ORDER #30

MY DELIVERY GHORL
Please Subscribe to read the full chapter

ORDER #30

 

 

"Putangina Wan.." bungad ni Seulgi matapos pagbuksan siya ni Wendy ng pinto ng kwarto niya.

"Naggupit ako ng bangs.." hawak hawak niya yung 'bangs' niya.

"Oh tapos?"

Pinakawalan niya yungg freshly cut na bangs niya. Parang nag slowmo pa na lumapat sa noo niya.

*it was at this moment she knew she ed up*

Napakurap kurap si Wendy, maya- maya ay humagikgik na ito sa tawa na ikinalaki naman ng butas ng ilong ni Seulgi.

"Potangina anong ginawa mo? HAHAHAHA." halakhak nito, napatakip pa ng bibig.

"Huwaw ha. Hindi ka naman masyadong masaya." deadpan niyang sabi habang pinapanuod ang pinsan na tumatawa.

"Takte Seul bakit ganyan? Para kang lampaso. HAHAHAHA."

Lalong lumaki yung butas ng ilong ni Seulgi, saka sinamaan ng tingin si Wendy na panay parin ang pagtawa.

"Bakit ka naggupit ng bangs? Bored ka ba?" hindi sumagot, kagat labing nag titiis na huwag masapak ang kaharap.

"HAHAHAHA POTANGINA SEUL NAPASAYA MO AKO EBARG."

"Nakakatawa yon? Tangina mo Wan mga sampu." saglit na ininspect ang kakagupit na buhok. Straight na straight yung pagkakagupit, pantay pantay na natatakpan ang noo hanggang sa taas ng kilay. Sakto pa ang kapal kaya mukha talaga siyang bunot.

"Pota sorry. Bakit kasi ganyan? HAHAHA." tawang- tawa parin ang kaharap, nakahawak na sa tyan niya at maluha luhang napasandal sa door frame.

"Napanuod ko lang sa youtube.." mahina niyang sagot, nahihiyang nag iwas ng tingin. Lalo namang lumakas yung tawa ni Wendy, napaupo na sa sahig.

"PAKSHET WAG KA NGANG TUMAWA!!" dabog niya saka tinakpan yung noo niya, maya- maya natawa na rin siya sa sarili niya.

"HAHAHA. I KENNAT."

"Potaena Wan gusto ko umabsent bukas. Hindi nalang muna ako papasok hanggang sa humaba to pakshet talaga.." napaupo siya sa sahig. Parang nalugi ang pagmumukha habang ginugulo ang buhok.

"Baliw ka ba? 1st day of class bukas, tapos aabsent ka. Isa kang alamat." unti- unti nang nakaka recover si Wendy mula sa pagtawa, saglit kasing nawalan ng lakas.

"Eh anong gagawin ko?!"

"Ampotek bakit ka kasi naggupit ng bangs? Anong nakain mo?" nakangising ininspect ng kaibigan ang bangs saka bahagyang hinawi patabi, "Talagang pantay na pantay pa ha, tapos bagksak na bagsak... aba buti pa yung buhok straight, ikaw hindi."

"Putangina mo." kabig niya sa kamay niya, "Huhu. gague naiiyak ako, anak ng patola." bigla niyang takip sa mukha. Rinig niya naman yung pagpigil ng tawa ni Wendy.

"Pfft. Lagyan mo ng clip." suggestion ng pinsan, "Pero hayaan mo na lang, bagay naman sayo."

"Pota sino niloloko mo. Kanina nga lang halos mamatay ka na sa kakatawang hayop ka."

"Deh, seryoso kasi. Bagay naman. "

"Weh?"

"Sige. Bawasan natin ng kaunti." tumayo siya saka kumuha ng gunting sa drawer ng study table niya.

Bumalik siya sa dating pwesto, tinignan lang siya ni Seulgi ng may pagtataka.

"Wag kang malikot.."

"Ayusin mo ha."

"Trust me. I good at this."

"Okay?"

Tanging tunog lang ng gunting at buhok na naputol ang maririnig, habang naka concentrate si Wendy sa paggupit, naka tingin lang sakanya si Seulgi.

"Siguro kung nasa ibang AU tayo ngayon, malamang nainlab na ako sayo." pabirong sabi ni Seulgi.

"What." saglit na natigilan sa ginagawa, hindi namalayan na mali yung gupit niya sa kabilang dulo, hindi na tuloy pantay.

"Charot. Tropa tayo dito." ngisi niya sakanya.

"Gago ka ba?" tinignan lang siya ng masama ni Wendy, "Tingin ka sa salamin.." utos niya, saka nagmadaling tumayo si Seulgi pabalik ng kwarto niya para tignan ang sarili sa salamin.

"POTAENA WANNIE ANONG GINAWA MO?!" sigaw niya mula sa kwarto, padabog na naglakad papalabas ng kwarto.

"Ayos naman ah, kesa naman ss gupit mo."

"TANGINA LALO AKONG NAGMUKHANG EWAN. BAKIT ANG IKLI?!"

"Cute nga eh, parang baby hair na sabay-sabay tumubo."

"PUTANGINA HINDI NA TALAGA AKO PAPASOK BUKAS." mangiyak- ngiyak niyang sabi saka bumalik na ng kwarto niya.

Yung imbes na nagpapahinga ka kasi may pasok na kinabukasan, pero na stress ka pa.

"Luh anyare don?" biglang sulpot ni Lisa na kagagaling lang sa banyo.

"Secret.." nakangisi niyang sagot.


---


Pumasok na yung 1st subject teacher nila. As a ritual kapag unang araw ng pasukan, hindi mawawala ang pa Introduction. Matapos magpakilala ng prof nila na mukhang mataray sa bagong drawing niyang kilay at cat-like frame na specs niya.

"So I want you to introduce yourselves here in front. One by one, so magsimula tayo sa likod.. You there, in grey hoodie.." panimula niya bago itinuro yung direksyon ng taong nasa pinaka likod, katabi ng bintana. Walang iba kundi si Kang Seulgi na star

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Gusto ko sana palitan yung kober, kaso wag nalang. Tawang tawa ako HAHAHA. SKL.

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
:<<
Kylie_123 #2
Chapter 41: Please continue 🙏🙏🙏
Kylie_123 #3
Chapter 32: Seulgi 28 reasons !!!!!!
Kylie_123 #4
Chapter 32: Hanipps yan akala ko nalaman na Hahahahahhahaha
AnneTokki #5
Chapter 41: 😭😭😭😭😭
AnneTokki #6
Tatapusin mo Po ba ito?🥹
Astraea21 #7
Chapter 41: 👍
future_mrs_liu #8
Chapter 41: Na miss ko to.
Kkangkkong #9
otor hehehehe pakigalaw po ang baso huhuhu:(
yanape_25 #10
Haha.alive pa si otor.hehe