ORDER #18

MY DELIVERY GHORL
Please Subscribe to read the full chapter

ORDER #18

 


"She lost her family in an accident, ano pa yung mas masakit don? Most probably nakalimutan niya na yung girl. But let's not dwell in the past anymore. Seulgi' fine and breathing naman so it doesn't really matter. What's important, she's doing well these days, amaright?"

Natahimik sila ng ilang sandali.

"Tae, Byul ganun- ganun nalang?"

"Pota apaka bitin naman magkwento nito."

"Hay, parang gusto ko nalang tuloy siyang yakapin.."

"Ang hirap naman non."

"Hindi mo akalaing napagdaan niya yun. Aww Seulgi.."

"As in, wala na siyang ibang nakwento? Like, anong hitsura nong girl, from what grade??"

"Naknang, mas interested pa kayo don sa girl pero sorry guys, wala talaga siyang nabanggit. Kung gusto niyo, siya yung tanungin niyo but I doubt she'll remember.. limot niya na siguro yun, so tayo rin. Tangina, wag niyong sasabihin may sinabi ako ha.."

"The question is, who's the stupid girl?" singit ni Joy, napalingon kay Irene. "May hindi ka ba sinasabi?" bulong niya pa sakanya.

"Girl, hindi naman siguro ikaw yun?" mahinang tanong ni Jennie.

"Huh?" napailing nalang siya. Pilit na pinoprocess yung mga information, "I-I hope not.." bulong niya pabalik.

Nagtinginan naman yung nasa paligid nila. Agad silang natahimik nang lumabas na ng kwarto yung pinag uusapan nila, kaya hindi na naituloy kung ano pa ang paguusapan. Nagiinat na naglakad papalapit sakanila si Seulgi, habang si Yeri naka sunod sakanya.

"What's up guys?" bungad ni Yeri saka nagtungo sa kusina para ilagay sa sink ang mga basong nagamit.

"Wow feel at home lang mga pards?" natatawang sabi ni Byul sa kanila.

Bago pa makasalita si Yeri, nagsalita ang boss.

"Yeri you wash the dishes." utos niya mula sa sala, saktong rinig naman ni Yeri.

"Luh?" turo niya sa sarili bahagyang lumapit.

"Aba? Tutal nag enjoy naman kayo sa playstation."

"Bakit ako?"

"May reklamo ka?" tinaasan siya ng kilay ni Joy.

"Wala po maam." zinipper na yung bibig saka bumalik sa kusina, "Hoy Seulgi samahan mo ako dito, pota ka damay- damay na to." sigaw pa niya.

Bago pa makareklamo ang oso, tumayo na si Wendy at tinulak na siya papuntang kusina.

"Torta naman, hindi nga ako pinaghuhugas sa resto.." napakamot na reklamo niya. Tuloy lang ang pagtulak sakanya ni Wendy.

"Ayusin mo ang paghuhugas ha, yan nalang ambag mo." tapik ni Wendy sa balikat niya bago bumalik sa sala.

Balik naman sa kwentuhan sina Byul, samantala yung dalawa sa kusina halos magpatayan na.

"Takte Yeri, kotang kota ka na saken. Kukutusan na kita inamo.." bulyaw niya sa katabi, habang nagsasabon ng mga pinggan. Kanina pa kasi siya nawiwisikan ng sabon, kung hindi sa mukha, sa damit.

"Oh problema mo? Sabi ko nga sorry, diba?" tinaasan lang ng kilay habang nagsasabon ng pinggan.

"Nananadya ka eh ha.. Gusto mo diligan kitang dimunyu ka.." banta ni Seulgi habang bahagyang itinapat kay Yeri yung hose.

"Subukan mo, papalaklak ko tong dishwashing liquid sayo!" tapang tapangan niyang inangat ang hawak ng bote ng dishwashing liquid.

"Pag may nabasag diyan sa pinggan. Makikita niyo hinahanap niyo.." biglang sulpot ni Irene sa tabi, nakapamewang at todo taas ang mga kilay.

Parang yung mudra mo lang kung magalit, "Kahit mahinang kalabog, humanda kayo.." banta niya, pinandilatan pa sila ng mata bago tuluyang umalis.

"Tangina ka, madadamay pa ako sayo.." mahinang himutok ni Seulgi.

"Oh bakit ako?" busangot na sagot ni Yeri saka inabot ang ilang pinggan matapos masabunan, "Banlawan mo na to nang matapos na tay-- shemay!" dumulas yung isang platito, bahagyang kumalansing sa sink. Mabuti nalang at mababaw lang binagsakan kaya no damage.

"Potaena.. umayos ka.." kabadong napatingin sa may sala.

Pareho silang tumigil sa ginagawa, pinakiramdaman kung may papalapit na dragona. Napalunok sila nang saglit na natigil sa malakas na halakhak si Irene. Nakahinga ng maluwag nang bumalik sa tawanan ang mga nasa sala, at lalong walang Irene na sumulpot sa kusina makalipas ang ilang minutong pagdarasal.

"Potaena naman... bakit ba kasi tayo pinaghugas.. di nga ako nakakain ng maayos.." reklamo ni Seulgi.

"Hindi daw.. pero naka apat na plato, sus."

"Tumahimik ka Yeri, tatamaan ka saken.."

"Kiss muna.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Gusto ko sana palitan yung kober, kaso wag nalang. Tawang tawa ako HAHAHA. SKL.

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
:<<
Kylie_123 #2
Chapter 41: Please continue 🙏🙏🙏
Kylie_123 #3
Chapter 32: Seulgi 28 reasons !!!!!!
Kylie_123 #4
Chapter 32: Hanipps yan akala ko nalaman na Hahahahahhahaha
AnneTokki #5
Chapter 41: 😭😭😭😭😭
AnneTokki #6
Tatapusin mo Po ba ito?🥹
Astraea21 #7
Chapter 41: 👍
future_mrs_liu #8
Chapter 41: Na miss ko to.
Kkangkkong #9
otor hehehehe pakigalaw po ang baso huhuhu:(
yanape_25 #10
Haha.alive pa si otor.hehe