.07

Minsan Sa Morayta
Please Subscribe to read the full chapter

VII

Nakaupo si Irene sa pavillion as usual dahil nag-aaral siya. Hindi niya kasama sina Yeri at Joy dahil sinamahan ni Joy si Yeri na kitain yung naka match niya sa tinder nung isang araw. Napapailing nalang sa tawa si Irene dahil sa mga trip nung dalawa. Alam naman kasi niya na malakas lang talaga ang trip ni Yeri at wala siyang balak mag seryoso sa mga nakikilala niya sa dating app na yun kaya hinahayaan at sinusuportahan nalang nila ang kaibigan at baka nga naman doon niya talaga mahanap ang the one niya.

Busy siyang nag-aaral nang bigla siyang nilapitan ng magkakaibigang sina Seulgi na pawis na pawis dahil kakatapos lang nila makipag laro ng volleyball sa Quadrangle.

"Hi Mal, bakit mag isa ka?" Bati ni Seulgi kay Irene. Napakunot naman ng kilay si Irene nang makitang sobrang basa ng pawis si Seulgi.

"Bakit sobrang pawis mo?" Tanong nito kay Seulgi.

"Nag volleyball kasi kami, Mal. Sana nanood ka pinakain namin ng lupa yung mga tomboy na Arki!" Natatawang sabi ni Seulgi.

"Mas magaling kasi mga tomboy ng MassCom kasi kasama namin pambato namin, si Lisa!" Natatawang sabi ni Byul.

"Luh, ikaw lang tomboy dito Byul!" Nakakalokong sabi ni Wendy.

Natatawa nalang si Irene habang pinapanood ang mga kalokohan ng mag totropa. 

"Halika ka nga dito, Austria." Tawag ni Irene kay Seulgi na pinapaupo ito sa tabi niya. Kinuuha ni Irene yung panyo sa bag niya at pinunas ito sa mukha at leeg ni Seulgi. 

Di naman napigilan mapangiti sa kilig ni Seulgi. Syempre, ikaw ba naman punasan ng pawis ng crush mong sobrang ganda hindi ka kikiligin? Amoy na amoy pa ni Seulgi yung mabangong panyo nito kaya extra ganda points yun kay Irene. 

"Sana all may magandang taga punas ng pawis." Nakakalokong sabi ni Lisa sabay kindat kay Jennie. Natawa naman sila dahil alam nilang nagpaparinig lang 'tong si Lisa.

"Sana all may Irene Diwa." Sabi ni Byul.

"Wag mo na pangarapin yung Mal ko Byul kung ayaw mong ipaabang kita diyan sa kanto." Sabi ni Seulgi.

Naalala naman bigla ni Irene yung pagiging pocessive ni Seulgi kay Jisoo noong nakaraan na araw kaya naman tinarayan niya bigla si Seulgi.

"Mal mo mukha mo. Doon ka sa Bal mo." Sabi ni Irene sabay diin yung panyo sa mukha ni Seulgi.

"A-aray Mal! Balak mo ata burahin yung maganda kong mukha?" Natatawang sabi ni Seulgi.

"Ohhhhhhhhhh kay bal ka pala eh!" Kantsaw ng mga mag totropa kay Seulgi.

Sinamaan ng tingin ni Seulgi ang mga kaibigan niya kaya naman tumahimik ang mga ito at nagpipigil ng tawa habang pinapanood nila si Seulgi manuyo ng galit na Irene.

"Mal selos ka ba?"

"Bakit ako mag seselos, ganda ka ba?"

"Sabi ni bal, oo." Pabirong sabi ni Seulgi. Inirapan naman siya ni Irene.

"Diba? Kaya sabi ko doon ka sa kaniya. Bagay kayo."

"Pero mas bagay kasi tayo, Mal!" 

"Ayoko nga sayo kaya dun ka na!"

"Eh gusto ko nga sayo!"

Nauurat naman ang apat nilang audience na silaw na silaw na sa kalandian nilang dalawa. Paano ba naman pareho kasing pabebe sina Irene at Seulgi kala mo mag jowa e wala namang label. Mas mukha pa silang mag jowa sa tunay na mag jowa. 

"Tangina niyo pareho! Pakalandi niyo!" Natatawa na sabi ni Byul.

"Respeto naman sa amin!" Si Wendy naman.

"Para kayong mga tanga diyan! Bat di nalang kaya kayo mag halikan diba?" Sabi ni Lisa habang patawa tawa.

"Mal, dapat ka makinig sa kanila! Tara mag halikan tayo mas maganda yun!"

"Mukha mo halikan." Irap ni Irene kay Seulgi.

Napatingin naman ang lahat ng biglang may tumawag kay Irene na gwapo at matangkad na lalaki. Namukhaan naman ito ni Seulgi dahil eto yung lalaking nag hihintay kay Irene sa harap ng apartment niya noon.

"Irene!" Tawag ni Suho kay Irene.

"Suho!" Tawag pabalik ni Irene habang nakangiti sa binata.

Syempre si Seulgi ay nakatingin ng masama kay Suho habang nakakunot ang noo.

"Here, I bought you coffee." Sabi ni Suho sabay abot ng starbucks coffee.

"Thank you. Nakuha mo na TOR mo? Goodluck sa UST!" Sabi ni Irene.

"Yes, nakuha ko na. Dinaanan lang kita to say goodbye pero we can see each other outside the school pa naman, diba?" Sabi ni Suho.

Akala mo naman ay nanonood ng kdrama ang mag kakaibigan dahil grabe sila makinig sa pinaguusapan nila Suho at Irene.

"May pa see you outside the school sila mga mumsh." Natatawang biro ni Wendy.

"Anyway, these are my new friends sina Lisa, Wendy, Jennie, Byul and Seulgi." Pakilala ni Irene sa kanila at nag tanguan lang sila as a courtesy.

"Lods may pa starbucks coffee si Mayor." Bulong ni Lisa kay Seulgi.

"Taob yung kopiko78 mo diyan, brody!" Sabi naman ni Byul.

"Manahimik kayo diyan! Mas gusto ni Irene kopiko78 kasi mas effective sa puyatan!" Sabi ni Seulgi. Narinig naman ito ni Irene dahil magkatabi lang sila.

"Grabe, eto talaga yung favorite coffee ko! Thanks ulit Suho!" Sinadyang pinarinig niya ito kay Seulgi. Naiinis pa rin siya dahil sa pag bigay ni Seulgi ng coffee sa bestfriend neto at pang isnob neto sa kaniya nung isang araw na kasama nila si Jisoo.

"No problem! Malakas ka sakin, Diwa! Sige una na ako, ha? See you around." Nakangiting sabi ni Suho at nagpaalam na sa kanila.

"Mas masarap pa yung kopiko78 diyan." Nakapout na sabi ni Seulgi.

Napangiti nalang si Irene sa pagka asal bata ni Seulgi.

Hinihintay ni Seulgi si Irene sa labas ng classroom  nila dahil gusto niya sana ihatid ito pabalik sa apartment. Pano ba naman buong araw na tinatarayan ni Irene si Seulgi. Feel niya tuloy ay nagseselos ito kay Jisoo pero di makakaila ni Seulgi na nagseselos siya kay Suho. Pano ba naman kasi banat na banat ang pisngi ni Irene sa kakangiti kay Suho. Syempre na-insecure rin si Seulgi kay Suho dahil gwapo, matangkad at mukhang mayaman pa siya-- di ugali ni Seulgi ma-insecure sa lalaki . Like bakit siya maiinsecure? Maganda na siya pogi pa, at alam niya yun. Pero iba lang talaga kasi si Suho dahil kaya niyang mapangiti si Irene at yun ang kinakainis ni Seulgi.

"Oh, Seul! Asan si bal?" Nakakalokong sabi ni Yeri paglabas niya ng classroom kasama si Joy. Naiwan pa kasi si Irene sa loob at kausap pa ito ng professor nila.

"Tsk tsk. Puro ka kasi Bal yan tuloy tampo si Mal." Pabirong sabi ni Joy.

"Ay nako, bestfriend ko nga lang yun!"

"Sige, kumbinsihin mo sarili mo na bestfriend lang kayo!" Natatawang sabi ni Yeri.

"Anyway, sino yung Suho?"

"Pano mo nakilala si papa Suho?"

"Pinuntahan niya kanina sa pav si Irene." 

"Wag mo nang alamin kung sino yun sizt baka mag selos ka lang!" Nakakalokong sabi ni Yeri.

Naputol ang pagkukwentuhan nila ng lumabas na rin si Irene sa classroom.

"Oh bat andito ka bal?" Taas kilay na sabi ni Irene. Natatawa naman sina Joy at Yeri sa gilid.

"Mal naman e!" Nakapout na sabi ni Seulgi.

"Bakit ka nga andito?" Natatawang tanong ni Irene.

"Hahatid kita pauwi, malamang!" 

"Oh siya, una na kami ni Joy mukhang di mo na kami kailangan at ayaw rin naming maging third wheel niyo!" Paalam nila Joy at Yeri at nauna na silang bumaba.

Nakasimangot pa rin si Seulgi habang nakasakay sila sa elevator at napansin naman eto ni Irene.

"Bat nanaman nakasimangot ka?" Tanong niya kay Seulgi.

"Sino yung Suho? Mas gusto mo starbucks kesa sa kopiko? Sabihin mo lang yun na ibibili ko sayo." Nakapout na sabi ni Seulgi.

Napangiti naman si Irene.

"Sa tingin mo bakit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
catseulrene
I'll try mag regular updates na since di na ako ganon ka busy! :))

Comments

You must be logged in to comment
Taelepani
#1
Chapter 33: otornim you’re back 🥺🥺🥺
Goeynceilove
32 streak #2
Chapter 33: Author-nim Update Juseyo 🥹🙏🐻🐰
AnneTokki #3
Chapter 33: Wishing for for new chapter 🥹
RVSone0105
878 streak #4
Chapter 33: Hahahaha wag ka pahalata mumsh Irene na affected ka parin 😉
jenlisaxx #5
Chapter 33: Irene pass sa halata HAHAHAHAHA
iamriou_
1148 streak #6
Chapter 32: Feeling ko pinsan ni Seulgi!! SDJAKHSAKDHAS
eunxiaoxlove #7
Chapter 33: Everyone: O.O
Me: O.O

Irene reject Seunho pls
green99 #8
Chapter 33: aackkkk
green99 #9
Chapter 32: ahhhhh, excited for the nc ehe
eunxiaoxlove #10
Chapter 32: Lovin the updatessss. Hoping Irene gets jealous