Uncomfortable

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter



Sabado ng umaga.

 

Nagising ako sa tawag ni Mama sa phone ko. 

 

Paalis na daw sila ni Tita mula sa bahay paluwas ng Manila. Kasama daw nila si Kuya Benjie, yung kapitbahay naming driver ng van na lagi naming kinukuha para magpa drive kapag wala si Dad. 

 

Ngayon kasi namin titingnan ang unit sa Burgundy. 

 

Chineck ko ang oras sa phone at nakitang 7:00 am pa lang. 10:30 am daw kasi namin kikitain yung friend ng Tita ko na owner nung unit. Kung walang traffic paluwas, makakarating sila dito sa dorm after two and a half hours.

 

Nag set ako ng alarm for 1 hour at bumalik muna ulit ako sa pagtulog. 

 

For some reason kasi, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

 

Ilang beses akong nagising ng madaling araw at napatunganga lang sa ceiling ng room ko hanggang sa makatulog ako ulit.

 

Pagkatapos ng isang oras nang pagbalik sa pagtulog, narinig ko na ang alarm ko.

 

Kakalabas pa lang daw nila Mama sa Calamba at nasa expressway na sila ngayon.

 

Tinanong niya kung saan masarap kumain ng lunch malapit sa campus. Sabihan ko daw si Ning na sumama sa amin pagkatapos namin mag view ng unit.

 

Nagdala din daw si Mama ng pork adobo at kaldereta at nag pack din siya ng extra para kay Ning.

 

Minessage ko si Ning para sabihan siya na sumama sa amin, pero as expected, hindi siya nagreply agad. Malamang tulog pa ang babaeng ‘to.

 

After kong maligo at kumain na saglit, bumaba na ako sa dorm para abangan sila sa unahan ng Burgundy na isang tawid lang mula sa campus.

 

Maya-maya nadatnan ko na ang white na Everest na familiar ang plate number. Mukhang sila Mama na nga yun dahil tumigil sila sa parking spot sa unahan ng building. 





“Bali nasa 12th floor po yung unit namin ate.” Sabi ni Ms. Anna na friend ng Tita ko habang nasa elevator kaming apat paakyat sa unit nila.

 

Pagdating namin kanina, pinaregister kami ni Ms. Anna sa lobby para mabigyan kami ng temporary visitor passes. Naka biometrics system kasi sila para daw sa mga tenants at registered guests. 

 

May parang makeshift na harang bago makapasok ng elevator area at may bantay na guard na nag susupervise ng fingerprint scanner.

 

Security. Check!

 

Tatlo yung elevator nila dito sa building. Yung isa daw ay service elevator pero minsan pinapagamit din nila kapag rush hour. May mini stop at ilang mga kainan sa ground floor, at meron ding laundry shop sa 7th floor malapit sa parking. 

 

Convenience store at laundry shop. Check!

 

“Ilang floors ulit ‘tong Burgundy?” Tanong ni Mama na nakatingin sa mga buttons ng elevator.

 

“33 floors po kasama yung dalawang basement floor sa baba saka yung rooftop floor kung nasaan yung pool and recreation area.”

 

“Wow, may pool din pala dito sa inyo Anna!” Excited na sinabi ni Tita.

 

“Oo mare, kasama din yun sa binabayaran naming dues as tenants. Pero pag guests may bayad na 100 each.” 

 

“Ayos pala Winter, pwede mo yayain mga friends mong mag swimming!”

 

“Nako, eh hindi naman marunong lumangoy yang si Winter,” natatawa na sinabi ni Mama.

 

“Hindi ka pa rin marunong lumangoy? Sayang naman! Paturo ka na lang sa mga friends mo.” 

 

“Pwede naman po..” nahihiya kong sagot.

 

Rooftop pool?

 

For sure hindi ako makakagamit masyado ng pool. 

 

Pero yung tambayan sa rooftop? Isang malaking check!!

 

Hindi pa namin nakikita ang mismong unit pero bentang benta na ako sa mga amenities nitong Burgundy. Na-iimagine ko na ang mga future daily routines ko once magsimula akong tumira dito.

 

Nakaka-excite lang!

 

Paglabas namin sa 12th floor, lumiko kami pakaliwa kung nasaan ang unit nila Ms. Anna.

 

Unit 1220.

 

Pagkabukas niya ng pinto, bumungad sa amin ang simple at malinis na unit nila Ms. Anna. Kulay cream ang mga pader at neutral lang din ang kulay ng mga furnishings sa loob.

 

Una kong napansin ang double bed sa pinakaloob ng unit na kalapit ng bintanang may blinds.

 

All-white ang sheets nila at merong makapal na blanket kaya parang sobrang comfortable ‘tong tulugan.

 

Sa paanan ng kama ay may maliit na aircon na mukhang hindi naman masyadong luma dahil ramdam namin ang lamig sa loob ng unit.

 

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang notes app. Kailangan kong i-take note na bumili ng all-white sheets at blanket para sa kama.

 

Sa kaliwa ng bed ay isang brown na sofa bed na nakafold at natatakluban ng puting kumot, at sa harap nito ay isang mababang wooden stool na may nakapatong na cactus. Eto siguro yung sala area nila.

 

Nalihis ang atensyon ko nang ipakita ni Ms. Anna yung bathroom.

 

Nasa kaliwang side ‘to ng unit malapit sa entrance at sa loob ay kulay beige naman ang mga tiles nito.

 

Kumpleto naman ang mga usual na features ng isang banyo - shower, toilet at sink. Sa taas ng lababo ay may maliit na bathroom mirror na nakasabit sa pader.

 

Binuksan niya ang shower at faucet ng sink para ipakita na okay naman ang water pressure ng unit.

 

Sa labas ng bathroom ay may katapat na dalawang built-in cabinets na may nakakabit na full-body mirror sa isang pintuan. Eto ang ginawa nilang storage cabinet para sa mga sapatos at mga cleaning materials.

 

May isa pa daw silang cabinet para sa mga damit na katapat naman ng kama.

 

Pinatuloy niya kami sa loob at pinakita yung mini kitchen pagkalampas ng banyo.

 

Sa kitchen counter ay may electric stove at sa taas nito ay merong exhaust. Kalapit naman nito ay isang dish rack at ang lababo na nasa kabilang dulo.

 

Aside sa kitchen cabinets na nasa ilalim ng counter, meron ding mga built-in cabinets sa taas nito.

 

Sa tabi naman ng counter ay isang medium-sized na refrigerator at nakapatong sa ibabaw n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
692 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning