.08

Minsan Sa Morayta
Please Subscribe to read the full chapter

VIII

"Seul buti wala si Madam Sec. ngayon?" Tanong ni Byul habang kumakain ng siopao.

Si Byul at Lisa ay nakatambay ngayon sa 7/11 dahil kakatapos lang nilang mag all nighter sa TNC kakalaro ng LoL at dahil madaling araw na ay sarado na ang mga dorm nila. Kaya naman sa 7/11 nalang sila nagpalipas ng oras habang nag hihintay magsibukas ang mga uuwian nila.

"Masakit daw ang ulo, may migraine daw." Sabi naman ni Seul habang nag bibilang ng pera sa counter.

"Ano plano mo sa kaniya? Mukha lakas ng tama mo. Easyhan mo lang, Austie baka mabroken hearted ka lang." Sabi ni Byul na busy sa paglamon.

"Oo nga men. Basta maganda, delikado yan. Dami ka kaagaw." Sabi ni Lisa habang nakikagat sa siopao ni Byul.

"Kaya mga panget takbo ng lovelife niyo. Pinapangunahan kayo lagi ng takot. Bakit ka pa mag-mamahal kung ayaw mo naman masaktan? Parang tanga lang. Part ng love ang pain. You just have to find the person na sa tingin niyo worth it ng sakit." Explain ni Seulgi.

"Tangina pre, san galing yon?" Natatawang sabi ni Byul.

"Nainlove ka lang para ka ng sinaniban ni Crisostomo Ibarra, par. Iba talaga ang nagagawa ng isang Irene Diwa." Sabi ni Lisa.

Natatawa sina Byul at Lisa kay Seulgi dahil hindi sila sanay na marinig yung mga makabagbag damdaming sinasabi ni Seulgi. Lalo na at mukhang seryoso si Seulgi sa sinabi niya na mas naging nakakatawa para kina Byul at Lisa.

"Pero teka lang, yung si bal mo, sure ka ba na tropa mo lang yun?" Nakakalokong tanong ni Byul.

"Oo naman! Gago wag kang issue!" Sabi ni Seulgi. Nagtataka naman siya kung bakit natanong yun ni Byul. Wala naman siyang sinabihan sa tropa niya na nagkaroon siya ng feelings kay Jisoo noong high school sila.

"Tol kamukhang kamukha kasi ni Jisoo si Irene. Naisip ko nga na baka nagustuhan mo lang si Irene dahil kahawig siya ng bal mo." Makahulugang sabi ni Lisa.

"Kung gagawa lang kayo ng issue mga depunggal kayo, mabuti pa na mag si layas kayo dito!" Pabirong sabi ni Seulgi.

Napaisip naman si Seulgi. Hindi naman niya napansin na medyo magkahawig sina Jisoo at Irene, narealize lang niya ito ng sabihin ng mga kaibigan. Nagustuhan nga lang ba niya si Irene dahil kahawig ito ng bestfriend niya? Hindi rin sure si Seulgi. Kung tatanongin siya ngayon kung may feelings parin ba siya kay bal, ang isasagot niya ay 'syempre hindi naman mawawala yun eh'. 

"Pero realtalk Austie, isa isa lang ha? Baka mamaya magising ka nalang pareho silang nawala." Pabiro pero makahulugan na sabi ni Byul.

"Nako Byul, hindi nga tayo sure kung gusto yan ni Diwa. Kaya sa ngayon, team Bal ako!" Natatawang sabi ni Lisa.

"Basta ako, team Mal! Team Mal lang malakas!" Sabi naman ni Byul.

"Para kayong mga ogags. Lakas ko naman maka igop niyan! Di na ako lugi sa kanilang dalawa mga erp." Pabirong sabi ni Seulgi.

"Tanginang jejemon to, ang gaganda ng mga chix." Natatawang sabi ni Byul.

"Ikaw lang naman walang chix dito, Byul! Weak!" Kantsaw ni Seulgi.

"Etong si Lisa weak rin gago. Hanggang parinig at tsansing lang rin kay Jennie!" Pabirong sabi ni Byul.

"Yun kasi technique ng mga pogi, Byul. Tamang pacute lang. Di mo yan alam kasi di ka pogi!" Sabi ni Lisa at sabay nag apir sila ni Seulgi.

"Take note ka naman sa mga kaibigan mong igop para makahanap ka ng chix mo!" Natatawang sabi ni Seulgi.

Nagising ng maaga si Irene dahil na rin siguro maaga siyang nakatulog kagabi dahil sinumpong siya ng migraine. Una niyang ginawa pag gising ay mag check ng mga unread messages. May mga message from student council, group chat ng block nila, group chat nilang magkakaibigan pero mostly ay messages from Seulgi.

Natawa naman siya sa mga message ni Seulgi sa kaniya. Pano ba naman alam na nga ni Seulgi na tulog na si Irene ay send pa rin ito ng send ng kung ano ano kay Irene. Sinend lang naman niya yung lyrics ng Buko ni Jireh Lim tapos nag send rin ito ng mga memes at marami pang funny messages. 

Ibababa na sana ni Irene yung cellphone niya ng makatanggap eto ng message mula kay Suho.

Suho: Can we meet?

Irene: When?

Suho: I can pick you up right now. Haha. :)

Irene: Wait 30 minutes then you can pick me up. Pero saglit lang ha? I have class in the afternoon. :)

Suho: Alright, boss! :)

Ever since na naging close si Irene kay Seulgi ay malimit nalang isipin ni Irene si Suho. Sa tingin rin ni Irene na time na para patigilin si Suho sa panliligaw. Dati pa naman gusto ni Irene patigilin si Suho, nung malaman palang niya na lilipat ng school ang binata. Ayaw kasi ni Irene na mawala ang focus niya sa studies niya at alam niyang magiging sagabal lang ang relationship nila sa pag-aaral niya lalo na at magkaibang University pa sila mag-aaral. Mas mahirap 'yon. 

Pero kahit na alam niyang na medyo nagkakaroon na siya ng feelings kay Seulgi, ay alam niya rin ang limitations niya. Hindi pa siya ready mag commit sa relationship sa ngayon at lalo na rin ay hindi siya sure kung paano ang magiging takbo ng relationship nila ni Seulgi pag nagkataon. Irene doesn't dismiss the idea of dating a girl, pero natatakot siya sa consequences neto lalo na sa mga sasabihin ng tao sa kaniya or sa kanila --- specifically yung parents niya. Yun din ang pinaka rason kung bakit di niya mapayagan si Seulgi na manligaw sa kaniya. She just lied to Yeri and Joy about the real reason on why di niya pinapayagan manligaw si Seulgi. Natatakot kasi siya na baka mag iba ang tingin sa kaniya ng mga kaibigan niya.

After mag ayos ni Irene ay bumaba na siya dahil andun na si Suho na naghihintay sa kaniya. Binati ni Suho si Irene atsaka sila nag punta sa Strabucks P. Noval para dun mag-usap. Ayaw na rin kasing lumayo ni Irene dahil may pasok pa siya ng afternoon.

"How are you?" Suho said.

"I'm good naman. I hope ikaw rin." Nakangiting sabi ni Irene.

"I want to tell you na hindi ako hihinto manligaw sayo. I will prove to you na pwede tayo mag work kahit hindi na tayo same ng University. Ang lapit lang ng España sa Morayta kaya makakaya 'to without jeopardizing our studies." Sabi ni Suho na hopeful sa magiging sagot ni Irene.

"Suho... You know naman na acads ang priority ko diba? I'm sorry but you can stop now. Alam naman natin na it will never work for me. It's not you, trust me.  Kasi, it's me. I don't think this will ever work. I'm sorry."

"Ilang beses mo ko binasted bago mo ko pinayagan manligaw pero basted din pala ending." Natatawang sabi ni Suho.

"Sorry talaga, Suho."

"Still a heartbreaker, Diwa. Pero don't worry, it's fine. But to give you a heads up, di ako ganun kabilis sumuko." Nakangiting sabi ni Suho.

After that meeting with Suho, dumiretso na sa school si Irene. Hindi na rin ito nagpahatid kay Suho dahil ayaw naman niya na isipin ng binata na pinapaasa pa siya neto. She want

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
catseulrene
I'll try mag regular updates na since di na ako ganon ka busy! :))

Comments

You must be logged in to comment
Taelepani
#1
Chapter 33: otornim you’re back 🥺🥺🥺
Goeynceilove
32 streak #2
Chapter 33: Author-nim Update Juseyo 🥹🙏🐻🐰
AnneTokki #3
Chapter 33: Wishing for for new chapter 🥹
RVSone0105
878 streak #4
Chapter 33: Hahahaha wag ka pahalata mumsh Irene na affected ka parin 😉
jenlisaxx #5
Chapter 33: Irene pass sa halata HAHAHAHAHA
iamriou_
1148 streak #6
Chapter 32: Feeling ko pinsan ni Seulgi!! SDJAKHSAKDHAS
eunxiaoxlove #7
Chapter 33: Everyone: O.O
Me: O.O

Irene reject Seunho pls
green99 #8
Chapter 33: aackkkk
green99 #9
Chapter 32: ahhhhh, excited for the nc ehe
eunxiaoxlove #10
Chapter 32: Lovin the updatessss. Hoping Irene gets jealous