'13 huli pero di kulong

First Sem: Finals Assessment

Winter's


Kasama ko ngayong naglalakad si rj papuntang gym, manonood daw siya ng training namin, sila jin at gi din daw manonood. Hinayaan ko na lang naman sila kasi baka wala pa talaga sila sa mood umuwi. Si rj lang naman nakatira samin sa labas ng school dahil nasa school dorm kami nila giselle at hyunjin dahil athlete, nagdecide kasi ata yung school na idorm na yung lahat ng athletes for preparations sa ISAA. 

Si rj nakacondo lang naman yan, di naman malayo dito sa school mga 10-15 mins lang. Tapos yung dalawa, magkakatabi lang kami ng dorm building. 

Ang pinagtataka ko lang ngayon habang naglalakad kami ni rj papuntang gym eh yung mga tingin ng students samin. 

Bakit ganon sila makatingin?

Uy wala akong ginagawang masama ah. Wala nga akong kilala dito bukod sa teammates ko tapos yung tatlo kong kaibigang bonak tapos yung mga kaibigan lang ni karina.

"Gago ter, may ginawa ka ba?" pabulong na tanong sakin ni rj.

"Ano naman gagawin ko? Wala nga akong kilala dito kundi kayo." pabulong kong sagot sa kanya.

"Eh bat ganyan sila makatingin satin?" tanong niya ulit.

"Hindi ko rin alam, bat ako tinatanong mo eh magkasama tayo bonak." sagot ko ulit sa kanya.

"Ay siguro ngayon lang nila nakita cuteness nating dalawa." natatawang bulong niya, binatukan ko lang siya at inunahan na sa paglalakad. 

Napakataas talaga ng confidence nitong mokong na 'to, palibhasa alam nyang madaming nababaliw sa kanya lalo na pag humahampas siya sa drum kit niya eh. Babaero talaga yan si rj, friendly lang daw siya pero ang harot makipag-interact, dati lang naman yon. Malakas amats niyan sa kambal ni jin eh, di ko naman siya masisisi kasi ang perfect ni yeji, parang ang hirap nga abutin ng ganon eh. Malakas lang talaga loob nitong kaibigan ko tsaka makapal mukha. Kaso nahihirapan siya kasi nga ang panget ng reputasyon niya pagdating sa relationships, bonak kasi. 

Medyo naiirita na 'ko kasi kahit saan kami lumiko para umiwas sa tao, may tumitingin pa rin samin ng iba pag kasalubong namin. Eh ni hindi ko nga alam kung anong meron, buti na lang medyo malapit na din kami sa gym.

 

"Andyan na pala ang matinik nating captain!" 

Yan ang bungad ni yves pagkapasok namin ni rj sa gym, umapir lang sa kanya si rj at umupo na sa bleachers. Nagfistbump lang kami tapos dumiretso na ko sa locker room para ayusin yung mga gamit ko. Nung nakapagpalit na ako, lumabas na ulit ako sa court tapos umupo ako saglit malapit kay rj. 

"Asan yung dalawa?" tanong ko sa kanya.

"Male-late lang daw ng onti, may ipapasa lang daw sa faculty." sagot ni rj sakin. 

"Capt! Ikaw ha, kaya pala ha." mapang-asar ang tono ni heejin na kinakausap ako, napakunot lang naman yung noo ko. 

Anong meron ba talaga? 

"Hindi mo alam?" tanong ni jinsoul sakin.

"Hindi alam yung ano?" tanong ko pabalik sa kanya habang nakakunot pa rin yun noo ko.

"Check nyo twitter, capt." sabi ni minnie, isa sa mga seniors din. 

Siniko ko lang naman si rj kasi nasama ko yung phone dun sa bag kaya wala sakin ngayon, nandun sa locker. 

"Alam ko na bakit tayo pinagtitinginan kanina." sabi ni rj habang nakatingin sa cellphone niya. 

Nagscroll pa siya at naghihintay lang ako para ipakita nya kung ano yung nakita niya, nacucurious na ko eh.

"Oh boss, tignan mo kung bakit." sabi ni rj at inabot sakin yung cellphone niya. 

Anak ng tinapa.

Ang papanget naman kabonding ng mga 'to.

Di ko naman alam na may kongregasyon ng marites dito sa school namin.

Alam nyo ba yung mga confession s account ng isang school? 

Ayun pare, nandun pala yung dahilan kung bakit pinagtitinginan kami ni rj kanina. 

 

Ms. Student Council K and Team Captain W. 

Yan lang naman yung caption nung tweet. 

Dalawang tweet pa tapos may mga picture pang kasama. 

 

Isang linggo na namin ginagawa ni karina yung project nya, yung mga picture sa tweet puro picture namin na magkaharap sa cafe. Grabe ang marites nation dito sa school, nakatalikod si karina sa lahat ng picture pero nakilala pa rin nila. 

Pag-angat ko ng tingin sa mga teammates ko halos lahat sila mapang-asar na nakangiti sakin. 

Di ko na lang sila pinansin at tinignan ko ulit yung tweet. Ang daming positive comments pero mas nangibabaw yung negative.

Paano kung gawan nila ng issue si karina dahil sakin?

Baka masira ko pa yung image ni karina kung sakali. 

Ah, tangina naman kasi.

Napaisip na tuloy ako kung anong pwedeng gawin nung iba. Alam ko naman kasi yung mga rumors tungkol sakin dito sa school. Di ko naman alam kung saan nila nakukuha yun kasi nga wala naman akong ibang kaibigan? Wala rin namang lumalapit sakin kaya hindi ko alam kung bakit ang sama ng image ko.

Ang pinag-aalala ko lang, si karina. Baka kasi makasama sa kanya na nalaman halos ng buong school na nagkakasama kami. 

Mamaya pati sa kanya mag-iba yung iniisip ng mga tao. 

Napatitig na lang ako sa sapatos ko, ang daming tumatakbo sa isip ko. 

"Ikaw capt ah. Huli ka pero di kulong." narinig kong pang-aasar ni heejin. 

Di ko na lang siya pinansin. 

Okay lang kaya kay karina na nalaman ng school? 

Nakita niya na ba?

Alam niya na kayang may ganito? 

Ang gago kasi ng mga tao dito, isinabuhay ang pagiging marites. 

Naramdaman kong siniko ako ni rj at nginuso yung court, dumating na pala si coach byul, di ko napansin.

Mamaya ko na nga iintindihin, magkikita din naman kami ni karina pagkatapos ko sa training. 

Yun ay kung gusto niya pa makipagkita. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chillggstan
hello!

first of all i want to say sorry, i've been on writer's block the past few weeks. thank you for waiting and understanding, enjoy the update! be safe! :))

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 32: author balik ka na pls
ryujinie__
675 streak #2
Chapter 32: Miss u 😓
ramramreads
#3
Chapter 32: Miss u pi
EzraSeige
#4
Time to relapse eme. Miss ko na si Cael at Rina rold 😣😢💙❄
fifth_
#5
tao po? may tao po ba?
soyiesows #6
Chapter 32: updateeee
yeppeungom
#7
Ganda nito kaso na ghost ata.
wnddmks_ 643 streak #8
Chapter 31: Hala ang ganda neto natapos ko na pero no pressure sayo, otor!!
wenrene22
#9
Chapter 32: re-reading again, hnggg...i miss this, huhu. =’ [
ryujinie__
675 streak #10
rereading, imyyy ❤️