.10

Minsan Sa Morayta
Please Subscribe to read the full chapter

X

"Class get your calculators may quiz kayo." Sabi nung Statistic Professor nila.

"Ser, pwede ba calcu sa selpon?" Tanong ni Seulgi.

"Ms. Austria, I told you to bring scientific calculator, hindi calculator ng cellphone. Find one now or you'll fail the quiz." Sabi nung Professor nila.

"Ser, pwede hintayin ko nalang matapos si Wanda?" Tanong ulit ni Seulgi.

"No, Ms. Austria. I don't care kung saan ka maghahanap pero pag wala kang nahanap, zero ka."

"Awit naman niyan, ser. Tsk." Sabi ni Seulgi saka nag mukmok sa upuan niya.

Wala naman siya magagawa dahil wala talaga siyang scientific calculator. Ang mahal kasi sa National Bookstore kaya di na siya nakisabay bumili sa mga kaibigan niya. Tapos wala rin siyang time pumunta ng Divisoria or Quiapo para bumili ng murang calculator. Napatingin naman agad si Seulgi ng tumunog ang phone niya.

Irene: Get your here in EB 405, I have scientific cal. Bilisan mo at baka ma'zero ka!

Napangiti naman si Seulgi at tumakbo ng mabilis mag mula Arts Building hanggang sa kabilang building. Di na rin siya nag elevator dahil may pila pa. Kaya naman hingal na hingal siya pag dating niya sa Fourth Floor. Kumatok siya sa room 405 dahil may klase pala sila at inexcuse saglit si Irene.

"Bakit para kang hinihingal na kabayo diyan?" Natatawang tanong ni Irene.

"Tinakbo ko Arts hanggang dito without elev, Mal. Anyway, pano mo nalaman na I need calcu?" Sabi ni Seulgi habang nagkakamot ng batok.

"Wendy asked me kung meron daw akong dalang scical. Thankfully lagi kong dala 'to kung hindi, may bokya ka nanaman." Natatawang sabi ni Irene habang inaabot yung calculator kay Seulgi.

"Di ko alam ginagawa ko nung past life ko pero pota ang swerte ko sa Mal ko!" Sabi ni Seulgi habang niyakap ng mahigpit si Irene. Napalaki naman ng mata si Irene atsaka tinulak ng marahan si Seulgi with matching kurot sa tagiliran.

"Ouch, Mal!!!" Reklamo ni Seulgi.

"We are infront of my classroom with my professor inside! Tsk. Nilulugar ang kaharutan, Austria! Go! Shoo! Balik ka na sa pinanggalingan mo!" Natatawang tulak ni Irene kay Seulgi.

"See you later, Mal! Muwah!" Sabi ni Seulgi sabay flying kiss. Napailing habang tumatawa si Irene na bumalik ng classroom niya.

 

Pag katapos ng kalse ay tumambay ang mag kakaibigang Byul, Lisa, Wendy, Jennie at Seulgi sa Lerma. May break kasi ang magkakaibigan at napagkasunduan nila na kumain muna ng Pancit Canton sa karenderia sa baba ng dorm ni Seulgi.

"So, Seul ano na meron sa inyo ni Irene? Parang mas naging close kayo ah?" Tanong ni Wendy habang nakangiti ng nakakaloko kay Seulgi.

"Pansin ko rin yun. Since nung nag Laguna tayo parang mas naging close kayo! PDA overload pa ampota." Sabi ni Byul.

"Mukha pa kayong mag jowa kesa sa amin ni Jennie beybe!" Natatawang sabi ni Lisa.

"Please, Lisa. Stop. Di tayo mag jowa! Di kita type. Palagi kang amoy pawis." Natatawang sabi ni Jennie.

"Alam ko pogi ako pero please guys ako lang 'to. Di ako artista kaya wag kayo masyado interesado sa lablayp ko." Sabi ni Seulgi habang sinusubo yung pancit canton niya.

Syempre malaki ang respeto ni Seulgi kay Irene kaya naman never niya shinare kahit kanino yung about sa kiss nila sa Laguna. Kaya naman walang ka'alam alam yung barkada niya kung bakit mas naging close sila ni Irene. Pero sad to say, until now wala pa silang label. Naiintindihan naman yun ni Seulgi. Ayaw niya rin naman madaliin si Irene at masaya na siya kung ano man ang meron sila ngayon.

"Pero seryoso tol. Bagay kayo pero easyhan mo lang at baka masaktan ka." Sabi ni Byul.

"True, Seul. Masakit umasa nakakatanga." Sabi naman ni Jennie.

"Walang label, Walang problem. Support ako diyan sayo, Seul." Sabi ni Lisa ng pabiro.

"Well ganito kasi yun, napagusapan namin yung about sa amin tapos sabi niya she's confused and scared. So sabi ko, I will wait for her until she's ready kaya that's what I'm doing. Waiting. Patiently." Explain ni Seulgi sa kanila habang sabay na sabay silang tumatango dito.

"May usapan naman pala eh."

"So, may MU pala sila? Malanding Usapan?" Pajoke na sabi ni Byul

Napatingin naman sila lahat kay Byul with their "are-you-ing-serious" look nila.

"Uwi na tayo. Paka corny netong taong 'to." Sabi ni Lisa.

"Tangina, pigilan niyo ko sasapakin ko 'tong mais na to." Natatawang sabi ni Seulgi.

Nasa may R. Papa Gym ang magkakaibigan para panoorin yung practice ng volleyball team kung saan ay part si Lisa. Malapit na kasi ang volleyball season sa UAAP kaya naman naging busy na si Lisa sa pag papractice lao na at sinisikap niya na makapasok na sa Team A this season. Pero syempre kunwari si Lisa yung pinunta ng mag babarkada pero ang totoo ay gusto lang talaga nila maghanap ng mga jojowa.

"Mal, okay ka lang?" Tanong ni Seulgi nung makita niyang parang may iniindang sakit si Irene.

"Ang sakit ng ulo. I think it's migraine again." Sabi ni Irene habang minamasahe yung sentido niya.

Lumipat naman ng pwesto si Seulgi sa likuran ni Irene.

"Nag pa checkup ka na ba? San banda yung masakit?" Sabi ni Seulgi habang pinupwesto yung kamay niya sa may sentido ni Irene para imassage ito.

"Diyan, Seul. Medyo diinan mo please." Sabi ni Irene habang nakapikit.

"Grabeng PDA 'to ah."

"Gusto ko yung way mo ng pag bakod, Seul."

"Manahimik kayo. My mal is not feeling well." Sabay tingin ng masama sa mga kaibigan.

"Gusto mo hatid kita sa apartment mo? Para makapag rest ka?" Baling agad ni Seulgi kay Irene.

"I'm okay na, don't worry. I'll just drink meds later." Sabi ni Irene ng nakangiti kay Seulgi.

Di na mabilang ni Seulgi kung ilang death glare na ang nabibigay niya sa ilang volleyball players na kanina pa tingin ng tingin kay Irene. Buti nalang at di yun pinapansin ni Irene na busy lang sa pagbabasa ng notes niya pero si Seulgi kasi yun lang ang napapansin niya.

"Seulgi, tatanggalin ko na yang mata mo." Sabi ni Irene habang nakafocus parin sa notes niya.

"Wala naman ako ginagawa ah." Nakasimangot na sabi ni Seulgi.

"Stop looking at people like you want to eat them up alive." Sabi ni Irene na ngayon ay nakatingin na sa kaniya.

"Paano naman kasi ang lagkit ng mga tingin sayo, Mal. Gusto ko tusukin mga mata nila isa isa." Nakangusong sabi ni Seulgi.

Natawa naman si Irene kay Seulgi. Sa totoo lang, sanay naman na si Irene pag pinagtitinginan siya ng mga tao kaya di nalang niya sila pinapansin. Pero para mag tigil na si Seulgi ay lumapit nalang si Irene sa kaniya at isinandal ang ulo nito sa balikat ni Seulgi atsaka binaling na ulit yung mata niya sa reviewer na hawak niya.

"M-Mal..." Mahinang sambit ni Seulgi dahil di niya inexpect yun from Irene. Bigla tuloy lumakas yung tibok ng puso niya at nararamdaman yun ni Irene na nag pipigil ng ngiti.

"Shhh... now stop staring at them na." Sabi ni Irene.

"Mag pasintabi naman kayo sa mga single, tangina." Natatawang sabi ni Byul.

"Pag inggit, pikit! Tangina ka!!" Natatawang sabi ni Seulgi sabay hagis ng bimpo na may pawis ni Lisa.

"Ang dugyot!" Natatawang sabi ni Byul.

Pag tapos ng practice ni Lisa ay agad naman itong tumakbo papunta sa mga kaibigan niyang nakaupo sa bleachers.

"Nagyaya ng inuman mga teammates ko! Sama daw kayo?" Sabi ni Lisa ng nakangit.

"G ako!" Sabi agad ni Jennie at sumang ayon rin naman ang iba.

Liningon ni Seulgi si Irene.

"Sama tayo, Mal?" Tanong ni Seulgi.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
catseulrene
I'll try mag regular updates na since di na ako ganon ka busy! :))

Comments

You must be logged in to comment
Taelepani
#1
Chapter 33: otornim you’re back 🥺🥺🥺
Goeynceilove
45 streak #2
Chapter 33: Author-nim Update Juseyo 🥹🙏🐻🐰
AnneTokki #3
Chapter 33: Wishing for for new chapter 🥹
RVSone0105
892 streak #4
Chapter 33: Hahahaha wag ka pahalata mumsh Irene na affected ka parin 😉
jenlisaxx #5
Chapter 33: Irene pass sa halata HAHAHAHAHA
iamriou_
1162 streak #6
Chapter 32: Feeling ko pinsan ni Seulgi!! SDJAKHSAKDHAS
eunxiaoxlove #7
Chapter 33: Everyone: O.O
Me: O.O

Irene reject Seunho pls
green99 #8
Chapter 33: aackkkk
green99 #9
Chapter 32: ahhhhh, excited for the nc ehe
eunxiaoxlove #10
Chapter 32: Lovin the updatessss. Hoping Irene gets jealous