FLASHBACK 1.0

MY DELIVERY GHORL
Please Subscribe to read the full chapter

FLASHBACK 1.0




Mga 10:30am nasa campus na sila Wendy at Seulgi, as may 'freshmen tour' na magaganap, kung saan ililibot sa buong campus ang mga bagong estudyante, in which required ang lahat ng freshmen. Same day rin, kung saan manghihikayat ang mga committees and orgs na sumali sa kanila, kaya maraming tao sa campus ngayon bukod sa may Students' Orientation sa hapon. Busy ang karamihan para manghikayat ng mga studyante na sumapi sa kanila, ibat- ibang strategy para maengganyo ang mga baguhan. Kung ano- anong panghihikyat, mapa- fliers, posters, at kung ano- anong mga painsentives.

Patuloy lang sa pag- lalakad ang magpinsan, kasama ang kumpol ng mga studyante/ freshmen. Good thing at hindi matirik yung araw, sakto lang yung klima, at medyo maulap yung langit. Kasalukuyang nasa school grounds sila, kung saan nagkalat ang iba't ibang booth ng iba't ibang mga committee at orgs. Marami- rami na rin silang nadaanan na mga booth, kung saan todo bigay sila ng mga fliers at todo hikayat na sumali sila, may nadaanan pa silang pinag- aagawan sila ng magkabilang booth na muntik pang mauwi sa away. Since wala pa sila masyadong nakikitang mga kakilala nila bukod sa mga school mates na hindi naman nila ganoong kaclose, nagmumukha silang ligaw na sisiw.

Unknown number
Hi baby Seul. See you sa campus. mwah <3

"Siya pa rin ba yung nagtetext sayo?" silip ni Wendy sa selpon ni Seulgi, nang inopen niya yung text.

"Uu, kinam. Sino kaya talaga to?" napakamot siya sa ulo, kakaisip sino yung nagtext.

"Replyan mo kaya kahit isang beses lang?"

"Gags ayoko. Mamaya lalong hindi ako tantanan."

"Kaya wala kang jowa eh.." comment ni Wendy, na inismiran lang siya ni Seulgi.


Last week kasi, a day after nilang magpa- enroll may unknown number na biglang nagtext kay Seulgi.

Unknown number
Hi Seulgi baby. I saw u sa campus kahapon. Dun ka na din ba, mag- aaral?

Aww. I'm excited, we'll be seeing each other na uli.

Maybe, this is what they call destiny?

My bear, you've become more attractive <333.

Can't wait to see you sa pasukan.

Don't you remember me? Aww..

Do you have a girlfriend? Are you still single?


Akala pa ni Seulgi nung una, wrong sent lang yung naunang text, pero halos inaraw- araw na yung pagtetext sakanya. Wala namang balak na replyan ni Seulgi kasi nga baka natitrip lang. Wala naman masyadong kakilala si Seulgi, kahit sa previous school nila. Isang malaking misteryo kung sino yung nagtetext sakanya, kahit dis-oras na ng gabi, walang palya ito sa pagtetext ng 'goodnight' messages. Yung pinaka tumatak sakanya ay yung tanong niya kung may girlfriend na ba siya. Hindi niya naman basta- basta sinasabi yung ual orientation niya, maski kay Wendy dati nahirapan pa siyang umamin, yun naman pala same lang silang baliko. Ibigsabihin, yung nagtetext sakanya, kilala niya o malapit lang sakanya. Lakas ng loob na tanungin siya, amp feeling close.

Kaya napagbintangan niya pa si Wendy na nantitrip sakanya, na baka siya lang yung nagtetext kasi wala siyang magawa sa buhay, mga ganun. Pero nung kinompronta niya ang kaniyang pinsan, agad naman itong nagpakita ng ebidensya at pinakita pa yung phone niya, maski yung messaging app para ipakita sakanya na wala talaga siyang kinalaman. Sinubukan pa nilang tawagan gamit ang number ni Wendy kaso hindi ito sumasagot. Mga ilang araw ring natigil yung pagtetetxt kay Seulgi k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Gusto ko sana palitan yung kober, kaso wag nalang. Tawang tawa ako HAHAHA. SKL.

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
:<<
Kylie_123 #2
Chapter 41: Please continue 🙏🙏🙏
Kylie_123 #3
Chapter 32: Seulgi 28 reasons !!!!!!
Kylie_123 #4
Chapter 32: Hanipps yan akala ko nalaman na Hahahahahhahaha
AnneTokki #5
Chapter 41: 😭😭😭😭😭
AnneTokki #6
Tatapusin mo Po ba ito?🥹
Astraea21 #7
Chapter 41: 👍
future_mrs_liu #8
Chapter 41: Na miss ko to.
Kkangkkong #9
otor hehehehe pakigalaw po ang baso huhuhu:(
yanape_25 #10
Haha.alive pa si otor.hehe