'07 day 1
First Sem: Finals AssessmentKarina's
Tapos na yung classes and I need to fill up the daily log I created for my project. I need to talk to winter pero di ako sure if may training sila ngayon, yung schedule na binigay nya is her class schedule lang so I don't have an idea sa training schedule nya.
Umupo lang ako sa bench near the field,
Message
Winter Kim
To Winter Kim: hey winter, may training ba kayo today?
From Winter Kim: uy karina, oo may training kami
To Winter Kim: day 1 natin for the project, remember?
From Winter Kim: di ko naman nakalimutan hehe
To Winter Kim: so, wait na lang kita?
From Winter Kim: may klase ka pa ba o org work?
To Winter Kim: no, wala naman both
From Winter Kim: wag mo na ko hintayin, baka mabored ka lang dito eh
text na lang kita ulit pag tapos na kami magtraining
To Winter Kim: alright, goodluck sa training
From Winter Kim: thanks, karina :))
Anong oras pa lang so I decided to go home muna. I'll finish other school works na lang para maging productive naman habang naghihintay.
***
I'm scrolling on tiktok, kanina pa ako tapos with school works since I follow my time-table for my tasks, then a text from winter pop-up in my notifications.
Message
Winter Kim
From Winter Kim: tapos na kami sa training
san tayo magkikita?
To Winter Kim: cafe near the school?
From Winter Kim: sure
To Winter Kim: alright, see you
From Winter Kim: see you, karina :))
Nag-ayos lang ako ng sarili since nakaligo na ako earlier when I got home. I booked a grab since medyo malayo siya sa place ko, shinare ko din yung link ng booking kay ning in case lang, we never know diba. Anong oras na din and nag-iingat lang talaga ako.
***
When I got inside the cafe, there are some students pero mostly mga professionals yung nandito, almost 8pm na din kasi. I saw winter na nakaupo sa pinakamalayong table from the entrance, I recognized her kasi suot nya yung team hoodie nila. Actually if nauna ako dto, I'll choose that spot too, I guess we both like being private and lowkey.
"Hey, sorry I'm late." sabi ko sa kanya, I immediately sat in front of her.
"Di ka naman late, malapit lang talaga ako." then she let out a small smile.
"Soo.. yung daily log forms?" naghesitate pa ako magtanong.
"Pwede ko makita?" she asked me. Binigay ko yung forms and she scanned the paper, sometimes tumatango siya sa nababasa.
"Nothing complicated naman, but gusto ko lang na accurate yung mga ilalagay ko so I decided na kitain ka." nilagay nya sa table yung forms then tumango-tango lang siya.
"Okay lang umorder muna tayo? May gusto ka ba?" she asked me.
"Iced coffee lang." sagot ko, bibigay ko na sana yung pambayad but nagsalita siya.
"Ah, okay na. Sagot ko na." I want to object but naglakad na siya towards the counter.
I found myself staring at her back, I just realized na mas maliit siya sakin, how come na hindi ko napansin yun?
Eh bakit ko ba kasi pinapansin?
Nilabas ko na lang from my bag yung folder with daily log papers and other papers na related sa project na 'to, explain ko na lang sa kanya what are we gonna do for the following days. Like I said kanina, nothing complicated, the daliy log contains specific time lang like yung nasa schedule tapos ififill-up lang yun kung anong ginawa nya that time, it doesn't need to be really detailed, pwede rin lagyan ng extra notes sa mga iba pang activities na ginawa nung athlete or thoughts nila that day. Actually, pwede nga 'to sa chat or text na lang pero I think mas accurate lang if kausap ko mismo yung athlete.
Pagbalik nya she has our drinks na, she settled on her seat tapos she started the conversation.
"Tama ba yung pagkakaintindi ko sa binasa ko kanina? Parang human diary yung labas nyo nyan eh." she asked.
"It depends, if you want to be that personal, okay lang din naman." sabi ko.
"Pero ang kailangan talagang makita dyan ay yung routine namin bilang student-athlete?" she asked again.
"Yup. Yun talaga yung whole point, as long as mapakita yung routine nyo." sagot ko sa kanya at tumango-tango ulit siya.
"Oks, gets ko naman na. Kung gusto mo magtanong sige lang." she encouraged so nagtanong na ako para matapos yung daily log paper.
"What time did you wake up kanina?"
"6:20, umalis ako samin mga 7:30."
"8:00 to 11:30 three subjects mo yun diba?"
"Oo, may copy ka naman ng sched ko."
***
Natapos kami with my questions, simple answers lang din naman binibigay niya, short pero straight to the point. Kaya mabilis lang din kami natapos.
"May susundo ba sayo?" she asked me habang nagliligpit ako ng things ko.
"Wala eh, nagbook lang ako ng grab." sabi ko sa kanya then tumayo na ako. Nakita ko na nilagay nya na din yung bulky nike bag sa likod niya.
"Sige, sige. Alam mo naman number ko, in case na need mo tulong." sabi niya habang naglalakad kami palabas ng cafe. She opened the door for me, akala ko aalis na siya pero nakatayo lang siya a feet away from me.
"Why are you still here? Nagbook ka din ba?" tinanong ko siya.
"Ah, hintayin lang kita makasakay sa grab." she said, naalala ko naman yung sinabi ni ning sakin when she did the same thing nung unang kita namin sa gym.
Okay, feel ko nagbblush ako pero bakit ako mamumula?!
We stayed silent after that, pagtingin ko sa phone 3 mins na lang yung grab.
"So ganito na ba lagi tayo? Yung set-up natin?" tinanong niya ako, if hindi ako nagbblush kanina well now, sure akong namumula ako.
Right on cue, dumating yung ride ko.
"It depends." sabi ko sa kanya then i hopped inside the car na.
***
Throughout the ride, I noticed that my heart is beating so loud, parang may nagddrums sa loob. Am I that nervous while talking to her?
When I glanced at the right side mirror, I noticed a motorcycle na kasabay namin. It looks so familiar pero gabi na din so baka namali lang ako ng tingin.
When I got home, diretso ligo ulit ako. I changed into comfortable clothes then chineck ko yung phone ko.
10:20pm.
1 message.
Message
Winter Kim
From Winter Kim: ingat sa byahe :))
To Winter Kim: just got home
From Winter Kim: kararating ko lang din
may tanong pala ako sorry nakalimutan kanina hehe
To Winter Kim: okay drop it
From Winter Kim: diba need din yung oras ng pagtulog ko?
To Winter Kim: ohh yeah, naalala ko din
From Winter Kim: yun lang, patulog na kasi ako
To Winter Kim: right, thanks winter. goodnight.
From Winter Kim: no probs. goodnight, karina :))
Way to go, Karina. You can do this.
Maybe, you're not so bad after all, Winter Kim.
Day 1 completed.
Comments