'06 priority

First Sem: Finals Assessment

Winter's


Ang gaan ng gising ko ngayon, parang walang training kahapon at mamaya eh, pero mas okay naman 'to kesa sa tamarin ako.

Pagbaba ko ay naabutan ko si papa na nagluluto ng agahan, tinulungan ko lang siya sa paghain tapos umupo na sa harapan ng lamesa. Habang kumakain kami tinanong niya ako kung nag-ayos na daw ba ako ng mga gamit ko, sabi ko tapos na kagabi pa.

Lilipat kasi this monday yung mga athlete sa dorm, para daw yung chemistry ng teams mas solid for ISAA, wala naman akong problema dahil para sa team naman yun.

Pagkatapos kumain umakyat ulit ako sa kwarto, nagtoothbrush, naligo at nag-ayos. Nagpaalam na ako kay papa na papasok na, nagchat na din ako sa groupchat namin na mauuna na akong pumasok. 

 

***

 

Sakto lang yung dating ko, may 20 mins pa nga. Naglalakad ako sa hallway namin nung sumilip ako sa classroom nila rj, madadaan mo kasi yung sa kanila bago yung amin. 

Aba, nakayuko at mukhang tulog dun sa upuan nya. Pero himila, ang aga naman pumasok nito? 

Mamaya ko na nga lang tatanungin yon, pagpasok ko sa classroom may ilang classmate na din ako, dumiretso lang ako sa upuan ko kasi di rin naman ako close sa mga kaklase ko. Di ko nga alam kung bakit parang takot sila sakin, di naman ako nangangagat? Pero ayos lang din, kunware pa-mysterious, lowkey lang. Nagcheck lang ako ng phone pagkaupo ko, nagsabi na din ako sa gc na nasa school na 'ko, sinabi ko rin na nasa school na si rj at yung dalawang bonak parang katapusan ng mundo kung magreact, pero nakakagulat nga naman kasi si rj ngayon. Kadalasan kasi siya yung pinahuling dumadating sa school, late pa nga minsan o absent pag tinamad siya. 

Pagkatapos ko magreply tinago ko na din yung phone, madami na din kasi kami sa classroom kaya baka papunta na din yung prof namin sa first subject.

 

***

 

Naghihintay kami sa prof namin ngayon, third subject na, pagkatapos nito lunch na. Nagvibrate yung cellphone ko at alam kong yung tropa na yun, pagtingin ko si hyunjin nga yung nagtext. 

 

Message

tusok gang

Hyunjin: san tayo kain sa lunch?

Ryujin: caf na lang

may quiz kami eh, rereview ako

Giselle: totoo na ba talaga yang desisyon mo rj?

 di lang free trial yan?

Hyunjin: final answer na?

Ryujin: mga basher ko talaga kayo, no? 

Winter: proud of you, rj

Ryujin: yuck bading

Hyunjin: ikaw ba hindi?

Giselle: oh mamayang lunch na mag-away para live

Winter: dun na lang tayo kita-kita

 

Parang may hindi sinasabi samin 'tong si rj, nararamdaman ko eh. Rj at review? Magkasama? Tatawanan ko yun kapag ibang tao nagsabi sakin na nagrereview si rj pero kasi sa kanya mismo nanggaling kaya bagong bago sa amin ni gi at jin.

Isa-isang lumalabas yung mga kaklase ko, lunch na kasi, nilagay ko lang sa bag yung binder notebook ko tapos lumabas na din. Naabutan ko si rj na nag-aantay na sa labas, napansin ko din yung bag niya na parang may laman na, parang medyo mabigat na, nung mga nakaraan kasi ballpen at isang notebook lang ata laman non. 

"Arats na lods, baka mamaya nagwawala na si boss gi don, alam mo naman yun pag gutom." sabi niya nung makita ako.

"Aral na aral ah?" biro ko sa kanya, siniko nya lang ako at tinawanan. May pinaplano nga 'to, ayaw lang magsabi pero magsasalita naman yan kapag ready na siya kaya hihintayin ko na lang, si rj pa? Ang daldal niyan, nahuhuli nga siya sa sarili niyang salita eh. 

Pagdating namin sa caf nakita ko na agad na nakapila si jin, hinanap ng mata ko kung nasaan si gi, nandun pala sa right corner. Tinapik din ako ni rj at nginuso si gi na nakaupo, lumakad kami papunta sa kanya at mukhang good mood naman siya, pag gutom kasi 'to nage-evolve sa ibang dimensyon eh. 

"Huy gagi totoo nga talagang magrereview ka?" bungad samin ni gi nung makaupo na din kami ni rj, napansin nya rin siguro na may laman yung bag ni rj. Tumawa lang ulit sa kanya si rj katulad ng ginawa niya sakin kanina. 

"Ano gusto mo, ter?" tanong ni rj sakin, tatayo na sana siya nung sinabi kong ako na lang oorder. 

"Ako di mo tatanungin? Grabe ka na talaga." madramang sabi ni gi sa kanya. 

"Wag na, review ka na lang, support ko na 'to sayo." asar ko sa kanya pero natawa na lang din kaming tatlo. 

"Yung baked mac na lang pre, libre mo ba? Syempre libre mo." nakangiting sabi niya sakin, binatukan ko lang siya tapos pumunta na sa pila ng bilihan. Di naman masyadong mahaba yung pila, nagbabayad na si jin nung nakita niya 'ko, hihintayin niya na daw ako para sabay kami bumalik, good mood naman daw kasi si gi.

Bumili lang ako ng tuna sandwich tapos baked mac para kay rj, inaya ko na din si jin na pumunta na sa pwesto namin. Pagbalik namin nakikibasa na si gi sa nirereview ni rj, notes niya ata yun. Nilapag namin yung binili namin at umupo na din.

"Weh, kunware nag-aaral para makita ng iba tas plus points sa mga chix, galawan mo talaga rj." asar ni jin sa kanya, binato tuloy siya ni rj ng correction tape. 

"Gago ka talaga. Naghahabol lang ako para walang sagabal kapag nagpractice na kami ng banda, lapit na mga events eh." sabi ni rj samin habang nakatingin pa din dun sa notes niya.

Hinayaan na lang namin siya magreview pero minsan syempre inaasar pa rin namin, nasa kalagitnaan kami ng pagkain nung nagsalita ulit si hyunjin.

"Ay may narinig ako pala sa pila kanina." sabi niya samin kaya napatingin kami ni gi sa kanya.

"Chismoso mo talaga jin, layo nyo talaga nung kambal mo." natatawang sabi ni gi sa kanya.

"Mas cute ako dun pero 'to nga, ikaw winter ah..." yung tono niya mapang-asar nung sinabi niya yan tapos nakangisi pa, ano nanaman kaya narininig nito.

"Oh? Ano ba yung narinig mo?" tanong ko sa kanya.

"Si Karina? Pumunta sa training nyo kagabi? Hinanap ka pa nga daw." malokong ngiti nya sakin, nankita ko namang nanlaki yung mata ni boss gi at napatigil sa pagrereview si rj.

"Karina? As in Karina Yu? Yung campus crush?" di makapaniwalang tanong ni gi, kaya tumango lang ako sa kanila.

"Siya ba yung kapartner mo dun sa project ng humss students sa pe?" tanong ni rj sakin at tumango lang ako ulit sa kanila. 

"Tapos? Ano naman?" takang tanong ko sa kanila, big deal ba yun? 

"Gago, anong tapos? Anong ano naman?" gulat pa ring tanong sakin ni gi.

"Di ata siya aware na maraming nakapila kay karina tapos siya pinuntahan lang sa training, si karina pa nagreach out." natatawang sabi ni jin.

"Eh di naman ako nakikipila? Para lang naman sa project yun?" sabi ko ulit tapos ako naman yung binatukan ni rj.

"Ewan ko sayo, winter. Ibig sabihin lang namin, grab the chance pre! Malay mo siya na pala diba." buong kaluluwang pinaliwanag sakin ni rj yung gusto nila iparating sakin, ayaw pa kasi ako diretsuhin kanina mga bonak talaga.

"Di nga kami nag-uusap nun kung 'di tungkol sa project nila eh, tsaka di ako interesado sa mga ganyan." sabi ko na lang sa kanila. Nakita ko namang napairap si boss gi sakin, si jin tumawa lang tas si rj nagkamot lang ng ulo. 

Eh ano ba dapat kong gawin? Para lang naman kasi talaga sa project niya yung interactions namin? 

Oo, nagandahan naman talaga ako sa kanya nung una, mukha rin naman siyang mabait pero ganun lang naman talaga ako. 

Natapos lang na ganon yung usapan namin tungkol kay karina at yung dalawa bumalik na sa building nila, kami ni rj nandito na din sa building namin papuntang mga classroom, tapos na kasi yung lunch. 

 

***

 

Nasa gym na ako dahil may training kami ngayon (lagi naman), nagsusuot na ako nung medyas nung naramdaman kong nagvibrate yung cellphone sa bulsa ng bag ko. 

 

Message

Karina Yu

From Karina Yu: hey winter, may training ba kayo today?

 

Napaisip tuloy ako sa mga sinabi ng tropa kanina, pero hindi talaga eh, sa totoo lang wala pa talaga akong interes sa mga ganyan.

Pag-aaral at basketball lang priority ko eh.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chillggstan
hello!

first of all i want to say sorry, i've been on writer's block the past few weeks. thank you for waiting and understanding, enjoy the update! be safe! :))

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 32: author balik ka na pls
ryujinie__
682 streak #2
Chapter 32: Miss u 😓
ramramreads
#3
Chapter 32: Miss u pi
EzraSeige
#4
Time to relapse eme. Miss ko na si Cael at Rina rold 😣😢💙❄
fifth_
#5
tao po? may tao po ba?
soyiesows #6
Chapter 32: updateeee
yeppeungom
#7
Ganda nito kaso na ghost ata.
wnddmks_ 649 streak #8
Chapter 31: Hala ang ganda neto natapos ko na pero no pressure sayo, otor!!
wenrene22
#9
Chapter 32: re-reading again, hnggg...i miss this, huhu. =’ [
ryujinie__
682 streak #10
rereading, imyyy ❤️