—narrative

First Sem: Finals Assessment

Pagkapasok nila sa gate ng bahay nila winter ay agad din silang naglakad papunta sa loob ng bahay, simple lang ang loob nito at may pagkamodern din pero tama lang ang kombinasyon ng mga interior at kulay ng bahay. 

"Nay! Andito na po ako!" sigaw ni winter at may narinig silang pagbukas ng pintuan galing sa itaas.

"Upo ka muna, tubig lang ba? Juice o ano?" sabi ni winter kay karina.

"Water na lang, thanks." sagot sa kanya ng nakakatanda at umupo na. Pumunta si winter sa kusina at kumuha ng malamig na tubig sa ref. 

Pagbalik nya sa sala ay nakita nyang tinitignan ni karina yung mga picture frame na nakasabit sa pader.

"Cael! Halika dito!" excited na sabi ng isang babae na kakababa lang sa hagdan, nabaling ang tingin niya dito at sa tingin ni karina ay nasa 70's na ito. 

So this is where winter gets her innocent features. 

Yan lang ang nasabi ni karina sa kanyang isip. Pinanood niya lang ang paglapit ni winter sa nakakatandang babae at ang pagyakap nito dito. 

"Hay ang cael ko, kumakain ka ba ng maayos? Di ka ba nagpapabaya?" sunod-sunod na tanong nito kay winter.

"Nay, isa isa lang po." natatawang sagot ni winter dito. "Di po ako nagpapabaya dun, promise. Namiss kita nay." sabi ni winter at niyakap ulit ang lola nya. 

"Nako, manang-mana ka sa tatay mong bolero." natatawang sabi nito sa apo niya. "Baka mamaya may jowa ka na ha, bawal pa!" dagdag pa nito.

Napatawa naman si karina sa narinig na salitang lumabas sa bibig ng lola ni winter. 

"Nako po, malabo pa 'yang jowa nay. Wala nga po akong masyadong kilala sa school." sagot ni winter. "Ay may kasama po pala ako." sabi nito sa lola niya.

"Good morning po." tumayo naman agad si karina nung narinig ang sinabi ni winter at nagbow ng kaunti.

"Aba jusko kagandang bata mo naman, hija." manghang sambit ng lola ni winter habang pinagmamasdan si karina, dahilan para mamula si karina sa hiya. 

"Nay, si karina po, kaibigan ko po. Karina, si nanay wilma, lola ko." pagpapakilala ni winter sa kanila.

"Nice to meet you po." bati ulit ni karina dito.

"Cael, hindi ba artista 'tong kaibigan mo? Model?" baling nito kay winter at nagtanong. Natawa naman si winter sa tanong.

"Hindi po nay, pero sikat siya sa school." sagot nito at ngumiti pang nang-aasar kay karina. Pabiro naman siyang inirapan ni karina dahil dito.

"Sandali nga, umupo muna tayo. Paano ba kayo nagkakilalang dalawa? Sigurado kasi akong hindi nagkukusa 'tong si cael kumausap ng tao, tama ba hija?" tanong ni nay wilma kay karina, nahiya naman si winter sa tinatanong ng lola nya kaya napayuko na lang siya at napakamot sa batok dahil paniguradong pagkkwekwentuhin talaga ng lola nya si karina. 

 

***

 

"That's basically the story po kung pano kami nagkakilala." sabi ni karina nang matapos ang pagkwekwento niya sa lola ni winter, syempre hindi kasama yung locker room scenario.

"Pero bakit kayo magkasama ngayon?" tanong ulit ng lola ni winter.

"Gagawin po kasi namin mamaya yung project na kwinento ni karina, nay." sagot ni winter, napatango lamang ang lola niya sa kanya at napatingin sa orasan.

"Ay sya, anong oras na pala. Sandali lang at dito na kayo maglunch." sabi nito at agad na tumayo papuntang kusina bago makasagot yung dalawa.

Pag-alis ng lola ni winter ay naiwan silang dalawa na nakaupo sa couch, magkatabi pero may space sa pagitan. Tumingin lang ulit si karina sa mga picture frame na nakasabit sa pader at tahimik lang ding nakatingin si winter sa kanya.

"Sorry pala kay nanay ah, andaming tanong eh." nahihiyang sabi ni winter.

"It's fine, ang cute nga kasi close kayo." nakangiting sagot ni karina. 

Aasarin sana ni winter si karina dahil nung nagkwekwento ito ay naalala nyang nilagpasan nito ang pangyayare sa locker room nung bumukas ng napakalaki ang pinto ng bahay nila winter kaya parehas silang napatingin dito.

"Nantata pogi!" isang napakacute na bata lang naman ang tumatakbo papunta sa direksyon nilang dalawa at tumalon ito sabay yakap nung nasa harapan na ito ni winter.

"Woojin-ie, sinong kasama mo?" ngiting tanong ni winter dito habang hawak-hawak ang bata.

"Si mommy po. I miss you tata." sagot nito at yumakap ulit kay winter at siniksik ang sarili. 

Nakangiti lang si karina habang pinagmamasdan yung dalawang nagyayakapan sa harapan niya nung may nagsalita sa likod nila.

"Woojin, greet tata's visitor muna." sabi ng boses na ngayon ay nakatayo na sa gilid ni winter. Oh my god, is she winter's sister? Grabe, yung genes nila. Yan ang nasa isip ni karina.

"Ate irene," tumayo si winter at bumeso dito tapos ay sabay na silang umupo ng bagong dating, "si karina po pala, kaibigan ko po." pagpapakilala ni winter.

"Karina Yu, nice to meet you po." bati ni karina sa bagong dating at nagbow naman ulit ng slight. Pag-angat ng ulo nya ay nakangiti na ang babae sa kanya.

"Irene Kang, cousin ako nito." pagpapakilala nito kay karina at tinuro si winter. "Actually yung asawa ko talaga yung cousin nya, so in-laws ganun." pahabol pa nito.

"Wooow, you're so pretty, can i call you tata ganda? I'm Woojin Kang, 5 years old." nagliliwanag ang mata at mukha ng bata nung tinanong niya si karina. Parehas naman namula si karina at winter sa sinabi nito at hindi yun nakatakas sa paningin ni irene. 

"Woojin! Baby kumalma ka nga." natatawang saway ni irene sa anak niya. 

"Ah no, it's okay po." sabi ni karina kay irene na namumula pa rin. "Hi, woojin. Yes you can call me tata ganda." sabi ni karina habang nakangiti at pinat ang ulo ng bata. 

"Nice! Tata pogi and tata ganda, yay!" sabi ng bata at pumagitna kay karina at winter sabay hawak sa braso ng dalawa kaya nagtatama ang likod ng kamay nila.

Pulang pula pa rin si karina at kitang kita din ni irene ang pamumula ng tenga ni winter kaya todo todo siya kung magpigil ng ngiti at tawa. 

"Ang baby boy namin!" sigaw ni nanay wilma na kalalabas lang sa kusina at dumiretso sa apo nya sabay yakap at halik dito, "Oh irene, nasan ang asawa mo?" tanong nito kay irene. 

"Nay," sabi nito, yumakap at bumeso rin, "susunod daw po si seul, may kinuha lang po sa office niya." 

"Okay sige, dito na kayo kumain ha, teka malapit na maluto yung adobo." sabi nito at bumalik na ulit sa kusina. 

Naiwan naman silang apat sa sala, nakikipagkwentuhan na si irene kay karina at paminsan-minsan ay tinatanong ito kung pano sila naging magkaibigan ni winter habang si winter at ang pamangkin nito ay naglalaro lang sa harapan nilang dalawa. 

"Cael, maghain ka na! Kakain na tayo!" rinig nilang sigaw ni nanay wilma galing kusina. Tumayo naman si winter at nagpiggy back ride ang pamangkin sa kanya, nakasunod lang naman si irene at karina sa likod nilang dalawa.

Nakangiti pa rin si karina habang pinagmamasdan ang magtita.

She can't believe that this Cael is the same Winter with an intimidating aura sa school nila.

Winter Cael Kim, I found your weakness. Kids lang pala katapat mo para maging softie. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chillggstan
hello!

first of all i want to say sorry, i've been on writer's block the past few weeks. thank you for waiting and understanding, enjoy the update! be safe! :))

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 32: author balik ka na pls
ryujinie__
680 streak #2
Chapter 32: Miss u 😓
ramramreads
#3
Chapter 32: Miss u pi
EzraSeige
#4
Time to relapse eme. Miss ko na si Cael at Rina rold 😣😢💙❄
fifth_
#5
tao po? may tao po ba?
soyiesows #6
Chapter 32: updateeee
yeppeungom
#7
Ganda nito kaso na ghost ata.
wnddmks_ 647 streak #8
Chapter 31: Hala ang ganda neto natapos ko na pero no pressure sayo, otor!!
wenrene22
#9
Chapter 32: re-reading again, hnggg...i miss this, huhu. =’ [
ryujinie__
680 streak #10
rereading, imyyy ❤️