.11

Minsan Sa Morayta
Please Subscribe to read the full chapter

XI

"Mal! Ang hirap naman neto eh! Kahit ilang beses kong basahin di ko parin maintindihan kung bakit kailangan kong problemahin ang problema ni x at y eh may sarili naman akong problema! Nakikisabay pa sila!" Inis na sabi ni Seulgi habang tinitignan yung math problem na nasa paper niya.

"Pano hindi yan mahirap kung simula nang magsimula tayo dito, wala ng ibang lumabas diyan sa bunganga mo kung hindi reklamo!" Sabi ni Irene habang binababa yung sarili niyang reviewer para mag focus kay Seulgi.

First day ng deal nila Seulgi at Irene ay sobrang motivated ni Seulgi. As in aral dito, aral doon pero sa kalagitnaan ng araw rin na yun ay sumuko siya dahil kahit anong intindi niya sa mga binabasa niya ay wala talaga siyang maintindihan. Nag rereklamo rin siya kay Irene na baguhin yung deal nila kasi daw parang andaya at ang labas daw ay ayaw lang magpaligaw ni Irene. Kaya naman para "daw" maging fair ay kailangan niyang itutor si Seulgi, pumayag nalang si Irene para matigil sa kakakulit si Seulgi sa kaniya.

Kaya eto sila ngayon, parang aso't pusa dahil sa math problem na hindi masolve ni Seulgi.

"Mal, hindi ko nga magets! Nakakainis naman kasi si Sir Isaac Newton bakit niya inimbento statistics!" Padabog na sabi ni Seulgi.

"Seul, Isaac Newton didn't invent statistics. Wag ka ng mag complain diyan at sagutan mo na yan!" Natatawang umiiling nalang si Irene sa kasama niyang parang bata.

"Kainis! Kaya nga ako nag MassCom para walang math eh tapos bibigyan nila kami ng ganito." Inis na bulong ni Seulgi na akala niya di naririnig ni Irene kaya naman hirap na hirap magpigil ng tawa si Irene.

"Seul, wag ka nang bumubulong bulong diyan! Kasama yan sa curriculum ng college. You need to atleast take 6 units of math. Kaya stop complaining and start answering." Sabi ni Irene sa badtrip na Seulgi.

After thirty minutes nasagutan na rin ni Seulgi yung isang problem na pinapasagot sa kaniya ni Irene.

"This is how to do it. Para mas madali. Listen to me ha? Para pag nag exam kayo, perfect ka." Sabi ni Irene atsaka tinuro yung easy way ng pag solve ng problem.

"Mal, tangina! Bakit pag ikaw ang nagturo ang dali! Pag pag si Liwayway yung nagtuturo, wala ako maintindihan!" Manghang manghang sabi ni Seulgi.

"Hay nako, lumilipad lang kasi yung diwa mo pag nasa school." Sabi ni Irene habang nagliligpit ng gamit.

"Pano naman kasi pag nasa school, nasa kabilang building yung Diwa ko." Sabi ni Seulgi habang nakangiti ng nakakaloko kay Irene.​​​​​​

Mga ten seconds bago nagets ni Irene at natawa naman ito atsaka kinurot sa tagiliran si Seulgi ng pabiro.

"Puro ka talaga kalokohan, Austria! Anyway gusto mo pumunta sa roof deck? Morayta night view is kinda good sa roof deck eh." Sabi ni Irene.

"I'll go anywhere with you, Mal." Sabi ni Seulgi with matchking Kindat.

Nakatingin pareho sa langit sina Irene and Seulgi. They are simply enjoying the night sky and cold breeze. Hindi nila alam pero it feels good even with just the two of them around, kahit walang kahit na ano. They are enjoying the silence at ang tanging ingay lang na naririnig nila is yung ingay ng mga sasakyan sa ibaba.

"Mal ang bilis ng araw no? Ganun siguro talaga pag masaya ka." Nakangiting sabi ni Seulgi habang tinitignan ang magandang dalaga sa tabi niya.

Sobrang thankful ni Seulgi dahil nakilala niya si Irene. She feels grateful to Irene kasi ever since na nagkakilala sila, kahit na anong hardship na dumating sa buhay niya, all of it seems bearable because of Irene.

"Ang bilis nga. I hear Jose Mari Chan everywhere. Kahit kaninang pag pasok ko pinapatugtog yung Christmas in  our Hearts sa may overpass." Natatawang sabi ni Irene.

"Anong wish mo sa christmas?" Tanong ni Seulgi.

"Happiness and peace on earth." Sabi ni Irene.

"Pang mayaman at pang intellectual na wish yan! Pero maganda yan, Mal. We need more people like you." Natatawang sabi ni Seulgi.

"Bakit ikaw? Ano ba wish mo?"

"Wish ko? Yumaman. Gusto ko gumanda buhay ng pamilya namin." Nakangiting sabi ni Seulgi habang nakatingin sa langit. 

Irene let out a soft laugh.

"Huh? Bat ka tumatawa?" Nagtatakang tanong ni Seulgi kay Irene.

"Akala ko babanat ka nanaman at sasabihing ako yung wish mo." Natatawang sabi ni Irene.

"Actually yan naman ang nasa isip kaso uhmmm..." Sabi ni Seulgi.

"Kaso what?" Kunot noong tanong ni Irene.

"Kaso parang di ko na kailangan iwish yun kasi mukhang malakas na rin tama mo sa 'kin, Mal." Natatawang sabi ni Seulgi atsaka siya pabirong siyang hinampas ni Irene sa braso.

"Asa ka naman, Austria." Pabirong inirapan naman ni Irene si Seulgi atsaka sila tumawang pareho.

"Nakakainis naman ano bang trip ni Lisa at pinapunta tayo dito sa freedom park ng maaga?" Humihikab na sabi ni Byul.

"Meron ba siyang ipapaabang sa atin sa labas?" Sabi naman ni Seulgi habang naiistretching.

"I think it's about UAAP?" Sabi naman ni Jennie habang nag lalagay ni lip gloss.

"Bakit may emergency meeting?" Sabi naman ng kadadating lang na si Wendy.

Sabay sabay naman napakibit balikat ang tatlo.

"I can't believe na andito nga kayo! Mahal na mahal talaga ako ng mga minions ko!" Nakakalokong sabi ni Lisa habang proud na naglalakad papunta sa mga tropa niyang naka death glare sa kaniya.

"Pasalamat ka nasa harap tayo ng chapel kung hindi puno ka nabugbog na kitang animal ka!" Pabirong sabi ni Seulgi.

"Chill lang mga lods! May good news kasi ako! Di ako makatulog ng maayos dahil dito!" Nakangiting sabi ni Lisa.

"So, pinapasok mo kami ng maaga para parepareho tayong walang maayos na tulog?" Inis na sabi ni Byul.

"Kuha mo, Byul! That's what friends are for!" Sabi ni Lisa habang nakangiti siya abot tenga.

"Pigilan niyo ko, iisahan ko na to!" Sabi ni Byul na kunwareng susugurin si Lisa ng suntok. Natatawang pinigilan naman ito ni Wendy at Seulgi.

"Ano ba kasi yung gusto mo sabihin?" Taas kilay na sabi ni Jennie.

Binuksan ni Lisa yung bag niya at nilabas yung Jersey niya.

"CHARAN" Sabi ni Lisa habang proud na iwinawagayway yung volleyball Jersey niya na may number 23.

"Seryoso ka? Ginising mo kami ng maaga for that?"

"Lisa, alam naman namin na player ka ng volleyball at alam namin na marami kang Jersey..."

"GUYS UAAP SEASON 83 VOLLEYBALL JERSEY TO!!!!" Masayang sabi ni Lisa.

"Ano naman? Normal lang---- Wait... Seryoso!?!"

"Legit?!?!"

"LEGIT GUYS! I MADE IT TO TEAM A! OFFICIAL PLAYER NA AKO THIS SEASON SA UAAP!" 

"TANGINA MAPAPANOOD NA NATIN SA MOA ARENA YUNG TROPA NATIN!" Sigaw ni Seulgi at nag group hug ang magbabarkada habang tumatalon talon pa.

"DRINKS ON ME TONIGHT!" Sabi ni Lisa.

"LA-LI-SA! LA-LI-SA" Ulit ulit naman na chinachant ng mag totropa habang nagtatawanan sila.

"Pero, does it means mas magiging busy ka?" Tanong ni Byul.

"So wala ka sa sportsfest?! Sino na gagawin naming teammate sa mobile legends!? Balita ko magaling daw Engineering this year."

During sportfest kasi, imbis na sa mga athletic sports sumali ang magkakaibigan ay sa Dota 2 at Mobile Legends tournament sila sumasali. Kahit na lagi silang nirerecruit ng MassCom volleyball team ay lagi silang umaayaw. Pero ngayon na wala na si Lisa ay parang ayaw na rin nila sumali sa tournament.

"Oo nga! Bano pa naman si Wendy at Jennie."

"Kaya nga sa volleyball nalang kayo sumali this year! Para naman mag champion ang MassCom! I know I raised you guys well kaya naman kayang kaya niyo pataobin mga MedTech and Educ!" Sabi ni Lisa.

"Basta brody, support ka namin! Panonoorin naman lahat ng games mo!" Akbay na sabi ni Seulgi kay Lisa.

"We're proud of you, Lalisa!" Sabi ni Jennie habang nakahawak naman sa bewang ni Lisa.

"So guys after class ha? Text niyo na rin mga aports niyo! Sa condo tayo ni labs!" Sabi ni Lis

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
catseulrene
I'll try mag regular updates na since di na ako ganon ka busy! :))

Comments

You must be logged in to comment
Taelepani
#1
Chapter 33: otornim you’re back 🥺🥺🥺
Goeynceilove
45 streak #2
Chapter 33: Author-nim Update Juseyo 🥹🙏🐻🐰
AnneTokki #3
Chapter 33: Wishing for for new chapter 🥹
RVSone0105
892 streak #4
Chapter 33: Hahahaha wag ka pahalata mumsh Irene na affected ka parin 😉
jenlisaxx #5
Chapter 33: Irene pass sa halata HAHAHAHAHA
iamriou_
1162 streak #6
Chapter 32: Feeling ko pinsan ni Seulgi!! SDJAKHSAKDHAS
eunxiaoxlove #7
Chapter 33: Everyone: O.O
Me: O.O

Irene reject Seunho pls
green99 #8
Chapter 33: aackkkk
green99 #9
Chapter 32: ahhhhh, excited for the nc ehe
eunxiaoxlove #10
Chapter 32: Lovin the updatessss. Hoping Irene gets jealous