'18 day 12

First Sem: Finals Assessment

Winter


Paggising ko kanina, pang-aasar agad ni heejin yung sumalubong sakin. Muntikan ko na nga siyang iuntog sa pinaglulutuan ko. 

Minsan gusto ko rin kwestyunin yung gumawa ng room assignments namin, kung si coach man yon. 

Coach, bakit gustong gusto mo ko pahirapan? 

Napakaingay ni heejin, di ko na rin alam kung paano ko siya natitiis pero may pakinabang naman siya minsan kaya pwede na.

Di siya tumigil sa pang-aasar pero napapagod na din ata siya dahil di ko pinapatulan yung mga asar niya. Ayaw nya naman kasi sabihin kung ano ginawa ko, edi sobrang curious ko ngayon.

Sa sobrang saya niya nakalimutan niya atang captain niya ako. I-blackmail ko kaya na patatakbuhin ko lang siya at bibigyan ng extra drills? 

Pero syempre di ko naman talaga gagawin, tatakutin ko lang siya para ilabas yung nalalaman niya.

Hindi ko na lang siya pinansin, anong oras na din kasi, nakakahiya naman kung male-late pa ako ng pasok eh dito lang naman ako sa campus nagstay. Tsaka mas matutuwa pa ang mokong na yan kung papansin ko, bahala na siya diyan. 

Pagkatapos namin kumain, nag-ayos na lang ako ng mga gamit at bag, pati sarili ko na din kaya naligo na ako.

Simula nung naghigpit sa training si coach, lagi na akong mukhang maglalayas o camping. Napakalaki kasi nung duffel bag ko dahil ang daming laman. Hindi kasi ako gumaya sa kanila na iba yung bag kapag sa class, tapos iba yung bag sa training.

Sa lahat kasi nung ayaw ko, yun yung maraming bitbit sa kamay. Kahit nga payong naiirita ako minsan kapag hawak ko lang gamit kamay. Ewan ko ba, ang hassle kasi. 

Nagre-ready na ko umalis, isusuot ko na lang yung sapatos ko nung may sinabi si heejin na nagpahinto sakin. 

"Capt, alam mo ba kung ano yung nakita ko?" 

Tinitigan ko lang siya hanggang sa nagsalita ulit siya.

"Si karina kasi galing sa room mo kagabi, pulang pula. Grabe ka, capt. Akala ko ba baby ka pa? Ikaw ah!" 

Gago?!

Anong namumula?!

Bakit galing sa room ko?!

Hindi naman ako lasing pero bakit wala akong maalala?! 

Pakshet, pare. 

Anong ginawa ko, jusko.

Napabalik ako sa ginagawa ko nung tumunog yung cellphone ko, nagtatanong na si giselle sa gc kung sino na yung mga nasa class at pumasok.

Gusto ko pa sana pigain si heejin sa mga nalalaman niya pero mukhang di niya din alam kung ano yung ginawa ko. 

Di naman siguro ako gumawa ng masama, 'no?

Baka naman nainitan lang si karina sa room ko?

Eh bakit muna kasi siya nandun in the first place?

Sa pagkakaalala ko nga, sa sofa ako nakatulog. Pero naalala ko din na lumipat ako dito sa kwarto. 

Naputol yung pag-alala ko sa mga nangyari kagabi nung tumunog ulit yung cellphone ko kaya napatingin na ako sa oras.

Baka malate ako nito, mamaya ko na nga iisipin! 

 

******

 

Hindi talaga ako mapakali.

Pangatlong subject na namin ngayon pero hindi ako makafocus dahil sa pag-iisip kung ano yung ginawa ko kay karina kagabi.

Ang panget pala pakinggan. Wala naman akong ginawa talaga— ay meron ata, ah basta! 

Pero sana wala naman akong ginawang nakakahiya o nakaviolate sa personal space niya. 

Reklamo na din yan ng pamilya ko, lalo na nung dalawa kong kapatid. Kapag sobrang pagod ko daw kasi, kahit inaantok at pabagsak na ako, pinipigilan ko daw tapos gumagawa ako ng mga kaweirdohan. 

Yun yung sabi ni kuya eunwoo. Si ate taeyeon naman sabi ang kulit kulit ko daw, papasa na daw akong lasing minsan kapag sobrang pagod ko.

Si coach talaga may kasalanan nito eh! 

Nag-away ata sila ng asawa niya kaya ang pakla nung mood kagabi, minsan pag di ko na matantsa 'to si coach, siya na lang paparusahan ko sa drills. Joke, one half.

Magiging awkward kaya kami mamaya?

. Di ko nga alam kung kikitain niya ako mamaya.

Isipin mo yung ginawa mo, winter! 

Pero ano ba kasing ginawa koooo? 

Nakakabobo naman. 

 

Pagkalabas ko sa room, nakita ko si ryujin na nakasandal lang sa pader, naghihintay sakin. Tinapik ko lang siya para bumaba na sa caf, sigurado ako nagugutom na 'to eh.

Pagdating namin, buti walang masyadong tao. Pumila na agad kami dun sa bilihan ng mga sandwich kasi baka mamaya, dagsain ng ibang estudyante. 

"Pre, magfootlong na lang tayo, pahati na lang natin sa gitna."

Tumango lang ako sa sinabi niya at inisip ko nanaman kung ano ginawa ko kagabi. 

Naiinis na ko na hindi ko maintindihan kasi di ko talaga maalala. 

Pagkatapos maluto nung binili namin, humanap na kami ng mauupuan. Mabilis naman kami nakakuha ng pwesto kasi nga wala pa naman masyadong tao. Buti na lang din sinapian yung prof namin bago 'tong break kaya maaga nagdismiss.

Nagpaalam si rj na bibili siya ng inumin, tinanong pa nga ako pero sabi ko, ayos na ako sa tubig. Pagkaalis niya, nag-isip nanaman ako.

Sabihin ko kaya sa kanya? 

Matino naman yan minsan si ryujin kahit na kalahating gago most of the time. Baka madami din siyang ma-advice dahil lapitin nga siya ng babae, kasi 'tong sitwasyon ko parang lasing na di makaalala ng ginawa eh. Sure ako na naranasan na ni rj 'to. 

Nakabalik na siya at umupo siya sa harapan ko. 

"Hindi ko alam kung di ka nakainom ng hot choco kaninang umaga o dark choco yung nainom mo, bakit ang panget ng timpla mo ngayon?" 

Hindi ako nakasagot agad. Sabihin ko na kaya?

Bahala na, baka makatulong din naman siya.

"Inasar kasi ako kaninang umaga ni heejin." 

"Ay kaya naman pala, tapos?" 

Kumagat na siya dun sa footlong habang hinihintay yung susunod kong sasabihin.

"Bothered ako dun sa sinabi niya." 

"Ano ba yung sinabi? Diretsuhin mo na ko, ter. Para kang buang, kailangan isa-isa?" 

Ngumunguya pa siya nung sinabi niya yan kaya medyo dinecode ko muna kung ano yung pinagsasabi niya.

"Lagi naman kasi namin ginagawa yung project ni karina after class diba? Sa dorm kasi kami sa weekdays, sa kanila kapag saturday." 

Tumango lang siya habang panay kain dun sa footlong.

"Kaya ako inaasar ni heejin kanina. Diba alam mo kung ano lagay ko kapag patulog na tapos sobrang pagod? Nakatulog ako kagabi habang ginagawa namin yung project. Sa sala namin ginawa yun pero lumabas daw kasi kagabi si karina galing room ko, namumula." 

Nabigla ko ata si rj. Pagkasabi ko nun, naubo nang malala, nabulunan pa ata. 

"Gago ka! Buti nakabili na ako ng inumin bago kumain." 

Sinabi niya pagkatapos uminom nung real leef iced tee. Inubo pa ng slight ulit. 

"Kaso pre.. di ko maalala kung ano ginawa ko." 

Napahilamos ko na lang yung kamay ko sa mukha ko sa sobrang frustrated. 

"Teka, kumalma ka. Baka naman nainitan lang sa dorm niyo?" 

"Nakabukas lahat ng ventilation nun, yung aircon ko sa kwarto bukas din." 

"Huy, wait, sandale. Bakit siya nasa room mo?!" 

Napahawak tuloy ako sa bibig niya para takpan.

"Ang ingay mo naman!" 

"Gagi ka pre, anong ginawa mo? Bakit ganun naging reaction niya?" 

"Kung alam ko bakit ko sasabihin sayo, diba? Malamang di ko nga alam. Ano ba dapat gawin?"

"Eh diba magkikita ulit kayo mamaya?" 

"Hindi ko nga alam kung sisiputin ako. Tiwala naman akong wala akong masamang ginawa pero di ko talaga alam ginawa ko. Ewan ko na, nakakabobo."

"Bobo ka naman talaga pero ano, hintayin mong i-bring up niya yung topic. Tapos dun ka na mag-explain." 

"Baka maging awkward nga kami eh. Paano kung di niya i-bring up?" 

"Edi okay lang sa kanya. Baka nagulat lang siya o nahiya sa ginawa mo kaya siya namula." 

"Alam kong kalahating gago ka pero magtitiwala ako sayo ngayon."

Humarap siya sakin na nakahawak sa dibdib yung kamay, kunwareng offended. 

"Ang panget mo naman kabonding, ikaw na nga tinulungan! Tara na balik na tayo sa classroom." 

 

******

 

Kumpleto kaming tropa ngayong lunch dito sa caf. Ngayon na nga lang ata kami nakumpleto dahil naging busy netong mga nakaraan. Tapos next week busy nanaman.

Pagbalik namin kanina sa classroom medyo ayos naman na yung pag-iisip ko, iniisip ko na lang talaga kung paano ako magpapaliwanag kapag nabring up yung topic.

Di na ako masyadong tuliro, di man ako makapaniwala sa ginawa ko pero first time kong pinagkatiwala yung buhay ko kay rj, susundin ko yung advice niya kanina.

Pag mali talaga 'tong mga tinuturo niya sakin ako mismo tatapos ng buhay niya. 

Biro lang pero sana naman hindi nga awkward mamaya pag nagkita na kami ni karina.

Naiwan kami ngayon ni gi sa table, mukhang malalim din iniisip nito simula pa kanina. Si jin at rj yung umorder ng makakain namin.

Siya din nag-insist na magsabay sabay kami kung pwede dahil may sasabihin daw siya, biniro pa nga siya nung dalawa sa gc pero sa nakikita ko ngayon? 

Seryoso ata yung pag-uusapan namin. Tahimik si giselle pero hindi yung ganitong tahimik, parang kabado pa nga siya. 

Nakabalik na yung dalawa at nilalapag yung mga pagkain namin.

"Kami na ni ningning." 

Ang bilis kong napalingon kay giselle, nakita kong si rj din, nakanganga pa.

Si hyunjin na maglalapag lang sana nung kanin nabitawan yung plato kaya medyo pabagsak nailagay sa lamesa, buti hindi natapon, napatingin tuloy yung nasa ibang table. 

Binilisan lang nung dalawa ilagay yung mga pagkain sa lamesa tapos nagmamadaling umupo sa harapan namin, katabi ko kasi si gi. 

"Ang dami kong nalaman ngayong araw, grabe." 

Si ryujin yon, di pa rin makapaniwala sa narinig niya.

"Bakit wala kaming alam? Ikwento mo na! Nakakatampo ka naman eh!"  

Syempre si hyunjin yon, dakilang chismoso kahit kelan. 

Hinihintay ko lang magsalita si gi para ikwento samin kung paano naging sila.

Feeling ko hindi kami makakakain hangga't di tapos magkwento si gi eh.

Nakakawindang naman yung mga nangyayare ngayong araw.

"Nagsimula yun dun sa wrong send file na dapat kay niki ko ibibigay." 

"Ha? Eh kabatch lang namin ni ter yun ah?" 

Oo nga, kabatch namin ni rj yun pero abm yung strand niya sa pagkakaalam ko, parehas sila ni gi.

"Pinsan ko kasi yun, super academic-oriented kaya humingi ng tulong sakin. Sinesendan ko siya ng file minsan for advance reading purposes." 

Nahiya naman yung advance study ko na pang-next week lang sa advance study nung pinsan ni gi na pang next year agad.

"Tapos? Anong nangyare pagkatapos?" 

Tignan mo 'tong chismosong 'to, napakafocused pagdating sa mga chismis.

"Magkasunod kasi sila sa active people ko, kay ning ko nasend. Dun nagstart yung usap. I swear, I don't have plans on being a relationship nun." 

She paused, parang nag-iisip kung itutuloy yung sasabihin niya.

"Kaso, she's a wonderful person and wala eh, kuhang kuha niya ko." 

"AYON! GRABE!" 

Walangya! Nagulat ako dito sa paghampas ni rj sa lamesa! Sumigaw pa si bonak! 

"Gago, kinikilig ako!" 

Isa pa 'tong si hyunjin na nakihampas tapos parang naging kiti-kiti sa inuupuan niya. 

Sinuntok ko lang si gi sa braso ng mahina at nginitian. 

Ang saya ko lang para sa kanila, tsaka bagay naman sila. Down bad ang bestfriend namin.

Nagkwento pa si gi kung paano talagang naging sila. Lover girl naman pala 'tong bestfriend namin. Pag tinamaan, tinamaan talaga eh.

Kaso nakakahiya yung dalawa naming kasama, ilang beses ko na sila nasipa sa ilalim ng lamesa. Pano ba naman kasi! Parang mga gago kung magreact! Pinagtitinginan tuloy kami nung mga malapit sa table namin.

Kumain na din kami pagkatapos magkwento ni gi. Si rj sinaway ko na kasi mukhang walang plano tumigil, dinahilan ko na lang na malapit na magtime kaya umayos na siya.

Kapag lunch nag-aabot lang kami magkakaibigan sa oras. Mas maaga kasi yung time ng batch namin para bumalik sa mga classroom. Kaya ang nangyayare, mauuna kami umalis at maiiwan yung dalawa dahil mas ahead sila samin ni rj.

 

 

Nakapagfocus na ako dun sa last 2 subjects namin kanina kaya medyo magaan na yung loob ko magtraining. 

Sure naman ako na makakabawi ako dun sa naunang 3 subjects na distracted ako kasi mababait naman yung mga kaklase ko, minsan nga kusa silang nagbibigay ng notes kapag may biglaang meeting yung team or yung athletes para makahabol ako sa mga lesson.

Pagpasok ko sa gym wala pa yung seniors, puro kabatch ko at lower batch pa lang yung nandun. 

Pumunta muna ako sa locker room para ilagay yung pamalit kong dami mamaya, kukuhain ko na rin yung training shoes pati yung compression shirt ko.

Pagbalik ko sa court, halos kumpleto na kami, may ibang seniors lang na nawawala. Si coach nga din nandito na eh. 

Nung nakita niya ako tinawag na ako para i-lead yung warm-up.

Mahaba haba nanamang paguran 'to.

 

******
 

 

Para akong lumulutang.

Dinaig ko pa yung mga nahi-high sa droga sa nararamdaman ko ngayon. 

Grabe ka na talaga, coach. 

What if magpalit na lang tayo? 

Conditioning nanaman kami kanina, umay na umay na ko pati yung katawan ko. Balak pa ata ni coach na straight conditioning ang training this week. Baka naman mamanhid na 'tong katawan namin.

Gusto ko lang naman, humawak na kami ng bola. Magscrimmage, magreview ng play, at magshooting o dribbling drills basta hindi conditioning. 

Naliligo na ako ngayon habang inaalala pa rin yung mga ginawa ko kagabi. 

Napahinto ako sa pagbabanlaw. 

Alam mo yung iniisip mo yung isang bagay ng buong araw pero kapag gusto mo na magpahinga, dun mo maalala?

Yun! Yun ang nangyare sakin ngayon.

Nanaginip ako kagabi na nasa harapan ko si karina, tapos ayoko pa siya pauwiin kaya niyakap ko siya. 

Hindi ako madalas magmura pero putangina. 

Niyakap ko ba si karina?!

.

Totoo pala yung panaginip ko! 

Nabuhayan bigla ako, kaya napabilis yung pagligo ko.

Paano ko siya haharapin ngayon? Nakakahiya ka talaga, winter! 

Saglit, saglit. 

Hihinga lang ako. 

Tama.. tama si rj.

Hihintayin ko na lang siguro siya mag-open nung topic. Normal lang naman yumakap sa ibang tao diba?

Pero di kasi normal yung samin dahil di naman kami close! Yawa! Inaasar pa kami nung circle of friends namin kaya baka mamaya iniisip niya na nagt-take advantage ako. 

Kaya mo yan, winter. Matapang ka, matalino, mabait, magalang, at higit sa lahat, cute. Kakayanin mo 'to. 

 

Halos sabay lang kami ni karina nakarating sa dorm, kaya nilapitan ko na agad siya. 

"Kanina ka pa ba?" 

Nagulat pa ata siya kaya napalingon siya agad sakin. 

"Hindi naman. I just arrived, I was about to text you kaso nandito ka na din pala." 

"Tara na, baka gabihin kayo sa daan pauwi." 

Parang hindi ko pala ata kaya. Napapansin niya na siguro kung gaano ako ka-stiff at awkward ngayon. 

Nung makarating kami sa room, si heejin mukhang nakatulog na sa pagod, dumiretso ako sa kwarto para ilapag yung gamit ko tsaka magdasal. 

Lord, minsan talagang gago lang ako pero kasalanan ni rj yun kaso need ko po ng malakas na guardian angel, baka naman po.

Nagsession pa ako ng inhale, exhale bago lumabas. Bakit mas mahirap pa 'to kesa sa training?! 

Paglabas ko nakita ko yung mga papel sa table, nakaupo na din siya sa couch at nagpphone pero narinig niya siguro yung pinto kaya nag-angat siya ng tingin. 

"You look so tired, nagpapahinga ka pa ba?" 

Kitang-kita ko yung worry sa mga mata niya.

"Oo naman, masaya naman ako. Ikaw?" 

"I'm sleeping a lot lately, next week kasi I'm sure na we'll be very busy na." 

"Goods yang nag-iipon ka ng tulog." 

Natahimik na kami pagkatapos nun, sinabihan ko siya na wait lang dahil ikukuha ko siya ng pagkain.

Kumuha lang ako ng ready to microwave sandwich tapos tubig para saming dalawa, medyo nagutom din kasi ako sa training. 

Pagbalik ko sa sala, niyaya na niya akong magsimulang sagutan yung log forms. 

 

Dahil sobrang kabisado naman na namin yung routine ko, konting details lang yung dinagdag ko ngayong araw. Kaya mabilis din kaming natapos sa pagsagot.

"I thought, tutulugan mo nanaman ako eh." 

Inaasar niya na ako at good sign yun kasi ibig sabihin comfortable na siya sakin.

"Hindi ah, nabigla lang ata ako kahapon." 

"Actually, nabigla din ako kahapon when you hugged me." 

Ito na nga ba ang sinasabi ko. 

"Uhm.. ano kasi karina, I'm really sorry if lumagpas ako sa personal space mo. Galit ka ba?" 

Di ako makatingin sa kanya, jusko naman yung kaba ko kasi. 

Narinig ko siyang natawa kaya napatingin ako sa kanya. Sarcastic ba yun o ano? 

"I need to go home. Nandyan na yung driver namin sa baba." 

Patay, galit nga ata. 

Tumayo na siya at lumakad papunta sa pintuan namin. 

Hahabulin ko ba? 

Malamang dapat habulin! 

"K-karina! Sandali lang, h-hatid na kita sa baba." 

Lumingon siya sakin na parang naghihintay kaya binilisan ko na yung kilos ko.

Nauna siyang lumabas at nilock ko yung pinto namin. Tahimik lang kami naglalakad sa hallway at huminto dun sa tapat ng elevator. Kahit nasa second floor lang kami, ayoko naman na ihassle pa siya sa hagdan. 

Bumukas yung elevator, walang tao. 

Pumasok na kami na tahimik pa rin, walang umiimik kahit sino. Hindi rin ako makatingin sa kanya kaya hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. 

Naramdaman ko na lang yung pinky finger niya na naghook sa ring finger ko, sumunod na yung iba niyang daliri at sinunod ko na din yung akin hanggang sa magkahawak na kami ng kamay. 

Ramdam na ramdam ko yung pamumula ng tenga ko. 

Tahimik lang kaming ganon hanggang sa bumukas yung elevator. 

Akala ko bibitaw siya pero naglakad kaming ganun hanggang sa makarating kami sa lobby, tanaw na dito yung sasakyan nila. Lumapit pa ulit kami hanggang sa naramdaman kong tumingin siya sakin kaya lumingon na din ako sa kanya. 

"I'll get going na." 

Napatango lang ako sa tono niya habang nagpapaalam, napakalambot. 

"Ingat kayo." 

Ngumiti siya sakin bago bumitaw sa kamay ko at lumakad papunta sa kotse nila. Pinanood ko silang makaalis bago ako bumalik sa room namin. 

Dumiretso lang ako sa kwarto at umupo sa kama na nag-iisip. 

Sigurado akong may mag-iiba na sa amin pagkatapos nito. 

Tangina, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Nawala ako sa pag-iisip nung tumunog yung cellphone ko sa tabi ko. 

 

Messages

Karina Yu

From Karina Yu: you didn't violate my personal space

From Karina Yu: i'm not mad din

From Karina Yu: i like warm hugs, by the way


 

Napangiti na lang ako sa nabasa ko.

Wala na, bawas na yung ka-astigan ko.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chillggstan
hello!

first of all i want to say sorry, i've been on writer's block the past few weeks. thank you for waiting and understanding, enjoy the update! be safe! :))

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 32: author balik ka na pls
ryujinie__
680 streak #2
Chapter 32: Miss u 😓
ramramreads
#3
Chapter 32: Miss u pi
EzraSeige
#4
Time to relapse eme. Miss ko na si Cael at Rina rold 😣😢💙❄
fifth_
#5
tao po? may tao po ba?
soyiesows #6
Chapter 32: updateeee
yeppeungom
#7
Ganda nito kaso na ghost ata.
wnddmks_ 647 streak #8
Chapter 31: Hala ang ganda neto natapos ko na pero no pressure sayo, otor!!
wenrene22
#9
Chapter 32: re-reading again, hnggg...i miss this, huhu. =’ [
ryujinie__
680 streak #10
rereading, imyyy ❤️