Interface

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter



Tungkol sa Input/Output Organization ang topic namin ngayon sa ArchOrg at dinidiscuss ni Sir Mike ang mga I/O devices at peripherals na commonly alam at ginagamit ng mga tao. 

 

Mouse, keyboard, monitor at printer ang ilan sa mga nabanggit niya na common I/O devices. 

 

Naalala ko na isa ‘to sa mga favorite kong topic sa computer subject namin dati nung grade school. Meron kasi kaming personal computer nung bata ako kaya enjoy na enjoy ako sa pag mememorize ng parts of the computer noon. 

 

Isa din ‘to sa dahilan kung bakit maaga akong namulat at nahilig sa mga computers.

 

In-explain ni Sir Mike na hindi lang daw limited doon ang I/O at maging ang CPU processes na pagsulat sa memory at pagtransfer ng data ay considered din as I/O.

 

“I/O devices cannot directly communicate with the CPU due to various differences between them, that’s why we have I/O Interfaces, which provide different methods for transferring data and commands between internal and external I/O devices.”

 

“Its main purpose is to resolve the differences that exist between the central computer and each peripheral.” 

 

“Para makapag communicate ang devices with the CPU and vice-versa, may process na ginagawa ang interfaces called Handshaking which establishes the rules of communication.”

 

“I will explain this in detail later kapag nag discuss na tayo about Data Transfers, pero basically, Handshaking in I/O interfaces is just like handshaking in real life.”

 

“Kapag nagpapakilala tayo sa ibang tao, di ba usually nakikipag handshake tayo? This establishes the link between one person to another just like how it does in I/O Interfaces.” Pag explain niya.

 

“Uso pa ba ang handshake ngayon, sa generation niyo?” Tanong ni Sir sa amin.

 

Tahimik lang na tumango ang ilan sa mga kaklase ko.

 

“Hindi na masyado? Siguro puro sa text at chat na lang kayo nagkaka kilala, no?” Natawa niyang sinabi.

 

Napaisip ako kung kailan yung last na nakipag handshake ako. Hindi rin kasi ako madalas nakakameet ng mga bagong tao.

 

Yung pinaka recent siguro ay nung nag meet kami ni Giselle.

 

Biglang sumagi sa isip ko yung pagcompare namin ng kamay ni Karina kahapon sa Starbucks.

 

Napatingin ako sa kanang kamay ko.

 

Considered ba na handshake yun?

 

Parang hindi naman ata..





Napag agreehan ng team namin na sa AniSoc club room muna kami magkita bago pumunta sa costume shop. Di pa kasi namin napag uusapan kung paano kami mag cocommute papuntang Divisoria, kung saan located yung shop.

 

Nag antayan muna kaming apat nila Ning, Karina at Jaemin sa lobby ng ComEng building bago kami dumerecho papunta sa club room.

 

“Guys, free daw pala kayo bukas?” Tanong ni Jaemin habang naglalakad kami papuntang club room.

 

“Bukas? Anong meron?” sabi ni Ning.

 

“Nagyayaya kasi si Giselle, hangout daw sa Glorietta.” sabi ni Karina. “Nagpapasama siyang bumili ng formal wear para sa event nila sa IS.”

 

“Ay sayang! Gusto ko sana sumama kaso may pupuntahan kaming exhibit for Art History bukas,” malungkot na sinabi ni Ning.

 

“Hula ko may incentive kaya ka pupunta,” sabi ko sa kaibigan ko.

 

“Kilalang kilala mo talaga ako, bes!” sarcastic niyang sagot.

 

“Ahh sayang, Ning!” sabi ni Karina. “Ikaw, Winter? Sama ka?” 

 

Gusto ko din sumama, kaso naalala ko bigla na pinapauwi ako bukas ng Mama ko.

 

“Sorry, hindi rin ako pwede eh,” sabi ko, “pinapauwi kasi ako ng Mama ko sa probinsya this weekend.”

 

“Uuwi kang Laguna?” singit ni Ning.

 

“Oo, uuwi daw kasi yung Tita ko sa amin. Nag aayang pumunta ng Liliw.” sagot ko.

 

Napansin kong tahimik na nag pout lang si Karina habang naglalakad kami.

 

“Sayang naman guys! Next time sama na kayo ha,” sabi ni Jaemin.

 

“Yup, next time sasama na kami!” pagsigurado ni Ning.





Pagdating namin sa club room, sinalubong kami ni ate Sakura kasama ang members ng cosplay team niya na parang naghahanda din para pumunta sa costume shop nila. 

 

Kausap niya ang isang pair ng students na parehong matangkad at mukhang mga model. Sila siguro ang gaganap na Sawako at Kazehaya para sa Kimi ni Todoke cosplay.

 

“So si Soobin at Nagyung na lang ang sasabay sa akin? Tapos the rest ay dun na lang sa isa pang taxi, no?” pag confirm ni ate Sakura sa mga kasama niya na tumango sa kanya.

 

“Okay. We’re good to go.” 

 

Lumabas na ang team nila habang inaantay namin si kuya Jungwoo sa loob na maya maya ay dumating na din.

 

“Hi guys! Sorry, kanina pa kayo dyan?” bati niya sa amin nung pumasok siya.

 

“Di naman, mga 5 minutes pa lang kami dito kuya,” sabi ko sa kanya.

 

Bago kami umalis, pinag usapan muna namin yung ipapatahi at mga bibilhin namin sa Divisoria. Polo, sweatshirt at pants lang kasi ang costumes nila kuya Jungwoo at ni Jaemin para kay L at Light, habang sa akin ay black na gothic dress with black striped blazer para kay Misa

 

Sinabi ni Ning na bibili na lang daw kami ng ready-to-wear clothes para sa blazer ko at sa costumes ng boys para yung black dress na lang ang ipapagawa namin.

 

Pumayag naman ang lahat at nagdecide na hatiin ang team sa dalawa. 

 

Si Ning at ang boys ang maghahanap ng pagbibilhan ng mga ready-to-wear na costumes habang kami naman ni Karina ang pupunta sa costume shop para samahan akong magpasukat.

 

Binilin ni Ning kay Karina ang mga pictures ng costume ni Misa na ipapatahi namin. Binigay naman ni Karina kay Ning yung listahan ng props na ginawa niya last time. 

 

“Paano pala tayo mag cocommute?” Tanong ni Jaemin.

 

Nakangiting humarap sa amin bigla si kuya Jungwoo. “May dala akong kotse, drive na lang tayo papunta dun para convenient.”

 

“Yay! Mas convenient nga,” natutuwang sinabi ni Ning.

 

“Ready na ba kayo?” tanong ni kuya sa amin.

 

“Yup,” sagot ni Karina.

 

Sabay sabay na kaming lumabas ng club room para puntahan ang sasakyan ni kuya sa campus parking. 

 

Lumapit siya sa itim na Montero at sumenyas na pwede na daw kaming sumakay. 

 

Nauna akong lumapit sa kanang side ng sasakyan ni kuya habang nakaabang naman ang tatlo sa likod ko.

 

“Sa unahan ka na, Winter?” Tanong ni kuya Jungwoo bago sumakay sa driver’s seat.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
692 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning