.04

Minsan Sa Morayta
Please Subscribe to read the full chapter

IV

Nasa bakanteng classroom ng Arts Building ang mga magbabarkdang Seulgi, Wendy, Byul, Lisa at Jennie. Free cut sila ngayon dahil na rin maraming professor and di pumasok dahil sa event ng School nila ngayon, Tatak Tamaraw. Ang tinatawag na Tatak Tamaraw ay isa sa mga inaabangan ng mga estudyante ng FEU kadataon. Ito ay ang welcoming ceremony para sa mga tinatawag nilang "Baby Tams" o mga first year students. Busy ang mga organizations sa kanikanilang mga booth, this is their time to recruit new bloods sa mga orgs nila kaya naman may iba't ibang games at pakulo bawat booth. Syempre ang pinaka inaantay ng mga estudyante tuwing Tatak Tamaraw ay ang concert sa gabi at ngayong taon ang banda na tutugtog ay ang Spongecola. Tiyak na magiging wild nanaman ang mga estudyante mamaya. 

Anyway, ang organization nang mga magbabarkada ay IAS Sessionistas (Institute of Arts and Sciences- Sessionistas), Andito yung mga musically talented IAS students andito naka org yung mga may talento sa pag tugtog ng mga instrumento pati narin ng mga magagaling kumanta. Nasa AB sila ngayon at may dalang gitara habang nag papractice sa ipeperform nila mamaya para sa booth nila. Dahil sikat ang mag totropa ay binigyan sila ng task na mang harana ng mga estudyante. Eto kasi yung way na naisip ng president ng org nila para makakuha ng new recruits. 

"Liligawan mo na talaga tol?" Tanong ni Byul habang nilalaro ang gitara na hawak neto. Kakatapos lang kasi ng kanilang practice.

"Oo tol. Ayokong maunahan ng iba. Sa sobrang ganda ng future asawa ko baka mas lalo pa humaba yung pila." Natatawang sabi ni Seulgi.

"Support kami diyan tol. Gusto namin syempre maganda yung hipag namin." Pabirong sabi ni Wendy.

"Eto talagang si Seulgi ang mag tatayo ng bandera ng mga jeje!" Akbay ni Lisa sa kaibigan.

"Wala yan sa kajejehan tol, nasa pagiging pogi yan! Di ka kasi kayo maka relate sakin kasi masyado lang kayong trying hard magpaka pogi." Natatawang sabi ni Seulgi.

Nang makarecieve ng text si Seulgi mula sa president ng org nila ay bumaba na sila sa freedom park-- doon kasi nakahelera sa freedom park yung mga iba't ibang booth ng mga organizations. Anyway, sila na ang naka toka na magbantay ng booth habang yung ibang members ay nasa kanikanilang klase pa.

"Oh kayo muna dito a?" Sabi ni Taeyon, ang president ng Sessionistas.

"Sige ate Taeyon! Kami bahala dito!" Taas noong sabi ni Byul.

Napatawa naman si Taeyon sa sinabi ni Byul.

"Ate wag ka mag tiwala dito kay Byul, alam mong babae lang ang aatupagin niyan." Sabi ni Seulgi.

"Kaya nga pinasama ko kayo kasi wala akong tiwala pag si Byul lang." Sabi ni Taeyon kaya nag tawanan ang magkakaibigan. 

Madami ng tao sa iba't ibang mga booth at hindi rin naman magpapatalo yung booth nila dahil nga ang pakulo ng Sessionistas ay meron silang palibreng harana para sa gustong magpa harana sa kanila at may stage naman for open mic performances para sa mga gustong mang harana. Marami ring nag rerequest nang harana from Seulgi dahil marami talaga ang may girl crush sa kaniya. Siya nga ang ultimate girl crush ng MassCom department at sobrang bitter ni Byul at Lisa doon kasi sabi nila bakit andaming may crush sa jejemon nilang tropa.

"Austie sila Irene yun diba?" Turo ni Wendy kay Seulgi sa may pinaka dulong booth. Nilingon naman ni Seulgi 'yon. Nang makasigurado siyang si Irene iyon ay inilabas agad niya yung cellphone niya upang imessage si Irene.

Seulgi: Alam mo bang nahiya yung umaga sayo.

Irene: Ha? Ano?

Seulgi: Kasi mas maganda ka sa kaniya ;) boom peyns.

Irene: Hahaha. Sira.

Seulgi: Pero seryoso ang ganda mo talaga, Mal.

Irene: Anong Mal?! Sumasakit ulo ko sayo ang aga aga. Hahaha.

Seulgi: Mahal na ata kasi kita. yOwn thr33 pOints k4y S3ulg!.

Irene: Hahahaha. Akala ko tinawag mo na kong animal! 

Seulgi: Mal, tingin ka sa open stage a?

Irene: Bakit?

Hindi na nag reply si Seulgi pag tapos noon dahil bigla na siyang pumunta sa open mic habang hawak hawak ang kaniyang gitara.

"Mic test, mic test." Sabi niya.

Nag hiyawan ang mga estudyante na nasa freedom park nang makita nila si Seulgi sa may open mic.

"Hello everyone, Ako nga pala si Seulgi Austria from MassCom Department." Naghiyawan lalo ang mga tao ng magsalita si Seulgi.

"Pwede ko po bang irequest na iclear yung pathway sandali kasi may gusto lang ako makita." Natatawang sabi ni Seulgi. Nag move naman ang mga tao sa gilid ng sabihin niya yun.

"Salamat po, salamat." Sabi niya.

"Woooo! Anakan mo ko Seulgi!" Nakakalokong sigaw ni Lisa na ikinatawa ng mga tao sa paligid. Napapailing nalang sina Jennie at Wendy sa kalokohan ng mga kaibigan nila.

Hinawi ni Seulgi ang gitara sabay sabing, "This song is for you, Mal." Sabay ngumiti siya sa magandang dalagang nakatayo sa dulo ng freedom park na may gulat na expression sa mukha niya habang sina Joy at Yeri ay tinutulak siya sa kilig.

 

"Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka

Sino ba 'tong mukhang gago? Nagkandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba, Meron pang dalang mga rosas suot nama'y, maong na kupas" Nakatingin lang si Seulgi kay Irene habang binigbigkas ang mga lyrics ng kanta habang ang mga mata niya nakangiti rin kay Irene. 

 

"At nariyan pa ang barkada, Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along" Binaling naman ni Seulgi ang tingin sa mga tropa niyang nag checheer sa kaniya na mas lalong lumakas ang pag cheer na may kasama pang pag pose, dahil sa lyrics ng kanta.

 

"Puno ang langit ng bituin, At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw,At sa awitin kong ito

Sana'why maibigan mo, binubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana para sayo" Makikita at mararamdaman mo na puno ng feelings ang pagkanta ni Seulgi. Na para bang yung message ng kanta ay idinidedicate niya talaga ito kay Irene.

 

"Hindi ba't parang isang sine,Isang pelikulang romantiko

Hindi ba't ikaw ang bidang artista at ako ay iyong leading-man

Sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas" Medyo natawa pa si Seulgi sa lyrics ng kanta at sabay ang pag kindat niya kay Irene na ngayon ay namumula na sa kaniyang kinatatayuan. Mas naghiyawan ang mga tao lalo na yung mga babae na nanonood sa kaniya-- syempre nakakakilig talaga mga kindat ng isang Seulgi Austria.

 

"Puno ang langit ng bituin, At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw, At sa awitin kong ito

Sana'why maibigan mo, Ibubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana para sayo." Pikit matang tinapos ni Seulgi ang kanta at pagbukas niya neto ay sa direksyon ni Irene siya nakatingin kaya naman nag tama ang mga mata nila and they both gave each other a very shy smile-- so cute, so innocent.

Pagkatapos umawit ni Seulgi ay inapiran siya ng mga estudyante na nanonood pati na rin yung mga kaibigan niya syempre.

"Lakas mo talaga, Austie."

"Nakakabuntis mga tingin mo kanina gago!"

Habang pinagtitripan si Seulgi ng barkada niya ay nakatingin lang ito sa direksyon ni Irene at ganun din naman si Irene na nakatingin kay Seulgi habang nakangiti at umiiling dahil di siya makapaniwala sa kalokohan ni Seulgi.

Seulgi: Pogi ba? 

Irene: Parang di naman.

Seulgi: Luh, dami nga tumitili kanina e.

Irene: Oh pili ka na sa kanila kung sino yung Mal mo dun. Hahaha.

Seulgi: Oy ikaw lang ang nagiisa kong Mal tsk

Pag tapos ng shift ng mag babarkada sa booth nila ay pumunta na sila sa booth nila Irene para yayain ang mga ito upang mag lunch.

"Hi Mal, sabay kayo samin mag lunch please." Sabi ni Seulgi nung makarating sila sa booth ng student council organization.

"AYIIIIIEEEEEEEE" Kantsaw ng mga nakarinig sa sinabi ni Seulgi at nangunguna na diya si Joy at Yeri na may kasamang pahampas pa sa kilig.

"So, Mal naman pala. Irene, samahan mo na mag lunch!" Nakakalokong sabi ni Yeri kay Irene.

"Eto ba yung bagong pumuporma sa Diwa namin?" Sabi ng Student Council president na si Tifanny.

"Pres, IAS sessionista yang Mal ni Irene." Sabi ni Joy.

"Ay nako Diwa, mag ingat ka diyan manloloko ang mga taga IAS Sess." Natatawang sabi ni Tifanny.

"Tifanny? Ikaw yung ex ni boss Taeyon?" Natatawang sabi ni Lisa.

"Tumpak ka diyan Lisa." Sabi ni Joy.

"Pogi kami pareho ni pareng Taeyon pero di ako manloloko madam pres, kaya rest assured na alagang alaga 'tong si Diwa sakin!" Sabi ni Seulgi habang kinindatan si Irene.

Napairap naman ng pabiro si Irene sabay suntok ng mahina sa tiyan ni Seulgi.

"Ouch, yung abs ko! Sabihin mo nalang Mal kung gusto mo hawakan, pwede naman e." Joke ni Seulgi.

"Landi mo Seul pota! Ano arat na tayo lunch!" Yaya ni Wendy habang kinukuha yung bag ni Joy para bitbitin ito.

"Kahiya naman sayo blondie! Tara na nga!" Natatawang sabi ni Seulgi.

Inabot ni Seulgi yung tote bag ni Irene kasi may mga bitbit pa itong paperbag. Nagtungo ang mga magkakaibigan sa may Gate 4 dahil napagusapan nila na tumambay nalang muna sa apartment ni Irene dahil umalis na yung roommate niya at bumalik na ng probinsiya kaya naman magisa nalang siyang nakatira doon. Nang makadating sila sa apartment ni Irene ay agad nilang binaba yung mga gamit nila at kaniya kaniya silang hanap ng mauupuan.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
catseulrene
I'll try mag regular updates na since di na ako ganon ka busy! :))

Comments

You must be logged in to comment
Taelepani
#1
Chapter 33: otornim you’re back 🥺🥺🥺
Goeynceilove
44 streak #2
Chapter 33: Author-nim Update Juseyo 🥹🙏🐻🐰
AnneTokki #3
Chapter 33: Wishing for for new chapter 🥹
RVSone0105
890 streak #4
Chapter 33: Hahahaha wag ka pahalata mumsh Irene na affected ka parin 😉
jenlisaxx #5
Chapter 33: Irene pass sa halata HAHAHAHAHA
iamriou_
1160 streak #6
Chapter 32: Feeling ko pinsan ni Seulgi!! SDJAKHSAKDHAS
eunxiaoxlove #7
Chapter 33: Everyone: O.O
Me: O.O

Irene reject Seunho pls
green99 #8
Chapter 33: aackkkk
green99 #9
Chapter 32: ahhhhh, excited for the nc ehe
eunxiaoxlove #10
Chapter 32: Lovin the updatessss. Hoping Irene gets jealous