NEW YEAR'S EXTRA

MY DELIVERY GHORL
Please Subscribe to read the full chapter

NEW YEAR'S EXTRA

(Wala tong connect sa orignal storyline, pero pwede na rin. Some sort of flashforward. Nyee.)

 


"Seulgi, paki abot nga. Nyemas naman ang taas.." nakabusangot na humarap sa katabi, pilit na inaabot ang isang karton ng gatas mula sa top most shelf. Todo extend na ang lahat, stretched na stretched na ang buong katawan, kahit pa siya yung pinaka flexible na tao sa balat ng mundo, hindi niya pa rin maabot yung gustong aabutin. Struggle is real.

"Tamang- tama, talon ka mamaya Hyun. Baka sakaling madagdagan yung height mo.." bungisngis ni Seulgi saka inabot yung karton ng gatas na kanina pa pilit inaabot ni Irene.

"Nakakatawa yon?" mataray niyang sabi saka nauna nang naglakad.

"Sabi ko nga joke lang.." natameme si Seulgi, napangiwi. Biruin mo na ang lasing wag lang ang pandak na bagong gising.

"Eto lang ba lahat ng bibilhin natin?" tanong ni Seulgi habang inisa- isa ang mga item na nakalagay sa cart.

"Iniisip ko pa anong kulang.." sagot ng isa, habang iniiscan yung mga shelf.

"Bilisan na natin, Hyun.. sakit na paa ko.." reklamo niya na parang bata, sumandal pa sa handle ng cart, "Kanina pa tayo nagiikot.."

Halos mag dadalawang oras na silang paikot ikot sa loob ng grocery. Parang may tour na naganap, bawat shelf dinadayo. Kung ano lang ang maisipang damputin.

"Sino ba kasi may kasalanan, at late na tayo nagising.." tiningnan ng masama si Seulgi, saglit na tumigil sa paglalakad saka kumuha ng isang pack ng tissue rolls.

"Huh? Bakit ako?"

"Anong bakit ako.. ikaw naman kasi talaga. Pinagod mo ako walanghiya ka.." sagot niya saka pinukol kay Seulgi yung hawak niyang pack.

"Luh?! Ikaw tong matapang na naghamon! Got the taste of your own medicine..?" pang aasar naman ni Seulgi, lalo lang nahampas.

"Putangina mong hayop ka, hindi ako makalakad ng maayos."

Because of well.. late night activities nila, late na sila nagising. Main itinerary nila ngayong araw ay mamimili, bukod sa lulutuin sa pagsalubong ng bagong taon, paubos na rin yung kanilang supplies and toiletries.

"I love you too.." natatawang sagot ni Seulgi, tulak tulak yung cart. Nakatanggap siya ng mahinang hampas sa braso, "Bakit kasi, ngayon lang natin naisipang lumabas? Rush hour pa talaga.."

"Don't ask me why.. when it's pretty obvious na ikaw yung may kasalanan.." sagot niya saka tumabi na kay Seulgi, nakitulak narin sa cart.

"Hala? Ako pa rin?"

"Sino ba kasi yung nagsabing maggogrocery daw last week.."

"Sorry naman, nakakatamad kasi lumabas lalo na pag may maganda kang kasama sa bahay..." explain kunware pang nagiisip ng idadahilan bago lumingon sa katabi, saka tumingin ng mapangasar.

Since last week, they took a break from work. Imbes na gumala, do some shopping, mas naenjoy nila yung pagstay lang sa loob ng condo. Malamig na rin kasi yung klima, bukod sa minsan lang nila naeenjoy yung break. Maski nong christmass, nakipag sabayan pa sila sa mga tao para mamili. Hilig nila sa rush hour ano.

"Gago! Ang dami mong alam bwisit.." hampas niya sa braso, "Tara na nga, ang haba pa ng pila.."

"Wait lang.. wala nang dry food yung mga fur babies natin.." saglit na huminto sa section ng mga pet food.

"Mas mahal mo pa yata yong mga pusa kesa saken.." naka pout na reklamo ni Irene.

"Luh? Pagselosan ba naman yung mga pusa..?" natatawang hinawakan ang baba ni Irene, bago pinitik ng mahina yung noo.

"Totoo naman ah.. Tampo na ako, suyuin mo ako.." pakunwaring nagtatampo saka nagcross arms. "Gusto ko ng melkti, ng protas. Tsaka hindi mawawala ang borger at prays.."

"Tangina naman Hyun.." pigil niya ng tawa, inulit pa ni Irene yung 'melkti part' kaya hindi na napigilan, humagalpak na sa tawa si Seulgi, "Potaena.. may baliw akong girlpren.." hawak niya sa tyan niya.

"Tara na nga.." recover niya, kumuha na ng isang bag ng cat food mula sa shelf. Hinila na si Irene saka tuluyan nang pumila para magbayad.

"Tayo lang ba kakain?" tanong ni Irene, iniscan yung pinamili.

"Yep.. Wala namang pupuntang bisita.." sagot ni Seulgi, tulak tulak yung cart palabas, "Si Wannie, may pa meet the parents kina Joy. Sina Lisa ewan anong ganap, basta nag out of town sila ni Jennie. Si Soo, uuwing probinsya kasama si Rosé. Si Byul.." saglit na nagisip.

"Kasama si Solar, maypa vlog sa Japan trip nila.. si Nayeon, kasama family niya. I think kasama niya si Jeong.. si Yeri, well kasama niya mom niya. Sabi ko nga, punta siya sa atin.." tinapos na ni Irene, "Hayss.. everyone's busy with their own ganap.. when kaya uli tayo magkita kita.." bakas sa boses ang lumbay.

"Miss ko na rin sila, yung mga lokong yun.. parang kelan lang. Haha.." dugtong ni Seulgi.

Five years nang magtapos silang lahat from college. Sabay sabay sila, since five year-course yung kinuha nina Irene. Five years ang nakalipas nang magsimula sila panibagong yugto ng buhay. Gayun pa man, may constant communication naman sila sa isa't isa, paminsan minsan magkikita at magsasalo salo, babalikan ang nakaraan, ang mga nagdaan. Marami mang pagsubok, sinulit man ng panahon, naging matibay ang kanilang pagsasama. Kahit may kaniya kaniyang buhay na sila at madalang nalang kung magkita, updated naman sila sa ganap ng bawat isa.

"Hindi ka pinapauwi sa inyo?" tanong ni Seulgi matapos ilagay ang huling ecobag ng grocery sa trunk ng sasakyan bago pumasok na ng tuluyan sa kotse.

"Hmm. Hindi, hindi na yata ako mahal ng mga yon.." seryosong sabi ni Irene bago tuluyang umupo sa passenger seat. Tinignan lang siya ni Seulgi ng may pagtataka, "Char. Nagbakasyon sila Mom and Dad somewhere outside the country. They told me na they're fine without me , since last year sa amin ka naman

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
SPELLBREAKER
Gusto ko sana palitan yung kober, kaso wag nalang. Tawang tawa ako HAHAHA. SKL.

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
:<<
Kylie_123 #2
Chapter 41: Please continue 🙏🙏🙏
Kylie_123 #3
Chapter 32: Seulgi 28 reasons !!!!!!
Kylie_123 #4
Chapter 32: Hanipps yan akala ko nalaman na Hahahahahhahaha
AnneTokki 49 streak #5
Chapter 41: 😭😭😭😭😭
AnneTokki 49 streak #6
Tatapusin mo Po ba ito?🥹
Astraea21 #7
Chapter 41: 👍
future_mrs_liu #8
Chapter 41: Na miss ko to.
Kkangkkong #9
otor hehehehe pakigalaw po ang baso huhuhu:(
yanape_25 #10
Haha.alive pa si otor.hehe