Nauna ako dito sa usual cafe na kitaan namin, nagtataka nga ako kasi parang wala namang estudyante na pumupunta kahit ang lapit sa school o baka magaling lang talaga kami magtiming ng pagkikita nitong si karina? Umorder na lang muna ako ng iced coffee nya, di na ako umorder nung sakin kasi bawal na daw simula ngayon yung mga sweets at kung ano pa sabi ni coach. Pero wala rin ako sa mood ngayon, parang gusto ko kasing magpapayat para mas magaan sa laro.

Umupo muna ako usual spot namin habang hinihintay yung order, nilabas ko yung notes ko sa pre-cal, irereview ko lang ulit kasi may quiz kami don bukas. Ilang minutes lang din, tinawag na ako sa counter kaya tumayo na ako. Pagkakuha ko nung iced coffee saktong nahagip ng mata ko yung dalawang taong nag-uusap sa labas, si karina yun tapos yung lalaki di ko masyadong makita yung mukha pero parang si jeno, yung student council member din. 

Bumalik na lang ako sa table namin at hinintay siya, saglit lang din siya nakipag-usap at pumasok na sa cafe pero nakita kong may bitbit na siyang chocolates.

Parang nagulat pa siya at medyo tinago yung chocolates, natatakot siguro asarin ko siya pero wala naman siyang magagawa.

"Naks, grabe ka na talaga idol." biro ko sa kanya pagkaupo niya. 

"Shut up, winter." sabi niya at umirap sakin kaya natawa na lang ako. 

Nilabas nya naman yung mga sheets ng daily log pra maumpisahan na namin yung fill-up at matapos na, anong oras na din kasi tapos babalik pa ako sa dorm, may curfew kasi. Si karina din uuwi pa sa kanila, kahit na nakabalik na yung driver nila syempre gabi na din. 

"You didn't order anything?" tanong niya sakin.

"Bawal na daw sabi ni coach." sabi ko sa kanya, di ko namalayang nakapout na pala ako, kaya napaayos na ako ng upo.

Nilabas nya na lang yung iba pang kailangan at nagsimula nanaman kami sa parang pa-interview nito ni karina sa mga ganap sa buhay ko ngayon.

 

Maayos naman kami natapos, mabilis lang naman kasi talaga gawin yung project ni karina, need lang namin magkita para mas maayos lang yung details na ilalagay niya. Kakalabas lang namin nung cafe at dito niya na ata hihintayin yung driver nila kaso ang panget naman kung iiwan ko siya dito, ang gago ko naman non.

"Oh, why are you here pa?" tanong niya sakin kasi nakatayo pa rin ako dito.

"Ang panget naman kung iiwanan kita dito." natatawa kong sabi sa kanya.

"Winter, I swear. I can handle myself." sabi niya at inirapan pa ko, may pagkamsungit talaga 'tong si karina no? Napapansin ko lang nitong mga nakaraan. 

"Alam ko. Wala lang di lang ako sanay." kalmado kong sagot sa kanya, natahimik na lang kami habang naghihintay.

"Hey, sige na, may curfew kayo diba?" pilit niya sakin, eh ayoko nga kasi nga di talaga ako sanay na hindi ko nasisigurado safety niya. Kahit kila giselle ganto ako, minsan nga ako pa mismo naghahatid sa kanila, wala lang gusto ko lang safe sila.

"Ayos lang yun, magsasabi na lang ako kila yves." sabi ko at kinuha yung cellphone ko para itext yung teammate ko.

"Ang pasaway mo, first day na first day mo sa dorm then ganto." sabi niya sakin kaya natawa na lang ako, para siyang si ate kapag pinapagalitan ako.

"Okay sige, sama ka na lang sakin." sabi ko sa kanya at nakita kong tumaas yung kilay nya.

"Where?" tanong niya sakin.

"Eh pinapaalis mo 'ko kasi macucurfew ako, edi dun ka na lang sa school magpasundo, dun din naman yung dorm." oh diba, winter big brain. 

"No, I'm fine nga lang kasi dito." pagmamatigas niya, hays no choice ako kundi gamitin 'to. 

"Sige na, please? Di kasi talaga ako sanay eh." at nagpout na ako onti, walang nakakahindi sa cuteness kong 'to, kahit si ate nga nauuto ko sa ganto, mukha daw kasi akong puppy na husky. Nakita kong namula yung tenga ni karina, nilalamig na din siguro 'to, di ko siya makita kasi nakaside view siya eh. 

"Fine." sabi niya, kitams sabi na bibigay sa cuteness ko eh.

"Yun! Tara na." sabay na kaming naglakad papuntang school, nasa outer part ako nung sidewalk, in case lang na may mantrip samin. Saglit lang naman yung lakad namin dahil malapit lang sa school yung cafe, 3-5 mins walk lang. 

"I'll stay here na lang." sabi niya pagkapasok namin ng gate, sa tabi kasi nung gate ng school namin dorm na namin, magsasabi lang ako kay ate guard na hihintayin ko lang masundo si karina tapos aakyat na ko sa room. 

Pumayag naman si ate guard, nasa literal na tapat lang din naman daw kasi ako. Pagbalik ko kay karina ay kakababa nya lang nung cellphone niya. 

"Sabi ni kuya pancho nasa cafe na daw siya." sabi nito sakin.

"Oh tara na, labas na tayo." aya ko sa kanya at naglakad palabas ng school gate. Sakto din namang dumating na yung driver nila dala dala yung mitsubishi outlander. Binuksan ko yung pinto at pumasok na si karina sa loob. 

"Thanks, winter." sabi niya at ngumiti sakin, nakababa kasi yung car window.

Mas bagay pala nakangiti sa kanya.

Ngumiti lang ako pabalik sa kanya at bumaling sa driver nila.

"Drive safely po." sabi ko at ngumiti din dito sabay saludo ng konti, natatawa 'tong tumango naman 'to sakin at lumayo na ako sa kotse, tinaas nya na din yung windows at umalis na. 

 

Binati ko lang ulit si ate guard tapos naglog na ako. Nakasalubong ko si yves na umiinom ng tubig, dito kasi sa 1st floor room nila ni jinsoul.

"Ay yung pagkain mo nasa room nyo na. Pinaakyat ko na kay heejin." 

"Thanks, co-capt. Akyat na ko sa room." sabi ko sa kanya.

"No problem, capt." sabi niya at nagfist bump lang kami. 

Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin si heejin na kumakain pa rin kaya tumabi ako sa kanya tapos binigay nya yung sinabi ni yves na pagkain ko daw. Nilunok nya yung kinakain nya tapos uminom siya ng tubig. Kumagat naman ako dun sa chicken burger na binili nila, nakakagutom din pala yung paggawa ng project ni karina.

"Ikaw ah, kita ko yon." nang-aasar na sabi niya, di ko na lang siya pinansin kasi kumagat ulit ako sa burger, taena gutom nga ako.

"May pasaludo ka pa. Dinaig mo pa si john lloyd sa pag-iingat kay karina, biogesic yarn? Jowa mo yun, 'no?" walang preno niyang sabi kaya nabulunan ako.

"HAHAHAHAHAHA gago winter, ito tubig oh, wag ka muna mamatay." tawang tawa siyang nag-abot ng tubig sakin, sinamaan ko lang siya ng tingin habang umiinom ng tubig.

"Tarantado ka talaga." sabi ko na lang sa kanya nung nalunok ko na yung kinakain ko, mas lalo lang naman siyang tumawa.

Di ka sana makahinga. Gago talaga 'to, may balak atang patayin ako dahil pasmado bibig niya. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chillggstan
hello!

first of all i want to say sorry, i've been on writer's block the past few weeks. thank you for waiting and understanding, enjoy the update! be safe! :))

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 32: author balik ka na pls
ryujinie__
694 streak #2
Chapter 32: Miss u 😓
ramramreads
#3
Chapter 32: Miss u pi
EzraSeige
#4
Time to relapse eme. Miss ko na si Cael at Rina rold 😣😢💙❄
fifth_
#5
tao po? may tao po ba?
soyiesows #6
Chapter 32: updateeee
yeppeungom
#7
Ganda nito kaso na ghost ata.
wnddmks_ 661 streak #8
Chapter 31: Hala ang ganda neto natapos ko na pero no pressure sayo, otor!!
wenrene22
#9
Chapter 32: re-reading again, hnggg...i miss this, huhu. =’ [
ryujinie__
694 streak #10
rereading, imyyy ❤️