Effort

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter

 

“So guys, I would just like to thank everyone who participated in today's cosplay event!” panimula ni Ate Sakura sa gitna ng kanilang side yard habang nag tipon ang mga members ng org.

 

“This is one of our biggest projects for AniSoc and kahit nagkaroon ng konting lapses, we were able to make it work.” 

 

“Special thanks sa mga volunteers na tumulong sa event na ‘to. Kahit na hindi kayo official members, you still dedicated all your time and effort to help out AniSoc.”

 

Tumingin si Ate Sakura sa pwesto namin. Kalapit namin ang team nila pero she was looking at Karina with a warm smile na parang thankful sa kanya.

 

“Especially kay Karina and the Death Note team! It’s unfortunate that Nagyung got sick and wasn’t able to perform with us, pero I really want to thank Karina for stepping up to take Nagyung’s role. Because of you, the Kimi ni Todoke team was able to push through with the contest, and syempre, thank you din sa team nila Jungwoo for letting Karina participate in this event.”

 

All the members clapped for Karina and our team. Medyo nahiya siya sa sudden attention pero she looked thankful din sa pag recognize ng mga members sa ginawa niya kanina.

 

“Yes naman, Karina!” sabi ni Ning sabay tapik sa kanya.

 

“Thank you din guys!” nakangiting sinabi naman ni Karina sa amin.

 

“Dahil dito, I want to make all the volunteers ‘honorary members’ of AniSoc. You guys can come and hang out sa club room any time and you’ll also get to join our future events for free! Syempre mas okay pa rin if you officially join our org but that’s the most I can do for helping us in today’s event.”

 

“Thank you din sa ating mga officers, who tirelessly helped with all the preparations, registration, logistics at kung ano-ano pang mga bagay just to make this event possible.” 

 

“And of course, to all the members! Nag cosplay man kayo or nag work kayo behind-the-scenes, each and every one of you is very much appreciated just by being members of this org.”

 

“When I started as a freshman at our school, AniSoc was one of the least known orgs out of all the school organizations. Back then kasi, loving anime was still a niche hobby. But look at us now, participating in huge events as representatives of our school! I could go on about this pero I won’t take much of your time na dahil alam kong gustong-gusto niyo nang mag party.”

 

Natawa naman kaming lahat at may mga sumisigaw pa na inuman na daw.

 

“Just one last thing. Aside from the Halloween and Christmas events, this year’s CosMania is one of the last major events na makakapag participate ang mga juniors dahil magiging busy na kami as graduating students next year. So I really really appreciate all of you guys for making this a very memorable event for all of us junior members.”

 

“Thank you talaga sa inyong lahat!”

 

Nakakatouch lang yung remarks ni Ate Sakura sa org namin. Hindi nga naman kasi talaga ganung kalaki ang org namin at halos 1/3 na kasama sa event ngayon ay mga volunteers pa. Hanga lang din ako sa kanya at sa mga officers namin because of their effort to improve and expand AniSoc. At kahit ito lang ang org na sinalihan ko sa school, masasabi kong our org is truly the best!

 

After ng remarks ni ate, nagsimula na kaming kumain ng mga prinepare na food ng staff nila para sa amin. Ang ibang mga members naman ay dumerecho na sa bar nila ate para kumuha ng drinks.

 

“Grabe lang ‘tong bahay nila ate, bes! Mansion talaga eh no?” comment ni Ning habang kumakain kami ng yakiniku.

 

“Gulat lang ako kasi sa labas mukhang hindi malaki yung bahay nila, pero pagpasok natin speechless ako bigla,” natatawang sagot ko sa kanya.

 

“Totoo. Tapos very modern pa yung facade ng bahay nila with stone and wood finish walls,” dagdag naman ni Karina.

 

“Guys! Try niyo ‘tong soup ng shabu-shabu, masarap din yung beef!” biglang singit naman ni Jaemin na kumukuha ng beef slices at fish cakes para ilagay sa hotpot sa table namin.

 

Ibang klase lang talaga yung bahay nila Ate Sakura. Hindi namin akalain na ganito siya ka-rich. Ang alam lang kasi namin aside sa part-time cosplay at modeling career niya ay parehong doctor ang parents niya.

 

Pagpasok pa lang namin sa driveway nila kanina, napalitan na agad ang pagod namin with excitement nang salubungin kami ng staff nila ate with welcome drinks.

 

Kanina sa byahe papunta dito, tinanong pa ni Ning si Kuya Jungwoo kung paano daw kami magkakasyang lahat sa bahay nila ate dahil nasa around twenty plus din ang bilang namin. Tumawa lang sa kanya si kuya at sinabing tingnan na lang namin pagdating.

 

Sobrang shookt lang ng mga mukha naming mga first-timers nang pinapasok na kami ni ate sa kanilang foyer, habang tuloy-tuloy naman sa loob ang mga junior members ng org namin na mga ka-close din ni Ate Sakura.

 

Dinala niya kami sa side yard ng bahay nila kung saan naka set up ang dalawang long table para sa lahat ng teams. 

 

Ang sosyal lang kasi may mga light bulbs na nakasabit across the yard kaya feel na feel namin ang party spirit.

 

Nang makapag settle na kami sa long table, mabilis na sinabi ni Ate Sakura yung sleeping arrangements namin. Dito na lang daw sa second floor ang boys at sa third floor ang girls. Medyo nalito pa kaming mga first-timers dahil akala namin nasa ground floor kami ng bahay nila. Tinuro niya yung stairs sa may side yard at sinabing dun daw ang daan papuntang ground floor.

 

“Sa baba yung ground floor namin at nandun din yung pool. Pwede niyo gamitin kung nagdala kayo ng pang-swimming. Sabihan niyo lang si Kuya Robert dun sa baba para buksan din niya yung jet ng jacuzzi.”

 

Grabehan lang talaga, may pa-jacuzzi pa yung pool nila! Para lang kaming nasa private resort!

 

“Oh, para sa mga nag-iinom dyan,”

 

May ilang mga members ang naging excited nang ituro ni ate ang bar area nila.

 

“You can get some booze at our bar doon sa loob near the family area. Bumili yung mga officers ng chips and drinks kanina sa hypermart, pero meron pa kaming stock in case magkulang.”

 

“Okay ate!” sagot ng ibang members.

 

“Basta isa lang ang rule ko ha. No funny business!!!” she said firmly.

 

“Malalaki na kayo so I expect that you guys can handle yourselves alright. At saka tayo-tayo rin ang malalagot sa school if malaman nila na may mga nag go over-the-line!”

 

“If may kailangan kayo, don’t hesitate to approach our staff lalo na kapag emergency.”




 

Pagkatapos naming kumain, umakyat na kaming tatlong girls sa taas para mag settle down sa room namin. Kasama dapat namin sa room ang Kimi ni Todoke team, pero since wala si Nagyung at may sariling room naman si Ate Sakura, na-solo naming tatlo ang isang bedroom.

 

Bumungad sa amin ang isang queen-sized bed sa gitna ng kwarto at ang dalawang nakalatag na futon mattresses sa paanan nito.

 

Hindi naman ako choosy sa tutulugan pero nag bato bato pick na lang kaming tatlo para fair ang pagpili kung sinong matutulog sa futons. Si Ning lang naman ang mapalad na napunta sa sahig.

 

“Winter, saang side ng bed mo gusto?” tanong ni Karina habang inaayos namin ang dala naming mga bag sa may closet.

 

“Kahit saan naman ako, Karina. Ikaw ba?”

 

“Okay, dito na lang ako sa right side.”

 

“Sige.”

 

“Guys! Gusto niyo tingnan yung pictures kanina sa con?” Ning called us at sumenyas sa amin na lumapit sa kanya.

 

Nakaset up na sa ibabaw ng futon ang laptop ni Ning at nakaconnect dito yung camera na dala namin kanina sa event. 

 

Pinakita ni Ning ang mga pictures namin kaninang umaga while preparing for our cosplays. Sumunod naman ay mga pictures ni Karina na naka school uniform para sa cosplay niya sa Kimi ni Todoke team.

 

“Alam mo Karina, di ko talaga in-expect na papayag kang mag cosplay kanina. Grabe lang kasi nakaka pressure kaya yung ganung biglaan..” sabi ni Ning habang nagbbrowse ng pictures sa laptop.

 

Laking gulat ko din talaga kanina nung biglang nagbago ng isip si Karina after naming mag usap. Nung una kasi parang torn talaga siya kung anong dapat niyang gawin, kaya I tried to convince her na pwede naman siyang tumanggi. 

 

Naalala ko pa yung collective gasp ng mga members sa kanya ng makalabas na siya sa booth after wearing her character’s costume.

 

“Oh wow!”

 

“Uy, tingnan niyo si Karina oh! Ang ganda niya!”

 

“Is that Karina? Bagay pala sa kanya mag cosplay!”

 

Narinig ko ang reaction ng ibang mga members mula sa loob ng booth namin. Mukhang tapos ng magbihis si Karina at nakalabas na siya mula sa booth nila Ate Sakura.

 

Lumabas ako saglit sa may backstage para kamustahin ang costume na sinuot niya. Bumungad sakin ang commotion ng mga members ng org malapit sa booth nila at nakapalibot sila kay Karina na hanggang ulo lang ang tanaw ko mula sa malayo.

 

Sinubukan kong lumapit para makita ng mabuti kung anong ganap at sobrang na shookt lang naman ako nang makita ko si Karina ng malapitan.

 

Sobrang ganda lang niya.

 

Alam ko naman na maganda talaga si Karina, pero ngayon na may make up siya at plantsado ang buhok, ibang level lang yung pagkaganda niya. Mukha na talaga siyang anime character.

 

Ngayon ko lang din kasi siya nakitang magbihis ng ibang damit. Nakasuot siya ng white button-up shirt sa loob ng blue na blazer, knee-length skirt na may same blue color at leather shoes with matching knee-high socks. Ibang-iba sa usual style niya sa school na jeans with shirt or sweater lang.

 

Mas na-emphasize pa lalo ang height niya dahil sa skirt at socks na suot niya.

 

“Grabe! You look so pretty, Karina! Bagay na bagay din sayo yung school uniform!” sabi ni Ning na kasunod ko palang lumabas mula sa booth.

 

“T-Thanks, Ning.” nahihiya niyang sinabi kay Ning at saka siya tumingin bigla sa direction ko.

 

“O-Oo nga, ang ganda mo..” mabilis kong idinagdag. “You look great in a school uniform..”

 

Napangiti lang siya sa sinabi ko at napatitig sa akin.

 

Nahiya ako sa biglang pagtitig niya at mabilis na umiwas ng tingin nang lumapit si Ate Sakura at si Soobin sa kanya.

 

“Guys, since may tatlong groups pa before yung rehearsal ng Kimi ni Todoke team, maybe you can practice the skit muna. I have the script here and pwede mo din dalhin to mamaya sa stage during rehearsals, Karina.”

 

Inabot ni Ate Sakura kay Karina ang script at sumenyas sa kanila ni Soobin na pumunta sa isang side sa backstage para doon muna mag practice.

 

Nakakaasar lang yung mukha ni Soobin. 

 

Para kasing hindi siya affected sa nangyari sa group nila at mukhang masaya pa siya dahil si Karina ang bagong partner niya sa cosplay nila.

 

Hindi tuloy matigil ang pag tingin-tingin ko sa kanila habang nagppractice silang dalawa.

 

“Huy bes! Anong ginagawa mo dyan sa labas?” tawag ni Ning mula sa loob ng booth habang nakadungaw ako sa backstage.

 

“Wala. Tinitingnan ko lang si Karina, baka kasi kinakabahan pa siya sa practice nila..”

 

Natawa si Ning at lumabas na din siya para makinood. “Stage mom lang ang peg?” 

 

“Gagi hindi. Ba’t naman kasi ngayon pa nagkasakit yung si Nagyung, napa-cosplay tuloy ng wala sa oras si Karina,” reklamo ko sa kanya.

 

“Kaya nga! Sumakto pa ngayong mismong event siya nilagnat, no?” sabi niya. “Pero mukhang keri naman ni pareng Karina. Tingnan mo oh, kuhang kuha niya yung character ni Sawako.”

 

Napatayo na din si Jaemin at sumama sa amin sa panonood sa practice nung dalawa.

 

“Actually, magaling sa skit yang si K. Siya ang nagdadala ng acting ng team namin kapag meron kaming skit nung high school. Sadyang mahiyain lang talaga siya sa umpisa,” kwento ni Jaemin.

 

May nalaman na naman akong bago tungkol kay Karina. Aside sa paghilig niya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
692 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning