Gentleman

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter



“Okay guys, so as of now almost complete na yung cosplayers para sa lahat ng teams.” 

 

“Confirmed na din yung mga na contact namin na costume shops. Starting Friday, pwede na kayo pumunta sa assigned na costume shop sa team niyo para magpasukat.”

 

“Na distribute ko na sa mga officers assigned per team ung contact and location details ng mga shops, so kayo na ang bahalang makipag coordinate sa kanila.”

 

“We have less than a month left before the event so make sure na ma coordinate niyo din yung deadlines with the shops.”

 

“We’ll be having our dress rehearsals a week before the event. Don’t forget na may modeling and mini skit na dapat gawin ang kada team. You can use our club room freely to practice, just let the officers know para di kayo magsabay sabay ng gamit.”

 

Pagkatapos ng announcements ni ate Sakura, bumalik sa pwesto namin si kuya Jungwoo para magdiscuss ng mga gagawin namin.

 

Binigyan ni kuya si Ning at Karina ng copy ng contact details and location ng shop na assigned sa amin. Nacontact na daw niya yung shop kaya pwede na namin ‘tong puntahan sa Friday para magpasukat.

 

After that, nag present naman si Ning ng mga costumes and props na reference para sa aming mga cosplayers.

 

Sinuggest ni Jaemin na mag botohan kami kung anong mga preferred naming costumes per character. 

 

Mabilis naman kaming nakapag decide dahil hindi ganun ka fancy at mostly normal lang ang mga suot ng characters sa Death Note. Yung pinaka fancy na siguro na costume ay yung sa character kong si Misa. 

 

Nilista ni Karina yung ibang mga props na kailangan naming gawin at bilhin tulad ng mga Death Note notebooks, wigs, makeup at accessories, at iba pa.

 

Ako naman ang nag volunteer na mag research ng mga scenes para sa skit at characterization namin. Contest din kasi yung event at may mga judges na magdedecide ng top 3 winners at crowd favorite na teams.

 

Pagkatapos namin mag meeting, nagyaya si Ningning kumain sa Zark's Burgers. Nagpaiwan naman si kuya Jungwoo sa org dahil may kailangan pa daw asikasuhin ang mga officers. 

 

Naglalakad kami sa walkway palabas ng campus nang biglang magsabi si Karina na magrerestroom daw muna siya. 

 

“Ay ako din pala Karina, sabay na tayo.” Sabi ni Ning. “Ikaw, Winter?” 

 

“Di, okay pa naman ako. Antayin na lang namin kayo ni Jaemin sa labas.”

 

“Okay, wait lang guys ah.” Paalam ni Karina.

 

Dumerecho na yung dalawa papunta sa restroom habang naupo muna kami ni Jaemin sa isang bench na malapit para mag antay.

 

 “Winter,” bigla akong tinawag ni Jaemin, “lagi kayong may mga ganung event sa AniSoc?” 

 

“Yung cosplay? Siguro mga twice or thrice a year sumasali ang AniSoc sa cosplay events. Pero sa CosMania sila madalas nag a-all out.” Sagot ko.

 

“Cool! Pansin ko nga parang marami din yung nag join kanina sa meeting.”

 

“Yeah, mas marami nga nag join this year. Siguro kasi multiple anime din yung icocosplay kaya dumami din ang interested.”

 

“Ano ano pang mga events ginagawa niyo sa AniSoc?” Tanong niya.

 

“Hmm, aside dun may mga anime watch party every season. Tapos kapag may mga new anime movies or comic book movies na ipapalabas nagpapa raffle sila minsan ng premiere movie tickets.”

 

“Ohh? Ang galing! Ang dami ding budget ng org niyo. May mga fund raising event kayo?” 

 

“Yeah meron din,”

 

In-explain ko kay Jaemin na nung huling school festival, nag benta ang AniSoc ng mga fanarts at fanmade anime merch. Minsan, nag bebenta din ang org sa mga conventions na pinupuntahan namin for the year.

 

Sinabi ko na madalas din ay may sponsors kami sa mga events namin. Part time cosplayer kasi si ate Sakura kaya marami siyang contacts na na-iinvite para mag sponsor.

 

Mukhang interested si Jaemin na sumali sa org namin dahil tinanong niya kung tumatanggap pa kami ng new members. I told him na tumatanggap pa rin kami pero usually every start ng new school year ang recruitment. 

 

Ininvite ko siyang sumali sa susunod na recruitment kung sakaling interested pa rin siya by that time.

 

Pag iisipan daw niya kung sasali siya. Tatanungin din daw niya si Karina kung interested ‘to para magsabay na sila sa pagsali.

 

“Thanks Winter!” Sabi ni Jaemin.

 

“Sure! Basta sabihan niyo ako agad ni Karina para ma refer ko kayo.” Paalala ko sa kanya.

 

Nakangiting tumango lang si Jaemin at mabilis siyang tumayo nung napansin niyang nakalabas na sila Ning at Karina sa restroom.

 

Sumunod ako sa pag tayo at sabay sabay kaming tumuloy sa walkway palabas ng campus.

 

Nasa kabilang side ng highway yung Zark’s kaya kinakailangan naming tumawid para mapuntahan ‘to. Hindi din naman masyadong delikado tumawid dito dahil may mga dedicated school guards na inilaan ang school para magpatawid at masigurong safe ang mga students.

 

Nag antay kami ng saglit sa tawiran hanggang sa mapatigil ni manong guard ang mga sasakyan gamit ang hawak niyang stop sign.

 

Naunang maglakad sa amin si Jaemin, pero bigla siyang tumigil at lumipat sa kaliwang side naming tatlo kung saan nakatigil ang mga sasakyan, habang patawid kami papunta sa kabila.

 

Kahit na madalas ay parang happy-go-lucky ang vibes niya, hindi ito ang unang beses na napansin ko ang pagiging gentleman ni Jaemin. 

 

Tuwing naglalakad kami sa sidewalk, palagi siyang pumupwesto sa labas na side. 

 

Madalas din na siya ang nagbubukas ng pinto para sa amin, maging sa taxi or sa mga kinakainan naming restaurants. Tulad na lang ngayon nang makarating kami sa labas ng Zark’s. 

 

Agad siyang pumunta sa pinto para buksan ‘to at inintay niya kaming makapasok sa loob.

 

At bilang ako ang huling pumasok bago siya, ako na di

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
692 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning