.02

Minsan Sa Morayta
Please Subscribe to read the full chapter

II

Nagising si Irene around 8am at nag simula siyang mag-ayos ng sarili, nang matapos siya ay malapit na mag 9:30am kaya naman agad niyang kinuha ang kaniyang bag at umalis na sa kaniyang apartment. Mabuti nalang rin at walking distance lang din ang apartment niya papuntang FEU. Bilang student leader,gusto ni Irene pumasok ng mas maaga dahil na rin may mga kailangan pa siyang gawin as a student leader at para na rin makapag aral bago mag simula ang klase nila.

Bagong lipat lang rin si Irene sa apartment niya sa may P. Campa at isa sa rason ng paglipat niya ay upang hindi na siya mahassle sa pag commute paputang school dahil nakakapagod nga naman talaga ang mag uwian lalo na at traffic pa. Nakagawian na rin Irene na hindi kumain ng breakfast bago pumasok, ganoon naman talaga siguro pag mag-isa ka lang nakatira at ang kasama mo lang ay ang roommate mo na busy rin sa studies niya, kaya walang magluluto para sa iyo hindi tulad noong high school ka na, paggising mo ay may naka handang ng breakfast sa lamesa bago ka pumasok. Kaya naman naisipan nalang niyang dumaan sa 7/11 na malapit sa school nila para bumili ng Chuckie at Sneakers chocolate bar upang pang tawid gutom hanggang mag lunch. Being college student means kelangan mo pagkasiyahain ang oras mo for acads and personal life kaya nga madalas e neglected na ang health ng mga estudyante.

Pagtapos bumili ni Irene dumeretso na ito sa Gate 4 kung saan siya nag tap ng ID at nagpacheck ng bag. Pag tapos tusuktusukin ng guard ang bag niya, ay dumeretso na ito sa kanilang classroom sa Education Building. Kumukuha nga pala ng kursong Bachelor of Early Childhood Education si Irene dahil pangarap niyang maging isang pre-school teacher.

"Ate, fourth floor po." Sabi ni Irene sa Jammas. (FEU Jammas ang tawag sa Janitorial Maintenance team ng FEU)

"Ang ganda talaga ni Ms. Diwa." Biro ni ateng jammas kay Irene.

Friendly ang mga jammas sa mga estudyante, lalo na yung mga naka'assign sa elevators dahil nakakakuwentuhan eto ng mga estudyante. Lalo na at student leader si Irene at madalas ay tambay lang ito sa school, marami na rin siyang mga nakakausap at nakakabiruan na Jammas.

"Ate talaga nang bola pa." Nakangiting sabi ni Irene.

Hindi na bago kay Irene na makarinig ng complement na maganda siya, marami ring gustong mang ligaw sa kaniya subali't wala pa sa isip niya ang pag boboyfriend pero hindi rin naman niya idinidismiss ang ideya ng love. Pag dating ng fourth floor ay di kinalimutan mag pasalamat ni Irene kay ateng Jammas.

"Madam Sec!" Tawag sa kaniya ng Kaibigan niyang si Yeri pag pasok palang neto sa classroom nila.

Si Yeri ay isa sa kaibigan ni Irene. Siya yung tropa niyang sobrang dami ng kaibigan galing ibang course or institute. Isa din sigurong dahilan nang pagkapanalo ni Irene noong electioin ay itong si Yeri, pano ba naman kahit saan sila pumunta para mag campaign e may kaibigan si Yeri at kukumbinsihin niya sila upang iboto ang kaniya kaibigan. Social butteryfly nga ang tawag sa kaniya sa department nila. 

"Blooming ang Diwata ngayon, may bago bang manliligaw?" Pabirong sabi ni Joy kay Irene.

Si Joy naman yung kaibigan nilang kikay. Siya yung di baleng walang ballpen at papel basta may polbo at liptint sa bag. Pero  kahit na kikay yang si Joy, matalino naman yan. Siya yung tipong kahit di mag review at stock knowledge lang, yun perfect parin sa quiz.

"Ano ba, ako lang to." Pabirong sabi naman ni Irene.

First subject nila eto ngayong araw, malaki ang possibility na wala ang professor nila dahil madalas hindi pumapasok ng first meeting ang mga professors dahil na rin sa adjustment period pa at may mga hindi pa naka enroll na estduyante gawa ng online enrollment-- nagkakaubusan ng slot at palaging nag cacrash ang school website dahil sa sobrang daming enrollees.

"Pustahan wala pa si Sir." Sabi ni Yeri.

"True, andami pa kasing hindi makapag enroll." Sambit ni Irene.

"What's new palagi nalang hassle dahil sa online enrollment." Sabi ni Joy habang ipinaikot ang mata sa inis.

Naistorbo sa paguusap ang magkakaibigan ng bigla silang nagulat nang biglang may naghihiyawan sa katabing classroom.

"Ano ba yun ang ingay." Inis na sabi ni Joy.

"Baka may PE class sa kabila, diba yung ibang classroom dito is for table tennis?" Sagot ni Irene.

"Teka check ko nga." Sabi naman ni Yeri at lumabas upang silipin kung anong ginagawa ng mga taga kabilang classroom.

Pag pasok ni Yeri sa katabing classroom ay nakita niya ang limang magkakaibigan na sina Seulgi, Byul, Lisa, Wendy at Jennie na busy sa Mobile Legends.

"Walang klase dito?" Tanong niya.

Napalingon naman ang mga magkakaibigan sa direksiyon niya habang si Yeri naman ay naglalakad palapit sa mga mag babarkada upang makinood sa laro nila. Tumabi siya kina Wendy at Jennie dahil yung dalawa ay nakaupo sa likoran ng tatlo habang nanonood ng game.

"Wala, nagpapalamig lang para sulit tuition ko." Pabirong sabi ni Seulgi habang focus parin sa ML.

"Oo nga naman." Natatawang sagot ni Yeri.

"Uy walang bantay sa bot o!!" Sabi ni Yeri habang tumuturo sa screen ni Seulgi.

"Oy tangina naman Lisa! Wag ka umalis sa bot tangina andun si Zilong! Defend mo lang!" Sigaw ni Seulgi kay Lisa.

"Ano pangalan mo? Sali ka next game?" Tanong ni Byul habang saglit na tinignan si Yeri. Alam na nila Jennie at Wendy na type nanaman netong si Byul si Yeri kaya naman napapailing nalang ang dalawa sa gilid habang patawa tawa lang.

"Yeri nga pala. Ano ba rank niyo?" Tanong ni Yeri.

"Mythic kaming tatlo." Sabi ni Byul.

"Ahh, elite II lang ako e." Natatawang sabi ni Yeri.

"Edi mag classic lang tayo!" Yaya ni Byul.

"Pota bobo ka naman maglaro byul e pabuhat ampota!" Sabi ni Seulgi.

"Onga magaling lang mangtrashtalk!" Biro rin ni Lisa at nag apir sila ni Seulgi na sinamaan naman ng tingin ni Byul.

"Tangina niyo mag 1v1 tayo mga bobo!" Sabi ni Byul.

Si Irene at Joy naman sa kabilang classroom ay nagtataka na kung bakit ang tagal naman sumilip ni Yeri sa kabilang room. Akala nila ay baka may nakita lang si Yeri na kaibigan niya sa hallway kaya nakipag chikahan siya saglit pero nung sumilip si Joy sa hallway ay wala naman dun si Yeri, kaya naman sinilip nalang niya yung katabing classroom at doon niya nakita ang kaibigan na may kasamang lima mag totropa at mukha silang mga busy. Tinawag naman agad ni Joy si Irene upang puntahan nila si Yeri.

"Putangina Lisa, kill steal ka pota ako naman gumamit ng SS kay Layla e!" Sigaw ni Seulgi kay Lisa ngunit pag lingon ni Seulgi sa may pinto ay nakita niya yung crush niyang si Irene. Napatawa naman si Irene sa biglang pagiba reaksyon ni Seulgi paglingon sa direksyon niya. 

"Oh ayan patay ka tuloy gago, landi pa more." Biro ni Byul kay Seulgi.

Tinawag naman nina Jennie at Wendy sila Joy sa tabi nila. Si Joy at Yeri ay Mobile Legends player pero hindi tulad nila Lisa, Byul at Seulgi na batak sa pag lalaro. Casual player lang sila tulad ni Jennie at Wendy pero si Irene ay bano at wala talagang alam sa mga mobile games except sa candy crush-- proud siya dahil level 535 na siya.

"Nag lalaro ka niyan?" Tanong ni Wendy kay Joy.

"Saks lang, warrior II ako." Natatawang sabi ni Joy.

"Ah, same tayo." Sabi naman ni Wendy habang nahihiya at di makatingin ng diretso kay Joy.

Siniko ni Jennie si Wendy.

"Type mo no?" Bulong ni Jennie habang nakangiti ng nakakaloko sa kaibigan.

"Saks lang." Pakindat na sabi ni Wendy na ikinatawa naman ni Jennie.

Sa kabilang side naman ay pasimpleng humaharot si Seulgi kay Irene.

"Irene dito ka nalang umupo para sa tapat ka ng aircon." Alok ni Seulgi sa upuan niya kay Irene.

"Para tong sira, ayos lang di naman mainit." Umiiling habang natatawang sabi ng dalaga.

Habang naglalaro si Seulgi ay panay ang sulyap neto kay Irene. Ilang beses na nga rin siyang na kill steal ni Lisa pero wala lang sa kaniya pati yung death niya na zero kanina ay naging tatlo na. Kung ganito ba naman kaganda ang future girlfriend niya ay aba, kaya niyang ipagpalit ang mobile legends para sa kaniya no.

"Pota Seulgi mamaya ka na lumandi diyan, pag ako nabawasan ng star isasapok ko tong selpon ko sayo." Sabi ni Lisa.

"Tangina kang kill steal ka, ikaw pa galit." Sagot ni Seulgi ng tumatawa.

Natatawa nalang rin si Irene sa kanilang magkaibigan. Natapos ang game nila at masaya naman ang magkakaibigan dahil napanalo nila ang game at hindi sila nabawasan ng stars.

"Marunong ka mag laro?" Tanong ni Seulgi kay Irene.

"Hindi e hanggang candy crush lang ako." Natatawang sabi ni Irene.

"Gusto mo turuan kita?" Sabi nito habang pinapakita yung screen sa dalaga.

"Mahirap ba yan?" Natatawang sabi ni Irene pero nakikinig naman siya sa turo ni Seulgi.

"Sino gusto mo gamitin natin?" Tanong ni Seulgi habang pinapakita kay Irene yung mga heroes.

"Eto eto." Turo ni Irene kay Miya.

"Si Miya, gusto mo archer?" 

"Cute kasi nung outfit niya." Natatawang sabi ni Irene.

"Alam mo kung sino gusto ko?" Tanong ni Seulgi.

"Sino? Yung gamit mo kanina?" Seryosong tanong ni Irene.

"Mali. Ikaw." Sabi ni Seulgi.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
catseulrene
I'll try mag regular updates na since di na ako ganon ka busy! :))

Comments

You must be logged in to comment
Taelepani
#1
Chapter 33: otornim you’re back 🥺🥺🥺
Goeynceilove
33 streak #2
Chapter 33: Author-nim Update Juseyo 🥹🙏🐻🐰
AnneTokki #3
Chapter 33: Wishing for for new chapter 🥹
RVSone0105
879 streak #4
Chapter 33: Hahahaha wag ka pahalata mumsh Irene na affected ka parin 😉
jenlisaxx #5
Chapter 33: Irene pass sa halata HAHAHAHAHA
iamriou_
1150 streak #6
Chapter 32: Feeling ko pinsan ni Seulgi!! SDJAKHSAKDHAS
eunxiaoxlove #7
Chapter 33: Everyone: O.O
Me: O.O

Irene reject Seunho pls
green99 #8
Chapter 33: aackkkk
green99 #9
Chapter 32: ahhhhh, excited for the nc ehe
eunxiaoxlove #10
Chapter 32: Lovin the updatessss. Hoping Irene gets jealous