Paper Clip

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter



Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa sobrang kaba.

 

Ngayon kasi ang entrance exam ko sa goal kong university.

 

Aside sa kilalang university ito for computer courses, dito din kasi balak na pumasok nila Giselle at Jaemin.

 

What if ako lang ang hindi makapasa sa exam?

 

Kakayanin ko bang mag college na hindi kasama ang mga friends ko?

 

Lalo pang lumala ang kaba ko nung nakita kong papalapit na kami sa campus.

 

Buti na lang at hinatid ako ni Papa mula samin sa Las Piñas.

 

Sasabay dapat ako kela Giselle at Jaemin sa pag commute, pero sinabihan ako ni Papa na ihahatid na lang daw niya ako para mas maaga ako makarating at para mas safe na din daw.

 

Natuwa naman ako dahil sobrang supportive nila.

 

Kagabi kasi tumawag sa akin si Giselle. Nagrarant siya na magkagalit pa rin sila ng dad niya dahil Computer Engineering ang nilagay niya as first choice at second choice lang niya ang International Studies.

 

Sana daw supportive din ang parents niya sa kanya. Grabe daw kasi ako, pinaghanda pa daw ako ng parents ko kahapon kahit na di pa naman daw ako nakakapasa sa exam.

 

Medyo over lang din talaga ang family ko.

 

I’m an only child at ako lang ang babae saming magpipinsan, kaya madalas na overprotective sila sa akin.

 

Lumaki akong kasama lagi sila Kuya Taeyong, Kuya Sehun at Kuya Junmyeon.

 

Sa handaan kagabi, sinabi ni Kuya Junmyeon na sobrang bilis daw ng panahon at di niya inakala na magcocollege na daw ako.

 

Parang prinsesa daw kasi ako nung pinanganak ako. 

 

Umiyak pa daw ang Papa ko noon dahil grabeng pagdadasal daw ang ginawa nila ni Mama para magkaroon ng babaeng anak.

 

Si Papa kasi ang bunso sa tatlong magkakapatid, at lahat ng kapatid niya ay puro lalaki ang naging anak.

 

Sumingit naman si Kuya Sehun na nung baby lang daw ako parang prinsesa. Grabe daw kasi ako manakit nung sumali ako sa taekwondo lessons nila nung elementary pa lang ako.

 

“Black belter yang baby ko!” Biglang sigaw ni Papa mula sa kusina.

 

“Baby giraffe po ata!” Pang aasar ni Kuya Taeyong na hindi ko naman pinalampas nang sinipa ko yung binti niya.

 

“Tito oh! Si Karina naninipa!”

 

“Eh kayo din naman ang nagturo diyan!” Pangaral ni Papa habang mimomock ko ang sumbungero kong pinsan.

 

“Huy, wag mo na ngang awayin! May exam pa bukas yang baby giraffe, este baby princess natin!” Sabi ni Kuya Sehun na nang aasar din.

 

“Prinsesa kuno! Parang prinsipe manipa ‘tong si K eh!” Ganting sagot ni Kuya Taeyong.

 

Ang kulit lang talaga nitong mga pinsan ko.




Pagdating namin ni Papa sa campus parking, may pinaabot siya sa akin na paper bag sa likod na passenger seat.

 

Good luck gift daw nila ni Mama para sa akin.

 

Binuksan ko ang maliit na box na laman ng paper bag. Sa loob nito ay isang familiar na rosary ring, yung ring na laging suot ni Mama.

 

Binibigay na daw nila ito sa akin. Eto daw ang suot ni Mama noon nung nagdadasal sila ni Papa para magkaroon ng baby girl at nagkatotoo daw ang wish nila, kaya tama lang daw na ibigay nila ito sa akin.

 

Sana daw matupad din nito ang lahat ng wish ko.

 

Muntik naman akong maiyak.

 

Napatawa naman si Papa dahil ang sentimental lang daw nila ni Mama kahit na entrance exam lang naman daw ang gagawin ko.

 

Sinuot ko ang rosary ring at niyakap si Papa habang nagpapasalamat.

 

Nang makababa ako ng sasakyan, humabol pa si Papa ng sigaw, “Good luck, anak!”




Pagkakuha ko ng permit sa admissions, agad kong minessage sila Giselle at Jaemin kung nandito na sila sa campus.

 

Nagreply si Giselle na sobrang aga ko daw dumating dahil 2 hours pa daw bago ang exam namin. Baka mga 30 minutes before pa daw sila makarating ni Jaemin.

 

Tiningnan ko yung campus map na binigay kasama ng permit. 

 

Sa Computer Engineering building ang exam ko sa bandang right side ng campus. Nag decide akong mag ikot ikot muna since maaga pa naman.

 

Nadatnan kong meron pala kaming amphitheater sa campus. Malapit ito sa College of Liberal Arts at mukhang maganda itong tambayan dahil napapaligiran ng maraming puno.

 

Pwede sigurong dito muna ako maupo at magpahangin habang inaantay ang friends ko.

 

Inalis ko ang backpack ko at kinuha yung review notes ko para sa entrance exam nang biglang humangin ng malakas.

 

“, yung mga notes ko!” 

 

Nilipad pababa ng steps ang lahat ng bond paper kung saan nakasulat ang mga review notes ko.

 

Nagmamadali akong tumayo para pulutin ang mga nagkalat kong notes sa amphitheater.

 

Pansin kong may isang student na tumulong sakin sa pagdampot ng mga papel. 

 

Medyo nagulat ako sa blonde niyang buhok na may blue tips, pero naalala kong hindi naman ‘to pinagbabawalan dito sa university.

 

Nagpatuloy ako sa pagpulot ng mga notes ko sa sahig dahil medyo humahangin pa rin.

 

“Hi, sayo ‘tong mga papel?” Tumingala ako nung kinausap ako nung student.

 

Parang mas nagulat ako sa mukha niya.

 

Ang cute niya lang.

 

Sobrang puti niya at parang puppy yung mukha niya.

 

Naka pink siya na flannel na may white shirt sa loob at naka black na skirt.

 

“O-Oo,” sagot ko. “Thank you..” sabay abot sa mga notes ko.

 

“Welcome!” Sabi niya. “Gusto mo ng paper clip? Meron ako dito.” 

 

Agad siyang naghalungkat sa backpack niya at nag abot sa akin ng paper clip.

 

Ang cute din nung paper clip. May cartoon na cat sa dulo.

 

Pansin ata niyang tulala lang ako dahil bigla niyang pinatong yung paper clip sa notes na hawak ko. 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D
Poll

After niyo mabasa yung chapter 6, anong title ang mas bagay para dito?

Results

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
692 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning