FLASHBACK 5.0

MY DELIVERY GHORL
Please Subscribe to read the full chapter

FLASHBACK 5.0




"Putangina, tawagan niyo si Seulgi. Sabihin niyo.. sunduin niya ako dito.." pagewang gewang na utos ni Irene, inaalalayan naman nila Jennie at Joy sa paglalakad pabalik sa pwesto nila.

"Nyeta madam ano ba..." reklamo ni Nayeon, habang nagliligpit ng mga kinainan.

"Ayos talaga tong si madam... Geh tawagan niyo." ngising sabi nong isa habang pinupulot yung mga nagkalat na takip ng bote.

"Joy tawagan mo si Seulgi.." utos ni Jennie.

"Wala akong number non, gaga." 

"Edi kunin mo kay bebelabs mo, isip- isip rin Bujoy." sipat naman ni Solar habang inaayos yung mga bote.

Kaya gustong- gusto sila ng may- ari ng bar, after kasi nilang magkalat, nakasanayan nilang magligpit ng mga kalat nila. Nakakahiya naman daw kasi. 

"Tawagan mo kamo, sabihin mo sunduin niya si Irene dito." dagdag pa ni Solar.

"Wow, jowa lang? Eh si Suho pala?" tanong ni Joy habang pinapaupo ang may amats na si Irene.

Hindi masyado sila naka inom since si Irene halos nag ubos.

"Shunga ka ba ghorl... wala akong tiwala sa hakdog." bulyaw ni Irene habang tinuturo si Joy.

"Sa kipay meron?"

"Puta manahimik ka. Tawagan mo na kasi.." binato niya ng takip, sakto namang tumama sa noo ni Joy.

"Tangina sandali, eto na nga oh.." sagot niya habang nagtatype, katext si Wendy.


MyDwarfie

J: Babe pengeng number ni Seulgi 👉👈

W: What for?

J: Pinapakuha ni Irene
  Tangina kasi

W: anything for my baby
     09123456789

Napatingin sila kay Joy nang bigla itong tumili hawak- hawak pa ang selpon. 

" naman Joy mamamatay na ako dito, naiisipan mo pang maglandi.." napatukod sa Irene sa arm rest ng couch.

"Inggit ka lang kasi ako, may bebe.. Anyway nakuha ko na number ni Seulgi.."

"Actually.. meron na akong number niya.." nagpeace sign saka nangisi siyang tiningnan ni Irene.

"Punyemas naman Irene? Pinahirapan mo pa ako??" reklamo niya saka di-nial yung number na binigay.

"Kinam talaga tong si madam, ang kalat. juicecolored." napakamot nalang ng ulo si Nayeon.

"Ayan.. nagriring na!" silip ni Solar sa phone ni Joy.

'The number you have dialed is now unattended, please try your call later.'

"Tangina naman, bat ayaw niyang sagutin?" binaba na niya yung tawag matapos ilang beses nilang subukang tawagan.

"Baka busy?"

"Bahala ka diyan madam. Dito ka nalang matulog. Pasensya ka na ha. godbless."

"Tangina blahs--" 

"Samahan niyo to sa cr. Tangina naman Irene.." utos ni Joy, saka nagtype uli sa phone.

"Pasalamat ka mahal ka namin.." sabi ni Solar bago inalalayan si Irene pabalik ng CR.

MyDwarfie

J: Babe, si Seulgi nasan?

W: Nasa resto. Why?

J: May number ka ba nong resto?

W: Yup. 
     (012) 345-6789
     09987654321

"Tae. Wala akong pangcall sa network na yan.."

"Ako meron, akin na." singit ni Nayeon, saka kinuha yung number kay Joy at nagsimula nang magdial sa sariling phone.

"Ayan, nagring.."

"Tangina paano kung hindi si Seulgi yan?!"

"Shhh... may sumagot." 

"Hello, Good evening. Bikbik's Eatery. Pasensya na po, wala na pong delivery ganito--"

"Uhmmm. Seulgi~" pacute na sambit ni Nayeon, kinagat pa yung daliri.

"Uhh.. Sino po ito?"

"Uhhhmm. Ano kasii--" naputol na yung sasabihin niya nang inagaw ni Joy ang selpon mula sa kaniyang pagkaka hawak.

"Tangina naman Nayeon.. Akin na nga.." reklamo niya bago itinuon ang atensyon sa kabilang linya, "Hello, si Seulgi ba to?"

"Uhhh. Yes, speaking bakit po?"

"Si Joy to. Kailangan mong pumunta sa Revelots resto bar, ngayon mismo. Alam mo naman yun diba?" deretso niyang sabi, walang alinlangan sa boses.

"Uhh.. Bakit?" 

"Basta. Now na, pag wala ka pa dito within 5 minutes may kalalagyan ka." pagbabanta ni Joy.

"Ha? Teka bakit? Nasa resto ako."

"Yes I know. Malalaman mo nalang pagdating. Pumunta ka na dito, now na. Times running Seulgi.. Bye." 

"Te--" bago pa maka tutol si Seulgi, pinutol na ni Joy yung tawag, "Pota?" ang tanging naisambit bago inilapag sa mesa yung selpon.

"La! Uwi na ako! Bukas na kami mag start ni Lisa!" paalam niya saka nagmadaling hinubad ang apron na suot- suot.

"Sige mag ingat kang bata ka. Yung helmet mo." paalala sakanya ng matanda sa may counter.

"Opo!"

"Tangina naman." napakamot nalang bago nagsuot ng helmet, saka pinaharurot yung scooter.



Meanwhile..

"Bilisan niya kamo! Naglulupasay na tong isa." bulalas ni Solar nang makabalik sila ni Irene, hinihimas yung likod. Saglit na nakatulog si Irene sa balikat niya.

"Grabe ka Joy, galing manakot. Expert expert ah.." amaze na amaze na comment nong isa.

"Pota natatawa ako sakanya.." tawang- tawang napauo si Joy sa couch, hawak- hawak pa rin ang selpon.

"Takot niya nalang kung hindi siya pupunta. Kawawang Seulgi.." comment ni Jennie, "You really are a Joy.." dagdag pa niya.

"Well? I'm not Park Sooyoung for nothing."

Maya- maya may kumatok na sa pinto. Nang binuksan, bumungad ang hingal na hingal na Seulgi, suot pa nito ang helmet at polo shirt na uniporme.

"Aww.. Seulgi.." nagaalalang sambit ni Jennie.

"Ang bilis ahh.."

"Anon--" naputol uli yung sasabihin niya nang hinila na siya palabas ni Joy. Sumunod naman yung iba. Si Solar, inalalayan si Irene na pagewang gewang. 

"Let's go downstairs na." 

"Hanep Joy, bigyan mo kaya muna ng tubig." comment ni Jennie.

Nang makarating sila sa labas ng building, kung saan nakapark sa tapat yung scooter na bulok ni Seulgi.

"So.. I'm asking you na ihatid si Irene sa condo niya.. she's wasted.. like hell.." paliwanag ni Joy sabay turo kay Irene, na medyo natatauhan na.

"Teka bakit ako?" tinuro ni Seulgi ang sarili. Naguguluhan sa pangyayari.

"Kasi you're fit for the job.." sagot ni Joy saka nagcross arms, "Sawang-sawa na kami diyan kay Irene, laging nagsusuka sa loob ng sasakayan.."

"Hoy isang beses lang naman yun ah!" biglang singit ni Irene, saka tinuro si Joy. Hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Gusto ko sana palitan yung kober, kaso wag nalang. Tawang tawa ako HAHAHA. SKL.

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
:<<
Kylie_123 #2
Chapter 41: Please continue 🙏🙏🙏
Kylie_123 #3
Chapter 32: Seulgi 28 reasons !!!!!!
Kylie_123 #4
Chapter 32: Hanipps yan akala ko nalaman na Hahahahahhahaha
AnneTokki 39 streak #5
Chapter 41: 😭😭😭😭😭
AnneTokki 39 streak #6
Tatapusin mo Po ba ito?🥹
Astraea21 #7
Chapter 41: 👍
future_mrs_liu #8
Chapter 41: Na miss ko to.
Kkangkkong #9
otor hehehehe pakigalaw po ang baso huhuhu:(
yanape_25 #10
Haha.alive pa si otor.hehe