Intentions

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter



“Uy Karina, parang type ka ni Soobin ah..” pabulong na sinabi ni Ning kay Karina pagbalik nila sa table.

 

Hindi naman masyadong nag react si Karina sa sinabi ni Ning. “Oh? Parang friendly lang naman siya.” 

 

“Baka nga..pero tumitingin tingin siya sayo ngayon..” 

 

Napatingin ako kay Soobin at nakita na parang sinusulyapan nga niya si Karina na abala pa rin sa paggawa ng props namin. Tumigil lang sa pag tingin si Soobin nung sinabihan sila ni Ate Sakura na magrerehearse na sila.

 

“Winter, try ulit natin basahin yung lines natin?” nalipat ang attention ko kay Kuya Jungwoo para tumuloy sa rehearsal namin.

 

“Okay, start ba tayo sa umpisa?”

 

“Yup, ulitin na lang natin,” sagot ni Jaemin.

 

Bumalik na kaming tatlo sa pagbabasa ng script namin and so far, okay naman yung first read-through. Around 3 minutes lang naman yung reference video kaya madali lang sauluhin ang mga linya namin. Yung acting na lang namin ang kailangan i-practice para mas may chance kaming makakuha ng award.

 

Pansin naming medyo dumidilim na din sa labas kaya nag decide kaming tapusin na yung rehearsal at paggawa ng props for today. Pinag usapan na lang namin yung mga gagawin namin sa Friday. 

 

Kailangan namin bumalik ni Karina sa Divisoria sa Friday para sa first fitting nung costume ko. Pwede daw ulit hiramin ni Kuya Jungwoo yung kotse ng parents niya para ihatid kami. Okay lang din daw kay Jaemin na samahan kami sa fitting.

 

Biglang sumingit si Ning na sa Friday daw dadating ang mga inorder niyang wigs para sa boys. Hindi kasi kami nakahanap ng magandang wigs last time sa Divisoria, kaya naghanap na lang siya online para doon umorder. Kailangan daw nilang macheck at masukat ang mga wigs para agad nilang maibalik in case na may damages.

 

Sinabi ko na okay lang naman kahit kaming dalawa na lang ni Karina ang pumunta sa Divisoria. Medyo kabisado ko pa naman yung location nung shop sa loob ng mall. Pwede naman kaming mag jeep or mag LRT papunta.

 

Nag agree naman lahat at sinabi din ni Kuya Jungwoo na mas efficient nga kung ganun na lang ang gagawin namin. Less than two weeks na lang din kasi before yung event.

 

Nag ayos na kami ng mga gamit at nag ready na kaming lahat para umuwi. Magpapaiwan ulit si Kuya Jungwoo dahil may quick meeting pa daw ang mga officers para sa registration ng teams sa cosplay event.

 

Biglang tumayo si Soobin mula sa kabilang side ng room at lumapit kay Karina na nagliligpit ng mga art materials.

 

“Karina, paalis na kayo?” tanong niya dito.

 

“Oo, bakit?”

 

“Pwede mahingi yung number mo?” Inilabas ni Soobin yung phone niya mula sa bulsa at inabot kay Karina.

 

Nag alangan si Karina na abutin yung phone niya kaya inilapit lalo ni Soobin yung hawak niyang phone sa kanya. 

 

“Uhh, pwede naman. Ba’t mo pala gusto hingin?” kinuha na ni Karina yung phone at nagsimulang i-type yung number niya.

 

“Ang ganda mo kasi. Pwede ba tayo maging friends?” nakangiting sinabi ni Soobin.

 

Natahimik lang si Karina at parang hindi siya makatingin kay Soobin. 


“O-Okay.”

 

“Thanks! I’ll message you now so you can save my number,” mabilis na kinuha ni Soobin ang phone niya nang ibalik ‘to ni Karina sa kanya at parang nagsesend siya ng message. Mukhang nareceive din agad ni Karina yung text niya dahil umilaw ang screen ng phone niya na nasa mesa.

 

Wow, ang bilis ni Soobin ah. Parang di na nakareact si Karina sa bilis niya. Marami na siguro siyang nahingan ng number..

 

Kinuha ni Karina yung phone niya para tingnan ang message. 

 

“That’s me! Soobin, Choi Soobin!” ngiting ngiti pa rin siya kay Karina.

 

“Sige. See you around, Karina!” mabilis na nagpaalam si Soobin at bumalik sa team nila.

 

Nakita ko ang nakakalokong pag ngisi ni Ning sa likod ni Karina. Parang nabuhay ulit ang kanyang pagka chismosa at nararamdaman ko nang hindi niya tatantanan si Karina tungkol dito.

 

Nagpaalam na kaming apat kay Kuya Jungwoo at sabay sabay na kaming naglakad palabas ng campus.

 

Dumerecho na sila Karina at Jaemin papuntang bus stop habang kami naman ni Ning ay dumaan pa ng Jollibee para doon mag dinner.





“Ang galing ng acting mo kanina bes! Partida first rehearsal niyo pa lang na tatlo,” sabi ni Ning habang hinahalo yung order niyang spaghetti.

 

“Napaka convincing naman ng compliment mo Ning, thank you ha!” Napahalakhak lang siya ng malakas sa sinabi ko.

 

“Pero seryoso, akala ko madali lang gayahin yung character ni Misa. Nakakakaba pa rin talaga pag may ibang taong nanonood!” pag-admit ko sa kanya.

 

“Nako, kayanin mo bes! Iilan pa nga lang tayo sa room kanina, kabado ka na. Paano pag nasa stage na kayo nyan?” 

 

“Eh kasi naman biglang dumating yung team nila Ate Sakura,” pagrereklamo ko, “akala ko team lang natin ang gagamit ng club room ngayon..”

 

“Oo nga! Tapos parang trip pa nung isang member nila si Karina!” 

 

Ayan na! Chismosa mode on na si Ning!

 

 “Ano ulit pangalan nung humingi ng number niya? Soomin?” tanong niya habang inaalala ang nangyari kanina.


“Soobin ata bes. Choi Soobin,” tandang tanda ko dahil ilang beses lang naman niyang inulit ang pangalan niya nung nagpakilala siya kay Karina.

 

“Ayun! Soobin pala!” nanlalaki-mata niyang sinabi.

 

“Ang ganda mo kasi. Pwede ba tayo maging friends?” Sinubukan ni Ning laliman ang kanyang boses at gayahin ang sinabi ni Soobin kanina pero natatawa lang siya.

 

“Friends daw, halata namang nakikipag flirt siya,” nakairap kong sinabi kay Ning.

 

“Ay? Bakit parang affected ka bes? Gusto mo din may humingi ng number mo??” pang aasar niya sa akin.

 

Napainom naman ako bigla sa softdrinks ko. “Gagi! Nagcocomment lang ako sa nangyari kanina!”

 

Malakas na humalakhak ulit si Ning at inabutan ako ng tissue. “Sabagay, andyan naman si Kuya Jungwoo.”

 

Umirap lang ulit ako sa kanya. “Ayan ka na naman sa agenda mo! Tigilan mo na nga ako kay Kuya Jungwoo!”

 

“Winter, kitang kita naman na may gusto sayo si Kuya Jungwoo! Hindi mo ba siya type, bes?”

 

Mula nung magparamdam sa akin si Kuya Jungwoo ng mga banat niya, hindi na ako tinigilan ni Ning sa agenda niyang pang aasar sa aming dalawa. Palagi niyang sinasabi sa akin na gusto daw ako ni Kuya, pero never naman nagsabi sa akin si kuya.

 

“Magaling lang naman sa banat si kuya, pero never naman siyang nagsabi sa akin na gusto niya ako. Kaya feeling ko hindi naman siya sincere sa mga sinasabi niya,” I told her honestly.

 

Naging seryoso na din bigla ang mukha ni Ning. “So kung mag seseryoso si kuya na ligawan ka, may chance

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
691 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
691 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning