Nakakapanibago

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter




Kakatapos lang ng morning classes ko ngayong araw at nag decide akong pumunta sa registrar para mag inquire tungkol sa move out policy namin sa dorm.

 

Nung Sunday, sinabihan ako ni Mama na tawagan si Dad sa skype para kausapin siya sa balak kong paglipat sa condo na sinabi ng Tita ko. 

 

“Oh anak, kamusta kayo dyan ng Mama mo? Nagpunta daw kayo ng Liliw kahapon kasama ang Tita at mga pinsan mo?” sabi ni Dad sa kabilang linya habang inaadjust ang webcam niya.

 

“Ayos naman po kami dito Dad, kakaalis lang po nila Tita kaninang umaga. Nagsimba saka namili lang po kami kahapon sa Liliw. Ang daming binili ni Mama na tsinelas eh dadalawa lang naman po kami dito sa bahay,” pagbabalita ko sa kanya.

 

Napatawa ang dad ko sa balita ko, “ahh ganun ba? Para sa bisita ata yung mga binili niyang tsinelas. Sabi kasi niya sa akin iimbitahin niya yung mga kaibigan niya sa bahay sa susunod na linggo.”

 

May balak atang magpa house party sa bahay namin ang Mama ko dahil mga ten pairs lang naman ng tsinelas yung binili niya kahapon.

 

“Eh kayo Dad, kamusta po kayo dyan?” tanong ko sa kanya.

 

“Eto, ayos lang din naman. Medyo lumalamig na ang panahon dito sa Yokohama kaya gumagamit na ako ng heater na kumot kapag natutulog,” inangat niya yung webcam at pinakita yung electric heating blanket niyang nakatiklop sa upuan. 

 

“Wow, simula na po ba ang autumn season dyan, Dad?” 

 

Kahit na winter ang pangalan ko, autumn ang pinakagusto kong season.

 

Hindi ko pa man to naeexperience in person, naging favorite ko to dahil sa mga pinapadalang pictures ni Dad sa amin kapag napapadaan siya sa mga park. Kada season, kinukuhanan niya ng picture ang mga puno at halaman sa mga park or temple gardens. 

 

Kahit mula sa picture, ang ganda lang na makita ang transformation ng nature every season. Pero yung pinaka cool talaga para sa akin is yung itsura nila kapag autumn. Nagiging orange at gold ang kulay ng mga puno at halaman pati na din yung mga kalsada dahil sa paglalagas ng mga dahon dito.

 

“Oo, kakasimula lang ng autumn dito anak. Ang ganda sana kung makita niyo din sa personal,” nakangiting sabi ni Dad, “di bale pagka graduate mo, dadalhin ko kayo dito ng Mama mo sa Japan.”

 

“Talaga po? Promise yan Dad ha,” naeexcite kong sinabi sa kanya at mabilis naman na tumango si Dad.

 

“Oh ano nga pala yung itatanong mo daw sabi ng Mama mo?”

 

Kinuwento ko kay Dad yung pinaparentahang condo ng friend ni Tita. Sinabi ko sa kanya na gusto ko sana lumipat dito dahil mas convenient. 

 

Kahit na solo ang kwarto ko sa dorm, saktong sakto lang kasi yung size nito para sa isang kama, cabinet at study table. Yung kitchen at shower room naman namin ay shared sa common area kada floor. Binanggit ko ‘to sa Dad ko at sinabing mas comfortable sana kung meron talaga akong sariling space.

 

Isa pa  yung 10:00 pm curfew namin na may penalty kapag late kami nakauwi. May mga time din kasi na nagugutom ako sa dis oras ng gabi at nag ccrave ng mga fast food. Madalas tinitiis ko na lang ‘to dahil di naman ako makalabas para bumili. 

 

Nung minsang sinubukan namin ni Ning na lumabas para bumili sa Mcdo, sinita kami ng dorm guard at pinabalik kami sa loob ng building. Nauwi na lang kami sa pagbili ng snacks sa mini store sa baba ng dorm. Syempre hindi ko na ‘to binanggit sa Dad ko dahil baka lalo akong di payagan.

 

“Ahh, gusto mo lumipat sa condo? Paano yung sa dorm mo, okay lang ba na mag move out ka agad?”  tanong niya.

 

“Itatanong ko pa po sa registrar Dad. Pero yun, gusto ko po sana lumipat kung okay lang po sa inyo ni Mama.”

 

“Oh sige anak. Maganda kung i-check muna ninyo ng Mama mo yung unit at para ma sigurado din kung secure ba sa condo na sinasabi ng Tita mo. Para na din mas kampante kami ng Mama mo since mag isa ka lang kapag nasa Maynila,” concerned na sinabi ni Dad.

 

“Okay po Dad. Magtatanong po muna ako sa registrar namin para sa move out policy. Hindi naman daw po rush sabi ni Tita dahil next month pa naman daw po aalis papuntang abroad yung kaibigan niya.”

 

“DS4 - Dorm Services counter”

 

Narinig kong in-announce na yung queue number ko sa TV sa loob ng registrar, kaya mabilis akong pumunta sa dorm services counter para mag inquire. 

 

“Hello, ano yung concern niyo?” bungad ni ate na madalas kong pinagbabayaran ng rent ko sa dorm dito sa registrar.

 

“Ahh, mag inquire lang po sana ako sa move out policy ng dorm,”

 

“Pahiram na lang ng ID mo neng para macheck ko yung dorm registration mo.” Mabilis kong kinuha sa bag ang ID ko para iabot kay ate.

 

“Naka monthly ang payment mo sa dorm so pwede ka mag move-out sa katapusan nung huling month na binayaran mo. Submit ka lang ng move-out form at least one month before move-out date para ma-process namin at mabigyan ka ng permit para sa mga gamit mo.” 

 

Pagkatapos mag explain ni ate, inabutan niya ako ng move out form na mukhang di naman complicated sagutan.

 

“Dito mo lang din ulit isusubmit yang form tapos mga 1 week ang processing bago ma-approve ang move-out mo. Nakalagay na din dyan sa form yung instructions,” dagdag ni ate.

 

“Okay thank you po. Balik na lang po ako pag okay na yung form.”

 

Kalagitnaan na ng September so kung magsusubmit ako ngayon, mga mid-October yung earliest na pwede ako lumipat. Banggitin ko na lang siguro kela Mama at Tita para matingnan namin yung unit bago yung move-out date ko.

 

Paglabas ko ng registrar, minessage ko si Karina kung lunch break na niya. Hindi kasi ako nakasabay sa kanila ni Jaemin ng lunch for two days kaya kahapon during immersion ko lang sila nakita. Hindi din kami nakapag dinner kagabi dahil kailangan daw umuwi ni Jaemin ng maaga at birthday daw ng lola niya.

 

Nung Monday, nagbawi lang ako ng tulog during lunch break. Ang aga ko kasing gumising nung umaga para makasakay ako sa first trip ng bus pa-Manila. 

 

Kahapon naman, umattend ako ng talk na requirement para sa English Communications subject namin. Internationally-acclaimed public speaker yung guest na nag talk kaya may pa-lunch sa guest at attendees yung Debate Society na sponsor nung event.

 

Parang ang tagal tuloy nam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
692 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning