.03

Minsan Sa Morayta
Please Subscribe to read the full chapter

III

"Excited na ako makahanap ng chickababes bukas." Sabi ni Moonbyul habang nagsasalamin sa CR sa Arts Building.

"Alam mo Byul, puro nalang babae yang lumalabas sa bibig mo. Kelan ka kaya magbabago no?" Sabi ni Jennie habang nagreretouch ng makeup.

"Ikaw kaya kelan ka magtitigil sa pagpapanggap mo na straight ka pero alam naman namin na type mo si Lisa?" Tumatawang sabi ni Byul.

Sinamaan ng tingin ni Jennie si Byul. Hindi naman sa nagpapanggap na straight si Jennie, inside joke lang nila yun. Kasi sobrang lapitin ng lalaki si Jennie at nakikipag date naman eto sa kanila kahit alam naman nila na hindi iyon ang type niya.

"Lisa over hatdog yang si Jennie, tol." Pabirong sabi ni Seulgi habang palabas ng cubicle.

"Ang baboy talaga ng bunganga mo, Austie!" Natatawang sabi ni Jennie habang pabirong hinampas ang braso ni Seulgi na naghuhugas ng kamay. 

"Speaking of Lalisa, nag text siya na may graded recitation daw." Sabi ni Jennie.

"Aba pota wala ako nabasa, dedz na!" Sabi ni Seulgi.

"Tara tol mag turon nalang muna tayo sa hepa!" Yaya ni Byul dahil wala rin itong nabasa sa reading assignment nila.

"Ano sasabihin ko dito kay Lisa? Balik na daw tayo kasi baka sila na yung susunod na matawag." Sabi ni Jennie.

"Wag mo na replyan mag turon nalang tayo!" Natatawang sabi ni Seulgi.

At ang ending ay yun, nag turon sa hepa lane ang tatlong mag kakaibigan. Nag-eenjoy ang tatlong gago habang si Lisa ay naiihi na sa upuan niya dahil wala rin siyang nabasa at sa kasamaang palad ay hindi niya katabi si Wendy dahil sa strict ang professor nila ay naka alphabetical order ang seating arrangement nila. Nung ten minutes nalang before ang dismissal napag desisyunan na nina Seulgi, Jennie at Byul na bumalik sa classroom at para di mahalata na magkakasama sila ay hindi sila sabay sabay na pumasok sa room.

Nang mag dismiss ang prof. ay agad lumapit si Lisa sa tatlong niyang kaibigan na nag cutting habang natatawa lang yung tatlo sa kalokohang ginawa nila. Naalala niyo ba na hindi umaabsent si Seulgi? Oo tama yon, hindi  siya umaabsent pero di na nila mabilang kung ilang beses na silang nag "May I go out?" pero ang diretso ay sa may turonan o sa tayuman. Tapos ang balik nila ay pag malapit na ang dismissal.

"Tanginang mag c'CR yan, di na bumalik!" Nakasimangot na sabi ni Lisa.

Natawa naman ang apat. Pababa na sila ng Arts Building upang maghanap ng makakainan sa loob ng campus dahil may susunod pa silang subject. Marami kasing pwedeng kainan sa piyu (slang term ng FEU), kaya lagi silang nag tatalo kung saan kakain pag nasa loob ng school. Pano ba naman si Seulgi gusto kumain sa Foodcourt sa EAC building or sa may NRH building kasi may aircon doon pero etong si Jennie ay ayaw doon dahil nangangamoy ulam siya paglabas. Si Byul naman ay gusto sa tayuman dahil maraming dumadaan na chix from Medtech department na katabi lang ng tayuman ang building pero si Seulgi naman ayaw niya kasi mainit, siksikan at nakatayo pa. Kaya madalas ay sa ABF Building sila kumakain para walang ng away at makakain agad para di na sila malate.

"Sana man lang niyaya niyo ko! Pota olats yung recit ko tapos absent pa ko next meeting." Sabi ni Lisa.

"Sana all may schedule ang pag absent." Pabirong sabi ni Seulgi na inapiran naman ni Lisa.

"Wag ka na mag tampo, sisihin mo yan si Jennie nang libre ng turon!" Sabi ni Byul.

"Labs bakit sila lang?! okay na ako sa jolly hotdog." Naka'pout na sabi ni Lisa.

"Yung hotdog nalang ni Jennie, Lisa." Biro ni Seulgi.

"Tanga walang hotdog si Jennie!" Sabi ni Byul.

"Tanga, sila may ari ng Big J's Hotdog!" Natatawang sabi ni Seulgi.

"Oh yun pala Lisa, busog na busog ka sa hotdog niyan!" 

"Kahit ayoko sa hotdog labs, basta hotdog mo game ako." Nakakalokong sabi ni Lisa.

"Mga hampaslupang animal! Ang bababoy talaga ng lumalabas sa mga bunganga niyo." Sabi ni Jennie habang iniirapan ang tatlo.

"Buti pa si Wendy busy lang kakatext kay Ligaya." Sabi ni Seulgi habang nakaakbay sa kaibigan at nakikibasa ng text.

"Tanong mo naman si Joy kung asan sila tapos puntahan natin." Bulong ni Seulgi kay Wendy.

"Yan sa kalandian umaariba tong si Austie! Bulong bulong ka pa diyan, amoy na amoy naman namin ang lansa mo hanggang españa." Natatawang sabi ni Byul.

"Weak naman yan! Si Wendy nakuha na number ni Joy etong si Austie hanggang bigay lang ng kopiko 78 at cup noodles!" Pabirong sabi ni Lisa.

"Wala kasi kayong alam sa babae mga kupal. Yung mga tulad ni Irene kasi mga tol, hindi minamadali yan dapat minamahal lang!" Seryosong sabi ni Seulgi kaya napabungisngis nalang sina Lisa.

Huminto muna ang mag totropa sa may bench sa tapat ng Quadrangle habang nag hihintay ng reply kay Joy. Nanonood sila ng mga nag lalaro ng volleyball. Marami kasing estudyante ang naglalaro ng volleyball sa Quad, yun kasi ang past-time ng mga estudyante dito, kaya hindi mawawalan ng mga players ng volleyball ang Quad-- partida iba ibang course pa mga yan at nagiging magkakaibigan lang dahil sa volleyball.

"Nasa Freedom Park daw sila sa may tapat ng grandstand." Sabi ni Wendy. Sabay sabay naman silang napalingon sa may grandstand at yun nakita rin nila agad sina Irene, Yeri at Joy. Sa sobrang ganda ba naman nila, makikilala at makikilala mo sila kahit na nasa malayo pa ang mga ito.

"Kita mo parin ang ganda ng future jowa ko kahit na nasa malayo siya." Nakangiting sabi ni Seulgi.

"Di kayo bagay tol. Ganda siya tapos jejemon ka." Sabi ni Byul.

"Jejemon man sa iyong paningin, ako'y pogi parin!" Sabi naman ni Seulgi na ikinatawa nilang lahat.

"Teka lang mga lods, bilhan ko lang ng biscuit at chuckie si Irene." Sabi ni Seulgi. Sumama naman sa kaniya si Wendy na bibili rin ng snacks for Joy. Nag punta ang dalawa saglit sa tayuman upang bumili at pagkatapos ay sabay sabay na ang mga ito pumunta sa freedom park kung nasaan sina Irene. Nung makalapit na ay agad agad na pumwesto si Seulgi sa tabi ni Irene-- matic na yan. Tsaka inabot ang rebisco at chuckie.

"Tatlong rebisco yan para I-Crush-You." Nakakalokong sabi ni Seulgi.

Pabirong kinurot siya ni Irene sa bewang.

"Ang kulit talag neto, sabi kong wag na ako ilibre e." Natatawang sabi ni Irene.

"Eto naman, bebente pesos lang nagastos ko kaya hayaan mo na!" Pabirong sabi ni Seulgi.

Binuksan ni Irene yung biscuit at hinati ito sabay isinubo yung kalahati kay Seulgi na ikinagulat ni Seulgi pero halata naman na kinikilig.

"Aba may subuan na nagaganap diyan ha." Pang-aasar na sabi ni Yeri.

"O eto isubo mo rin." Sabi ni Yeri sabay sapak ng rebisco sa bunganga ni Yeri.

Nakatingin si Seulgi kay Irene habang pinagmamasdan niya itong mag aral habang kumakain ng biscuit na ibinili niya para dito. Binuksan rin ni Seulgi ang chuckie baka sakaling nauuhaw na si Irene dahil mahirap lunukin ang rebisco crackers pag walang pang anod.

"Inom ka muna." Sabi ni Seulgi pagka tapos niyang itusok ang straw sa chuckie. Ininom ni Irene ang chuckie na hawak ni Seulgi nang hindi man lang ito inaabot or kahit lingonin man lang si Seulgi. Napatawa nalang si Seulgi dahil parang bata etong si Irene, ni hindi man lang siya nilingon habang umiinom dahil busy na nakatutok sa binabasa niya.

Dahil na rin sa sarap ng hangin sa freedom park gawa ng sobrang daming puno na nakapaligid dito ay di maiwasan ni Seulgi na antokin. Kaya naman dahan dahan bumibigat ang mata niya hangang sa nakaidlip na ito. Dahan dahan ring bumagsak ang ulo niya sa balikat ni Irene. Nabigla naman si Irene pero nilingon niya ang chinita sa tabi niya. Napangiti eto habang pinagmamasdan ang mukha ni Seulgi-- maputi, magandang hulma na ilong at pouty na lips. 

"Baka matunaw yan, Diwa." Bulong ni Yeri kay Irene na nagpabalik as kaniya sa realidad.

"Nagulat lang ako kasi biglang nahulog sa balikat ko to." Natatawang sabi ni Irene pero dahan dahan at mahina lang ang tawa niya para hindi magising si Seulgi at iniingatan din niya na hindi igalaw ang kaniyang mga balikat.

"Irene kung nahihirapan ka dito mo nalang itulak sa may bag ko si Seulgi. Puyat kasi yan sa work kaya masiyadong antukin." Sabi ni Byul.

"Ayos lang, wag na nating gisingin para makabawi ng tulog." Nakangiting sabi ni Irene.

Nagulat at sabay na nagkatinginan sina ang magbabarkada sa sinabi ni Irene. Alam kasi nila na kapag nalaman ni Seulgi ang nangyare ay paniguradong kikiligin siya ng sobra. Pasimpleng nilabas ni Jennie yung cellphone niya at palihim na kumuha ng picture nina Irene at Seulgi kung saan nakasandal ang ulo ni Seulgi sa balikat ni Irene.

Nang malapit na mag simula ang klase nila Irene ay dahan dahan niyang ginising si Seulgi. Marahan niyang pinisil yung pisngi ni Seulgi. Dahan dahan rin bumukas ang mga singkit na mata ni Seulgi na tila mas lalong sumingkit dahil sa nasisinagan siya ng araw. Nanlaki naman ang mata niya ng mapansin na nakasandal pa ang balikat niya kay Irene at natawa si Irene ng mapansin niya ito.

"Sumakit balikat mo?" Tanong ni Seulgi.

"Hindi naman, sakto lang." Nakangiting sabi ni Irene habang inaayos ang mga lib

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
catseulrene
I'll try mag regular updates na since di na ako ganon ka busy! :))

Comments

You must be logged in to comment
Taelepani
#1
Chapter 33: otornim you’re back 🥺🥺🥺
Goeynceilove
33 streak #2
Chapter 33: Author-nim Update Juseyo 🥹🙏🐻🐰
AnneTokki #3
Chapter 33: Wishing for for new chapter 🥹
RVSone0105
879 streak #4
Chapter 33: Hahahaha wag ka pahalata mumsh Irene na affected ka parin 😉
jenlisaxx #5
Chapter 33: Irene pass sa halata HAHAHAHAHA
iamriou_
1150 streak #6
Chapter 32: Feeling ko pinsan ni Seulgi!! SDJAKHSAKDHAS
eunxiaoxlove #7
Chapter 33: Everyone: O.O
Me: O.O

Irene reject Seunho pls
green99 #8
Chapter 33: aackkkk
green99 #9
Chapter 32: ahhhhh, excited for the nc ehe
eunxiaoxlove #10
Chapter 32: Lovin the updatessss. Hoping Irene gets jealous