Awkward

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Maaga akong pumasok ng campus today since may prototype exercise kami na kailangan gawin tungkol sa bagong lesson namin sa AdvProg. Sinabihan din kami ng prof namin na mag advance study para dito. 

 

Tulog pa si Ning ng ganitong oras kaya hindi ko na siya dinaanan sa dorm room niya.

 

Minabuti ko nalang pumunta muna ng cafeteria para bumili ng breakfast at doon ako magrereview sa amphitheatre. Wala pa masyadong tao ng ganitong oras kaya agad naman akong nakabili nung laging sold out na egg sandwich pati na rin hot choco.

 

Sakto namang walang naka pwesto sa tambayan namin sa amphi. Good spot din kasi ito dahil natatapatan ng malaking puno kaya malilim dito kahit na tanghaling tapat. 

 

Inilabas ko ang laptop ko para buksan ang PDF handout namin. May nasimulan na akong prototype kagabi kaya konti na lang ang kailangan kong i-practice at pag aralan.

 

After a few minutes ng pag code, nag unat ako ng leeg at napatingin sa walkway. 

 

Nakita kong naglalakad si Karina na parang kakadating lang ng school. 

 

Nakasabit sa balikat niya yung dark blue Jansport niyang backpack at bitbit naman niya sa kabilang braso yung laptop niyang naka sleeve. 

 

Parang di ata niya kasama si Jaemin ngayon? Di sila sabay pumasok sa umaga?

 

Tuloy tuloy na siyang lumakad papunta sa right side ng campus at bumalik na ako sa ginagawa kong prototype.



Ilang minutes na lang bago mag AdvProg, kaya binitbit ko na lang yung hot choco na hindi ko pa nauubos dahil sa sobrang init nito. Parang bagong kulo kasi to nung nabili ko.

 

Pumasok na ako sa pintuan ng computer lab at balak ko sanang maupo sa usual na pwesto ko sa unahan, pero nagulat ako nung makita kong halos puno na sa loob.

 

By pairs ang arrangement ng computers sa lab. Occupied na ang mga pwesto sa unahan at may isang grupo ng students na nag umpukan doon. Parang nagpapaturo silang magcode dun sa isang classmate namin.

 

Naghanap na lang ako ng bakanteng PC at isa na lang ang meron sa bandang likuran. 

 

Sa katabing desk nito ay may jacket na nakapatong para i-reserve ang pwesto. Agad na din akong naupo sa bakanteng spot at inilabas ang laptop ko para i-transfer ang nagawa kong prototype. 

 

Napansin kong dumating na yung seatmate ko at agad akong nakaramdam ng hiya nung makita kong si Karina pala ang katabi ko. 

 

Medyo sabaw lang ako dahil late ko lang na-realize na magkaklase pala kami sa subject na ‘to kahit na ilang weeks na mula nang mag start ang term. Palagi kasi akong maagang pumapasok sa class para makaupo sa unahan dahil nasa first front rows yung mga latest na PC ng lab. 

 

“Oh. Hi Winter!” Medyo gulat ding bati nito habang dinadampot yung jacket sa desk niya.

 

“Hello! Sorry, may seatmate ka na ba? May umupo na kasi sa pwesto ko eh..” nahihiya kong tanong kay Karina.

 

“Nope, wala naman. Go lang.” Tipid ang ngiti niya sa akin nung umupo siya.

 

“Wala si Jaemin?” 

 

“Ahh, si Jaemin? Sa afternoon yung AdvProg niya.” Sagot nito habang derecho ang mukhang nakaharap sa monitor niya.

 

“Ay oo nga pala..” 

 

Badtrip, nag manifest na naman ang pagiging socially awkward ko. Try ko siguro makipag small talk since buong term din kaming magsasama sa immersion.

 

“Karina, nakapag advance study ka sa topic ngayon?” 

 

“Yup.” Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa monitor.

 

Ako lang ba or parang iba ata ang ihip ng hangin ngayon? Kahapon parang friendly naman ang greeting niya sa akin. Siya pa nga ang nagtanong kung gusto kong sumali sa group nila..

 

“Ahh sige..”

 

Hindi na din ako masyadong nagtanong dahil mukhang wala naman siya sa mood makipag usap. Siguro iniisip niyang feeling close ako or dahil ba mukhang inuusisa ko yung love life nila ni Jaemin?

 

Bigla tuloy akong na-intimidate kay Karina. Maliban sa tangkad niya, may something sa expression niya na parang mahihiya kang mag approach. Yung tipong maganda pero malamig ang tingin.

 

Kaya naman hindi na din ako nag attempt makipag small talk sa kanya. Tahimik lang siyang nakinig sa lesson at ganun na din ang ginawa ko hanggang matapos ang class.

 

Nung dinismiss na kami, walang imik lang siyang tumayo at umalis ng room.

 

May problema ba siya?




Dere-derecho na ang classes ko hanggang hapon maliban sa isang oras kong lunch break. Bumili na lang ako ng cheesy beef na Jamaican Pattie at nirefill yung tumbler ko sa water fountain para sa lunch ko.

 

Dahil wala na din naman akong quiz at projects this week, nag decide akong tumuloy sa watch party ng AniSoc. May ilang minutes pa bago magsimula ang event. Minessage ko na din si Ning na pupunta ako at nagreply naman ito agad na susunod daw siya. 

 

Pagpasok ko sa conference hall, agad akong nilapitan ni Kuya Jungwoo na mabilis pa sa lawin akong namukhaan mula sa kinatatayuan niya. Nasa unahan kasi siya ng hall at mukhang tinutulungan niyang mag setup ang ibang members.

“Hey Winter!” Masayang bati nito sa akin.

 

“Hi Kuya Jungwoo!”

 

“Hindi mo kasama si Ningning?” 

 

“Ahh susunod daw siya kuya, hanggang 4:30 pa kasi ung class niya.”

 

“Oh, that’s great! Tara, dito na kayo maupo sa unahan. Front-row seats, oh.” Sabay turo sa pinaka gitnang upuan sa unahan. 

 

“Dito na lang kami sa likod ku-“ natigil akong magsalita nang bigla niya akong hinila sa braso papunta sa front row.

 

“Wag ka na mahiya! Alam mo naman malakas ka sa akin!” Dagdag pa nito sabay bilin sa ibang officers, “guys, dito uupo sila Winter ha!”

 

“Uy wag na kuya, nakakahiya naman!” Sagot ko dito.

 

Kaya ayokong mag isa pumunta dito eh. Eto na naman si Kuya Jungwoo!

 

Ganito kadalasan ang nangyayari tuwing umaattend kami ni Ningning sa event ng AniSoc. Hindi na mabilang kung gaano karaming beses kami binigyan ng special treatment ni Kuya Jungwoo, lalo na kapag hindi ko kasama ang kaibigan ko. Minsan hindi ko na alam kung saan itatago ang mukha ko sa sobrang h

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
691 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
691 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
194 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning