'25 clearing things

First Sem: Finals Assessment

Winter


Pagkatapos nung inuman shesh ng tropa ko at ni ate seul nung nakaraan, hindi na ako mapakali sa nalaman ko tungkol sa sarili ko. Ang bilis kasi, nabigla din ako sa sarili ko, halos mag-iisang buwan pa lang kami magkakilala pero gusto ko na agad siya. 

 

Oo may nagbago samin nitong mga nakaraang araw pero kasi hindi rin naman namin nilinaw kung ano ba yun. Ayoko naman mag-assume na lang dahil di rin naman maganda yun kaso ito ako ngayon, sobrang naguguluhan sa nararamdaman. 

 

Huli akong nagkagusto kay somi pa, ang tagal na din nun, olang taon na din. Wala nga akong ginawa nun kahit na inuulit-ulit akong sabihan ng tropa na manligaw o magfirst move. Magkaibigan kasi kami ni somi at ayaw kong masira yun, isa pa natatakot din ako na baka kapag hindi kami nagwork, wala na, back to strangers na lang.

 

Hanggang sa ayun, umalis na lang sila dito sa bansa para dun tumira sa country ng tatay niya. Sobrang nagsisi ako nun sa naging desisyon ko, gabi-gabi ako nag-iisip ng what ifs at possible scenario kung ano sana kami kung sinabi ko sa kaniya yung nararamdaman ko. 

 

Natatakot din ako kasi bata pa ako nun, wala akong alam kung ano ba talaga yung pagkagusto o pagmamahal man lang, romantically speaking. Ang background ko lang sa mga ganyang bagay ay si papa at mama, hindi pa nga ako sigurado dahil hindi ko rin alam yung buong istorya o mga naramdaman nila. 

 

Ilang taon na din kasi nung namatay si mama sa car accident, simula nun hindi na namin nakabonding si papa masyado. Nagfocus na lang daw siya para maitaguyod kaming magkakapatid, yun ang sabi sakin ni ate. Close naman kaming pamilya pero habang lumalaki ako hindi ko lang mapigilan magtanong kung bakit nagbago si papa, mas close kasi ako sa kaniya simula bata pa pero ayun nga, nababawasan habang lumalaki ako. 

 

Dahil naging busy nga si papa, si nanay na ang nagpalaki sa'ming magkakapatid. Tatlo kami, dalawang babae, isang lalaki tapos ako yung bunso. Si Ate Taeyeon yung panganay namin, producer siya sa isang entertainment company sa korea. Nung nawala si mama parang sa kaniya ako masyadong dumipende kahit nandiyan si nanay para alagaan kami. Yung sumunod naman kay ate, si Kuya Eunwoo na nagmana din kay mama katulad ko. Ang softie kaya niyang kuya ko, ang bait, tapos soft-spoken. Minsan lang din siya magkulit pero yun ay dahil gusto niya lang maglambing. Sobrang baliktad sila ni ate, para kasing dragon yun, legit. 

 

Pero yun nga, wala akong background sa mga lovelife dahil wala naman kaming lovelife lahat. Si ate, focus lang muna daw siya sa career niya, si kuya naman di niya pa daw trip, gusto niya daw muna mag-enjoy kaya ayun, laging wala. Si ate talagang wala dito kasi out of the country yung job niya kaya naiintindihan ko. Tsaka nag-uusap naman kami palagi at umuuwi sila kada ilang buwan. Paano ko malalaman yung mga lovelife na yan diba? 

 

Ang main source ko lang naman ng knowings sa lovelife ay ang tropa at ang mag-asawang seulgi at joohyun. Pero nung mga panahong may gusto ako kay somi, di ako nakapagsabi sa kanila dahil una, buntis si ate hyun nun sa napakacute kong pamangkin. Pangalawa, nahihiya din ako magsabi sa tropa nun. Sinabi ko na lang sa kanila lahat nung nakaalis na sila somi papuntang ibang bansa. 

 

Naalala ko pa yung mga mukha nila habang kwinekwento ko nun, yung mag-asawa nakatingin lang sakin na soft yung expression, si rj nabulunan dahil may nilalamon siya nun, si hyunjin parang naging estatwa at si gi, binatukan ako. Kaya rin siguro hindi maaalis sakin yung takot kasi wala akong alam sa mga ganung bagay. 

 

Kaso parang mas nakakatakot yung ngayon, ang bilis kasi nung mga pangyayari. Ang tindi din nung nararamdaman ko kay karina. Nung araw na nakita ko sila ni jaehyun, hindi ko maintindihan kung bakit ako nagselos agad, hindi naman ako ganun kay somi dati.

 

Nung araw din na yun, nagdesisyon akong umiwas muna kay karina, ayokong mawala yung pagkakaibigan namin kung sakali mang malaman niya may gusto ako sa kanya kaya aayusin ko muna 'tong nararamdaman ko, mukhang okay lang din naman si jaehyun kung magkakatuluyan sila. Mawawala din naman 'tong nararamdaman ko. 

 

******

 

Nananahimik akong nagrereview sa kwarto ko nung bumukas ng pagkalakas-lakas yung pintuan, bumalik na kasi ako dito sa unit ko. Di muna siguro ako uuwi sa bahay this exam week, gusto ko lang magfocus. 

 

"Winter Cael, mag-uusap tayo." si gi, nakapamewang habang tinitignan ako masama. Wala bang pinto 'to sa kanila? Bakit ganito magbukas ng pinto, itu-tutorial ko nga sa kanya mamaya kung paano. 

 

"Ops! Kung anong prank man yan, nagrereview lang ako dito, baka si rj gumawa nun." agad kong sabi sa kaniya, mamaya aksi ako nanaman masisi nito sa kung ano man ang nangyare sa kaniya. Eh si rj lang naman madalas mangprank sa'min, gantihan sila madalas ni jin.

 

"Hindi, iba 'to." sabi niya at narinig kong umupo sa kama ko. Nasa office chair ako kaharap nitong study table. Inikot ko yung office chair para makaharap siya at tumango para magpatuloy yung sasabihin niya.

 

"Ilang araw nang nagsusumbong sa'kin si ning. You're avoiding karina daw, nagrereklamo daw sa kaniya." sabi niya habang nakatingin sakin nang masinsinan.

 

Nangiti na lang ako ng alanganin sa kaniya. 

 

Kaya ngayon nandito kami sa kwarto ko, pero hindi lang kami ni gi, tinawag niya na yung dalawa pang bonak. Wala namang iaambag yan dito, lalo na si rj!

 

Hindi din nila alam yung progress na nangyari sa amin ni karina nung mga nakaraang araw, basta sabi nila akala nila ay okay na ulit kami pagkatapos nung pagddrama ko nung araw na nakita namin si karina at jaehyun.

 

"Edi anong plano mo ngayon?" tanong sa'kin ni rj. Para silang tanga sa pwesto nila, nakaisang row sila na nakaupo sa paahan ng kama ko at interesadong interesado.

 

"Wala, sayang friendship. Tsaka parang mabilis, di ba kayo nabibilisan?" tanong ko pabalik sa kanila.

 

Kitang kita ko kung paano umikot ang mata ni gi, si rj napasapo sa noo tapos si jin napa 'awit sayo boss' habang umiiling.

 

"Kawawa naman yun dun pre, parang gusto ka rin naman niya eh." sabi ni rj at nanahimik lang akong nakinig sa sinabi niya. 

 

"Omsim! Nadale mo! Magsusumbong ba yun kay ning kung wala?" gatong pa ni hyunjin sa sinabi ni rj. 

 

Si gi naman inirapan ulit ako at nagcellphone na lang, alam ko yung mga ganito niya. Ibig sabihin niyan, banas siya sa'kin at kinakausap niya yung sarili niya sa utak niya na wag akong sakalin. 

 

Pumasok sa isip ko si somi, yung mga what-ifs, yung nasayang na chance. Sign na ba 'to? 

 

Aamin ba talaga ako kay karina? 

 

******

 

"Gago ka bakit may pulis?" tarantang tanong ko kay rj.

 

"Ito nga yung idea ko pre! Sure ako ditong pupuntahan ka ni karina agad-agad." nakangiting sagot niya sa amin, parang proud na proud siya sa idea niya. 

 

"Sabi ko na duda ako sa bonak na yan eh." sabi ni hyunjin at nagrambol nanaman sila ni rj. 

 

"Stop. Para kayong mga bata, bakit may pulis? What's their connection sa plano ni winter?" bored na tanong ni gi kay rj. 

 

"Ito ha, ganito yung mangyayari..." dumekwatro pa siya para mag-explain. 

 

Nung natapos na siya ay tahimik lang kami na pinoprocess pa yung mga sinabi niya, pati yung pulis na dinala niya dito sa unit ko, si Ate Lisa, nananahimik din. Bestfriend daw yun ni Ate Rosie, ate niya. 

 

"Tarantado!" sabi jin at binatukan si rj, malakas ata kasi medyo lumipad ulo nung isa eh. "Aatakihin muna sa puso yung tao bago makaamin 'tong kaibigan natin." dagdag pa niya, umay na umay sa plano ni rj. 

 

"Actually, di naman masama." gulat kaming napalingon ni jin kay gi, anong hindi masama? Eh si rj pa lang masama na mismo, pinsan ata ni satanas yan eh!

 

"Seryoso ba yan, gi?" di makapaniwalang tanong ni jin sa kaniya, kahit naman ako nagulat. Anong trip nito? 

 

"What? It's a weird way to confess. Di niya makakalimutan yung memory for sure." kibit balikat na sagot ni gi sa'min. 

 

"Kitams! Pati si boss gi uma-agree oh!" nakangising sagot sa'min ni rj, demonyo talaga. 

 

"Ayusin mo yang ngiti mo, pag ito talaga di maganda kinalabasan.. sinasabi ko sayo ah." pagbabanta ko kay rj. Tinaas baba niya lang ang kilay niya at kinausap na si Ate Lisa para sa plano. 

 

Gago talaga 'tong si rj! Anong illegal underground? Gagawin pa ata akong anak ng mafia boss nitong bonak na 'to! Naayos na kasi nila yung flow ng confession ko at wala naman akong angal dun. 

 

Ang kaso lang.. bakit naman ako gagawing parang nagddroga o ano man. Baka imbes na makaamin ako, layuan pa ko ni karina eh. 

 

Tawang tawa lang naman siya, si jin nagpipigil lang din tumawa. Si gi naman tumatango-tango lang sa mga ideas na sinasabi niya. 

 

Lumalabas talaga ang pagkabarbero ni rj, tignan mo oh, ang galing galing gumawa ng kwento. 

 

Sa totoo lang kinakabahan ako eh, syempre hindi kami nagpapanisan ni karina— ay ako pala yung di pumansin kaya ginaya niya. Pero ayun, baka kasi galit na siya sa'kin at wala ng pake. 

 

Pero sa buong buhay ko, ngayon lang ako magtitiwala sa utak ni rj kaya sana hindi ko pagsisihan. Kaso kung talagang wala kaming mapala, edi sasakalin ko na lang siya. 

 

 

"Ganun po ah, kayo po muna pumunta dun sa business building tapos iwan po si winter sa gym." pagu-ulit na instruction ni rj dun sa mga kasamahan ni ate lisa. 

 

Di kasi siya kasama ngayon dahil may importante daw na pinagawa sa kanilang may katungkulan sa presinto, kaya mga kasamahan niya na lang ang pinadala niya dito. 

 

Pwedeng pwede na magdirector si rj dahil sa ganda ng storyline nitong pakulo namin. Halatang halata na magaling siya gumawa ng kwento, special talent niya ata 'to. 

 

Wala akong acting skills pero sana gumana yung onting natutunan ko kay popoy at basha. Karina ako na lang, ako na lang ulit. Joke! 

 

Itong mga kaibigan ko naman tuwang-tuwa, kinuntsaba pa namin si yeji para dito, natuwa lang din naman siya. 

 

Yung dalawa lang yung walang alam, natatawa na agad ako kapag nai-imagine ko yung reaction ni ning. 

 

Pero si karina? Ano kaya magiging reaction niya? Maniniwala naman ba yun at pupuntahan ako? 

 

Awit naman 'tong kaba ko, mas matangkad pa sa'kin,  yawa ka talaga ryujin! 

 

******

 

"So it's not your idea to pull some confession like that?" tanong niya sakin, pota kinikilig ako. Bakit ka ganyan makatingin, karina?

 

Nandito kami sa terrace ng condo ko, magkatabing nakaupo habang pinagmamasdan yung view sa baba at di kalayuan. Sinasabi ko na sa kaniya lahat nung mga katangahan ko, lalo na yung pag-iwas. 

 

"Yup, hindi sakin, nagtiwala lang ako kay rj na first time kong ginawa. May pakinabang din pala siya minsan." tumawa siya sa sinabi ko, hays. Sobrang ganda.

 

"Eh if ikaw masusunod? What's your plan?" napahinto ako at napaisip sa tanong niya.

 

"Actually, dapat sana roadtrip gamit yung motor tapos tsaka ako aamin. Kaso di naman tayo okay nitong mga nakaraan kaya ayun." sagot ko at pinitik niya ako sa noo. 

 

"And kaninong fault yun?" tinanong niya ako na parang chinachallenge. 

 

"Oo na nga. Akin nga." sabi ko habang naiiling na ngumiti. 

 

Di ko na nga uulitin eh, sobrang attached na ako sa kaniya, delikado na ko mga pare.

 

Natahimik kami sandali na tinitignan lang yung view at mga sasakyang dumadaan sa harapan namin. 

 

Sumandal siya sakin at hinilig ang ulo niya sa balikat ako, nabigla ako eh edi natigilan ako. Pero unti-unti rin naman nagrelax yung katawan ko. 

 

Dahan-dahan kong inabot yung kamay niya para hawakan. Nag-iingat pa ako nung una pero nung di naman siya umiwas at pumalag, hinigpitan ko pa lalo ang hawak ko dito at nag-intertwine. 

 

Akala ko okay na eh, kaso ilang minuto lang nung katahimikan namin bumalikwas siya at hinampas yung braso ko. 

 

Nakakunot noo tuloy akong tumingin sa kaniya habang hinihimas yung braso ko, ang bigat ng kamay eh. Patry-out ko kaya siya sa volleyball team?

 

"The girl sa canteen." sabi niya sa'kin, at itong pilyong utak ko may naisip nanaman. 

 

"Sino sa mga yun?" painosente kong tanong.

 

"Ah, so marami pala?" ayan na susungitan niya na ako, pero syempre uunahan ko na siya. 

 

"Joke lang!" maagap kong sabi. "Ikaw nga diyan.. jaehyun.." syempre binulong ko lang yung huli. 

 

Kaso nahampas ulit ako, narinig niya pala. Kawawa naman ako dito, bugbog sarado ako. 

 

"Hey! Okay na kami, we're clear na friends lang. He knows na I like you." sabi niya. 

 

Syempre maangas ako, kaya pinigilan kong ngumiti sa sinabi niya kahit nakakakilig marinig na gusto niya din ako. 

 

"Pinsan ko lang yun." sagot ko sa tanong niya. 

 

"Ah.. cousin, cousin-tahan?" seryosong tanong niya sa'kin.

 

Tawang-tawa lang ako dun sa tanong niya, ang sakit ng tiyan ko at naluluha na din ako. Hindi kasi ako makapaniwala sa sinabi niya, isipin niyo ang mature mature niya tignan pero ganiyan lumabas sa bibig niya, panahon na yata para ilayo siya sa bubba ni gi. 

 

"Alam mo, kakasama mo yan kay ning eh." tawang tawa kong sabi sa kaniya, solid talaga yung tawa ko. 

 

Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin kaya pinigilan ko na yung sarili ko, mamaya mabanas sa'kin eh. Nakakatakot pa naman siya pag galit, parang mamamatay ka na sa tingin pa lang. 

 

Kumalma na ako sa pagtawa pero humihinga pa rin ako para mas mapakalma pa yung sarili ko. 

 

"Honest kaya ako! Si Hyewon yun, kapatid ni ate seul. Di lang sila magkamukha kasi kamukha niya si tita, kamukha ni ate seul si tito eh." paliwanag ko sa kaniya, nakita ko namang namumula na siya, nahihiya siguro. 

 

Ang cute cute niya lang kapag ganito, sa school kasi parang lagi siyang nakangiti pero alam mo yun? Yung friendly siya pero seryoso pa rin yung aura, di ko na maexplain basta ganun. Sobrang magkaiba kami kapag nasa school eh, wala kasi akong pinapansin maliban sa tropa, wala rin namang naga-approach kaya mas payapa yung buhay ko.

 

Hindi ko nga lang alam kung saan galing yung mga chismis nila na pasaway ako or bad influence. Running for with honors nga kaming lahat sa tropa eh, tapos sila puro chismis na, bagsak pa. Ewan ko na lang sa kanila, ang lalakas ng loob eh. Basta kami masaya at walang inaapakang ibang tao. Bars!

 

Di ko na lang pinansin yung pamumula niya para hindi na siya mahiya lalo. 

 

Nag-usap lang kami hanggang sa anong oras na din at ihahatid ko na siya sa kanila. Kailangan niya pa kasi magpahinga dahil may event sila bukas sa student council. 

 

Napag-usapan lang namin yung mga nangyari nung hindi kami nagpansinan, parang nagcatch up lang kami ganun. Sinabi niya nga na malinaw na kay jaehyun na magkaibigan lang sila, napapigil ulit tuloy ako ng ngiti.

 

Inamin niya na nagrarant daw siya kay ning nung hindi ko siya pinapansin, hindi niya alam na nagsumbong na si ning kay gi tapos sinabi sa akin ni bestfriend. Nakakawala talaga ng astig kapag nagp-pout si rina, nanlalambot yung puso ko eh, ganito ba talaga dapat o malala lang talaga ako?

 

Nilinaw ko ulit sa kanya na walang totoo dun sa ginawa naming pakulo kanina, sabi ko lang na yung confession at nararamdaman ko lang para sa kanya yung totoo dun. Success naman ang pagpapakilig ko sa kanya, ang ganda nung ngiti. Grabe ka na talaga lord, ang ganda ganda naman po ng pagkakagawa nyo kay karina.

 

Nalaman niyang magttraining ako bukas at nasermonan nga po ako dahil nga daw ang tigas ng ulo ko. Pero mukha akong tanga kaninang nakangiti habang pinagsasabihan niya ako, wala na, di na talaga ako astig mga pare. Sinong bonak ang kinikilig habang pinapagalitan?  

 

Maedyo ok naman na yung sugat ko sa ulo pero hindi ko pa ginagalaw, natatakot ako eh baka mamaya bumuka pa rin. May ganun kasi diba? Yung hindi maganda yung pagkakatahi sa sugat. Tapos yung sa concussion naman, okay na din ako pero medyo takot pa nga din ako gumalaw kaso kailangan kasi ako ng team, captain duties eh.

 

Kaso si coach naman walang patawad eh, whole day kasi yung training namin bukas. Hanggang alas kwatro kami ng hapon bukas sa training. Wala na siguro akong mararamdaman pagkatapos nun.

 

Yung motor yung gagamitin namin, yun lang kasi yung dinala ko dahil tinatamad akong magmaneho, mas kumportable talaga ako sa motor eh. Sinuot ko na yung helmet sa kaniya tapos kahit sa simpleng ganun lang bumilis yung tibok ng puso ko. Sino bang hindi bibilis ang tibok ng puso kung makikita mo sa malapitan si karina, diba? 

 

Totoo nga yung sinabi ni gi, down bad era ko ata talaga.

 

Bago pa ako tumunganga ng tuluyan para i-appreciate ang ganda ni karina ay sinaway ko na yung sarili ko, baka hindi kami makauwi dahil titignan ko lang siya magdamag.

 

Sinuot ko na din yung helmet ko at sumakay, ini-start ko na din yung motor at nagsimulang magdrive papunta kila karina. Ilang minuto pa lang sa byahe ay napangiti na ako ng tuluyan, naramdaman ko kasing humilig siya sa likod ko at medyo humigpit ang yakap. 

 

Magmotor na lang kaya kami palagi? 

 

******

 

Nakatayo na sa harapan ko si rina ngayon habang tinatanggal ko yung helmet sa kaniya. Siguro halos 30 mins din kami sa byahe dahil friday at rush hour na, medyo sumingit na ako sa maga sasakyan at nararamdaman ko yung paghigpit ng kapit ni rina kapag ginagawa ko yun. 

 

Buong byahe siyang nakayakap sakin pero bitin pa din, bawal po bang Text EXTEND to 4545? De joke lang po hehe.

 

Pagtanggal niya nung helmet medyo winagayway niya pa yung buhok niya, ang unfair talaga. Pag ako yung nagtatanggal ng helmet di naman ako ganyan kaganda, cute lang hehe. 

 

"Don't hassle yourself tomorrow, if pagod ka na just go home or sa dorm to rest." sabi niya sa akin habang binabalik ko sa compartment yung helmet. 

 

Late na kasi sila matatapos bukas panigurado, mag-aayos pa kasi yan sila after ng event. 3:30 kasi yung simula ng event nila bukas hanggang 5:30 or 6:00 daw, syempre madilim na din nun, ayoko siyang magcommute lalo na kung kaya ko naman siyang sunduin. Wala kasi si kuya pancho, siya kasi ang maghahatid sa appointment ng daddy niya bukas, sabi niya kanina.

 

Hindi lang din naman sa kaniya, yung tropa madalas ko rin sila hinahatid, kahit si hyunjin. Kahit naman kasi lalaki si jin, hindi naman namimili ng gender yung masasamang tao, kung may masamang balak yan, gagawan ka talaga ng masama kahit sino ka pa. Siguro syempre natataon lang na madalas babae yung biktima ng mga krimen kasi ang tingin lang sa amin ay mahihina.

 

"Final na yun, rina. Delikado na magcommute sa panahon ngayon, tsaka ilang oras lang naman yun eh." sinamaan niya ako ng tingin pero ginaya ko lang siya kaya natawa kami pareho.

 

"Okay, angry puppy." sabi niya at lumapit ng konti, "Magtext ka when you get home, okay?" bilin niya sa'kin.

 

Ngumiti lang ako sa kanya at pabirong nagsalute, "Yes, ma'am! Noted!" 

 

Tinawanan niya ako at bumalik na ako sa motor para sumakay. 

 

"Sige na, pasok ka na." sabi ko sa kanya pero umiling lang siya habang nakatayo pa rin sa tapat ng gate nila. 

 

Kukuhain ko na sana yung helmet pero natigilan ako nung naramdaman ko na lang siyang nakayakap sakin, awkward pa nga yung pagyakap niya kasi hindi ako masyadong nakaharap sa kanya dahil nakasakay na ako sa motor. Isang kamay ko lang yung napunta sa bewang niya para yakapin siya pabalik. 

 

"Thank you for this day, cael." mahina lang yung pagkakasabi niya pero narinig ko pa rin dahil medyo malapit siya sa tenga ko. 

 

"Always, rina." bulong ko pabalik sa kaniya, pagkalas ng yakap namin ay parehas kaming nakangiti. "Pasok ka na." sabi ko ulit sa kanya, this time sumunod na siya. 

 

Sinuot ko na yung helmet ko pero iniwan kong nakataas yung shield visor, lumingon ulit siya sa'kin kaya kumaway ako sa kaniya at binaba yung shield visor. Bumusina ako ng isang beses at nagdrive na pabalik sa condo. 

 

Tinext ko si karina pagkauwi ko, di na din kami nagtagal dahil nga parehas naming kailangan magpahinga. Naligo lang ako tapos ginawa ko lang yung night routine ko, kumain na kasi kami kanina pagkatapos namin mag-usap, bago siya umuwi. 

 

Nakahiga na ako sa kama nung naalala kong tatawagan ko pa si ate seul, may itatanong kasi ako. Kaya ngayon nakahiga lang ako habang hinihintay siyang sumagot.

 

"Hello, panget?" yan kaagad ang bungad niya sakin.

 

"Ate seul ang panget mo talaga kausap." asar ko pabalik sa kanya at parehas kaming natawa.

 

"Anong oras na cael, bakit napatawag?" tanong niya sakin, medyo rinig ko din si woojin sa background, pinapatulog siguro nila ito nung tumawag ako.

 

"Diba magpeperform ka bukas?" tanong ko sa kanya.

 

"Dun sa event ng school niyo? Oo, bakit? Sali ka ba?" tanong niya pabalik sakin, nang-aasar.

 

"Galing ah, pano mo nalaman?" manghang tanong ko sa kanya.

 

". Totoo? Akala ko ba quit ka na simula nung.." nag-aalangan siyang ituloy ang sasabihin.

 

"Simula nung nawala si mama?" ako na yung nagtuloy dun sa sasabihin niya at narinig ko yung buntong hininga niya sa linya, "Di naman masamang magbalik-loob diba?" tanong ko ulit. 

 

Alam kong hindi kami nagkakakitaan pero alam ko ring alam namin parehas na nakangiti kami ngayon. 

 

Matagal na akong huminto sa pagtugtog ng gitara, si mama kasi yung madalas kong audience at hinaharana dati. Siya din yung nagturo sa'kin kung pano tumugtog nito, kaya nung nawala na siya, tinamad na din ako. 

 

Ibang klase yung tama ko kay karina, si somi nga hindi ako napabalik sa pagtugtog eh. 

 

Nag-usap lang kami saglit at bukas na daw namin itululoy pag-usapan kung anong gagawin. 

 

Ang pangit kasi nung pag-amin ko eh, medyo effective naman yung ginawa namin nila rj pero ewan ko, gusto ko bumawi.

 

Yung maayos na pag-amin, yung hindi mnadali, hindi sapilitan, at higit sa lahat, walang takot at kaba. Gago ka pa rin, rj. 

 

Kaso ako naman yung kinabahan, marunong pa kaya ako? Sana sanay pa din tumugtog yung mga kamay ko, puro na lang bola nahahawakan nito eh, baka kasi nagbago na yung timpla. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

hello! please se the author's thoughts below hehe

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chillggstan
hello!

first of all i want to say sorry, i've been on writer's block the past few weeks. thank you for waiting and understanding, enjoy the update! be safe! :))

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 32: author balik ka na pls
ryujinie__
683 streak #2
Chapter 32: Miss u 😓
ramramreads
#3
Chapter 32: Miss u pi
EzraSeige
#4
Time to relapse eme. Miss ko na si Cael at Rina rold 😣😢💙❄
fifth_
#5
tao po? may tao po ba?
soyiesows #6
Chapter 32: updateeee
yeppeungom
#7
Ganda nito kaso na ghost ata.
wnddmks_ 650 streak #8
Chapter 31: Hala ang ganda neto natapos ko na pero no pressure sayo, otor!!
wenrene22
#9
Chapter 32: re-reading again, hnggg...i miss this, huhu. =’ [
ryujinie__
683 streak #10
rereading, imyyy ❤️