Chances

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Naisipan naming umorder ni Jaemin ng Gong Cha before umuwi. Buti na lang wala pang pila nung pumasok kami sa loob ng shop. 

 

Kailangan kasi namin makauwi by 8pm dahil may usapan kaming game kasama si Mark.

 

“Here’s your change po, dito na lang po kayo sa side for claiming.”

 

Paglipat namin sa side, napansin kong nakapila sa likod namin si Winter at Ningning.

 

My mind suddenly went blank.

 

“Hi! Kayo pala..” Sabi ni Winter.

 

“1 taro smoothie 100% and 1 mango yogurt with white pearl 70% for Jaemin!”

 

Medyo nagulat ako sa malakas na boses ni ate na nag announce ng orders namin which brought me back to my senses.

 

Nakita kong inaabot na ni ate ang orders namin kaya mabilis ko ‘tong kinuha sa kanya at nilagyan ng straw ang drinks namin.

 

Agad namang binati ni Jaemin yung dalawa at ngumiti ako sa kanila.

 

Winter asked kung pauwi na daw kami.

 

Nakadorm pala sila ni Ningning kaya tatambay pa daw sila sa campus.

 

Gusto kong mag stay at makipag kwentuhan pa sa kanila.

 

Tumingin ako sa phone ko at nakitang almost 7pm na. 

 

I sighed inwardly. 

 

Pinakita ko kay Jaemin yung time. Umaabot din ng almost one hour ang commute namin lalo na pag pauwi kaya kinakailangan na namin magpaalam sa dalawa.

 

Another missed chance.

 

Nang makarating kami sa bus stop, napaisip ako.

 

May isa pang subject na classmate ko si Winter aside sa Hum 2.

 

Yung AdvProg bukas!

 

I still have a chance tomorrow.

 

Pero naalala kong sa computer lab kami bukas at sa unahan siya lagi umuupo.

 

Paano ko ba siya i-aapproach?





The next morning, nagising ako with the worst headache and stomach cramps.

 

. It’s my time of the month.

 

Of all days naman bakit ngayon pa?

 

Nagsabi pa naman ako kay Papa na magpapahatid ako today dahil gusto kong pumasok ng maaga sa AdvProg.

 

Plan ko sanang umupo sa unahan para tumabi kay Winter, pero grabe lang ‘tong pakiramdam ko ngayon. Parang gusto kong umabsent sa sakit.

 

No! I can do this! 

 

I quickly took a bath at medyo nabawasan naman yung headache and cramps ko.

 

Pagkahatid sakin ni Papa sa campus, I rushed to our building para pumunta sa AdvProg lab.

 

Laking gulat ko nang makitang occupied na halos lahat ng seats sa unahan, maging yung laging upuan ni Winter.

 

Wala pa din siya.

 

No choice akong umupo sa usual seat ko sa likod.

 

Luckily, wala pa din yung seatmate ko dahil madalas siyang late pumasok.

 

Okay. This is good.

 

All I have to do is tell Winter she can sit beside me.

 

Pero wait.

 

Yung puson ko, biglang sumakit ng sobra.

 

ing cramps!

 

The pain is worse this time. Hindi ko na kaya. 

 

Nagmadali akong pumunta sa clinic, which is conveniently located sa tabi ng Com Eng building. Thankfully.

 

As soon as I got inside, agad akong lumapit sa counter ng nurse.

 

“Hello po, pwede po ba akong humingi ng pain reliever? May period cramps po kasi ako.”

 

Binigyan ako ng nurse ng pain reliever pill at isang paper cup na may tubig na mabilis kong ininom.

 

“Iha, just sign your name and ID number here sa record book.” 

 

“Okay. Thank you po.”

 

Pagkasulat ko ng name at ID number ko, nagmadali na akong lumabas ng clinic.

 

“Wag kang tumakbo iha! Baka mahilo ka,” narinig kong sigaw ng nurse mula sa loob.

 

Pero malapit na mag start ang class ko at kailangan ko nang makabalik.

 

Baka dumating na si Winter.

 

Today was supposed to be my chance.

 

Sana maging seatmate ko siya.




Akala ko puro malas lang ang ma e-experience ko ngayong araw na ‘to.

 

Mula paggising ko kasi, hindi na umaayon ang mga pangyayari sa mga plano kong gawin.

 

Pero somehow, everything seems to fall into place at the last minute. 

 

Or so I thought.

 

Pagpasok ko sa room, nakita ko si Winter sa loob. Nakaupo na siya sa katabing desk ko.

 

Parang gusto kong mag fist pump.

 

Seryoso siyang nakatingin sa laptop niya. Ang cute lang ng cheeks niya.

 

Lumapit ako sa desk ko, nervous and still a bit out of mind.

 

“Oh. Hi Winter!” I tried greeting her.

 

Nag hello siya at tinanong ako kung may seatmate na daw ako. Sinabi kong wala naman.

 

Then tinanong niya ako about Jaemin. She probably thinks na magkasama kami sa lahat ng classes namin.

 

Sinabi ko sa kanya na sa afternoon pa yung AdvProg ni Jaemin, then bigla akong nakaramdam ng slight na pagkahilo.

 

Sinubukan kong i-focus yung vision ko sa harap ko.

 

Nagpaparamdam ulit yung cramps ko. Hindi pa nagtatake effect yung gamot.

 

I wanted to keep talking to her pero hindi ko na siya nakausap buong class. I could barely understand kung anong tinuro samin ng prof today.

 

Bakit parang sobrang malas ko lang ngayong araw na ‘to?

 

I began to feel embarrassed and frustrated kaya nagmamadali akong umalis ng classroom as soon as we were dismissed.

 

I don’t want her to see me like this.




Mas maganda na yung gising ko kinabukasan. Hindi na masakit ang ulo ko and mas tolerable na din yung cramps ko.

 

Medyo excited din ako ngayon. Mamayang hapon na kasi kami pupunta sa Makati for the immersion, and kasama namin sa group si Winter.

 

Disappointed pa rin ako sa sarili ko dahil hindi ko siya nakausap ng maayos kahapon.

 

I’m going to try again today and hopefully, hindi na lumala ang cramps ko.

 

That’s why ngayon, I came prepared. Nagpabili ako ng Tylenol kay Mama at nagbaon ako ng ilang pills, just in case.

 

After my morning classes, pinuntahan ko si Giselle at sabay kaming nag lunch. May next class pa kasi si Jaemin.

 

Pagkatapos naming kumain, nagyaya pa siyang tumambay sa coffee shop since pareho pang 2pm yung next sched namin.

 

“So pre, were you able to talk with Winter na?” She asked.

 

“Umm, oo..” I answered, “medyo lang..”

 

“What do you mean medyo lang?” She squinted at me.

 

Kinuwento ko sa kanya yung pag invite namin kay Winter sa immersion group, yung pagkikita namin sa Gong Cha, pati na rin yung kahapon sa AdvProg.

 

“Well, that’s..that’s something!” Giselle said hesitantly.

 

Naaalala ko na naman yung nangyari kahapon.

 

“Ugh, tingin mo ba ang weird ko?” 

 

“No, K. I don’t think you’re being weird. Although, I could feel your awkwardness sa mga kwento mo..” sabi niya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
692 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning