.22

Minsan Sa Morayta
Please Subscribe to read the full chapter

XXII

Panibagong taon, panibagong semester. Syempre sabay sabay nag enroll ang mag babarkada para magkakaklase ulit sila sa mga subjects lalo na sa mga major subjects nila. Si Seulgi ay umalis na rin sa kaniyang part-time job sa 7/11 para makapag focus ito sa kaniyang pag-aaral.

Bago bumalik ng Manila si Seulgi para mag enroll ay bumisita sa kanila ang pinsan niyang si Suzy na isang abugado at dahil dun mas nainspire siya mag aral ng todo. Dahil rin sa pinsan niya, parang nagkaroon siya ng interest na kumuha ng law pag tapos niya ng college. Kaya naman sabi ng pinsan niya kung mag aabugado daw si Seulgi ay iisponsoran niya ito hanggang makatapos itong ng kolehiyo at ng law school. Naisip naman ni Seulgi na napakagandang oppurtunity ito kaya naman kinuha niya na. 

"Nice, magkakaroon na kami ng abugadong kaibigan!" Sabi ni Lisa.

"Ayos yan, Austie. Pag ako nakulong abugado kita ha?! Libre na ako ha?!" Nakakalokong sabi ni Byul. 

Inip na inip na ang magkakaibigan dahil sobrang haba ng pila sa bayaran ng tuition fee at parang hindi pa umuusad ang pila nila dahil na rin sa mga sumisingit.

"Ako bahala sa inyo kaya maging kriminal na kayong lahat mga gago!" Pabirong sabi ni Seulgi.

"Mukhang mag babagong buhay na tropa namin a! Support kami diyan! St. Seulgi Austria ipanalangin mo kami!" Sabi ni Wendy habang hinaplos si Seulgi na parang Santo atsaka nag sign of the cross.

"Gago ka, Wendy! Minus ligtas points ka nanaman boi!" Natatawang sabi ni Seulgi.

"Ituloy tuloy mo na yan, Austie! Para naman mabawasan ang mga free loader sa tropahang 'to! Oo kayo yon, Byul at Lisa!" Sabi ni Jennie habang umiirap.

"Guys may isa pa kong goal ngayong sem!" Sabi ni Seulgi na parang di siya sure kung sasabihin niya ba sa barkada niya or hindi.

"Ano????????" Tanong ng barkada niya.

"Balak ko tumakbo ng student council. Hehe." Sabi ni Seulgi na medyo nahihiya pa.

Nagtawanan naman sina Lisa at Byul habang seryoso naman nakikinig si Jennie at Wendy.

"Atleast si Seulgi may plano sa buhay! E kayo mga palamunin!" Sabi ni Jennie atsaka binatukan si Byul at Lisa.

"Hehe joke lang naman jenniebeybs e!" Sabi ni Lisa.

"San mo balak mag run for office? Sa MassCom or sa FEUCSO?" Tanong ni Wendy.

"Gusto ko sana sa FEUCSO." Sabi naman ni Seulgi.

"Kung sa MassCom ka tatakbo masesecure natin yung win mo pero medyo 50-50 pag sa FEUCSO dahil buong university ang boboto." Sabi ni Wendy kay Seulgi.

"Well knowing Austie, sa FEUCSO niya balak tumakbo syempre dahil kay Diwa." Sabi ni Jennie habang nagkikibit balikat at busy kakafacebook and twitter.

"Hmmm di lang naman dahil dun." Sabi ni Austie.

Syempre dahil dun talaga pero ayaw lang aminin ni Austie sa mga friends niya.

"Then why?!!??" Sabi ni Jennie while raising her eyebrow.

"Well... hmmm... pampaganda ng cv? Hehe." Di siguradong sabi ni Seulgi.

"Nice save, Mare!" Natatawang bulong ni Byul.

Maagang pumasok si Seulgi. Syempre first day and bagong buhay na siya kaya kelangan kalimutan niya na ang mga tatamad tamad days niya. Kaya naman maaga siyang bumangon at naligo. Dumiretso naman siya sa 7/11 para bumili ng Nescafe in can para yun na ang breakfast niya at para narin magising ang diwa niya.

Dumiretso na siya sa Arts Building para sa first class niya. Naninibago nga siya dahil mas nauna siya ngayon sa buong tropa niya. Inisip niya kung kelan ba yung huling beses na siya ang pinaka una sa classroom nila. Dahil maaga siya ay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
catseulrene
I'll try mag regular updates na since di na ako ganon ka busy! :))

Comments

You must be logged in to comment
Goeynceilove
27 streak #1
Chapter 33: Author-nim Update Juseyo 🥹🙏🐻🐰
AnneTokki 50 streak #2
Chapter 33: Wishing for for new chapter 🥹
RVSone0105
873 streak #3
Chapter 33: Hahahaha wag ka pahalata mumsh Irene na affected ka parin 😉
jenlisaxx #4
Chapter 33: Irene pass sa halata HAHAHAHAHA
iamriou_
1144 streak #5
Chapter 32: Feeling ko pinsan ni Seulgi!! SDJAKHSAKDHAS
eunxiaoxlove #6
Chapter 33: Everyone: O.O
Me: O.O

Irene reject Seunho pls
green99 #7
Chapter 33: aackkkk
green99 #8
Chapter 32: ahhhhh, excited for the nc ehe
eunxiaoxlove #9
Chapter 32: Lovin the updatessss. Hoping Irene gets jealous
iamriou_
1144 streak #10
Chapter 31: Yiiiee. Regardless kung anong nangyari noon, kay Austie pa rin babalik si Diwa. 👉🏻👈🏻