Possibility

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter

 

Pang-apat na movie na namin ‘tong Spirited Away, pero hindi pa rin ako tinatamaan ng antok. 

 

Borlog na yung dalawa nila Ning at Giselle sa sahig. Akala ko matibay yung dalawa sa puyatan pero nauna pa silang makatulog sa amin ni Karina.

 

Medyo napapahikab na din ‘tong katabi ko nung magsimula ang next movie.

 

Naalala ko bigla na balak ko nga pala silang dalhin sa rooftop ng Burgundy. Nawala na sa isip ko dahil napa-impromptu performance ako kanina nung makita nila ang gitara ko.

 

Medyo napasubo ako dun sa totoo lang. Wala rin kasi ako masyadong practice dahil nga nasa probinsya lang ang gitara ko at di ko rin naman ‘to nagagamit kapag umuuwi ako sa amin.

 

Pumayag akong tumugtog ng isang song since kami-kami lang naman apat ang magkakasama. Natuwa naman sila sa akin at medyo nagulat pa yung dalawa dahil first time nila akong marinig na kumanta.

 

Na-flatter naman ako sa pagkatuwa nila.

 

Bumalik ang attention ko sa pinapanood naming movie.

 

Nandoon na sa scene kung saan nagpapahinga sa balcony sila Chihiro at Lin after nilang paliguan sa bathhouse yung malaking Stink Spirit. 

 

Pinatay nila ang ilaw sa balcony at lumabas ang magandang view ng dagat sa gabi. Nagrereflect ang ilaw ng buwan sa tubig at pinakita ang maliit na town sa dulo ng dagat.

 

Gusto ko ding makakita ng magandang view.

 

Yayain ko kaya si Karina sa rooftop?

 

“Karina, inaantok ka na?” Tanong ko sa kanya.

 

“A bit. Kaya ko pa tapusin yung movie, I think.”

 

“Gusto mong umakyat sa rooftop?”

 

“Ngayon na?”

 

“Yup.”

 

Tahimik at mabilis lang kaming nag ayos na dalawa bago tuluyang lumabas at sumakay ng elevator papuntang 32nd floor. Umakyat pa kami sa stairs ng fire exit kung saan nandoon ang entrance ng rooftop.

 

Dere-derecho akong naglakad at nilampasan ang pool papunta sa parang view deck. Nagpahuli si Karina at tumingin-tingin pa siya sa may bandang pool.

 

Lumapit ako sa railings at sumalubong sa akin ang malawak na view ng Manila.

 

Nakaka-amaze lang.

 

Hindi man ‘to kasing ganda nung view na nasa movie, I’m still in awe na makita ang buong city mula sa ganitong perspective.

 

Lumapit na rin si Karina at kitang-kita ang pagkahanga niya sa nakita niyang view.

 

Naging proud naman ako bigla sa sarili ko dahil dinala ko siya sa rooftop at ganun ang naging reaction niya. 

 

Worth it.

 

“Eto siguro yung gusto ko dito. Dahil walang curfew, pwede akong lumabas ng gabi. I get to see this view for free, anytime I want.” Inamin ko sa kanya.

 

“Ang ganda, diba Karina?” 

 

Tumango siya agad at ngumiti.

 

“Thanks for bringing me here, Winter.”

 

“My pleasure. Next time isama natin yung dalawa.”

 

“Sure.”

 

Nanatili lang kaming tahimik na dalawa habang tinitingnan ang kalawakan ng Manila.

 

Walang katao-tao sa labas at marami rin sa mga building ay nakapatay na ang ilaw ng ganitong oras.

 

Maya-maya ay nabingi na ako sa sobrang katahimikan kaya naisipan kong kunin ang phone ko para mag play ng konting music.

 

“Sobrang tahimik na, magpaptugtog ako. Anong gusto mong song, Karina?”

 

“Anything will do, pero may bigla akong naisip.” May nakakalokong ngiti sa mukha ni Karina.

 

“Ano yun?”

 

“How about yung mga tinutugtog mo dati sa band niyo?”

 

Nangasim bigla ang mukha ko sa suggestion niya. Puro emo rock bands kasi ang kinocover namin noon tulad ng My Chemical Romance, Fall Out Boy at iba pa. Parang di naman bagay yung mga kanta nila para sa setting namin ngayon. 

 

“Wag na yun, Karina! Nakakahiya!” 

 

“Okay, okay. You can play any song naman.” Natatawa niyang pagpayag.

 

“Sige, shuffle ko na lang kasi di rin ako makapili.”

 

Pumunta ako sa playlist ko ng mga OPM and played it in shuffle.

 

Tumugtog ang isa sa mga favorite songs ko na Sundo by Imago. Saulo ko pa ang lyrics nito dahil alam ko din ‘tong tugtugin sa gitara.

 

Alam din ata ni Karina dahil napasway bigla ang mga kamay niya sa kanta.

 

Agad ko namang napansin sa daliri niya yung band-aid na nilagay ko kanina. Wala sa isip akong humawak sa kamay niya para alamin kung masakit pa ang sugat niya.

 

Nagulat siya sa ginawa ko at mabilis akong bumitaw.

 

“Ahh sorry! Masakit pa rin yung daliri mo?” 

 

“Oh. Uhh, hindi naman na. It was just a small cut. In a few days siguro wala na ‘to.”

 

“Buti naman.” 

 

“Delikado yung kanina. Bibili na lang ako ng scissors para next time. Bawal kasi sa dorm kaya wala akong nadala sa condo.” Dagdag ko.

 

“Yeah, I thought I was being resourceful. Thank you, though.”

 

“Wala yun.” 

 

Ako naman ang nagtaas ng kamay at nagsway dahil pumunta na sa second chorus ang kanta.

 

Tahimik lang ulit na nakinig si Karina habang malalim ang isip na nakatingin sa kawalan.

 

Natapos ang kanta at bigla siyang lumingon sa akin.

 

“Winter,” 

 

“I think I-”

 

“I think I like you..”





Tumigil ang mundo ko sa biglaang pag amin ni Karina. Para akong na sleep paralysis na di makagalaw at makapagsalita.

 

Nang makabalik ako sa sarili, agad kong pinatay ang music sa phone ko.

 

Tama ba ang narinig ko?

 

May gusto sakin si Karina?

 

Kailan pa? Bakit? Paano?

 

Pinigilan ko ang sarili ko na sabihin ang mga tanong na bumaha sa isip ko. Ayoko na maoffend siya in any way kung may masabi man ako na hindi ko pinag isipang mabuti.

 

“You’re probably confused sa sinabi ko, because honestly, I didn’t really plan on telling you..this soon.” 

 

Sobrang namumula ang mukha niya kahit medyo madilim sa pwesto namin. Umiiwas siya ng tingin sa akin at halata na medyo kabado din siya.

 

“It’s just..yung mga nangyari recently..the things you made me feel..” 

 

Napatingin siya sa akin at mabilis na tinakpan ang bibig niya nung makita niya ang mukha ko.

 

“Sorry for putting you on the spot, Winter..”

 

Umiling ako. Nag-iisip pa rin kung ano ang mga dapat kong sabihin sa kanya.

 

“I’m not really sure when it started..” Simula ni Karina. “But the first time that we met, I already knew I wanted to be friends with you.”

 

Napaisip ako kung kailan kami unang nagkita ni Karina. 

 

“Nung freshman orientation ba tayo unang nag meet?” I asked at naki-reminisce sa memories niya. 

 

She sighed with a smile. “Nope. Way before that. Nung entrance exam day.” 

 

Sinubukan kong i-rewind yung utak ko to almost three years ago para alalahanin ang mga nangyari sa entrance exam.

 

“You might not remember this, pero nung araw ng entrance exam, ti

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
692 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning