—narrative

First Sem: Finals Assessment

Dumating yung dalawa pang kaibigan ni winter sa kalagitnaan ng training nila. Nalaman na din nila yung nangyare. 

Hindi naman nakaligtas sa paningin ng coach ni winter at teammates niya na wala siya sa focus habang nagttraining, ilang beses siyang nasita ng coach niya dahil dito. Kada sita sa kanya ay nagsosorry lang siya at pinapaalalahanan ang sarili na umayos dahil malaki ang effect ng mga action at mood niya sa team kasi nga team captain siya.

"Alam nyo ngayon lang 'to." sabi ni gi sa mga kaibigan niya habang pinapanood si winter.

"Ngayon lang yung?" tanong ni jin pabalik.

"Ngayon ko lang nakitang ganyan ka-worried si winter." medyo amused na sabi ni gi.

"Pansin ko nga din. Di naman normally ganyan yan, wala ngang pake yan eh." sang-ayon ni rj sa sinabi ng kaibigan.

"Sa tingin mo, possible kayang magkagusto si winter kay karina?" tanong ni jin sa kanila. 

"Hindi malabo. I mean, tignan mo nga si karina pre, ano pang hahanapin mo dun diba?" parang nagday dream pa ng slight si rj nung sinabi yun. "Aray! Masakit!" 

"Parang wala ako dito ah, akala ko ba kapatid ko gusto mo?" sabi ni jin pagkatapos batukan si rj ng napakalakas.

"Marunong lang ako mag-appreciate, masama ba yon?" nakasimangot na sagot ni rj.

"Pero knowing winter?" napahinto sa pagbabangayan yung dalawa nung nagsalita ulit si gi, "Di kikilos yun kahit magkagusto sa tao, kaya nga di sila nagkatuluyan ni somi eh." 

"Ayun lang." sabay na sabi ni rj at jin habang pinapanood pa rin nila si winter at ang team nito, alam nila ang nangyari kay winter at somi.

 

***
 

Nung natapos ang training nila winter ay agad siyang lumapit sa mga kaibigan niya.

"Ligo lang ako ah. Mabilis lang 'to." sabi niya sa tatlo.

Tumango lang naman ang mga kaibigan niya at hinintay siya. 

Inayos niya agad yung mga gamit niya pagdating sa locker room nila at nagshower. Mas mabilis yung pagligo niya ngayon kesa sa usual niyang oras sa pagligo after training. Di kasi siya mapakali sa mga nalaman nya ngayong araw. 

Mabilisan niyang inayos yung bag niya at nagpaalam kay yves. Hindi niya na ito hinintay sumagot at lumabas na sa locker room papunta sa mga kaibigan.

"Anong plano mo?" tanong sa kanya ni gi.

"Di ko alam, gi. Basta kailangan ko siya makausap." sagot niya dito.

"Oh tara na, uuwi na 'ko para makausap mo na si karina." aya sa kanila ni rj, nagsitayuan naman si gi at jin at sabay sabay na silang lumabas sa gym. 

"Ter, ayos na. Kami na maghahatid kay rj, puntahan mo na si karina." sabi ni hyunjin sa kaibigan niya. 

"Salamat, bawi ako sa inyo." nakipagfistbump lang si winter sa kanila at nagmamadaling bumalik sa loob ng school. 

Kanina bago siya maligo ay tinignan niya yung cellphone niya, as usual puro notification sa twitter.

Pero yung nagpakaba sa kanya ay yung text ni karina, pinapapunta siya sa student council office. 

 

Messages

Karina Yu

To Karina Yu: may tao pa ba dyan?

From Karina Yu: none, pasok ka na

 

Nagpaiwan ba talaga siya para makausap ako?

Di ko pa siya nakakausap pero parang ang bigat na sa pakiramdam.

Yan yung tumatakbo sa isip ni winter ngayon. 

Kumatok muna siya tsaka binuksan yung pinto at nilusot yung ulo niya para sumilip.

Nakaupo lang si karina sa office chair at nag-angat ng tingin sa kanya.

Walang emosyon.

Pumasok na si winter ng tuluyan tapos pinaupo siya ni karina sa sofa na katapat nung table niya.

Eto na siguro yun, sa isip ni winter.

"Winter, I'm sorry." sabi ni karina.

Pero buti na lang at least nakilala ko siya, yan yung nasa isipan ni winter.

"I'm sorry kasi nainvade yung privacy mo." sabi ni karina kaya napaangat ng ulo si winter at tumingin sa dalaga.

"Ha? Anong nainvade?" litong tanong ni winter kay karina.

"Your privacy sabi ko, napost ka pa tuloy sa twitter." worried na sabi ni karina sa naguguluhang winter.

"Okay lang sayo?" nalilitong tanong ni winter kay karina.

"Okay yung what?" nalilito na din si karina sa inaasta ng nakababata.

"Na nalaman ng school na nakakasama mo ko?" di pa siguradong sabi ni winter.

"Why would I not be okay with it?" naguguluhan na ring tanong ni karina.

"Kasi baka mag-iba na din tingin nila sayo? Alam mo naman siguro yung rumors tungkol sakin diba?" pagpapaliwanag ni winter.

"You're an idiot. You're nothing like those rumors, winter. I've seen it with my own eyes." sabi ni karina habang nakatingin sa mga mata ng nakababata.

Napayuko naman si winter sa narinig, namumula yung mga tenga at nagpipigil ng ngiti. 

Oh my god, she's flustered! I did that! Pagmamalaki ni karina sa isip niya.

"Take this," sabi ni karina at nag-abot ng small towel kay winter, "did you run all the way here?" tanong niya.

"Medyo? Nakakatakot kasi yung text mo eh." nag-angat na ng tingin si winter at natatawang sumagot.

"Sira, drink this one too." sabi ni karina at naglapag ng red gatorade sa harap ni winter at tumalikod para mag-ayos ng mga folder, nagpipigil din ng ngiti.

Alam nya bang favorite kong flavor 'to? Tanong ni winter sa isipan niya.

Nakapagpunas na ng pawis si winter at umiinom siya nung gatorade ngayon, si karina nakatalikod pa rin.

"Let's do it here." biglang salita ni karina kaya nasamid si winter sa iniinom.

"Hey, are you okay?" mabilis na hinagod ni karina ang likod ni winter at nag-aalalang tinanong ito.

Jusko po, bakit ba ganito utak ko. Umayos ka nga winter! Yung project niya kasi yun! Saway ni winter sa sarili sa isipan niya. 

"Sorry, sorry. Okay lang ako." sunod-sunod na sabi ni winter nung naayos niya ang sarili, "Salamat pala dito." sabi niya kay karina. 

Nginitian lang siya nito at nilabas na yung project niya.

Bakit parang sobrang ganda niya naman ngayon? 

Winter, kung ano-ano iniisip mo! Focus! Para sa project 'to! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chillggstan
hello!

first of all i want to say sorry, i've been on writer's block the past few weeks. thank you for waiting and understanding, enjoy the update! be safe! :))

Comments

You must be logged in to comment
fanficethusiast #1
Chapter 32: author balik ka na pls
ryujinie__
684 streak #2
Chapter 32: Miss u 😓
ramramreads
#3
Chapter 32: Miss u pi
EzraSeige
#4
Time to relapse eme. Miss ko na si Cael at Rina rold 😣😢💙❄
fifth_
#5
tao po? may tao po ba?
soyiesows #6
Chapter 32: updateeee
yeppeungom
#7
Ganda nito kaso na ghost ata.
wnddmks_ 651 streak #8
Chapter 31: Hala ang ganda neto natapos ko na pero no pressure sayo, otor!!
wenrene22
#9
Chapter 32: re-reading again, hnggg...i miss this, huhu. =’ [
ryujinie__
684 streak #10
rereading, imyyy ❤️