ORDER #2

MY DELIVERY GHORL
Please Subscribe to read the full chapter

ORDER #2

 

 

Nang makarating siya sa bahay kinahapunan, matapos yung shift niya deretso lang siya sa kwarto niya at agad na nag bihis sa mas komportableng damit pambahay.

Saglit na inopen yung spotify sa selpon at nagplay ng kanta, naka connect sa blutooth speakers na nakakabit sa dingding. Naging routine na niya yung pagpapatugtog tuwing hapon, maliban sa classic record player niya na mas madalas niyang gamitin, spotify naman yung gamit niya kapag trip niyang magpamusic ng mga trend na kanta, yung "in" sa panahon ngayon.

Saktong pagplay ng kanta, maya- maya ay nakarinig siya ng katok mula sa pinto at nakita niya ang deredertsong pagpasok ng isang dalaga, na para bang siya ang may- ari ng kwarto.

"Seul.." tawag nito sakanya at umupo sa kama.

"Wan.."

*freeze frame* *insert pacool bgm* Son Seungwan alyas Wendy, bestfriend slash pinsan ni Solge. Simula nong namatay yung magulang ni Solge, yung pamilya na ni Wendy ang kumupkop sakanya, given na magkapatid yung mama nila. Since kinukop na siya, sa iisang hayskul sila pina-aral, at naging matalik na magkaibigan simula non, idagdag pa na magpinsan sila, at sa iisang bubong lang naninirahan.

"Oh anong kailangan mo? tinaasan siya ng kilay ni Seulgi, saka tumabi sakanya sa kama.

"Wow, wala man lang hi-hello?"

"Ikaw nga tong papasok nalang bigla, sapakin kita e."

"Excuse me, kumatok kaya ako... Tsaka.." saglit siyang tumigil at pinakinggan yung nakaplay na kanta.

At huwag nang mangamba
Kahit sabihin na kalimutan ka
'Di ko 'to makakaya
Basta ba'y makasama lang kita
Kahit kapiling mo pa siya

It really hurts! Ang magmahal nang ganito
Kung sino pang pinili ko, hindi makuha nang buo
Hanggang ganon na lang nga, kailangan ko 'tong tanggapin
Na sa puso mo meron na ngang ibang umaangkin

(Kabet- Gagong Rapper)


"Pota anong kanta yan Solge? Ang baduy.. Wala ka na bang iba dyan? " badtrip niyang sabi, at nag cross arms pa.

"Naka shuffle yan.. Tangina, baduy agad? Nahiya naman ako sayo Wan. Maka baduy ka, eh ano yung pinapakinggan mong keypap? Keypapangit. Di naman naiintindihan ang lyrics." pinause niya yung kanta ".. chingchong chingchong lang, tangina. Ano naintindihan mo dun? Atleast tong akin, tagalog. Love your own.." explain niya habang tinuturo yung screen ng phone niya, naka display yung album art.

"Puta ka! Anong chingchong pinagsasabi mo?! Gusto mo ng away? Ha? Suntukan nalang man.. Gusto mo mamatay?!" bulyaw niya saka sinapak si Seulgi.

"Aray! Kingina mo! Ikaw tong nauna!" reklamo nya saka bumawi ng hampas sa braso ni Wendy. "Tsaka totoo naman ahh! Lakas pa maka lip sync, tapos akala mo ang gaganda ng boses, eh edit---!" hindi na niya natapos ang sasabihin nang hinampas siya ng unan ni Wendy.

"Putangina mo Kang! Pasalamat ka pinsan kita! Magkakamatayan talaga tayo, hayop ka! Hindi mo pa naririnig ang Red Velvet!" sigaw niya, patuloy lang sa paghampas.

"Aray! Huy aray! Anong red velvet? Cake ba yun?!" in between na sabi ni Seul habang sinasangga yung bawat hampas. 'Kaliit na tao, ang lakas. Ang lakas magsimula ng away, siya naman pala unang maasar.' Asar talo ate mu Wendy.

"Putanginamo talaga.. Nangigigil ako sayo.. " umayos siya sa pagkaka upo. "Hindi mo alam yun? Aww. You're missing out, Seul. Tsk... Red velvet, isang sikat na girl group..."

"Oh tapos? Anong pake ko?" tinaasan lang siya ng kilay.

"Ay juicolored patawarin ka.. Eto ha, pakinggan mo mga kanta nila, kaisa lang.. pleassse." biglang bait ni Wendy sakanya at nag puppy eyes, "..Pramis di ka magsisisi, tsaka para mawala yang stereotyping mo pagdating sa kpop. Di naman lahat umaasa sa effects... Dali naa.."

"Ano naman mapapala ko diyan? Tatalino ba ako? Gaganda ba ako?"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Gusto ko sana palitan yung kober, kaso wag nalang. Tawang tawa ako HAHAHA. SKL.

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
:<<
Kylie_123 #2
Chapter 41: Please continue 🙏🙏🙏
Kylie_123 #3
Chapter 32: Seulgi 28 reasons !!!!!!
Kylie_123 #4
Chapter 32: Hanipps yan akala ko nalaman na Hahahahahhahaha
AnneTokki #5
Chapter 41: 😭😭😭😭😭
AnneTokki #6
Tatapusin mo Po ba ito?🥹
Astraea21 #7
Chapter 41: 👍
future_mrs_liu #8
Chapter 41: Na miss ko to.
Kkangkkong #9
otor hehehehe pakigalaw po ang baso huhuhu:(
yanape_25 #10
Haha.alive pa si otor.hehe