.05

Minsan Sa Morayta
Please Subscribe to read the full chapter

V

Nagising si Seulgi nang sobrang sakit ng ulo niya. Tinignan muna niya ang paligid kung asaan siya dahil hindi niya alam kung nakauwi ba siya kagabi o nakitulog nalang kila Jennie dahil sa sobrang kalasingan. Pag ikot naman ng mata ay nakita niya agad yung mga tropa niyang nakabulagta rin sa sahig at yung paa ni Byul ay nakapatong pa sa may tiyan niya. Natawa nalang si Seulgi at hinawi ang paa ni Byul. 

Agad naman siyang dumiretso sa kitchen para kumuha ng tubig dahil sobrang tuyo ng lalamunan niya. Ang nakita niya lang rin sa sala ay ang tropa niya at sina Yeri at Joy kaya napaisip siya kung nakauwi pa ba si Irene kagabi. Habang umiinom siya nang tubig ay bigla siyang may narinig na lumabas galing cr at nagulat siya nang makita si Irene.

Nang mag tama ang kanilang mga mata ay nag flashback kay Seulgi ang nangyare sa kanila kagabi. Napahawak naman bigla si Seulgi sa labi niya habang nakatingin kay Irene. Habang si Irene naman ay naka kunot ang noo lang na nakatingin kay Seulgi.

"Bakit ganiyan ka maka tingin?" Kunot noong tanong ni Irene kay Seulgi.

Nagulat naman si Seulgi sa tanong ni Irene.

"Di mo naaalala ginawa natin kagabi Mal?" Kunot na noo rin na tanong ni Seulgi.

"Nag-inom?" Clueless na tanong ni Irene.

Nag pout nalang si Seulgi at di sinabi ang tunay na nangyare kagabi dahil baka biglang ma'awkward si Irene. Di niya naman kasi sure kung dala lang yun nang alak pero sure siya sa sarili niya ginusto niya ito. Sino ba aayaw pag isang Irene Diwa na ang gusto humalik sayo diba? 

Sabay nang umalis sina Seulgi at Irene dahil maaga ang pasok ni Seulgi sa trabaho pag weekends para makabawi siya nang pahinga sa gabi at si Irene naman ay kelangan pa daw mag-aral.

"Nag jejeep ka, Mal?" Tanong ni Seulgi.

"Oo naman." Sabi ni Irene habang natatawa. Hindi kasi alam ni Irene bakit sa tingin neto ay hindi siya sumasakay ng jeep. Pero hindi rin naman palagi sumasakay ng jeep si Irene dahil most of the time naka grab or taxi siya, ayaw niya kasi ng siksikan.

"Ahh buti naman, akala ko hindi." Sabi ni Seulgi habang kinakamot ang batok niya. Baka kasi mamaya ay hindi pala comportable si Irene mag jeep kaya tinanong muna niya eto.

Nang maka'para ng jeep si Seulgi ay pinauna na niyang pumasok si Irene atsaka niya ito tinabihan.

"Kuya, dalawang Morayta estudyante." Sabay abot ng bayad ni Seulgi.

Napapikit si Irene dahil sa pagtama ng hangin sa balat niya. Iba parin talaga ang hangin sa Manila pag umaga. Sariwa pa at hindi ganun kausok, hindi tulad pag gabi na. Hindi rin punuan ang mga jeep at fx kaya maganda sumakay ng jeep ngayon.

"Masarap mag jeep pag umaga. Di pa amoy araw mga katabi tapos malamig pa yung hangin." Sabi ni Seulgi sa katabi.

"Oo nga pag gabi na, I usually just book grab or taxi para less hassle." Sabi Irene ni Irene.

"Ako pag uwing uwi na ako, isisiksik ko talaga yung pwet ko para lang magkasiya ako. Inis na inis mga katabi ko lalo na pag matanda." Natatawang sabi ni Seulgi.

Maluwag ang daan dahil walang pasok ang mga paaralan ngayon kaya naman mabilis lang silang nakarating sa Morayta. Nang malapit na sila sa apartment na sila sa apartment ay may nakita si Irene na pamilyar na pigura.

"Suho?" Sabi nang dalaga. Napatingin naman si Seulgi sa dalawa.

"Irene!" Nakangiti sabi ng binata na naghihintay kay Irene.

"Mal, sino yan?" Bulong ni Seulgi.

Bigla naman parang pinaso si Irene.

"Can you go now, Seulgi?" Apologetic na sabi ni Irene kay Seulgi.

Binaling ni Seulgi yung tingin sa dalawa at dahil mukhang nakakaistorbo na siya ay nagpaalam ito kay Irene at umalis nalang siya.

"Sino yun?" Narinig niyang tinanong nung lalake kay Irene.

"A friend" Narining niyang sabi ni Irene. 

Nang makadating si Seulgi sa dorm ay nag text siya sa boss niya na hindi siya makakapasok. Una sa lahat ay dahil masakit pa ang ulo niya sa hangover at balak niyang magpahinga. At pangalawa ay iniisip niya yung halik nila ni Irene kagabi at pangatlo, kung sino yung lalaki na kasama ni Irene. Wala lang naman sa kaniya kung sino yun kasi malay niya ba kung pinsan or kaibigan or baka nga groupmate lang niya pero syempre nacurious parin si Seulgi.

Nang magising siya sa pagkaka idlip ay agad na kinuha ni Seulgi ang cellphone niya upang tignan ang oras. Di niya napansin na yung idlip na dapat ay ilang minuto lang ay naging limang oras dahil alas tres na nang hapon. Naisip naman niya na itext si Irene.

"Mal."

"Maaaaaal."

"Mal, san ka? :("

Nang wala paring reply si Irene ay tinago na muna ni Seulgi yung phone niya. Naisip niya na baka busy nag-aaral si Irene kaya di makapag reply. Naisipan nalang niya na bumaba at kumain dahil gutom na rin siya at wala pang laman yung tiyan niya mag mula kagabi.

Habang kumakain si Seulgi ay bigla naman nag text si Irene sa kaniya.

Irene: jwu... saking ng ulo ko :(

Binitawan naman agad ni Seulgi ang hawak niyang kutsara at tinidor upang mag reply kaagad.

Seulgi: meron kang gamot diyan? puntahan kita Mal?

Irene: Wag na may work ka tsaka ayos lang itutulog ko nalang to :(

Seulgi: Papunta na ako Mal. Pahinga ka lang diyan!

Hindi na hinintay pa ni Seulgi mag reply si Irene. Nagpalit lang siya ng damit atsaka dumiretso sa drugstore para bumili ng paracetamol at nang may nakita siyang nagbebenta ng apple sa labas ng drugstore ay bumili na rin ito para kay Irene. Matapos niyang makabili ay dumiretso na 'to sa apartment at kumatok sa pinto.

Pagbukas ni Irene nang pinto ay bumungad agad ang nakangiting Seulgi sa kaniya. Napangiti nalang si Seulgi nang makita ang bagong gising na si Irene dahil kahit na messy hair ay sobrang ganda pa rin nito. Actually mas na'attract nga siya sa ganitong side ni Irene. Yung tipong tshirt at shirt plus messy bun lang-- jowa material talaga.

"Akala ko may work ka?" Tanong ni Irene nang papasukin si Seulgi.

"May hangover pa ko kanina kaya nag text ako sa boss ko na absent ako ngayon." Nakangiting sabi ni Seulgi habang binababa ang mga biniling apple kay Irene.

"Inom ka na ng gamot." Sabi ni Seulgi.

"How much lahat ng nagastos mo? I'll pay you." Sabi ni Irene. 

"You don't have to pay for it. Di ko yan pinapabayaran sayo. I'm doing this for you because I want to. Kaya kung gusto mong mawala yang sakit ng ulo mo, drink this med instead of asking kung magkano to Mal." Nakasimangot na sabi ni Seulgi kay Irene.

Natawa naman si Irene.

"Bakit galit ka?" Natatawang sabi ni Irene habang sinundot yung bewang ni Seulgi na ikinagulat ni Seulgi dahil may kiliti siya dun. Kaya naman natatawang ininom ni Irene yung paracetamol na binili ni Seulgi.

Pumunta naman ng kusina si Seulgi para hugasan yung mga apple na binili at balatan ang iba at iniabot ito kay Irene.

"Oh Mal, kain ka ng apple." 

Di naman ito inabot ni Irene. Binuksan lang ang kaniyang bibig habang inaantay na subuan ito ni Seulgi. Napangiti naman si Seulgi sa actions ni Irene na parang bata.

"So baby pa pala ang Mal ko?" Tanong niya.

"Ahhhhhh" Sabi lang ni Irene.

Napailing si Seulgi at tinusok ang tinidor sa apple at isinubo ito kay Irene.

"Seul ML tayo!" Yaya ni Irene.

Nagulat naman si Seulgi sa biglang pag-aya sa kaniya ni Irene mag mobile legends, natawa ito pero pumayag rin. 

"Nangaagaw ka nanaman!" 

"Hindi ko sinasadya!" Tumatawang sabi ni Seul.

Naiinis si Irene kasi naagawan siya ng kills ni Seulgi pero di yun sinasadya nung isa. Depensa ni Seulgi ay hindi naman niya kasalanan na sa kaniya napupunta ang last hit pero hindi siya pinapakinggan ni Irene-- basta naiinis lang siya kasi puro lang siya support habang si Seulgi panay ang kill.

"Ampange panget mong kalaro!"

"Mal malakas kasi damage ko! Ayaw mo rin naman humiwalay sakin!" Natatawang sabi parin ni Seulgi.

Sa inis ni Irene e bigla pinatay niya yung phone niya nagulat naman si Seulgi kaya napatawa siya ng mal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
catseulrene
I'll try mag regular updates na since di na ako ganon ka busy! :))

Comments

You must be logged in to comment
Taelepani
#1
Chapter 33: otornim you’re back 🥺🥺🥺
Goeynceilove
47 streak #2
Chapter 33: Author-nim Update Juseyo 🥹🙏🐻🐰
AnneTokki #3
Chapter 33: Wishing for for new chapter 🥹
RVSone0105
894 streak #4
Chapter 33: Hahahaha wag ka pahalata mumsh Irene na affected ka parin 😉
jenlisaxx #5
Chapter 33: Irene pass sa halata HAHAHAHAHA
iamriou_
1164 streak #6
Chapter 32: Feeling ko pinsan ni Seulgi!! SDJAKHSAKDHAS
eunxiaoxlove #7
Chapter 33: Everyone: O.O
Me: O.O

Irene reject Seunho pls
green99 #8
Chapter 33: aackkkk
green99 #9
Chapter 32: ahhhhh, excited for the nc ehe
eunxiaoxlove #10
Chapter 32: Lovin the updatessss. Hoping Irene gets jealous