Mall

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter


 

Tumuloy pa rin sa panliligaw sa akin si Sungchan kahit na hindi kami nagpaalam sa parents namin.

 

I didn’t mind. 

 

As movies would say - we were young and in love.

 

He assured me na magpapaalam kami someday kapag ready na kami pareho.

 

Hindi kami magka-section ni Ning kaya hindi rin kami madalas na sabay kapag lunch, so he and I started hanging out during lunch breaks.

 

He then began to ask me out after ng school - kain lang sa labas, tambay sa fast food restaurant.

 

Nung una, hindi tumatagal ng isang oras yung hang outs namin after uwian. Hanggang sa nagyaya siyang pumunta sa bahay nila one day, dahil wala ang parents niya.

 

First time na kaming dalawa lang ang magkasama.

 

We sat at a distance sa loob ng kwarto niya.

 

I was both excited and nervous, pero mas kabado daw siya.

 

Nawala ang kaba namin nung nagdecide kaming maglaro ng games.

 

Bagong bili ang PS3 nila at naglaro lang kami maghapon ng Soul Calibur.

 

Later that day, tinanong niya ako kung pwede nang maging kami.

 

Sinagot ko na rin siya.

 

After that, lagi na kaming tumatambay sa kanila. 

 

Alam naman namin pareho yung mga limitations namin since underage and high school students pa lang kami. 

 

Hindi pa rin kami "legal" sa parents namin kaya ayaw rin namin mag risk. 

 

We both agreed with that.

 

We simply watched shows or played games, with light conversations in between.

 

He would talk about games, and I would tell him about anime series.

 

Contented na kami sa mga simpleng skinship - holding hands, akbayan, hugs. 

 

Our kisses were short but sweet.

 

The only problem is, naging patago lahat ng ginagawa namin.

 

At bilang only child, hindi ito naging madali for me.

 

Madalas akong nagsisinungaling kay Mama na may group projects kami at kailangan namin mag meeting after school or during weekends.

 

Yun ang alibi ko tuwing nagkikita kami. 

 

Kahit si Ning, hindi ko sinasabihan. Natatakot ako na baka madulas siya one day kapag kinausap siya ng Mama ko.

 

I think nahalata na din niya dahil hindi ko na siya madalas na nasasabayan kapag uwian. 

 

Dahil dito, medyo naging distant kami ni Ning sa isa't isa.

 

After a few months, he became busy with club activities.

 

Member na siya ng football club since first year kami pero usually once a week lang siya umaattend ng practice.

 

Halfway through our second year, madalas na siyang pinapa-attend ng practice ng club adviser nila.

 

Malapit na kasi ang District Meet at isa siya sa mga pinagpipiliang members para isama sa main roster ng team.

 

Kahit medyo busy na siya, nakakapagkita pa rin naman kami during lunch breaks. Pero dahil late na rin natatapos ang practice nila, naging once a week na lang ang hang outs namin after school.

 

Hindi rin 'to tumagal at umabot sa point na halos two weeks na kaming hindi makapag meet even during lunch time, dahil sa schedule niya. 

 

Sinabi niya na napili din siyang school para sa opening parade ng District Meet. Madalas siyang ine-excuse sa mga classes nila para sa practice na inaabot din ng hapon.

 

At first, I was excited for him dahil sa mga opportunities na nakukuha niya, pero minsan hindi ko mapigilan na mag-alala dahil wala na rin siyang time sa studies niya.

 

Inisip ko na lang na hindi naman 'to permanent at magiging normal na ulit ang schedule niya after ng competition.

 

Until one day, napanood namin yung practice nila sa court for the parade.

 

Nasa other half ng court ang section namin para sa P.E. class, at nakita ko siya sa kabilang side kasama ang school muse namin at ang ibang sports advisers.

 

Nagpa-practice sila para sa short skit about sa history of sports na kailangan nilang i-perform sa opening day.

 

Hindi ko ma-explain yung naramdaman ko that time. 

 

All this time, worried ako para sa kanya. Pero nung makita ko silang dalawa, hindi ko napigilan na makaramdam ng pagseselos.

 

They looked really good together.

 

He was handsome, and she was really pretty.

 

Ka-batch din namin yung muse niya. 

 

Part siya ng volleyball team at na-meet ko na siya one-time during our freshmen acquaintance party.

 

Minju Kim. 

 

We were randomly introduced to each other ng isang senior namin. Nakita kasi niya na parehong Kim ang surnames namin.

 

Mabait naman siya at mukhang mahiyain din. That was my first impression of her.

 

We exchanged numbers pero we never kept in touch.

 

And now, I am watching her with Sungchan bilang muse at ng school namin.

 

Hindi ko alam kung bakit ako na-iinsecure. Nagp-practice lang naman silang dalawa.

 

Sa pagseselos ko, I decided na hintayin si Sungchan hanggang matapos ang practice nila na inaabot na rin ng gabi.

 

He thanked me sa pag-aantay ko kahit na konting oras lang yung time namin para magkita.

 

Nabawasan naman yung selos na naramdaman ko dahil hindi naman nagbago yung feelings niya sa akin.

 

Unti-unting napapansin ni Mama na mas madalas akong ginagabi ng uwi.

 

I lied again and told her na sobrang lapit na kasi ng mga deadlines. 

 

Hanggang sa isang gabi, nahuli niya kaming dalawa.

 

A week before the competition, nagkaroon ng rest day sila Sungchan sa practice nila dahil may meeting ang club advisers nila with the district officials.

 

Nasa mall kaming dalawa at mula sa malayo ay mabilis kong namukhaan ang Mama ko na parang hinahanap ako.

 

Nagtago kami at nagsabi si Sungchan na mauuna na lang daw siyang umuwi para hindi rin ako mapagalitan. 

 

Baka daw malusutan ko pa pag sinabi kong nakasalubong ko lang ang schoolmate ko.

 

Nang madatnan ako ni Mama, nagsinungaling ulit ako at tahimik na sumabay sa kanya pag uwi.

 

Akala ko simpleng pangaral lang ang aabutin ko.

 

Nalaman niya from a friend na madalas daw akong nakikitang may kasamang boyfriend tuwing lunch at uwian. 

 

Ka-school mate pala namin yung anak ng friend niya na nakakita din sa amin kanina sa mall.

 

Pinaamin niya sa akin yung totoo at sobra yung galit ni Mama when I told her everything. 

 

I couldn't understand nung time na yun kung bakit sobra yung galit ni Mama sa ginawa ko.

 

Hindi naman naapektuhan ang mga grades ko sa school mula nung maging kami ni Sungchan.

 

Wala naman kaming ginawang masama.

 

Sobrang clouded ng utak ko habang pinapagalitan ako ni Mama at hindi ko napigilang makipagsagutan sa kanya.

 

I was grounded at hindi niya ako pinapasok sa school ng 1 week.

 

Kinuha niya ang phone ko at pinaputol din niya yung internet namin.

 

Hindi ako nakapunta sa opening day ng District Meet at hindi ko rin napanood yung mga laro ni Sungchan.

 

She thought it would teach me a lesson.

 

I chose to rebel instead.




 

Since wala kaming immersion ngayon, sabay-sabay kaming tatlo nila Karina at Jaemin na nag-lunch sa KFC. 

 

For some reason, bigla akong naconscious para sa amin ni Karina dahil si Jaemin lang ang kasama namin.

 

Hindi naman ako ganito kahapon nung nag lunch kami kasama sila Giselle at Ning. Siguro ay dahil mas marami rin kami at medyo occupied ako sa pagiging careful na hindi namin masabi sa dalawa ang surprise.

 

Malakas ang pakiramdam kong nasabi na ni Karina kay Giselle yung pagconfess niya.

 

Sinabi na rin kaya niya kay Jaemin?

 

Ako kasi, hindi ko pa nasasabi kay Ning.

 

Medyo busy rin kasi siya this week dahil may hinahabol siyang requirement before the long weekend. Pero may plano na rin akong i-kwento sa kanya bukas, pag-uwi namin sa probinsya.

 

Okay lang siguro tanungin ko si Karina mamaya kung may nasabihan na siyang iba.

 

Habang kumakain kami, pinag-usapan muna namin yung plano para sa celebration mamaya.

 

"Jaemin, may nakausap na ba kayo ni Jeno na pwede isama sa bowling later?" Tanong ko sa kanya.

 

"Yup, nakausap daw ni Jeno si Chenle. Medyo close din sila ni Giselle dati sa block nila. Pwede naman daw siya sumama later." Sagot niya.

 

Agad na bumalik si Jaemin sa pagkain nung pangalawang fried chicken niya.

 

Mukhang hindi pa nga niya alam.

 

Pero speaking of Chenle, kilala ko siya dahil member

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
692 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning