ORDER #29

MY DELIVERY GHORL
Please Subscribe to read the full chapter

ORDER #29

 

 

"Okay gurl inhale, exhale.." aniya ni Jennie habang hawak- hawak sa magkabilang pisngi ni Irene.

"Tandaan mo lang yung mga sinabi namin sayo.." dagdag pa ni Solar sa tabi niya.

"Yes madam, tapos bigyan mo na din siya ng finishing blow after niyo mag- usap. Pambayad man lang sa panloloko sayo." singit naman ni Roseanne sa likod niya habang sinusuklayan siya.

"Hoy grabe ka naman ghorl.." saway ni Nayeon sakanya.

"Hay nako, basta mga J talaga. Manloloko." sagot pa uli ni Rosana kaya naka ani ng hampas mula sa mga kaibigan.

"HOY!!"

"Bibig mo maraming bangs!"

"Teka.. ano bang ginagawa niyo dito sa kwarto ko?!" pag rereklamo ni Irene na kanina pa nag-aayos ng sarili.

Mahigit ilang oras na ring nakalipas simula nang makatanggap siya ng mga messages mula sa mga taong pinag- uusapan nila kani- kanina lang. Speak of the devil nga naman. Kaya natigil na yung pag uusap nila.

Ngayon nalang muli nang makabalik siya mula sa banyo. Bumungad sakanya ang mga kaibigan na namimili ng maisusuot niya. Tho dine-cline niya yung iba, since she wants to wear a more comfy clothing, and less revealing dresses.

"Madam, you have to look a lil bit gorgeous." paliwanag ni Nayeon.

"For what?"

"Of course, duh! Niloko ka niya so, kailangan niyang madama kung paano ka niya sinayang!" dagdag pa uli ni Nayeon with hand gestures pa.

"Huh?"

"Ganun daw talaga pag nasasaktan, gumaganda!"

"Gaga tumigil ka nga!" saway sakanya ni Joy sabay batok. "Wala namang nasayang, kasi hindi naman sila talo ni junior.. "

"Kaya nga, pupunta siya don para makapag usap sila ni papi Suho, hindi para mangseduce." pag sang ayon ni Rosé.

"Aray ko naman.." reklamo niya habang hinihimas yung parteng natamaan.

"Hindi ko na kailangang masaktan para gumanda, maganda na ako. Since birth." pag rarason ni Irene, sabay flip ng buhok.

"Aww same.." dagdag ni Nayeon.

"Ay.. uwi na tayo girls." napangiwing sabi ni Solar.

"Aray naman, ako nga nasaktan na't lahat lahat.. panget pa din." madramang sabi ni Rosana, napatingin ang lahat sakanya.

"Pinagsasabi mo Roseanne?"

"Wow chae?? Is that you??"

"Sino nanakit sayo, sugurin natin.."

"Charot lang.." naka ngising tugon ni Rosé saka nag- peace sign.

"Naku Chae, andami mong sikreto.. ikaw ha.." taas kilay na sabi ni Jennie. Feeling suspiscious sa kaibigan.

"Okay whatever, maka- alis na nga." patayong sabi ni Irene, inayos na ang mga gamit.

"Phone.. wallet.. car- keys.." pag- reremind ni Joy sakanya.

"Basta yung mga reminders namin sayo ha." pahabol na sabi ni Jennie habang papalabas na ng unit si Irene.

"Huwag kang uuwing talunan okay!" dagdag pa ni Solar.

"Madam, isang bucket lang ng chickin please!" pahabol ding sabi ni Roseanne, na dinugtungan naman ni Nayeon, "Yung spicy tapos with drinks na rin~!"

Inirapan lang sila ni Irene sabay sara ng pinto matapos magsuot ng sapatos.

15 minute drive away lang yung condo unit na tinitirahan ni Suho kaya mabilis lang nakarating si Irene sa destinasyon. Saglit na nagpark sa may gilid ng building.

"Oh andito ka na pala.." bungad na bati sakanya ni Suho matapos na magdoorbell ng dalawang beses.

Simpleng damit pambahay lang ang suot nito.

"Pasensya ka na medyo makalat sa sala ngayon. I just came home from my parent's house, kaya ngayon pa lang ako makakapag- linis." dagdag pa niya saka nagbigay daan kay Irene para makapasok ito.

"Ano bang pag- uusapan natin?" agad na tanong ni Irene matapos magtanggal ng sapatos. Dumeretso sa living room saka naupo sa isa sa mga sofa, sinundan naman siya ni Suho na umupo sa may arm rest ng kaharap na sofa.

"May lakad ka ba?"

"Yeah, mom texted me a while ago na I should drop by sa house which I think may importante silang sasabihin."

"Kumain ka na?" tumango lang si Irene.

"Coffee? Tea? Juice?"

"I'm fine.."

"Alright alright.. I'll be quick.. " huminga ng malalim ang binata bago itinuloy ang sasabihin, "First of all, I wanted to say sorry.." mahina niyang sabi, deretso ang tingin kay Irene.

"For what?"

"For everything, I guess.."

"I don't get you.."

"Let's be real here, Irene.. you don't like me that way, right?"

"Who said na I like you in the first place?"

"Right.." natawang sabi Suho,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Gusto ko sana palitan yung kober, kaso wag nalang. Tawang tawa ako HAHAHA. SKL.

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
:<<
Kylie_123 #2
Chapter 41: Please continue 🙏🙏🙏
Kylie_123 #3
Chapter 32: Seulgi 28 reasons !!!!!!
Kylie_123 #4
Chapter 32: Hanipps yan akala ko nalaman na Hahahahahhahaha
AnneTokki #5
Chapter 41: 😭😭😭😭😭
AnneTokki #6
Tatapusin mo Po ba ito?🥹
Astraea21 #7
Chapter 41: 👍
future_mrs_liu #8
Chapter 41: Na miss ko to.
Kkangkkong #9
otor hehehehe pakigalaw po ang baso huhuhu:(
yanape_25 #10
Haha.alive pa si otor.hehe