'04
First Sem: Finals AssessmentWinter's
Time check, 6:30pm. Wednesday ngayon at ilang oras na pala mula nung makauwi ako galing school pero andito naman ako ngayon sa study table ko kaharap ang mga schoolworks.
Taena, buti na lang walang training ngayon.
Limang activities kasi binigay samin ngayon, yung dalawa bukas deadline, yung tatlo sa friday pa. Tatlo na nga yung natapos ko, ewan ko din bakit ako ganado ngayon.
Patapos na ako dito sa activity sa perdev namin nung nagring yung ipad ko. Kanina pa nga nag-iingay phone ko kaya nagsilent ako, ngayon etong ipad naman.
Pagtingin ko, walangya si ryujin nanaman, tumatawag sa discord. Mag-aaya 'to magvalo sure ako. Di ko muna sinagot at tinignan ko yung mga notif sa phone, sa gc lang din namin galing. Mga giyang na giyang sa laro ampota.
Tweet
@rjshin
bakit di ka sumasagot sa tawag ko? my bbae k b??!!
@uchinagaeri replied
nagkakalat ka nanaman anuba
@hyunjiiin replied
kaya di ka crush ni **** eh
@kwinter_ replied
ikaw nga yung babaero eh
Quote Retweet
@kwinter_ by @rjshin
LUH FAKE NEWS KA, NATUGTOG LANG AKO NG DRUMS DITO UY
Message
#LetNingningLead
Ning: i have chika
Yeji: gooo spill
Karina: what is it?
Ning: red flag pala yung crush mo yeji
Karina: ohhh, you saw it too?
Yeji: ha? yung alin?
Karina: this
[winter's tweet]
Yeji: we're friends nga lang kasi ang kulit nyo naman
Ning: pero parang di naman true
i never heard na may kafling siya or ano
Yeji: but mabait yan talaga, sometimes childish lang
Karina: oops dinedefend
Ning: but the real question is
bakit mo ini-stalk si winter, rina?
Karina: i'm not, sakto lang siya sa feed ko
Yeji: HUY OO NGA RINA
Karina: ok stop right there
fino-follow ko si hyunjin diba, so nakita ko lang
gagamitin ko lang sanang pang-asar
Yeji: ay akala ko nag-uusap na
Ning: i swear baka si winter na yung for you
Karina: ang issue nyo forevs
***
Defenders win.
Natapos din kami sa paglalaro.
"Ang sarap naman ng win streak." sabi ni boss gi samin, dating gawi lang, nakacall kami sa discord habang naglalaro.
"Ehem, buhat sila, ehem." pagpaparinig sa amin ni ryujin.
"Yabang, mvp sunod-sunod." pang-aasar ko sa kanya at natawa na din kaming lahat.
"Wala na, laki na ng ulo. Di nanaman matatahimik 'to sa mvp niya, panigurado." gatong na pang-aasar ni hyunjin.
"Ew, basher ka lang eh." ganti ni rj sa kanya, kaso mas malakas kasi talaga mang-asar 'tong si hyunjin.
"Sumbong kita sa crush mo eh." sabi niya pa kay rj.
"Ang pangit mo talaga kabonding, no?" natawa na lang kaming tatlo sa sagot ni rj, di talaga siya mananlao kapag ganito na yung ginamit pang-inis sa kanya, gusto niya kasi talaga si yeji, malas niya lang at kakambal ni hyunjin. Napatingin na din ako sa orasan na nasa pader.
Gago, alas dose na, limang oras kami naglaro.
Pahamak talaga 'tong si ryujin kapag nandedemonyo ng laro eh. Nagpaalam na ko sa kanila na matutulog na ako, parang wala pa kasing balak matulog 'tong si rj, kung wala sanang pasok at training bukas pwede pa ko lumaro, eh kaso meron eh. Pinatay ko na lang yung pc at pumunta sa cr.
Nagtoothbrush ako tska hilamos, naligo naman ako kanina pag-uwi. Lagi ako tinatanong ni giselle kung may skin care routine daw ba ako, sabi ko wala. Ano magagawa ko? Safeguard lang naman kasi talaga katapat netong mukha ko eh.
Pinatay ko na ang mga ilaw at binuksan ko lang yung led lights sa ilalim ng kama ko, humiga na din ako tapos ilang minuto lang bumigat na yung mga mata ko.
Karina's
After eating dinner, I went back to my room. I'll review some of my notes lang in case lang na may surprise quiz which is rare pero for recitation na din.
After hours of reading, humiga na ako sa bed. I decided to check my social media accounts then naalala ko na I have to reach out dun sa assigned athlete for me.
I checked the time sa phone, di pa rin namam ganun ka-late, pero baka may ginagawa siya? Kaso baka naman she's sleeping na? Okay sige, fine. I'll leave a message na lang.
Twitter Messages
@kwinter_
@yukrn: hi, is this winter kim from the basketball girls?
It's been an hour, okay, so maybe tulog na nga siya.
Bakit ko ba kasi hinintay, shuta naman.
Anyways, i'll sleep na nga lang din.
***
When i woke up, chineck ko agad yung twitter if nagreply na sa message ko.
There's none. Hindi rin naseen.
I need to talk to her na talaga, need ko na magstart this day or bukas.
Oh God.
Bahala na, I'll approach her na lang mamaya sa school.
Miss Jessa Zaragoza, i feel you. Parang 'di ko na rin yata kaya.
Nakakainis ka talaga prof, bakit kasi ganito yung assessment?
Comments