Fitting

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter




Pagbaba namin ni Karina sa Lawton, agad kaming pumara at sumakay ng tricycle papunta sa 168 Shopping Mall.

 

“Karina, sorry kanina ha. Ilang beses ata kitang natulak sa bus..” 

 

“Ah, okay lang yun. Sanay na din naman ako sumakay ng bus. Minsan talaga ganun ka grabe yung siksikan..”

 

Nakakahiya talaga yung nangyari sa bus kanina. Sobrang na out of balance ako bigla dahil sa malakas na pag preno ni manong driver at hindi ko mapigilan na mapakapit kay Karina.

 

Medyo naiilang tuloy ako sa kanya ngayon. 

 

Aksidente man yung pagyakap ko sa kanya, ang hindi ko naman inexpect ay ang pag akbay niya sa akin kanina.

 

Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng ganung skinship with another person. 

 

Yung last ay..

 

Ayoko na palang alalahanin.

 

Madalas naman kasi ay pag lilink lang ng arms at minsanan ding paghawak ng kamay lang ang ginagawa ko sa mga close friends - I mean sa only close friend ko na si Ning.

 

Kaya medyo na shookt din talaga ako sa skinship ko with Karina na bago ko palang maging kaibigan at mga ilang weeks ko pa lang nakikilala.

 

Na shock din kaya siya sa nangyari kanina?





Mabilis lang namin nahanap ang MiMi’s Tailoring Services ngayon dahil alam na namin ang pasikot sikot sa mall. Nadatnan ulit namin sa loob sila Ate Dory at Ate Lory. Mukhang mas busy sila dahil may mga naabutan kaming mga tao na nasa loob din ng shop.

 

“Dory! May customer na dumating!” Sigaw ni Ate Lory na busy na naman sa kanyang tahian habang si Ate Dory naman ay may sinusukatan.

 

“Hi po ate, kami po yung last week. May fitting po ako ngayon nung dress,” bati ko kay Ate Dory.

 

Saglit na tumigil si ate sa pagsukat at sumenyas sa amin. “Ay! Hello mga ineng! Saglit lang ha, upo muna kayo dito sa tabi.” 

 

“Okay po.” Sabi ni Karina.

 

Lumapit kaming dalawa sa tinurong bench ni Ate Dory at doon nag antay. Pinanood namin siya habang tinatapos na sukatan yung batang babae na mahaba ang buhok at may bangs. Parents ata niya yung kausap ni ate at parang magpapagawa sila ng Cinderella na gown dahil 7th birthday daw nung anak nila.

 

Kasama din ata nila yung isang mag anak na nasa loob ng shop. Babae din ang anak nila at parang kasing edad niya yung unang bata na sinukatan ni ate. Maikli naman ang buhok nung isang bata at parang magpapagawa din siya ng princess na gown.

 

Matapos sukatan ni ate yung unang bata, tumingin siya saglit sa pwesto namin at mabilis na kinausap ang mga naunang customers.

 

“Ma’am saglit lang po ha, i-aabot ko lang yung pinatahi nila para makapag fitting na sila.” Tumango naman at pumayag ang dalawang nanay kay ate.

 

“Ano nga ulit pangalan mo ate G-force? Winter nga ba?” sabi ni ate na nakatingin sa akin.

 

“Opo, Winter po.” sagot ko kay ate.

 

“Ahh kayo yung Winter at Korina?”

 

“Karina po.”

 

Nakangiting tumango lang si ate at lumapit siya sa may rack na puno ng mga damit. Kinuha niya yung isang itim na dress na nakahanger at mukhang yun ata yung dress na pinagawa namin.

 

“Halika kayo dito mga ineng,” tinawag kami ni ate at pinalapit kami sa may rack.

 

“Eto yung unang yari ng damit. Hindi ko pa nakakabit ang mga ruffles na design para matingnan ko muna kung tama ang fitting sayo,” sabi ni ate sabay abot sa akin ng dress.

 

Tinuro ni ate yung daan papunta sa likod na natatakpan ng kurtina. “Isukat mo muna doon sa fitting room sa likod at para hindi kayo nag aantay lang habang sinusukatan ko ‘tong isang customer, ha.” 

 

“Okay po ate,”

 

“Magpatulong ka na lang muna kay Ate Korina sa pagsukat mo. Ribbon lace-up na din ang ginamit kong pang sara sa likod imbis na zipper, para kapareho nitong ribbon sa unahan. Parang corset kasi yung yari nung nasa pinakita ninyong picture.”

 

Pinakita ni ate sa amin yung paglalagyan ng ribbon sa likod ng dress.

 

“Sige po ate, kami na po bahala,” sabi ni Karina.

 

“Okay mga ineng! Labas na lang kayo dito pag suot mo na yung dress ha.”

 

Tumango kaming dalawa at dumerecho na papunta sa fitting room sa likod.

 

Medyo maliit lang yung fitting room ng shop. May payat na salamin sa loob at imbis na pader ay kurtina lang ang pang harang na ginamit dito.

 

“Wait lang Karina ha. Fit ko lang ‘tong dress. Pabantay na lang nung kurtina.”

 

“Okay, dito muna ako sa labas. Sabihan mo lang ako if need mo ng help,” sabi niya.

 

“Okay,”

 

Sinara ko ang kurtina at sinabit ko muna ang dress sa maliit na hook na malapit sa salamin para maibaba ko din yung backpack ko.

 

Mabilis lang naman ang pagpapalit ko ng dress. Madali lang isuot at sakto lang din yung fitting ng top part at ng sleeves. Kailangan lang itali sa likod yung lace para masikipan at magkaroon ng shape sa bandang waist.

 

Since hindi ko abot ang likod ng dress, nagpatulong na lang ako kay Karina para sikipan ang pagkakatali nito.

 

“Karina,”

 

“Hm?”

 

“Pwede pa help i-ribbon yung sa likod?”

 

“Sure! Open ko na yung kurtina?”

 

“Okay,”

 

Pagbukas niya ng kurtina, agad akong tumalikod sa kanya para ipatali yung ribbon ng dress.

 

“Wow.” sabi niya, “Bagay sayo yung dress, Winter.” 

 

Napangiti lang ako dahil yung likod ko lang naman yung nakita niya. “Kahit nakatalikod ako?”

 

“Oo,” sabi niya at somehow narinig ko din ang pag ngiti niya.

 

Hinawakan na niya yung ribbon sa likod at magkakasunod niyang nilagay yung lace sa grommet ng corset. 

 

Isa-isa niyang hinigpitan yung lace sa may bandang waist ng dress. 

 

“Winter, okay lang ba yung pagkasikip nung ribbon?”

 

“Yeah, okay lang naman. Nakakahinga pa naman ako,” pabiro kong sagot sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
692 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning