ORDER #4

MY DELIVERY GHORL
Please Subscribe to read the full chapter

ORDER #4

 

 

"Oo nga pala, asan si Lisa?" tanong ni Wendy sa katabi nang mapansing wala si Lisa sa tabi nila.

"Sabi niya CR lang daw siya.. Eh mag iisang oras nang nong umalis siya..." sagot ni Seulgi matapos silipin yung katabi niyang bakanteng upuan kung saan nakapatong yung bag ni Lisa "Baka tumae?" bungisngis niya.

"Puntahan mo nga baka ano na nangyari don.." utos ni Wendy "Saka bumili ka na din ng makakain.. bilis."

"Hala bat ako?!"

"Amputspa naman neto, paniki ka ba? Kanina ka pang 'bat ako', 'bat ako.'.. Oh eto sayo.."  at pinukol uli siya ni wendy for the 100th time.

"Tangina kanina mo pa inaano ahh... Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sayo?!" padabog na reklamo ni Seulgi.

"Gunggong 11 days ka lang matanda sa'ken, akala mo kung sino ka na?" tinaasan niya ng kilay, "Osya, total pabibo ka, bilhan mo si bunso ng makakain.. Dali na, gusto mo magpaka- ate diba? Alis na bilis.."  tulak sa kanya ni Wendy, medyo naka agaw ng pansin kaya walang nagawa ito at napakamot nalang ng ulo.

"Inamo mamaya ka lang sa bahay.." banta niya saka tuluyan nang pumunta sa restroom para hanapin ang kanina pang nawawalang si Lisa.

"Lisa?" mahinang tswag niya nang marating niya yung restroom, nakahilera yung mga cubicle.

"Lisa mah friend??" tawag niya uli, wala kasing may sumasagot. Saktong walang katao- tao yung lugar. Inisa- isa niya yung mga cubicle, ngunit bakante ang lahat ng mga ito.

"Asan kaya yun??" nilibot niya na yung buong CR kaso walang Lisa na natagpuan. Saglit siyang napahangga sa ganda ng pasilidad, sa malinis at kumukintab nitong mga tiles.

'Pwede nang higaan.'

Lalabas na siya nang napadaan siya sa malaking salamin sa may sink.

 "Oooh.. ang cool ko pala.." puri niya sa sarili saka nilabas ang phone, at nagpose. 'Mirror selfie.'

Saktong matapos ang ilang take, may pumasok na babae at nagtungo sa sink para maghugas ng kamay. Agad namang ibinulsa ni Seulgi ang selpon, at nagkunwaring maghuhugas din ng kamay. Hinanap niya yung pihitan ng gripo, kaso wala siyang nakapa. Nung nadaan yung kamay niya sa baba ng gripo, saka pa lumabas yung tubig.

'Ay pota automatic pala.. Wala sa bukid.'

Naring niyang mahinang pagtawa ng babae. Nung nilingon niya ito, nakatingin na sakanya yung babae.

Seulgi?" tawag nito sakanya. "You're Seulgi right??"

"Uhh.." tumango siya kahit hindi alam kung sino yung babae.

"Gosh.. Dito ka na rin pala? Kamusta ka na?" tuwang- tuwa siyang hinarap nong babae, matapos magpunas ng kamay. Hindi niya maalala kung sino man itong feeling close na kumakausap sakanya.

"Uhhh.. Opo? Okay lang naman.."  alangan niyang sagot, nagtataka.

'Bakit andaming pasulpot- sulpot na mga tao ngayon..'

Magsasalita pa sana yung babae nang nagring ang phone nito, na agad niya namang sinagot.

".. Oo, papunta na.. Dumaan lang akong CR.. yeah.. whatever.." sagot niya sa kabilang linya, saka binalik sa bulsa matapos i-end yung call. "Nice meeting you here, Seulgi. Sige una na ako..." and with that umalis na yung babae nang hindi niya man lang naitanong ang pangalan, at kung saan sila naging magkakilala.

"Sino kaya yun?" napakamot niyang tanong sa sarili. Tumunog yung phone niya, nagtext si Wendy.

WANNIE DA POOP:

                         Sol asan ka na?
                         tumae ka na din ba dyan? malapit na yata matapos tong orientation.

                        Nagsasalita na si kalbo.

Hindi niya pinansin yung text, at tuluyan nang lumabas ng auditorium. Hinanap niya yung daan papuntang café. Since, lima yung cafereria sa campus, dahil sa lawak nito, nagtungo siya sa kung saan yung pinaka malapit.

Madalang lang yung tao, since halos lahat ng students nasa loob ng audi. Tuloy lang siya sa paglalakad nang may sumitsit sakanya. Nung nilingon niya ito, nakita niya si Joy na nakatayo sa may gilid.

Nanlaki yung mata niya.

"Panagutan mo yung kaibigan ko.." deretsong sabi nito sakanya, bago umalis.

"Tangina?? Problema nu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Gusto ko sana palitan yung kober, kaso wag nalang. Tawang tawa ako HAHAHA. SKL.

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
:<<
Kylie_123 #2
Chapter 41: Please continue 🙏🙏🙏
Kylie_123 #3
Chapter 32: Seulgi 28 reasons !!!!!!
Kylie_123 #4
Chapter 32: Hanipps yan akala ko nalaman na Hahahahahhahaha
AnneTokki #5
Chapter 41: 😭😭😭😭😭
AnneTokki #6
Tatapusin mo Po ba ito?🥹
Astraea21 #7
Chapter 41: 👍
future_mrs_liu #8
Chapter 41: Na miss ko to.
Kkangkkong #9
otor hehehehe pakigalaw po ang baso huhuhu:(
yanape_25 #10
Haha.alive pa si otor.hehe