Plans

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Pwede naman, Karina.” I answered.

 

Feeling ko parang na-kuryente ang buong katawan ko habang sinasagot ko si Karina.

 

Hindi ko lang din talaga ma-describe yung nararamdaman ko. 

 

Kaba? Takot? Excitement? Nag halo-halo ng lahat.

 

Habang tinatry kong ikalma ang sarili ko, naging tahimik naman ulit si Karina sa kabilang line. But not in a bad way, I think.

 

“Karina..are you still there?” I checked.

 

“I-I’m still here, Winter... It’s just, my heart has been racing the whole time since tumawag ka..” She admitted.

 

Hindi lang ikaw, Karina. Pramis.

 

“Ako din, actually…” Inamin ko na rin sa kanya.

 

“…pero tingin ko naman, we’re supposed to feel this way..” I said, slowly getting used to the sound of her breathing.

 

“I think so too..” She paused. “Sorry talaga, Winter. I have no clue what I’m doing dahil never ko pa nagawa ‘to. You must feel na sobrang inexperienced ko..”

 

I guess it’s safe to assume na never pa nga naging in a relationship si Karina. At dahil mas may experience ako, na-feel ko bigla yung urge na i-guide siya.

 

“Lahat naman tayo ganun sa umpisa, Karina. We all have our first times, pero I think..I can help you with that.” I offered, kahit na basic lang din naman yung experience ko.

 

“Siguro pwede tayo mag-start with…our first date?”




 

Pagkalabas ko ng classroom, napansin ko agad siya na nag-aabang sa dulo ng hallway malapit sa railings ng stairs.

 

Nakasabit ang backpack niya sa isang balikat, at nasa bulsa naman ang kabilang kamay niya. 

 

He's wearing a black baseball shirt at suot pa rin niya yung navy pants na uniform namin.

 

Nadatnan niya akong naglalakad at matipid siyang kumaway sa akin.

 

I nodded at mabilis na lumapit sa kanya.

 

"Hi," he greeted shyly.

 

"Hello. Kanina ka pa? Sorry medyo natagalan yung last class namin.." 

 

"Hindi naman. Okay lang."

 

"Thanks for waiting." Nakangiti kong sabi. "Tara?"

 

"Wait." Tinitigan niya ako ng saglit.

 

"You look pretty, Winter." Sabi niya habang napapakamot sa ulo.

 

Medyo nahiya naman ako dahil simpleng red striped shirt at denim pants lang ang suot ko. Nagmadali lang din akong magpalit sa restroom namin nung ma-dismiss na kami.

 

"T-Thanks.."

 

He smiled at inabot niya yung dala-dala kong paper bag na pinaglagyan ko ng uniform ko.

 

"Tara." 

 

Nakaramdam ulit ako ng hiya nang maglakad na kaming dalawa pababa sa building namin.

 

 I think ganito na din kasi ang usual reaction ng mga estudyante kapag nakakakita ng couple sa school.

 

Mas kapansin-pansin din siguro kami dahil hindi makakaila na gwapo 'tong manliligaw ko.

 

I heard na maraming ibang nagkakacrush sa kanya mula nang mag high school kami. It's totally different nung time na elementary pa lang kami.

 

I admit, cute naman siya noon, pero hindi siguro siya yung unang papasok sa isip ko pag may nagtanong kung sinong pinaka-gwapo sa mga ka-batch namin.

 

Malaking factor din siguro yung hairstyle niya dati - bowl cut, bunot, bao - yun ang usual na pang-asar sa kanya ng iba.

 

Na-kwento niya sa akin one time na hindi siya sanay sa kakaibang attention pagdating niya ng high school.

 

He thanked me though, dahil ako ang nag-suggest sa kanya na magpalit ng hairstyle.

 

Siya ang unang nagkagusto sa akin. 

 

Nung grade four kami, patago siyang nag-iwan ng chocolates and gifts sa desk ko nung Valentine's day.

 

Nalaman ko na galing sa kanya yung gifts dahil sa card na nakita ko sa loob ng bag ko.

 

Nung nalaman niya na may cellphone na ako, hiningi niya agad yung number ko from a friend.

 

Hindi naman kami madalas na magkatext. I think pareho din kasi kaming nahihiya. 

 

That changed nung mag high school na kami.

 

We were both becoming comfortable at expressing ourselves.

 

He started with good mornings and goodnights.

 

I slowly returned the favor at nagsimulang kamustahin ang araw niya.

 

Little did I know, I was starting to like him back.

 

I think naramdaman din niya yun. 

 

And so, before kami mag second year, he asked me kung pwede siyang manligaw.

 

 I said yes, pero sinabi ko sa kanya na pinagbabawalan ako sa bahay.

 

He was okay with it. 

 

Sabi niya, ita-try daw niya akong ipagpaalam sa parents ko.

 

But it never happened.




 

Monday.

 

Sakto ang gising ko sa tunog ng alarm ko.

 

Kumpleto din na 8 hours ang tulog ko. Walang nightmares, mahimbing, at tuloy-tuloy na tulog lang.

 

I took my time sa pagligo dahil tamang maligamgam lang ang temperature ng shower. 

 

Toothbrush. Gargle. 

 

I wore my usual get-up - flannel, denim pants, and my white sneakers.

 

Ibang-iba ang Monday ko ngayon compared sa mga naging Monday ko noon. Usually kasi, nagmamadali at paspasan ang kilos ko tuwing umaga para makapasok agad at makaupo sa unahan ng classroom.

 

Ngayon, parang ang bagal lang ng oras kahit na ang dami ko nang nagawa.

 

Nakaupo lang ako sa loob ng unit ko habang inaantay kong makarating si Karina sa may campus. 

 

Kagabi, nagtanong siya kung pwede daw kami mag breakfast sa cafeteria before ng classes namin.

 

Pero binawi din niya at sinabing gusto lang daw talaga niya ako makita, since wala kaming parehong class today.

 

Sasabihin ko dapat na sabay naman kami maglulunch kasama ng tropa, pero in-emphasize niya sa breakfast invitation niya kung pwede na kaming dalawa lang.

 

Maya-maya, nag-message na si Karina na malapit na siya sa campus.

 

Mabilis naman akong nag-ayos ng gamit at nag-elevator pababa para puntahan siya.

 

Dere-derecho akong naglakad sa lobby palabas ng building nang mapansin ko ang familiar na figure na nakatayo sa baba ng entrance stairs.

 

"Karina..?"

 

"Hi, Winter.." she greeted shyly.

 

Medyo nagulat lang ako dahil ang usapan namin ay sa waiting area ng main gate kami magkikita, pero nandito at nag-aabang siya sa akin sa baba ng Burgundy.

 

"I thought sa main gate tayo?" pagtataka ko.

 

"Sorry. I just couldn't wait to see you, Winter."

 

Di ko kinaya ang pagkahonest ni Karina ngayong Lunes ng umaga.

 

Kung hindi dahil sa height niya, hindi ko agad siya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
692 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning