ORDER #26

MY DELIVERY GHORL
Please Subscribe to read the full chapter

ORDER #26

 

 

Tahimik lang silang dalawa mula sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating ng shop.

Pagka pasok na pagkapasok nila, bumati sakanila ang tila mapang akit na amoy ng coffee beans na naghahalo sa mahalimuyak na amoy ng mga cake at pastries.

Napahinga ng malalim si Seulgi, buhat ng relaxing na ambiance na dala ng buong paligid. Inilibot ang tingin sa buong paligid, iilan lang ang tao sa loob.

"Nice place, right?" nakangiting lingon sakanya ni Irene, tumango lang ito.

"Malapit lang din siya sa uni, walking distance lang actually.. new found tambayan na ba dis."

"Nakakahiya lang dalhin yung mga kumag na yon dito.." tukoy ni Seulgi sa tropa niya. "Pero maganda nga magreview dito.."

"Nagrereview ka pa pala?"

"Luh, anong tingin mo saken?"

"Yung tipo ng tao na puro tulog lang ang alam.."

Pinanlisikan lang siya ng mata ni Seulgi, nagkibit balikat lang si Irene bago tuluyang pumunta ng counter para pumili ng makakain. Inabot naman nong cashier yung menu.

"Bourbon-Pecan Tart with Chocolate Drizzle.. Blueberry-Peach Cobbler..." basa ni Irene sa hawak- hawak. Tamang silip naman si Seulgi.

"Baka gusto niyo po itry yung isa sa best- selling namin maam.." nakangiting suggestion nong cashier sabay turo sa menu, "Strawberry-Almond Cream Tart.."

"Hmm.. sige 2 nyan tapos... Blueberry-Peach Cobbler.. ano sayo?" tanong niya kay Seulgi, "Ako naman magbabayad, tsaka may voucher ako so.."

"Hindi naman ako tumatanggi sa libre.. umm.. Vanilla Cheesecake with Cherry Topping.." turo niya sa menu.

"Strawberry-Almond Cream Tart, Blueberry-Peach Cobbler, Vanilla Cheesecake with Cherry Topping... ano po drinks?"

"Umm.."

"May milktea, coffee, shakes.." turo pabalik nong cashier sa menu.

"Ice tea lang yung akin.." sagot naman ni Seulgi.

"Hmm.. Hindi mo bet itry yung mga milktea nila?" lingon ni Irene sakanya.

"May trauma na ako sa mga ganyan, kaya ice tea lang muna ako.. charged to experience.."

"Hmm..Ice tea nalang din saken.. baka diabetes abot natin.."


Matapos magbayad, nauna na si Seulgi para maghanap ng mapag pepwestuhan. Na ispotan niya sa may bandang likod na open space may mini garden.

Maya- maya sumunod si Irene, umupo sa kabilang side kaya magkaharap sila ni Seulgi.

Nakatutok lang sa selpon si Seulgi, habang si Irene naghahanap ng tyempo para makuha ang atensyon ng kaharap.

Biglang tumunog yung phone niya.


Kapag tumibok ang puso
Wala ka nang magagawa kundi sundin ito
Kapag tumibok ang puso
Lagot ka na
Siguradong huli ka...
Sharam sharam shararam
Sharam sharam shararam
Sharam sharam shararam
Aaaahhhhhhhh...


"Ay putangina talaga ni Yeri, pinapalitan yung ringtone ko.." inis na sabi ni Irene saka isinilent yung phone niya at tuluyang hindi pinansin ang Yeri na tumatawag. Inoff niya na kasi yung isang phone niya kaya sa pangalawa naman tumawag. (Taray, dala- dalawa phone. sanaol)

"Hehe.. trip kasi nilang palitan, para daw sagutin ko agad yung tawag.."

"Sagutin mo kaya? Baka importante.."

"Don't worry, hindi yan."

Silence..

"Seulgi.. umm.. ano kasi.. gusto ko lang magsorry about sa nangyari kahapon..  nasira namin yung lakad niyo ng friend mo.." panimula ni Irene, napa angat ng tingin si Seulgi mula sa selpon niya. "..Rosé told me na kaibigan mo yun since grade school.. and it happens na mag kababata din sina Rosé and that friend of yours.. Jisoo, right?"

"Ahh.. Wag mo na isipin yun, importante nagkita uli sila.. may next time pa naman.." umayos sa pagkaka upo si Seulgi, saka nangisi, "Mag kababata lang ba talaga sila?.. I mean.."

"I know right? I smell something fishy about sa kanila.. wala bang may naikwento sayo yung friend mo?"

"Wala..... pa.. matagal- tagal na rin kaming hindi nagkakausap, simula nong umuwi siya sa probinsya nila.. tsaka wala naman siyang may naikwento dati.. Sayo ba?"

"Gaga yung Rosana na yun, napaka secretive.. alam mo minsan lang yan magsalita, nakaka badtrip pa, alam mo yun?.." napa cross arms si Irene, "Parang ang boring ng life niya ganun, juicecolored.. Nagulat nalang ako kilala niya yung friend mo, and worse.. she almost made a scene sa ma

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Gusto ko sana palitan yung kober, kaso wag nalang. Tawang tawa ako HAHAHA. SKL.

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
:<<
Kylie_123 #2
Chapter 41: Please continue 🙏🙏🙏
Kylie_123 #3
Chapter 32: Seulgi 28 reasons !!!!!!
Kylie_123 #4
Chapter 32: Hanipps yan akala ko nalaman na Hahahahahhahaha
AnneTokki 50 streak #5
Chapter 41: 😭😭😭😭😭
AnneTokki 50 streak #6
Tatapusin mo Po ba ito?🥹
Astraea21 #7
Chapter 41: 👍
future_mrs_liu #8
Chapter 41: Na miss ko to.
Kkangkkong #9
otor hehehehe pakigalaw po ang baso huhuhu:(
yanape_25 #10
Haha.alive pa si otor.hehe