Bus

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter

 

“You know guys, I really didn’t expect that we'd win.” Sabi ni Giselle na nakaupo sa front passenger seat. “Winter was so determined to beat us, I almost got scared.”

 

“Uy grabe di naman ako nangangagat!” Winter defended. 

 

“Ang competitive mo kaya, bes!” I added. “Jusko, yung mata mo after niyo matalo hindi ko madescribe. Nakakatakot!”

 

“I didn’t expect Winter to be this competitive,” dagdag ni Karina na nasa gitna namin.

 

“Hmp!” Nagsusupanget na sagot ni Winter.

 

“Actually, hindi ko rin inexpect na mananalo ang team namin. Ning almost got another gutter ball.” Singit ni Chenle from the back.

 

“Nanalo na nga tayo Chenle, hindi ka pa rin masaya?”

 

“Well it was a close fight as you have witnessed, it could’ve gone another way.” Pa-intelligent niyang sagot.

 

“Naku, ewan ko sayo!” Tumahimik na lang ako at di ko na siya pinatulan. Buti na lang at malapit na kami sa campus.

 

“Chenle, I heard you were always raiding Ning sa Clash of Clans! Do you dislike her that much?” Natatawang tanong ni Giselle.

 

Nakanguso lang na tumingin sa akin si Chenle. “Well, madali kasing i-raid yung village niya so it’s become a habit.”

 

“Habit ka pa jan! If I know, sinasadya mo talaga yun dahil gusto mo akong pag trip-an!”

 

“Ehem. Sorry, but you’re not that interesting, Ningning.” Mayabang niyang sagot.

 

“Woah woah woah,” awat ni Jeno.

 

“Chenle!” Sigaw ni Giselle. “That was so mean!” 

 

“I’m just telling the truth!” Pag defend pa niya.

 

Tahimik lang na umiling si Jaemin at saka niya isinandal si Chenle sa upuan.

 

Inis na inis ako pero hindi na kaya ng powers kong makipag away. Sobrang napagod lang talaga ako today. Good thing natatanaw ko na din yung unloading area ng campus.

 

“Dyan na lang kami sa tawiran, Mark. Gusto ko na talagang bumaba!”

 

“Alright, mag hazard na lang ako.”

 

“Oh paano, dito na lang kami guys.” Paalam ko sa kanila. “Thank you talaga sa surprise niyo! Nag enjoy ako sobra, sana kayo din! Except kay Chenle.”

 

“Of course, we enjoyed it too, Ning!” Sagot ni Giselle. 

 

“Ah thank you din pala sa special gift mo, Giselle!”

 

“You’re welcome, Ning! See you next week!”

 

“Bye, see you!!” Paalam ni Winter at sabay na kaming bumaba sa magkabilang side ng kotse.





“Sta. Cruz po dyan! Paalis na! Sta. Cruz!”

 

Nagmamadali kami ni Winter na sumakay ng bus pauwi ng Laguna. Sinuwerte kami dahil may mga bakante pa sa likuran. On schedule lang talaga na every thirty minutes ang byahe ng bus at halos saktong 10 AM na kami nakarating sa terminal.

 

“Saan kayo, ne?” Tanong ng konduktor.

 

“Isang sambat po saka isang terminal.” Sabi ko na nakaupo sa may bintana.

 

Tahimik lang na nakatingin sa konduktor etong katabi ko.

 

Hindi naman unusual na tahimik si Winter dahil madalas na ako talaga ang nagdadala ng mga usapan namin. Pero nanibago ako kanina dahil tipid na tipid ang salita niya mula nang magkita kami sa tapat ng Burgundy. Binati ko siya ng good morning at nginitian niya lang ako. Di nalang ako nagpush dahil parang wala siya sa wisyo. Pero hindi rin naman siya mukhang bad mood. 

 

Pagkatapos namin magbayad ng pamasahe, pansin ko naman na parang hindi siya mapakali. Hindi niya malaman kung saan siya lilingon. Kanina pa din siya ayos ng ayos ng upo niya.

 

“Bes, nasisikipan ka ba? Lagay kaya natin yung gamit natin sa taas?”

 

“Hindi naman. Okay lang, Ning. Baka mawala pa pag sa taas natin nilagay.”

 

“Okay sige.”

 

Hinayaan ko nalang muna siya kahit na parang may tarantang di maipinta sa mukha niya.



Pare ko, mayro'n akong problema

'Wag mong sabihing "Na naman?"

In love ako sa isang kolehiyala

Hindi ko maintindihan

'Wag na nating idaan sa maboteng usapan

Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan

 

Anong sarap, kami'y naging magkaibigan

Napuno ako ng pag-asa

'Yun pala, hanggang do'n lang ang kaya

Akala ko ay pwede pa

Masakit mang isipin, kailangang tanggapin

Kung kailan ka naging seryoso, 'tsaka ka n'ya gagaguhin



Nang makaakyat na ng skyway ang bus, lumingon bigla si Winter sa side ko.

 

“Ning, may sasabihin ako sayo.” 

 

“Aba nagsalita ka din.” Ngiti ko sa kanya. “Ano yun?”

 

“Wag mo muna ipagsasabi sa iba.”

“Wait lang tinatakot mo naman ako, tungkol saan ba yan?”

 

“Basta.” Seryosong sagot niya.

 

“Okay okay.”



Napatigil siya saglit bago siya tumuloy sa pagsasalita. Huminga siya ng malalim at kumapit sa braso ko.



“Umamin si Karina sa akin,” she paused. 

 

“Umamin na?”

 

“Na ano…” tumigil ulit siya.

 

“May gusto siya sayo?” Hindi makaintay kong sinabi. Halata kasing nahihirapan si Winter na magsalita.

 

Gulat na gulat ang mukha niya. “Teka Ning, paano mo nalaman? Sinabi ba niya sayo?”




Finally, tapos na din ang meeting namin sa AniSoc. Kanina pa kasi ako nagugutom dahil hindi ako nakapag lunch, so niyaya ko sila Winter na kumain sa Zark’s burgers pagkatapos.

 

“Guys, mag restroom lang ako,” biglang sinabi ni Karina.

 

Parang kailangan ko din palang mag CR muna so sumabay na ako sa kanya.

 

“Ay ako din pala Karina, sabay na tayo. Ikaw, Winter?”

 

“Di, okay pa naman ako. Antayin na lang namin kayo ni Jaemin sa labas.”

 

“Okay, wait lang guys ah.” Paalam ni Karina.

 

Naunang lumabas si Karina sa cubicle at narinig kong naghuhugas na siya ng kamay. Saktong paglabas ko, bigla siyang humarap sakin at nagtanong. 

 

“Ningning, may question ako.”

 

“Sure! Ano yung question mo, Karina?”

 

“Type ba ni Kuya Jungwoo si Winter?”

 

Nangiti lang ako sa tanong niya. Ang obvious lang din talaga ni Kuya Jungwoo dahil hindi rin naman siya palihim sa kanyang mga motives kay Winter. 

 

“Nahalata mo ba?” I laughed. “Hindi niya sinasabi directly sa amin pero sobrang obvious naman na type niya si Winter. Kahit ikaw nga na first time makita sila, napansin mo.”

 

Mula nung sumali kami sa AniSoc, halatang halata na na-crush at first sight si Kuya Jungwoo kay Winter. Tuwing may meeting kami, special treatment lagi siya with matching snacks at drinks pa. Nadadamay din ako sa pa-special treatment ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
692 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning