.09

Minsan Sa Morayta
Please Subscribe to read the full chapter

IX

"Excited na ako mag EK bukas!" Sabi ni Seulgi habang iniikot ang ballpen sa kamay niya.

Last period na nila at tinatapos nalang ng magbabarkada yung iniwan na activity ng professor nila tapos pwede na sila umuwi.

"Ako rin brody, excited na para sayo!" Natatawang sabi ni Byul.

"Kelan ba dating ni Jisoo sa Manila?" Tanong ni Wendy.

"Mamaya susunduin ko siya sa terminal ng bus. Daanan niyo nalang kami sa dorm bukas, jen!" Sabi ni Seulgi.

"Alright basta wag kayo tulog mantika ah! Ayoko mahapunan para sulit yung time natin!" Sabi naman ni Jennie.

Nang matapos na nila ang activity nila ay agad naman nilang pinuntahan sina Irene sa Freedom Park. Na busy mag magkwentuhan at mag tawanan. Naiinis naman si Seulgi sa dami ng matang nakatingin kay Irene. Kung pwede niya lang tusukin mga mata nila ay  tiyak, bulag na mga yun.

"May work ka mamaya?" Tanong ni Irene kay Seulgi.

"Di ako papasok mamaya. Nagpacover ako ng shift kay Dahyun. Baka sa dorm nalang, Mal." Sabi naman ni Seulgi.

Naalala naman ni Irene na short sa allowance si Seulgi kaya naman balak niya nalang ayain si Seulgi na kumain ng dinner sa apartment niya.

"Punta ka nalang sa apartment. I'll cook dinner for us, okay?" Nakangiting sabi ni Irene.

"Talaga, Mal? Parang mag jowa lang ah!" Kinandatan ni Seulgi si Irene.

"Stop that, Austie. Ampanget panget." Pabirong sabi ni Irene.

"Ayos lang yun, Mal. Humanap ka ng panget at ibigin mo ng tunay! KAYA MAHALIN MO NA KO PUHLEASE!" Sabi ni Seulgi na parang bata.

"Austria mag hunus dili ka nga diyan mukha kang pwet na may almuranas!" Sabi ni Byul habang tumatawa at napatawa naman silang lahat. Para kasing bata kung mag whine si Seulgi akala mo kinulang sa aruga.

"Anyway, ano gusto mong ulam?" Tanong ni Irene kay Seulgi.

"Ikaw!" Biro ni Seulgi habang pataas taas pa siya ng kilay kay Irene pero syempre sinamaan lang siya ng tingin ni Irene.

"Joke lang. Hehe. Adobo po, Mal." Pacute na sabi ni Seulgi.

"Okay, I'll wait for you para sabay na tayo mag dinner, okay?"

"Yes, Mal!" Sabi ni Seulgi.

Nag punta muna ang mag babarkadang sina Seulgi, Byul, Lisa, Wendy at Jennie sa bahay nila Wendy para makikain dahil birthday ng kapatid ni Wendy. Pag tapos naman nun ay dinaan na nila si Seulgi sa Avenida Bus Terminal kung saan hihintayin ni Seulgi si Jisoo.

After class naman ni Irene ay dumiretso agad sa grocery store na malapit sa apartment niya upang bumili ng mga gagamitin niyang igredients para sa Adobo. Hindi naman talaga marunong mag luto si Irene pero gusto niya parin lutuan si Seulgi-- ewan din niya kung bakit pero gusto niya kasi pag natutuwa si Seulgi. 

Dahil hindi naman marunong mag luto si Irene ay hirap na hirap siya mag hiwa ng sibuyas at mag pitpit ng bawang. Hindi rin pantay pantay ang pag cut niya sa mga ito. Tancha tancha lang din sa paglagay ng mga ingredients at buti naman ay pasado parin sa panlasa ang adobo na ginawa niya. Napangiti naman si Irene nang makita yung pinaghirapan niyang lutuin dahil kahit na nahirapan siya alam naman niya na magugustuhan ito ni Seulgi.

Tinignan niya ang relo niya at naisip na medyo may time pa kaya naman naligo muna siya at nag-ayos. Pagtapos niya naman mag-ayos ng sarili ay inayos na rin niya yung table dahil malapit na rin siguro makadating si Seulgi. Kanina niya pa tinitext si Seulgi pero di naman nag rereply kaya hinintay nalang niya ito. Dahil na rin sa pagod nang pagluto ay nakaidlip nalang si Irene sa lamesa.

Mga 10pm nang magising ito sa isang phone call.

"Hello?" Sabi ni Irene na halatang bagong gising.

"Hello Mal? Sorry nakalimutan ko na susunduin ko pala si bal sa terminal ngayon tapos nalowbatt rin ako kaya di ako nakapagtext kanina. Nag dinner na kami ni Jisoo together. Hinintay mo ba ako?" Malungkot na tanong ni Seulgi.

Napatingin naman si Irene sa nilutong niyang Adobo.

"Hindi. Nag dinner na rin kami kanina nila Joy. Itetext sana kita na hindi na tuloy yung dinner natin pero nakatulog ako." Mahinang sabi ni Irene.

"Buti naman, akala ko hinintay mo pa ako. Sige, Mal! Goodnight! See you tom! Hehe!" Sabi ni Seulgi atsaka pinatay yung phone call.

Pag end ng phone call ay inayos na ni Irene yung lamesa at kumain nalang siya mag-isa.

Naunang sinundo sina Seulgi at Jisoo at huli sina Irene, Joy at Yeri. Dahil marami sila, ang ginamit na sasakyan ni Jennie ay yung 9-seater volkswagen para magkasya sila.  Nakaupo sa harap ang driver na si Jennie, si Lisa at si Byul. Sa likod ng driver seat naman ay si Seulgi, Jisoo at Yeri. Sa likod naman ay sina Joy, Wendy at Irene. Tatabi sana si Irene kay Seulgi kaso nung nakita niya na katabi na ni Jisoo si Seulgi ay dumiretso na ito sa likuran.

"Ano gusto niyong music?" Tanong ni Jennie.

"Ako nalang mamimilit, pwede? connect ko yung phone ko sa bluetooth." Sabi ni Jisoo.

"Sure!" Sabi ni Jennie atsaka cinonnect ito sa phone ni Jisoo.

"Bal, naalala mo yung favorite song natin nung highschool?" Natatawang sabi ni Jisoo.

"Eto ba yung...." Natatawang nag tinginan sina Jisoo at Seulgi atsaka pinlay ni Jisoo ang kanta ni Andrew E. na Banyo Queen.

Intro palang ng kanta ay tawa na ng tawa sina Byul.

"Tangina kagandang jologs neto!" Pabirong sabi ni Byul kay Jisoo.

Nag reready na sina Jisoo at Seulgi para sa pang malakasang rap nila. Memorize kasi nila yung kanta by heart kaya hinding hindi nila kelangan ng kopya ng lyrics. Nang mag simula ang kanta at ginagaya pa ni Seulgi yung boses ni Andrew E. na sobrang nakapag patawa sa mga mag babarkada.

"Grabe, bal! Kuhang kuha mo pa rin yung boses ni pareng Andrew!" Natatawang sabi ni Jisoo habang pabirong hinampas yung braso ni Seulgi.

"Putangina nung nag hagis siguro ng kajejehan si Lord, nag dala pa ng timba si Seulgi!" Tawang tawa si Byul. Pano ba naman may kasama pang dance step si Seulgi habang nag rarap.

Habang nagtatawanan naman ang mag babarkada sa kajejehan ni Seulgi ay may isang tao na ilang beses nang umiirap habang pinapanood mga malagkit na hampas ni Jisoo kay Seulgi. Nung lahat ay sumasabay na din sa rap ni Seulgi, si Irene naman ay nakatingin lang sa bintana habang minsan ay lumilingon kay Seulgi na enjoy na enjoy sa intermission number niya. Naiinis kasi siya kay Seulgi, kinalimutan na nga yung dinner nila kagabi tapos ni hindi man lang siya pansinin ngayon. Pero hindi naman daw siya nagseselos kasi nga friends lang naman daw sila.

"Di pa ba masakit yang mata mo? Kanina pa ikot ng ikot yan ah!" Natatawang bulong ni Joy.

"Sinasabi mo diyan? Umiidlip ako dito no." Sabi ni Irene habang kunwaring pumipikit.

"Lokohin mo lelang mo, Irene. Selos ka lang kay bal ih. Maganda na tapos parehas na parehas pa sila ng trip ni Seul, Bagay na bagay." Pang aasar ni Joy.

"Excuse me, I can be jologs too if I want." Irap ni Irene kay Joy.

"Ikaw? Jologs? Di mo bagay sis. I don't think kaya mo." Natatawang sabi ni Joy. Di niya kasi maisip na nakikinig si Irene ng mga jologs songs. I mean, Irene supports OPM and loves Filipino music pero di niya lang talaga makita na sumasabay si Irene sa mga kanta ng Sagpro at Salbakuta kaya di mapigilan matawa ni Joy.

"Ako next na mag papatugtog!" Nagulat ang lahat ng magsalita si Irene na kanina pa tahimik.

"Mal! Akala ko tulog ka! Ano gusto mo music? Taylor Swift? Ed Sheeran?" Nakangiting Tanong ni Seulgi. Di naman siya pinansin ni Irene at inirapan lang.

"Kabet ng Gagong Rapper." Sabi ni Irene like a boss.

"Uy lumalaban si Mal!" Natatawang kantsaw ni Byul.

"Wag masyado magdididikit kay Austie at baka maging jologs din kayo." Sabi ni Jennie habang natatawa sa driver seat.

"Tropa ko yan!!" Natatawang sigaw ni Yeri nang mag simula na yung kanta.

Mabilis naman sinearch ni Irene yung lyrics ng Kabet. Hindi niya kasi memorize 'to at nadidinig lang niyang pinapatugtog ni Seulgi pag magkasama silang tumatambay sa apartment niya or kapag naka duty 'to sa 7/11, eto yung mga kanta na nasa playlist ni Seulgi. Kaya naman kahit di trip ni Irene ang mga ganitong kanta ay na'LSS na rin siya.

"Kay sakit namang isipin na sa puso mo ako'y pangalawa" Unang line palang ng kanta ni Irene ay napacheer na agad yung tropa niya habang ang lalakas ng tawa pano ba naman with feelings niya 'to kantahin.

"Tangina, with feelings yung manok ko!" Natatawang sabi ni Byul.

"sa tuwing makikita kitang kasama siya pinipikit ko ang aking mga mata, at sa gabing kasama mo siya halos hindi ako makahinga, kayakap ko ang bote ng tequila nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa naghihintay hanggang sumapit ang umaga nang muli kang makasama..." Mas lalo pa silang natawa nung may pa hand gesture pa si Irene na akala mo talaga ay professional rapper siya.

"Mal!! Di mo naman sinabi na nag mana ka pala sakin!" Tawang tawa naman si Seulgi habang pinapanood si Irene.

Napahawak naman si Jisoo sa braso ni Seulgi habang nakikitawa rin ng medyo pilit. Hindi naman sa ayaw ni Jisoo kay Irene pero as a 'bestfriend', she doesn't trust her yet pag dating kay Seulgi. Last night kasi nung sinundo siya ni Seulgi sa bus terminal ay nagusap rin sila about life and ayun, nakwento na ni Seulgi si Irene kay Jisoo. Masaya naman ang kaibigan niya pero syempre doubtful parin ito. Natatakot siya na baka masaktan lang ni Irene si Seulgi lalo na at wala naman silang label.

Nang matapos ni Irene yung rap niya ay mas lalo naman nag hiyawan ang mag babarkada pano ba naman kasi, after nung last line ng kanta maypa hawi pa ng buhok si Irene na talaga namang makalaglag sa ganda. 

"Irene Diwa, binuhay mo diwa ko!" Natatawang sabi ni Seulgi.

"Wala talaga sa vocabulary mo ang magpatalo no?" Pangaasar na bulong ni Joy sa kaibigan at napataas ng isang kilay si Irene habang nakangiti as a reply to Joy. Napapailing na natatawa nalang si Joy sa inaasta ni Irene. Pano kasi, sinasabi ni Irene palagi na hindi niya gusto si Seulgi but her actions towards Seulgi is different.

Nang may makita silang gas station ay nag stop over muna sila dahil may mga gusto munang mag punta ng comfort room at nagugutom na rin sila. Para makapag lunch na rin sila and diretso nalang sila sa EK pagdating ng Laguna. Nakapila sa Starbucks si Irene para bumili ng maiinom nila habang si Seulgi naman ay kakalabas lang ng comfort room at ng makita niya si Irene na nakapila sa may SB ay pinuntahan niya ito.

"Hi Mal. Magkasama tayo pero namimiss parin kita! Alam mo ba mas nakakainlove ka nung nilabas mo yung pagka jologs inside mo." Natatawang biro ni Seulgi.

"Duh di ako jologs." Tipid na sagot ni Irene.

"Luh, kung nakita mo lang yung mga moves mo kanina, Mal. Pramis, sobrang bagay natin!" Kindat ni Seulgi kay Irene.

"Tse. Pumila ka ng maayos kung bibili ka. Kung guguluhin mo lang ako dito, alis ka na. Shoo. Dun ka kay bal. Don't Mal me." Sabi ni Irene habang tinitulak ng marahan si Seulgi.

"Aguy! Selos ka ba?! Tsk. Hinihintay kitang tabihan ako kanina kaso na'sad ako nung nilagpasan mo lang yung upuan sa tabi ko hays." Nakapout na sabi ni Seulgi.

"Anong gusto mo?"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
catseulrene
I'll try mag regular updates na since di na ako ganon ka busy! :))

Comments

You must be logged in to comment
Taelepani
#1
Chapter 33: otornim you’re back 🥺🥺🥺
Goeynceilove
34 streak #2
Chapter 33: Author-nim Update Juseyo 🥹🙏🐻🐰
AnneTokki #3
Chapter 33: Wishing for for new chapter 🥹
RVSone0105
880 streak #4
Chapter 33: Hahahaha wag ka pahalata mumsh Irene na affected ka parin 😉
jenlisaxx #5
Chapter 33: Irene pass sa halata HAHAHAHAHA
iamriou_
1151 streak #6
Chapter 32: Feeling ko pinsan ni Seulgi!! SDJAKHSAKDHAS
eunxiaoxlove #7
Chapter 33: Everyone: O.O
Me: O.O

Irene reject Seunho pls
green99 #8
Chapter 33: aackkkk
green99 #9
Chapter 32: ahhhhh, excited for the nc ehe
eunxiaoxlove #10
Chapter 32: Lovin the updatessss. Hoping Irene gets jealous