ORDER #5

MY DELIVERY GHORL
Please Subscribe to read the full chapter
ORDER #5         Nasa may entrance na sila ng auditorium, nang may bumangga kay Seulgi na babae, nagmamadali ito kaya hindi agad sila napansin.   "Ay sorry... Dito.. ba yung students'...orientation?" hinihingal nitong tanong, galing pa yata sa malayo ang tinakbo nito.   "Ah.. Oo." sagot sakanya ni Seulgi, pinagmasdan niya yung babae. Parang maliit na batang naliligaw.   "Ahh, pero patapos na daw e." dagdag pa niya.   "Seryoso?! Anak ng... akala ko 3pm magsisimula, nagmadali pa ako, tangina.." himutok nong babae habang nagkakamot ng ulo. Magulo pa ang buhok nito at halatang minadali yung pagasikaso sa sarili.   Tinawanan siya ni Jeong, na siniko naman ni Seulgi.   "Text kasi nong kakilala ko kagabi, 3pm.. pakeng tape.."  kwento niya at sinapok ang noo.   "Gago yung kakilala mo. Idol! Hahah--- aray! kutyaw ni Jeong kaya siniko uli siya ni Seulgi, habang si Lisa patawa- tawa lang sa likod nila.   "Puta manahimik ka nga.."   "Freshie ka din ba?" biglang tanong ni Lisa, napahinto sa pagbabangayan yung dalawa.   "Ahh oo.." nahihiyang sagot nong babae.   "Course?" si Seulgi naman yung nagtanong, hindi makapaniwala na college na rin yung babae, mukha daw kasing grade schooler.   "BSA...."   "BSA?? Accountancy o Archi?? Dalawa kasi BSA dito.."  tanong uli ni Lisa.   "Di ko alam yun.." bulong ni Seulgi kay Jeong, tumango naman si Jeong saka bumulong pabalik, "Ako din."   "Ahhh.. Archi.."   "Talaga?? Sama ka na sa amin.." sabay na alok ni Jeong at Seulgi sa babae, kitang kita ang kislap sa kanilang mga mata.   "..Kaso isa nalang yung bakanteng upuan don sa amin, sorry Jeong but you have to go." pang- aasar pa ni Seulgi.   "Mehn walang ganyanan.. Friends tayo diba?" paawa effect ni Jeong sabay akbay.   'Mukhang magiging close ko ang mga 'to... pero wag muna ngayon.'  isip pa ni Lisa habang nakikitawa  sa dalawa.   "Uhh.. Yeri nga pala." pakilala nong babae saka inilahad yung palad niya.   *Pause frame* *insert cocomelon bgm* Kim Yerim alyas Yeri, ang magiging boss baby ng grupo pero joke lang. Kasi magiging ulila siya ng mga ito. May kaunting sapak, hindi lang pala kaunti, kundi meron talagang sapak kaya agad silang magkakasundo. Memer ng taon, magaling kumuha ng mga stolen shots, yung tipong isasaktong hagardo ka, o kaya mukha kang pwet ng manok, saka ipopost sa social media. Magiging game buddy ni Seulgi, kasi marami itong alam na cheat sa laro at updated lagi sa mga bagong release na video games. Kayang- kaya niyang magmemorize ng daan- daang cheat codes pero hindi kayang magmemorize ng kahit isang formula. Napilitan lang mag archi kasi no choice siya, IT talaga yung 1st choice niya kasi pangarap niyang maging hacker balang araw. Sana kayanin niya, godbless.  
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Gusto ko sana palitan yung kober, kaso wag nalang. Tawang tawa ako HAHAHA. SKL.

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
:<<
Kylie_123 #2
Chapter 41: Please continue 🙏🙏🙏
Kylie_123 #3
Chapter 32: Seulgi 28 reasons !!!!!!
Kylie_123 #4
Chapter 32: Hanipps yan akala ko nalaman na Hahahahahhahaha
AnneTokki #5
Chapter 41: 😭😭😭😭😭
AnneTokki #6
Tatapusin mo Po ba ito?🥹
Astraea21 #7
Chapter 41: 👍
future_mrs_liu #8
Chapter 41: Na miss ko to.
Kkangkkong #9
otor hehehehe pakigalaw po ang baso huhuhu:(
yanape_25 #10
Haha.alive pa si otor.hehe