ORDER #6
MY DELIVERY GHORLORDER #6
Unti- unti na silang nakaka agaw ng pansin, dahil yung ibang mga estudyante nagsimula nang maki- usi.
"Ano ba problema mo ghorl?" mataray na tanong ni Sunmi, saka inakbayan si Seulgi na kanina pa nanigas at inagaw na papuntang langit.
*Pause frame* *insert trolls bgm* Lee Sun-mi, alyas Sunmi. Ang secret unnie ni Seulgi, charot. Dating schoolmate nina Seulgi in which ahead siya ng isang year level kina Seulgi. #1 fangirl ni Seulgi, at dahil patay na patay ito sakanya, nagtayo pa ito ng fansclub na agad namang nadisband kasi naviolate nila ang school policies. Ultimo hanggang bahay, walang tigil ang mga fangirls sakanya, daig pa yung dispatch kung magmasid. Nung una crush siya ni oso kaso luka-luka nga siya, kaya naturn off ang ati nyo. Panay iwas si Seulgi sakanya dahil ayaw siyang tantanan hanggang sa maka graduate ito. Ano naman kaya ang binabalak niya ngayong nasa iisang university lang sila? Baka magtayo na ito ng kulto ni Seulgi.
"Bingi ka ba ha?" imbes na yung leader nila ang magsasalita, si second voice yung nagsalita, na agad namang sinapok uli ng katabi niya.
"Gaga ka talaga Nayeon.."
*Pause frame* *insert twicechu intro* (Yung cocomelon parody..shatawt po sa inyo, lodi ko po kayo. Hakhak) Im Na- yeon, Alyas Nayeon, ang feelingerang froggy self appointed vice leader daw ng grupo nila. BS- Accountancy II girlies. Schoolmate nina Seulgi, naging kaklase ni Sunmi nong highschool. Isang beses niyang hinamon ng sabunutan si Sunmi sa labas ng school kasi di nya feel si Sunmi, masyado daw itong nagmamaganda. Isa sa mga close nina Seulgi nong Highschool na taga upper year. Bestfriend ni Jeong, love-hate sila, at parehas na indenial sa feelings ng isa't isa. Parang aso't pusa kung magsama, pero pag sila ang nagdevise ng prank, magtago ka na sa palda ng nanay mo kakaiyak kasi hindi ka nila tatantanan.
"Pfft.." narinig niyang pinipigilan ni Jeong yung tawa niya, kaya inismiran niya ito uli.
"Alam mo Jen, kanina ka pa. Hindi ko alam kung ikaw yung kontrabida o si Sunmi."
"Yawa ka.." inirapan lang siya ni Jennie saka nagcross arms, nagtaka naman si Nayeon sa sinabi niya, napakamot nalang ito.
*Pause frame* *insert dart vader bgm* Kim Jennie, alyas Jennie, "Henniper" pag pinagtitripan. Ang tubong Cebu, na kapag nagagalit hindi maiwasang mapamura gamit ang kaniyang dialect na bisaya. Kaya hindi dapat siya ginagalit, kasi walang preno ito kapag nagalit, walang sasantuhin, kasi manunugod at manunugod talaga siya. Schoolmate din nina Seulgi, at kaklase/prenny naman ni Nayeon. BS- Accountancy girlies. Magaling siya magkwenta, kahit mga kasalanan mo kaya niyang kwentahin. Curshie ni ate mo Lisa, (Abangan labstory nila. jowk) Isa sa mga resting face ng grupo (Si Joy kasi yung #1), na kahit isang taas niya lang ng kilay, pati guard mapapaluh
Comments