ORDER #28

MY DELIVERY GHORL
Please Subscribe to read the full chapter

ORDER #28

 

 

"Hoy Irene buksan mo to!!"  sunod- sunod na dabog sa pinto mula sa labas.

Mga ilang minuto na ring nag- aantay ang isang babae na nagngangalang Ligaya. (Tho alam niya yung passcode sa unit ng kaibigan.) Maraming beses niya na ring sinubukan pindutin ang doorbell, subalit walang sumagot kaya no choice siya kundi kumatok sa pinto with extra force. Ang aga- aga akala mo kung may susugurin.

Ilang sandal ay narinig niya ang pagbubukas ng pinto, at bumungad sakanya ang isang Irene na mukhang bagong gising. Gulong- gulo pa ang buhok, at namamaga ang magkabilang mata.

"..Ginagawa mo dito?" namamaos na tanong niya nang makita sino ang maingay na bisita.

"Kahapon ka pa hindi matawagan.." deretsong sagot ni Joy, habang nakapamewang pa ito sabay tingin ng matalim kay Irene, "Tinanong ko si Yeri, hindi ka niya rin daw macontact."

"..S-sorry.. lowbat yung phone ko.. nakalimutan ko icharge.." palusot ng kausap saka nag iwas ng tingin. Napataas ng kilay si Joy sa sagot niya.

"Mga palusot mo Irene, kwento mo sa fish."

Hindi sumagot ang kaharap,Kahit pa medyo gigil siya kay Irene dahil sa mga ginagawa nito sa buhay, nag- aalala pa din siya para sa kaibigan. Minsan kahit anong pigil mo sa isang tao, kung marupokpok talaga ito, doon nalang siya kamo mag- explain sa barangay.

"Gaga ano bang nangyari sayo ha? Bakit ganyan yang itsura mo? Para kang napagiwanan ng mahal sa buhay.. Ang chaka.. wag ganyan.." pagbibiro niya.

"...W-wala.."

"Anong wala..?"

"Joy, not now.. masakit pa yung ulo ko." tuluyan na pag- iwas ni Irene. Alam niya na kung ano ang pinunta ni Joy. Still hindi niya alam kung ano ang sasabihin sakanya.

"Kakalbuhin kita o magsasalita ka?" pagbabanta ng kaibigan, "Gurl, we've been friends for who knows how long, kaya walang use yang mga ganyan mo. Alam ko kapag may tinatago ka.." dagdag pa niya saka sumandal sa may gilid.

"Putangina naman neto.. nag- eemote yung tao.." pagmamaktol ni Irene, maya- maya natawa na ito sa inaasal niya. Pag si Joy talaga, wala kang kawala.

"Oh ano? Magsasalita ka, o tatawagan ko si Seulgi?" pagbabanta uli ni Joy, walang alinlangang nilagpasan si Irene at nagtuloy sa loob ng unit. Matapos magtanggal ng sapatos, dumeretso siya sa sala, sabay upo sa sofa.

"..H-hoy! Wala namang ganyanan..." pagdepensa naman ni Irene sa sinabi ng kaibigan. Agad na nilock ang pinto at nagtungo na rin kung saan naka upo si Joy. "..And walang kasalanan si Seulgi.."

"Hmm? Wala naman akong sinabi..?" sabi niya in her usual tone kapag suspicious siya sa isang bagay.

Natahimik uli si Irene, napakamot nalang ng ulo si Joy.

Sa tagal na nilang magkaibigan, alam na alam ni Joy kung paano kumilos ang kaibigan, kung may tinatago ito o wala. Hindi dahil sa mapilit siya, minsan kailangan lang ni Irene ng kaunting push.. madalas kailangan pang itulak sa bangin- siya naman nag oopen kay Joy and vise versa.

"Joy.." pukaw niya sa katabi na kanina pa nagaantay sakanya na magkwento.

"Si Suho kasi..."

Bahagyang lumapit si Joy para marinig ng malinaw ang sinasabi ni Irene. Pwet niya lang kasi ang nakaka rinig.

"Lalake..." saglit na napahinto, nirerephrase sa utak ang gustong sabihin, "..lalake din ang gusto.."

Pagkatapos niya sabihin yun, saglit na may katahimikan. Inaabangan ang magiging reaksyon ng kasama.

*tooot*
*tooot*

99% loading

"ANO?!" napatayong reaksyon ni Joy. Literal na nakaka laglag ng panga.

"Teka... wait.. pano mo nasabi?!"

"Gaga naman neto kung maka react, akala mo kung di baliko.."

"Tanga si Suho pinaguusapan natin dito, si Suho! Si junior na hindi ko alam bakit kinababaliwan ng madlang pipol sa campus?! Baliw ka ba? Boypren mo yun, boypren!"

"Aissh.. ganito kasi yo--" magsisimula na sanang magkwento si Irene nang pinutol naman siya ni Joy.

"Sandale.. Wag ka muna magsalita.." sinenyas niya yung palad niya sa may mukha ni Irene saka inilabas ang phone mula sa sling bag na dala.

"Ay punyeta?"

"Tatawagan ko mga bruha..." explain niya saka nagdial ng number, at agad na tinawagan ito. Dalawang ring pa lang at may sumagot na.

"Girl, may agenda tayo. You know the drill." hindi na hinayaan na makapagsalita pa ang kausap mula sa kabilang linya, agad niya nang pinutol ang tawag.

Pagkababa na pagkababa ng selpon, "So.. bakit ka umiyak? Yung totoo Irene.."

Seryosong tingin sakanya ni Joy, "Alam kong hindi si Suho ang dahilan kung bakit ganyan itsurahan mo, ang chaka. Wala akong kaibigan na pangit, alam mo yun?"

Napayuko nalang si Irene, "Pangit ba ako? Kapalit- palit ba ako?"

"Hoy! Ano bang nakain mo?! Wait.. wait.. Ano ba kasing nangyari sayo ha?!" hampas sakanya ni Joy sa braso.

Madalas kasi pag ganyan yung mga biro ni Joy, hindi nagpapatalo ang isang Irane Bae. Hindi pwedeng may mas maganda pa sakanya. Sa tru lang..

"..Umm.. si.. -S-seul---"

Biglang lagabag ng pinto, sabay pagalit na pagpasok ng kung sino mang nagfefeeling magnanakaw. mga.

Wala pa isang segundo ay nakapasok na ng unit ni Irene ang mga unwelcomed guests.

"Sabihin niyo sino?! Ano?! Saan?! Kelan?! Bakit?!" isang pamilyar na boses ang sumalubong sakanila.

Si Jennie na galit na galit nang lumapit sa kanila, umuusok ang pwet. Sinundan naman ng iba't- ibang pamilyar na boses.

"Punyeta talaga ni Jennie, di pa nga ako nakakaligo!"

Padabog na reklamo ni mareng Nayeon matapos maghubad ng tsinelas na hindi pa magkapareha.

"Sus parang may aamoy din sayo. Wag ka mag- alala, sanay na kami sa baho mo." pagtataray naman Jennie, napangiwi nalang si Nayeon at tumabi na rin sakanya. "Pakyu ka dzai."

"Takte talaga bigla- bigla tatawag, kakagising ko lang. Buti nalang nakapag toothbrush pa ako."

Reklamo ni Solar na halatang bagong gising lang din, baliktad pa yung t-shirt na suot.

"Si Joy sisihin mo gurl, taga sundo lang ako hello.."

"May date pa kami ni Byul mamaya, puta naman.." napakamot na tugon ni Solar saka umupo sa kaharap na sofa.

"Wag niyo akong kausapin, di pa ako nakapag- almusal.. putakte." seryosong sabi ni Rosé nang makaupo sa tabi ni Solar.
Magkasalubong ang dalawang kilay. Pasubo na sana siya ng breakfast niya kanina nang biglang sumulpot si Jennie at dali- daling hinila na papasok ng sasakyan. Di man lang naka isang subo, kahit butil.

"C-cr lang ako.." pag excuse ni Irene saka tumayo at pumunta na ng cr bago. Nagkatinginan lang yung mga naiwan.

"Kalma lang kasi mga bruha.." sita ni Joy sa kanila.

"Excuse me? Nahiya ako sayo." irap ni Jennie sakanya saka nagcross arms.

"Sinasabi ko sa inyo, pag 'di to importante, kakainin ko kayo ng buhay.." banta ni Rosé.

"Tanga kasi tong si Jennie.. hindi ko naman sinabing ngayon na mismo as in ngayon.. gaga ka ba?" napalingon si Jennie sa katabing si Joy.

"Aba malay ko ba?! Ganon naman diba?!"

"Aba malay ko din.."

"Aba malay ko din (2).."

"Aba malay ko din (3).. kaladkarin lang naman ako.."

"LUH?! so ganyanan?! Akala niyo kung di nagenjoy sa free ride ah.. kapal.." sagot ni Jennie sa kanila, may kasunod pang pagtapon ng unan mula sa sofang inuupuan.

Napalingon sila sa kakalabas lang ng banyo na si Irene, "Pag chismis talaga, ambilis niyo,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Gusto ko sana palitan yung kober, kaso wag nalang. Tawang tawa ako HAHAHA. SKL.

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
:<<
Kylie_123 #2
Chapter 41: Please continue 🙏🙏🙏
Kylie_123 #3
Chapter 32: Seulgi 28 reasons !!!!!!
Kylie_123 #4
Chapter 32: Hanipps yan akala ko nalaman na Hahahahahhahaha
AnneTokki #5
Chapter 41: 😭😭😭😭😭
AnneTokki #6
Tatapusin mo Po ba ito?🥹
Astraea21 #7
Chapter 41: 👍
future_mrs_liu #8
Chapter 41: Na miss ko to.
Kkangkkong #9
otor hehehehe pakigalaw po ang baso huhuhu:(
yanape_25 #10
Haha.alive pa si otor.hehe