'22 not the same

First Sem: Finals Assessment

Winter


"Ter, ano yon pre?"

"Oh, bakit ka sasama samin?"

"Hahayaan mo lang sila?" 

Habang naglalakad kami palabas ng campus, sinesermunan ako nitong tatlong kasama ko.

Sabay sabay lang sila napa-iling at 'tsk' nung hindi ako sumagot.

Eh ano ba dapat ginawa ko? Alangan naman pigilan ko sila eh parang handang handa naman na sila umalis. Pumayag din naman si karina, ibig sabihin sumama siya nang kusa. Ibig sabihin, di naman siya pinilit nung lalaki. 

Nagpaalam ako kahapon sa doctor 'ko, pinatext ko kay Ate Seul para itanong kung pwede na ba akong lumabas. Sobrang bored na kasi ako sa bahay nila, kahit anong daldal naman ng pamangkin ko, syempre iba pa rin kapag kasing-edad ko lang yung mga kausap ko. 

Puro na lang kasi dinosaurs at cartoon yung napag-uusapan namin, nung ganitong edad kami ni Ate Seul hindi naman ganito yung usapan namin. Pero buti na lang at nagmana yung anak nila kay Ate Hyun, imagine kung nagmana siya sa pinsan ko, sasakit siguro ang ulo nila dito. Lahat kasi nung kalokohan na alam ko nung bata pa ako, lahat yun natutunan ko kay Ate Seul.

Pero ang cute cute ng pamangkin ko habang nagkwe-kwento, kamukha niya kasi ang mama niya, parehas silang mukhang bear kaya ang cute cute nung mga expression niya kapag nakikipag-usap siya. 

Hindi ko nga alam kung natural na ba sa akin pero ang galing galing ko sa mga bata, nung pinanganak si woojin ang bilis niya na-attach sakin, ganun din ako sa kanya. Niloloko pa nga ng pamilya namin yung pinsan ko na baka anak ko talaga si woojin at hindi sa kanya, syempre tawang-tawa lang ako sa pikon niyang mukha. 

Naalala ko pa dati, laging nakakatulog si woojin sa akin kapag binubuhat ko siya, kapag umiiyak siya tapos kinuha ko siya tatahan agad siya, kaya nga napatambay ako nang matagal dito sa kanila nung junior high ako, tumutulong kasi ako sa pag-aalaga sa pamangkin ko.

Pwede na nga daw ako mag-asawa, natawa na lang ako, girlfriend nga wala eh, asawa pa?

Pero ayun nga, pinayagan ako nung doctor. Basta daw lakad-lakad at light activities lang, bawal pa rin ako magtraining kaya naisipan kong dumalaw lang muna.

Dumaan na din ako sa faculty, tinanong nila kung okay na ba ako pero sabi ko malayo sa bituka, natawa naman yung ibang prof ko at binigay sa akin yung mga missed activities and assessments, yung iba special project na lang binigay tapos kailangan ko daw iperfect para si maka-apekto sa grades at makahabol ako. 

Nagmamadali pa ako kanina, nagmessage agad ako sa gc namin tapos saktong wala silang mga training at practice kaya nagdesisyon sila na kumain kami tapos magmall, sleepover din daw. 

Bago ako umalis, inuto ko muna yung pamangkin ko. Ayaw kasi ako pakawalan! Dapat daw di muna ako lumabas kasi may sakit pa ako, dapat daw I'm resting with him, ayun naman pala, nagpapalambing ang baby namin. Sinuyo ko pa siya ng konti tapos pumayag siya nung sinabi kong bibilhan ko siya ng bagong dinosaur.

Tinext ko si Ate Seul para magpaalam at pumayag naman siya, may extra room kasi sa bahay nila, except pa yung akin kasi may sarili talaga akong kwarto dun dahil ako nga yung kalaro at nag-aalaga kay woojin bago ako magsenior high, ayusin na lang daw namin yung guest room para dun kaming lahat matutulog. 

Sabi ko sa kanila, mamaya ako babawi sa sleepover.

Nakakahiya kasi kay karina, ilang araw na akong di nakatulong sa project niya. Syempre inasar nanaman ako nitong tatlo pero sanay naman na ako. 

Sinamahan nila ako papunta sa building nung humss, gusto daw nila makita kung paano magre-react si karina, nandun kasi yung student council office, syempre pabor kay gi, makikita niya si ningning panigurado eh. 

Di nga ako nagkamali, saktong sakto yung dating namin sa paglabas nila. Ngiting-ngiti naman 'tong bestfriend namin, sinalubong kasi siya agad ng yakap ni ningning. Tumambay lang kami dun sa isang bench kasma si ningning, ang daldal talaga niya, ang dami niyang kwinento tungkol sa mga nangyayare sa school, saan niya ba nakukuha 'tong mga chismis na 'to? 

Hindi namin namalayan yung oras, halos 30 minutes na pala kaming nakikipagchismisan— este nakikipagkwentuhan kay ningning.

Nagpaalam siya sa amin na uuwi na, ihahatid pa nga sana ni gi kaso nagpasundo daw ito dahil gusto lang matulog buong araw.

Ilang sandali lang din lumabas na yung ibang members ng student council, kaso di ko nakita si karina, baka may inaayos pa sa loob.

Nagkwentuhan lang kami tungkol dun sa new agent sa valorant, yung Chamber. Nilabas kasi nung may injury ako, ang tagal ko na palang di nakakalaro. 

"Oh ayan na si karina." 

Napalingon agad ako sa pinto ng office nila nung narinig kong nagsalita si giselle. 

Grabe.

Sobrang ganda lang talaga ni karina kahit anong ayos at suot. 

Pero bakit parang aalis ata siya? 

"Ang bagal mo naman! Lapitan mo na!" 

Parang gago 'tong si rj, sumali pa si jin, lalapitan naman eh! Bakit kailangan tinutulak ako? 

Binatukan ko sila pareho at inayos yung suot ko, ito na lalapitan na nga eh.

Tatlong hakbang na lang.. napatigil ako. 

Surprise sana 'to sa kanya kaso parang ako yung nasurprise. 

May lakad pala talaga si karina kaya siya nakabihis.

Ah.. si jaehyun yung kasama.

Sasama na lang pala ako sa tropa, sayang yung libre nila sakin.

May plano naman na din naman si karina, di ko na siya tatanungin. Tsaka basic human decency lang na hindi ko na siya ayain, nauna naman kasi talaga si jaehyun. 

Tumalikod na ako at bumalik papunta kila gi. Sumama lang ako sa kanila nang tahimik. 

Sa totoo lang, ano kasi, 'di ko alam kung tama yung term pero naiinis ako?

Hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis eh, baka gutom lang 'to. Dapat talagang kumain na kami dahil kung ano-ano na naiisip ko. Tsaka minsan lang ako gastusa netong mga 'to, ako naman gastusan nila ngayon, para makabawi man lang ako dun sa mga pagpapalibre nila sa akin palagi, ako yung lugi eh.

 

******
 

Pauwi na kami at sumabay kaming tatlo sa kotse ni rj pauwi, dinaan lang kasi ako ni Ate Seul diot kanina tapos yung dalawa naman nakadorm kaya ayun, kapag friday hanggang weekends lang sila nagdadala ng sasakyan. 

Sinalubong kami ni woojin pag-uwi, naglalambing pa, kasi alam niyang may pasalubong sa kanya. Si Ate Seul wala pa, si Ate Hyun naman nasa kusina, nagluluto na ata ng dinner. Sabay-sabay kaming sumalampak sa sofa, nasa harapan namin yung pamangkin ko na excited sa bagong collection niya ng dinosaur, ayoko nung simpleng dinosaur lang kaya lego na dinosaur yung binili ko. 

"Tata pogi! This is so amazing! Thank you po ulit!" 

Sumampa siya sa akin at yumakap tapos bumalik ulit dun sa laruan niya.

"Naniniwala na ata ako." 

Napatingin kaming lahat kay ryujin na nagtataka, ano nanamang sinasabi nito?

"Kami, hindi. Ano nanaman yang sinasabi mo?" Pambabara sa kanya ni hyunjin.

"Malakas talaga kutob ko eh, winter umamin ka nga." 

"Ha? Saan naman?" 

Anong aaminin ko? Pauso nanaman 'tong kaibigan namin. 

"Ikaw talaga tunay na magulang ni woojin, 'no? Sino yung isang nanay nyan?" 

Binato ko siya ng unan na nasa likod ko. 

Akala ko naman seryoso si gago. 

"Nakikita mo ba yung itsura ng anak ko?" 

Napalingon kami lahat kay Ate Hyun na nakapamewang sa amin.

"Inis na inis nga ako dahil 9 months siyang nasa loob ko pero paglabas carbon copy ng mama niya." 

Tumawa na lang kaming lahat, totoo kasi, yung pamangkin ko parang walang pake samin, binabasa niya lang yung guide sa lego.

Niyaya na kami ni ate na kumain, close lahat ng kaibigan ko kila ate at sa pamangkin ko kasi ewan ko, siguro gusto lang talaga nila yung mga kaibigan ko para sakin. Tawang tawa nga sila kay rj at jin, lalo na si Ate Seul. 

Dia ako makagalaw nang maayos habang kumakain kami, ramdam na ramdam ko kasi yung titig ni Ate Seul sakin. Dumating siya kanina nung pasandok pa lang kami ng kanin, saktong-sakto yung timing. 

Nagkwekwentuhan lang kami habang kumakain, kinamusta kami nila ate tungkol sa school syempre, di naman kami nagsinungaling kasi masama yun kaya sinabi namin na so far, ayos naman ang standing namin sa acads. Di ako masyadong makasabay sa energy nung tatlo kasi ewan ko ba, nalulungkot ako na may halong inis kapag naaalala ko nanaman yung kanina. 

Nagvolunteer si gi at rj na maghugas ng pinggan pagkatapos kumain, si jin naman nag-ayos nung lamesa at susunod sa akin dahil lilinisan at patutulugin ko na yung pamangkin ko.

Pag-akyat namin sa room ni woojin nilinisan ko agad siya, paglabas namin ng cr nakalapag sa kama niya yung pajamas niyang lego, inayos na pala ni hyunjin. 

Binihisan ko na yung pamangkin ko tapos pinainom na siya ng gatas ni jin, para mas mabilis makatulog binabasahan namin siya ng bedtime stories. 

Ako na sana yung magbabasa kaso inagaw ni jin at namiss niya daw ang pamangkin niya, madali naman ako kausap kaya iniwan ko na silang dalawa. Aayusin ko na lang siguro yung rooftop, dun kasi kami tatambay bago matulog. 

Bumaba ako at dumiretso sa kusina, tapos na yung dalawa sa paghuhugas ng mga pinggan. Nakaupo na ulit sila dun sa sofa. 

Nagulat ako nung nakita ko si Ate Seul na nakatayo sa tabi ng ref.

"Ate naman! Bakit ka nanggugulat?" 

Tinawanan niya lang ako. 

"Usap tayo mamaya, sunod ako sa inyo sa taas." 

Yan yung sinabi niya bago siya makalabas sa kusina. Napangiwi na lang ako, ganitong ganito yung mga salita niya kapag may kasalanan ako eh. 

Pero wala naman akong kasalanan ah? Ngayon nga lang ulit ako nakalabas eh. Imposible dingga nakaraang kasalanan o kalokohan yung nalaman niya kasi alam niya naman na lahat ng kalokohan ko. 

Kinakabahan tuloy ako eh!

 

******
 

Magkakaharap kami ngayong apat dito sa rooftop habang hawak ko yung gitara, kanya-kanyang hawak naman sila ng bote ng smirnoff at kinukulit ako na kumanta.

"Last time na nagawa natin 'to summer pa." 

Pahamak ka talaga kahit kailan, uchinaga. Kinulit pa tuloy ako lalo nung dalawa. 

"Minsan na nga lang oh."

"Ang gara parang hindi tropa." 

Hindi pa sila lasing niyan partida, matataas alcohol tolerance nila eh. 

Pagbibigyan ko na nga lang, hindi rin naman kasi ako umiinom, tsaka matagal na nga talaga nung huli kaming nagbonding nang ganito.

Napabuntong hiniga lang ako at sinimulang itono yung gitara, tuwang tuwa naman yung tatlo na pinapanood ako. 

Inistrum ko yung gitara at tinugtog yung intro. 

 

Bakit pa kailangang magbihis

Sayang din naman ang porma

Lagi lang namang may sisingit

Sa twing tayo'y magkasama

 

Mukhang natuwa naman sila sa pinili ko kasi sumasabay na yung paa ni rj sa kanta, tinugtog na kasi namin 'to dati sa studio nila. 

 

Bakit pa kelangan ang rosas

Kung marami namang nag-aalay sayo

Uupo na lang at aawit

Maghihintay ng pagkakataon

 

Tumatango-tango na din sila gi at jin habang kumakanta ako.

 

Hahayaan na lang silang

Magkandarapa na manligaw sayo

Idadaan na lang kita sa awitin kong ito

Sabay ang tugtog ng gitara

Idadaan na lang sa gitara

 

Sa second verse nung kanta narinig kong sumasabay naman na sila sakin pero mahina lang, ganun lang ginawa nila hanggang makarating kami sa last part nung kanta.

 

Pagbibigyan na lang silang

Magkandarapa na manligaw sayo

Idadaan na lang kita sa awitin kong ito

Sabay ang tugtog ng gitara

Ooh

Idadaan na lang

Sa gitara

 

"Sino ba 'yang plano mo haranahin?" 

Napalingon kami lahat sa pinaggalingan nung boses, akala ko di na siya susunod. 

"Nako, Ate Seul.. kilalang kilala mo." 

Sinipa ko lang si rj kasi kung ano-ano nanaman yung sinasabi. Tinawanan lang kami ni gi at jin. 

"Paniniwalaan mo ba si rj, ate? Mukha bang katiwa-tiwala yung ganyang mukha?" 

Nagkunwari pang na-offend 'tong si bonak sa sinabi ko.

"May point." 

Mas lalo pang umarte si rj nung narinig yung sagot ni Ate Seulgi. Binato lang namin siya nung chips na kinakain namin.

"Cael, may hindi ka sinasabi sakin, sa amin." 

Ito na nga ba yung sinasabi ko eh, second name na ang tawag sakin.

Tumingin silang apat sakin na parang naghihintay ng sagot. 

"Ahh, wala 'to, ate. Parang nabigla lang ata ako kanina pag-alis." 

Nakita kong napairap sakin si gi, si rj naman ay umiling-iling tapos nagkamot ng ulo si jin. Napaseryoso naman yung mukha ni Ate Seul.

Winter, ang tanga mo! Wrong move!

"Kita mo na, sabi ko kasi kanina diba.." 

Naputol yung sermon sa akin nung sumigaw si rj, papasalamatan ko na sana kaso hindi pa pala tapos yung sasabihin niya.

"May nangyare po kasi kanina.." 

Sa kanila nagtuon ng atensyon si Ate Seul at sinimulan na nilang tatlo yung pagkwekwento, nung natapos sila tahimik lang kaming lahat kaya nagsalita na ako.

"Normal lang naman yun, magkaibigan kami eh, syempre namiss ko siya kaya nanghinayang ako kanina." 

Napailing na din si Ate Seulgi sa sinagot ko at narinig ko pa yung 'tsk.' 

"Paghihinayang, cael? Talaga lang? Selos yun bata, hindi panghihinayang."

Napabuntong hininga na lang din ako kasi pati si Ate Seul pinipilit na hindi lang kaibigan tingin ko sa kanya, kumportable lang kasi talaga ako sa kanya kaya siguro namimisintepret nila.

"Bakit naman ako magseselos?" 

"Kasi hindi lang naman talaga kaibigan turing mo kay karina, ter."

Si jin naman ngayon yung sumagot sakin.

"Think of all your interactions, tignan mo kung ganon ka ba samin sa tinagal-tagal na nating magkakaibigan." 

Napatingin naman ako kay gi, seryoso ba siya? Syempre magkaiba talaga yun, kakakilala lang naman namin ah? 

Inisip ko lahat ng ginawa namin ni karina, kung paano ako umakto kapag nasa paligid siya o kasama ko siya mula nung nagkakilala kami hanggang ngayon.

Para akong sinampal. 

Yung ngiti niya na kapag nakikita ko, parang gumagaan yung paligid..

Kung gaano kaganda yung buhok niya na kahit anong ayos, lagi siyang mukhang prinsesa.

Yung pagkunot at slight na paghaba ng lips niya kapag nagsusungit siya. 

Yung seryosong mukha niya kapag ginagawa namin yung project niya.

Yung pagbilis nung puso ko nung hinawakan niya yung kamay ko sa elevator nung dorm. 

Yung panghihinayang at inis ko kanina nung nakita ko sila ni jaehyun. 

 

"Parang hindi ka naman ganiyan samin at sa iba?" 

"Iba ka kapag kasama mo si karina, ter." 

"Winter, kung ano ka kapag kasama kami, it's not the same with karina. It's because, you feel like a better person when you're with her."

 

Tangina.

 

Tangina, talaga.

 

Gusto ko si Karina..

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chillggstan
hello!

first of all i want to say sorry, i've been on writer's block the past few weeks. thank you for waiting and understanding, enjoy the update! be safe! :))

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 32: author balik ka na pls
ryujinie__
683 streak #2
Chapter 32: Miss u 😓
ramramreads
#3
Chapter 32: Miss u pi
EzraSeige
#4
Time to relapse eme. Miss ko na si Cael at Rina rold 😣😢💙❄
fifth_
#5
tao po? may tao po ba?
soyiesows #6
Chapter 32: updateeee
yeppeungom
#7
Ganda nito kaso na ghost ata.
wnddmks_ 650 streak #8
Chapter 31: Hala ang ganda neto natapos ko na pero no pressure sayo, otor!!
wenrene22
#9
Chapter 32: re-reading again, hnggg...i miss this, huhu. =’ [
ryujinie__
683 streak #10
rereading, imyyy ❤️