'28 merry talaga ang pasko

First Sem: Finals Assessment

Winter


Nagpapack ako ng mga damit ngayon sa napakalaking duffle bag ko, hindi yung gamit ko pangtraining, ayoko na guluhin yun eh. Extra ko 'to in case na may biglaang sleepover or emergency. 

 

Shirts na lang yung ilalagay ko tapos ready to go na. 

 

Pupunta kasi ako kila Nanay, dun kasi kami lagi nagce-celebrate ng Christmas kahit nung buhay pa si Mama, tapos yung New Year kila Mamita, sa side nila Mama. 

 

Uuwi na rin pala mamaya yung mga kapatid ko, ang gulo gulo nanaman niyan mamaya, in short panggulo sila. Joke. 

 

Si Ate Taeng magulo talaga kapag kasama mga pinsan namin, kahit saang side na pinsan kasundo niya. Paboritong pinsan nga yun ng lahat kasi game daw lagi at kayang magseryoso kapag kailangan. 

 

Si Kuya Eunwoo close din yung pinsan namin sa both sides, actually lahat naman kami close sa mga pinsan sa both sides. 

 

Pero ayun, si kuya maingay lang pag may nag-ingay na. Mahiyain kasi yan sa una pero pag tumagal siya na yung pinakamagulo. 

 

Ako? Wag niyo na alamin. Joks. 

 

Wala namam, go with the flow lang ako sa mga ganap kapag ganitong mga may okasyon. Ako din madalas na nag-aalaga kapag nalalasing sila dahil hindi naman nga ako umiinom. 

 

Ay tsaka di lang pala lasing inaalagaan ko. Syempre yung mga pamangkin ko kasama kaya ayun, ako ang favorite tata nilang lahat. 

 

Secret lang 'to pero bago magnoche buena mamaya, pupunta muna ako kila Karina. 6 or 7 siguro punta ako sa kanila.

 

Miss ko na eh, kahit kakakita lang naman namin nung nakaraang araw. Tsaka syempre ibibigay ko yung gift ko. 

 

Tumunog yung phone ko na katabi lang nitong bag na inaayos ko kaya inabot ko yun at tinignan kung ano yung notif. 

 

Message

karina ♡

From karina ♡: good morning, grumpy!!

From karina ♡: look! it's my favorite cereals yay!

From karina ♡: 1 attachment. 

 

Napangiti agad ako sa message na nakita ko, magrereply na sana ako kaso nawala yung ngiti ko. 

 

Dapat pala hindi ko na tinitigan yung picture, ang aga-aga pa magkakasala na ako. 

 

Bakit naman kasi ganito yung pantulog niya? Jusko po. 

 

Sa mukha lang ang tingin, Winter! Wag ibaba ang mata!

 

To karina ♡: good morning, boss! 

To karina ♡: ang cute naman ng pugo na yan :P

From karina ♡: it's still early, stop that

To karina ♡: joke lang eh, sorry :((

From karina ♡: what are you doing? nagbreakfast ka na?

To karina ♡: tapos na, nagpa-pack ako gamit

To karina ♡: kila nanay kasi kami celeb ng christmas

From karina ♡: okay, message me when you're done na

 

Ilang minutes lang din at natapos ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Nagmessage na din ako kay Rina at pinagalitan pa nga ako. 

 

Bakit daw hindi ko inayos kahapon pa, edi sana daw mas marami akong time makipagbond sa relatives ko. 

 

Nako po, kung alam niya lang kung gaano sila kagulo, baaka ma-culture shock pa siya sa mga pinsan ko. 

 

Di rin kami nagtagal mag-usap dahil sasamahan niya daw si tita sa grocery, bibili daw kasi sila ng mga kulang na ingredients para sa handa nila mamaya. 

 

Maliligo na lang ako tapos pupunta na ako kila nanay, yung motor lang ulit gagamitin ko para mabilis. Konti lang din naman yung dala kong gamit, may mga damit naman kasi ako dun. Sakto lang yung dala ko sa topbox nung motor, kasya naman yung bag.

 

 

 

Nakacenter stand yung motor pero ini-start ko na yung makina. Ginalaw ko din ng ilang beses yung throttle para mapainit yung makina. 

 

Sumakay na ako tapos inabante ko yung motor para makababa sa pagka-stand. 

 

Susuot ko na sana yung helmet nung nagvibrate yung cellphone sa bulsa ko. 

 

Pagtingin ko napangiti ako slight, pero napasimangot din ako. 

 

Si Ate Taeng kasi yung tumatawag. Mang-aasar muna 'to kahit miss na miss niya na ako. Ganyan naman lagi siya pag tumatawag. Walang hello hello, pang-aasar yung bungad.

 

"Hello?" Bati ko sa kanya.

 

"Askal! Nasaan ka na? Tagal mo naman." Nilayo ko ng konti yung phone sa tenga ko. Ang ingay talaga ni Ate. 

 

"Papunta na, tumawag ka pa kasi eh." Asar na sabi ko sa kanya. 

 

"Aba! Galit ka ba? Ha?" Paghahamon niya sakin. 

 

"Hindi. Sige na, aalis na ko dito." Paalam ko sa kanya.

 

"Ingat, tanga ka pa naman." 

 

Gaganti pa sana ako kaso binabaan agad ako. Panget talaga ugali nun eh. Mamaya na lang ako gaganti kapag kumpleto kami magpipinsam para mas solid yung bawi. 

 

Binalik ko na yung cellphone sa bulsa ko at sinuot na yung helmet.

 

Buti na lang mahangin tsaka makulimlim, hindi nakatutok yung araw kaya masarap magride. 

 

 

******

 

 

Wala pa ako sa gate pero naririnig ko na sa eskinita namin yung tugtog galing sa bahay. 

 

Santa Tell Me lang naman ni Ariana Grande. Si Ate nanaman may pakana nito, sure ako. 

 

Marami din namang nagpapatutog pero ewan ko kung bakit nangingibabaw yung speaker namin, mana ata sa may-ari. Si Ate kasi bumili nun eh, kaya siguro kasing lakas ng bunganga niya. 

 

Pinark ko yung motor sa tapat ng gate namin, yung eskinita kasi dito kila nanay malaki naman pero hindi kasing laki ng isang kotse, motor lang talaga yung pwedeng pumasok. 

 

Hinubad ko yung helmet at binitbit, yung duffle bag ko sinukbit ko na din sa balikat ko. 

 

Pagbukas ko ng pinto saktong huminto si Ariana, napahinto din ako kasi parang nakakita sila ng multo nung nakita ako. 

 

Literal na nagtitigan lang kami habang nasa pinto lang ako. 

 

"Askal!" Sinalubong ako ni Ate Taeyeon na agad sumampa sa sa likod ko. 

 

Bakit parang ang bigat nito pero ang liit na tao? 

 

"Aray ko naman! Bumaba ka nga diyan, Ate Taeng!" Saway ko sa kanya habang tinatapik yung nakapulupot niyang binti sakin dahil nakapasan pa rin siya. 

 

"Taeyeon, bumaba ka muna dyan sa kapatid mo. Tignan mo yung mukha oh, nalulukot na." Sabi nung boses sa taas kaya napatingin ako dun. 

 

Si Papa, parang bagong dating lang din. 

 

Bumaba naman na si Ate sa likod ko kaya sinalubong ko si papa na pababa na ng hagdan. 

 

"Pa." Bati ko sa kanya at yumakap, ang tagal na yata nung nayakap ko siya ng ganito. 

 

Lumipat kasi ako sa dorm diba tapos nung nainjury ako kila Ate Seul at Ate Irene ako tumira. 

 

Binalik ni papa yung yakap nang mas mahigpit at naramdaman ko yung pagrelax ng paghinga niya. 

 

"Ang Cael ko! Nandito ka na pala!" Narinig ko si Nanay sa likod ko. 

 

Ginulo ni papa yung buhok ko tapos si Nanay naman yung yumakap sakin. 

 

Hinalik-halikan pa ako, alam mo yung halik ng lola? Yung sinisinghot ka pa, yun ganun niya ko hinalikan kaya napatawa na lang ako. 

 

"Nay, may favoritism ka talaga. Bakit hindi ka ganyan nung ako yung dumating kanina?" Nakangusong tanong ni Ate Taeng. 

 

Natawa naman kaming lahat sa sinabi niya. Wala eh, ako talaga ang paboritong apo. Joke!

 

"Taeyeon, malaki ka na." Natatawang sagot ni nanay kay ate kaya natawa ulit kami. 

 

"Eh kaso nay, hindi nga ho lumaki." Singit na asar ni papa kaya mas lalong di maipinta ang mukha ni Ate. 

 

Dun na talaga ako natawa, hindi ko na talaga napigilan. Hindi rin naman ako katangkaran pero at least mas mataas ako sa kanya. 

 

 

******

 

 

"Cael, dito na lang daw tayo sabi nila Ate. Tayo na lang daw magbantay sa mga bata." Sabi ni Kuya Eunwoo na kakalabas lang sa kusina. 

 

Mga isang oras na ako dito nung dumating siya kanina, galing daw siya sa Turkey. Literal na naglilibot siya sa mundo. 

 

Nandito na din kasi yung mga pamangkin namin, tatlo pa lang naman sila. Halos magkaka-edad lang, pero si  Woojin yung kuya nila, sumunod yung dalawang prinsesa namin, si Jian at Rian. 

 

Yung dalawang pinsesa namin anak nila Ate Jisoo at Ate Chaeng. 

 

Ganito kasi yan, yung papa ko ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid. Sumunod sa kanya si Tita Alice, mother ni Ate Seul at Hyewon. Tapos yung bunso nila, si Tito Wade, father naman nila Ate Jisoo. 

 

Si Tito Wade may apat na anak, panganay si Kuya Key, tapos si Ate Jisoo then yung kambal, si Ate Jennie at Kuya Hanbin. 

 

Sa aming magpipinsan kami ni Hyewon yung parang bunso kaya grabe talaga si nanay kung i-baby kami. Kaso sakin yata yung pinakaextra maglambing si nanay. 

 

Wala eh, ako ata talaga yung paborito. 

 

Tulog pa naman yung mga bata kaya komportable muna akong umupo sa sofa, tumabi din sakin si Kuya Eunwoo. 

 

"Bunso, kamusta?" Bati niya sakin kaya natawa ako. 

 

"Kung makatanong ka naman kuya. Palagi nga tayong magkausap eh." Sagot ko sa kanya kaya napangiti na din siya. 

 

"Namiss ko lang naman ang baby namin. Masama ba?" Sabi niya at inakbayan na ako. 

 

"Kuya! Malaki na kaya ako!" Reklamo ko sa kanya, lagi na lang kasi siya ganyan. 

 

"Nope, baby ka pa rin sakin." Tsaka niya ginulo yung buhok ko. 

 

"Pero kuya, ayaw mo pa ba magsettle down?" Tanong ko sa kanya, curious lang talaga kasi ako.

 

"Tsaka na siguro Cael, marami pa namang oras. Nage-enjoy pa ako sa ginagawa ko eh." Nakangiting paliwanag niya sakin kaya ngumiti na lang ako pabalik. 

 

Siguro may kinalaman 'to kay mama, close kasi sila eh. Kahit na hindi ko talagang buong kadugo si kuya, never namin siyang trinatong iba. 

 

Anak ni papa si kuya sa ibang babae. Namatay yung tunay nyang nanay nung pinanganak siya. Ayun lang yung alam ko. 

 

Sabi sa akin ni ate, lagi daw nag-aaway parents namin nun, akala daw nila maghihiwalay na. Pero never daw nagalit si mama kay kuya kasi wala naman daw kasalanan si kuya, bata lang naman daw ito, si papa daw yung nagkamali. 

 

Anyway, kung masaya naman siya sa ginagawa nya ngayon, sino ba naman ako para tumutol, diba? 

 

Nakarinig na kami ng iyak kaya sabay kami umakyat ni kuya sa kwarto nung mga bata. 

 

Pagdating namin sa kwarto, nadatnan namin si Woojin at Jian na magkatabi sa queen size bed na mahimbing ang tulog. 

 

Dumiretso si kuya kay Rian na umiiyak sa crib niya, crib pa nga ni Woojin yun pero napagpasa-pasahan na ng mga bata para hindi na din gumastos. Minsan lang din naman kasi sila dito. 

 

Hinalikan ko lang yung dalawa sa sentido habang pinapanood ko sila matulog, sinusulit ko na kasi hindi sila forever na bata. 

 

Sobrang laki talaga ng attachment ko sa mga pamangkin ko, kahinaan ko kasi talaga ang mga bata. 

 

Siguro rin dahil gustong-gusto ko magkaroon ng isa pang kapatid noon. Ayoko kasi na maging bunso dati eh. 

 

Lalo na yung mababait at malambing, buti lahat ng pamangkin ko mabait at malambing. Makulit nga lang minsan pero bata pa yan eh, natural lang talaga. 

 

"Cael, ayaw tumigil ni Rian sakin, palit tayo. Baka magising yung dalawa." Utos ni kuya sakin habang buhat at pinapakalma ang pamangkin namin. 

 

Kinuha ko siya kay kuya at binuhat din, nagsway pa ako habang nagh-hum para makatulog ulit siya.

 

Hindi ko alam kung effective din sa kanya pero ganun yung ginagawa ko sa ate at kuya niya dati. 

 

"Ang daya talaga." Nakangusong reklamo ni kuya, napatulog ko kasi ulit si Rian. Effective din pala. 

 

Tinawanan ko si kuya tapos nilapag ko na ulit si Rian sa crib. Nilagay ko na din yung pacifier sa bibig niya. 

 

"Alam mo parang ikaw dapat yung magsettle down sating dalawa." Biro ni kuya sakin.

 

"Pero bawal pa! No boyfriends! ... or girlfriends? Ah basta, mag-aral ka muna." Agad na bawi niya sa sinabi niya. 

 

"Di mo sure, kuya." 

 

Natatawa ako nung makita kong nanlaki yung mata niyang tumingin sakin. 

 

"May boyfriend ka?!" Ipit na sigaw niya dahil natutulog pa nga yung mga bata.

 

"Wala ah!" Mabilis na sagot ko pabalik, napangiwi ako pagkatapos dahil napalakas pala yung boses ko. 

 

Mas lalo pa atang lumaki yung mata ni kuya sa sagot ko.

 

"Hala! May girlfriend ka?" Ipit na tanong niya ulit.

 

Para kaming tanga mag-usap dito, pwede naman sa kwarto o sa kwarto niya pero dito pa talaga namin naisip magchismisan. 

 

Nagpipigil ako ng ngiti sa tanong niya, nakakakilig kapag naiisip kong official girlfriend ko na si Karina. 

 

"H-hindi rin.. a-ano kasi, n-nanliligaw pa lang, ganun." 

 

Nakakahiya pala kakfndncfks gago. 

 

"Hala ang bunso! Namumula!!" Excited na sabi niya sabay pisil sa pisngi ko, ginulo niya din yung buhok ko habang ngiting-ngiti siya. 

 

"Kuya, wag ka maingay!" Saway ko sa kanya kasi di na siya makapagpigil. Parang kinilig din siya sa sinabi ko. 

 

"Hindi pa ba nila alam? Sino siya? Patingin!" Excited na tanong niya. 

 

"Sila Ate Seul pa lang nakakaalam, huwag ka muna maingay sa kanila mamaya ah." Sabi ko sa kanya. 

 

Feeling ko mababali yung leeg nya sa sobrang bilis niya tumango. Pinakita ko na din sa kanya yung picture ni Karina. 

 

 

******

 

 

Nandito ako sa labas nila Rina ngayon, hinihintay ko siya lumabas. Nakakahiya kasi pumasok sa loob eh, parang madaming bisita. Ia-abot ko lang din naman kasi yung regalo ko sa kanya.

 

Tsaka syempre para makita ko siya. 

 

Ang daming tanong ni Kuya Eunwoo kanina tungkol sa kanya. Nagising na nga lang yung mga pamangkin namin at nakarating na din yung iba naming pinsan pero di pa rin kai natapos magkwentuhan. 

 

Buti nga napansin ko din yung oras, nakipaglaro ako sa mga pamangkin ko tapos tumulong din ako ng onti sa paghahanda hanggang sa mag alas siete na. 

 

Message

karina ♡

To karina ♡: boss hehe busy ka ba?

From karina ♡: no na, i just finished helping kanina

From karina ♡: i'm all done na, why?

To karina ♡: tingin ka sa labas nyo

From karina ♡: is that you? 

From karina ♡: oh my god, it's you!!

From karina ♡: WHAT ARE YOU DOING HERE?! 

From karina ♡: nvm, wait for me. lalabas ako

 

 

Natatawa ako sa reaksyon niya, ang cute eh. 

 

Nakasandal lang ako dito sa motor, pinapaikot-ikot ko lang yung susi sa daliri ko. 

 

Napahinto ako sa paglalaro nung narinig ko yung tunog ng gate nilang binubuksan. 

 

Grabe, hinding hindi ako magsasawa sabihing maganda si Karina. Sobra. 

 

Nakasuot lang siya nung plain red square neck fitted dress tapos white converse pero ang ganda talaga. 

 

Lord, grabe ka na. Hindi na kaya idescribe ng mga salita kung gaano kaganda ang Rina ko. 

 

"Hey." Nakangiting bati niya nung nakarating siya sa harap ko. 

 

"Hi." Sagot ko. Nakakahiya kasi di ako makapagsalita.

 

Paano ka naman magsasalita kung ganito yung nasa harap mo? Parang gusto ko na lang siya titigan magdamag. 

 

"Sobrang ganda mo." 

 

Ayun na nga, bago ko mapigilan ang sarili ko ay kumawala na yung mga salita sa bibig ko. 

 

Nakakahiya, pero totoo naman. 

 

Namumula naman siyang nagpasalamat sakin, nabigla din siguro siya sa nasabi ko. 

 

"You're very charming too." 

 

Ako naman ang namula ngayon. Pucha, bat parang ang awkward namin? 

 

Nagkatitigan kami kaya natawa na lang kami parehas. 

 

"Ibibigay ko lang sana yung gift ko sayo." Sabi ko sa kanya. Nakita ko namang nagpout siya nung narinig niya ako. 

 

Jusko po! Ang puso ko!

 

"I don't have yours pa. I ordered online and I thought na makakarating siya on time but yeah, delayed." Pagsusumbong niya na parang bata.

 

I-uwi ko na kaya 'to?Joke, yari ako kila tita pag ganun.

 

Pinisil ko na yung pisngi nya, di na nakapagpigil kamay ko. Ang cute kasi eh. 

 

"Okay lang, para sabay na sa birthday ko, diba?" Pagpapagaan ko sa loob nya. 

 

Sinabihan ko siyang maghintay saglit dahil kukuhain ko yung regalo ko sa compartment nung motor.

 

Binilisan ko lang yung pagkuha nung paperbag kasi iniwan ko siya dun sa gate nilang nakatayo. 

 

Nahihiya akong ngumiti at inabot sa kanha yung paperbag, sana magustuhan niya. 

 

Bubuksan nya na sana nung pigilan ko siya, "Wag mo muna buksan." 

 

Hinawakan ko na din yung kamay nya para mapahinto yung pagbukas niya. Pabirong pinaningkitan niya ako ng mata.

 

"Hmm, I wonder kung ano 'to. This is not a silly thing naman diba?" Nagdududang tanong niya pero may maluwang na ngiti sa labi. 

 

"Wala ah! Pinag-isipan ko mabuti yan kaya sana magustuhan mo." Sabi ko at napakamot na lang sa batok.

 

Di kasi talaga ako sure pero base sa mga nalaman ko sa kanya habang nililigawan ko siya, magugustuhan niya naman ata. 

 

Tumunog yung cellphone ko, may nagtext. 

 

Pagtingin ko si Ate Taeng nanaman, panira talaga ng moment eh! 

 

"You need to go na?" Tanong ni Rina sakin, di ko alam kung imagination ko lang pero parang nagpout siya kanina. 

 

"Oo eh." Sagot ko habang nakasimangot, bitin eh. 

 

"Ayusin mo face mo!" Utos niya habang tinatawanan ako. 

 

Pabiro ko siyang tinignan ng masama at mas lalo naman siyang tumawa. 

 

Pati pagtawa ang ganda, grabe na talaga. 

 

Napangiti na lang din ako sa pagtawa niya, sarap sa tenga eh.

 

Nung nakarecover siya sa pagtawa, nakangiti nanaman kami parehas. 

 

Wala na atang araw na hindi ako ngumiti kapag kasama siya. Malala na ata ako. 

 

Gusto ko pa sana magstay kaso baka hinahanap na din siya sa loob. Apurado na din si Ate Taeng, di ko naman alam kung ano ba gusto nun at nangungulit nanaman.

 

"Uwi na ko, Rina. Baka hinahanap ka na din sa loob." Tumango naman siya kaya tumalikod na ako para sana ayusin yung motor.

 

"Winter!" Kaso bago ako tuluyan makalapit sa motor tinawag niya ulit ako. 

 

Lumingon ako at nagtatakang tumingin sa kanya. Unti-unti siyang lumapit sakin at pinalibot ang mga braso sa bewang ko. 

 

Oo, niyakap niya ako. 

 

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

 

Syempre yayakap ako pabalik!

 

"Thank you for the gift. Merry Christmas, Cael." Mahinang sambit niya pero rinig ko pa rin dahil na rin sa lapit namin. 

 

"Merry Christmas, Rina." Bati ko pabalik at hinigpitan ko konti yung pagyakap sa kanya. Syempre baka di pa rin siya komportable kaya konti lang muna. 

 

Ilang minuto pa bago kami maghiwalay sa yakap at sumenyas siya na umuwi na ko. 

 

Naglakad na ako papunta sa motor ko habang nakalean lang siyang pinapanood ako mula sa gate nila. 

 

inistart ko na yung makina at tinanggal sa pagkakastand. Sinuot ko na din yung helmet pero iniwan kong bukas yung visor. 

 

"Pasok ka na." Sabi ko sa kanya, tumango naman siya at sumagot. 

 

"Drive safely, okay?" Paalala niya kaya ngumiti ulit ako, yung di kita yung mata at may dimple. Nagthumbs up pa ako. 

 

Pumasok na siya sa kanila pero huminto siya ulit para lingunin ako. Kumaway na lang ako sa kanya at binaba yung visor nung helmet ko. 

 

Nung nakita kong tuluyan na siyang pumasok, pinaandar ko na din yung motor at umalis. 

 

 

******

 

 

Sinalubong ako ni Jian pagdating ko sa bahay kaya binuhat ko siya kahit medyo malaki na siya. 

 

Mukhang tama nga si Kuya Eunwoo. 

 

Dapat atang magsettle down na ako. Ilang anak kaya gusto ni Karina? Joke! 

 

"Ito na pala ang bunso natin!" Announce ni Ate Taeng sa buong bahay.

 

Anong meron? Bakit parang hinihintay nila akong lahat? 

 

Napatingin ako kay Kuya Eunwoo at nakatingin siya sakin na parang nagso-sorry. Pero bakit? Di ko pa rin magets. 

 

"So kumusta naman kayo ni Karina? Dun ka ba galing?" 

 

Nanlaki yung mata ko sa tinanong ni ate. Parang nabingi ako. Naparalyze at di maka-analyze. 

 

KUYA NAMAN EH! 

 

TAEYEON KIM, CHISMOSA KA TALAGA! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chillggstan
hello!

first of all i want to say sorry, i've been on writer's block the past few weeks. thank you for waiting and understanding, enjoy the update! be safe! :))

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 32: author balik ka na pls
ryujinie__
681 streak #2
Chapter 32: Miss u 😓
ramramreads
#3
Chapter 32: Miss u pi
EzraSeige
#4
Time to relapse eme. Miss ko na si Cael at Rina rold 😣😢💙❄
fifth_
#5
tao po? may tao po ba?
soyiesows #6
Chapter 32: updateeee
yeppeungom
#7
Ganda nito kaso na ghost ata.
wnddmks_ 649 streak #8
Chapter 31: Hala ang ganda neto natapos ko na pero no pressure sayo, otor!!
wenrene22
#9
Chapter 32: re-reading again, hnggg...i miss this, huhu. =’ [
ryujinie__
681 streak #10
rereading, imyyy ❤️